“Saan po kayo pupunta?” Tumunog ang isang boses ng bata mula sa likod ni Joshua bago pa niya maibaba ang phone. Agad siyang tumalikod para makita si Neil, may suot na magandang suit. “Daddy, hindi po ba’t hindi tama na umalis kayo sa ganitong oras?” Kumunot ang noo ni Joshua bago siya ngumiti. Lumapit siya kay Neil at umupo siya para magpantay na ang mga tingin nila. “Ano ang hindi tama doon?”Naipit ang hininga ni Neil nang makaharap niya ang malamig na titig ng tatay niya, ngunit sumagot pa rin siya ng masunurin, “Daddy, nasa nakamamatay an sitwasyon po ang buhay ni Aunt Bonnie ngayon, at ginagawa po ng buong pamilya ni Mommy ang lahat para maligtas siya… kaya hindi po maganda kapag umalis kayo ngayon.” Sumingkit ang mga mata ni Joshua at tumingin siya sa batang nasa harap niya. Sa tatlong mga bata, si Nigel ang tahimik, at kahit na siya ay isang mature at mapagkakatiwalaan na bata, tila wala siyang pakialam sa balanse sa relasyon ng mga tao. Si Nellie ang pinakabata at
“Hindi ko po inaasahan na…” Nang makita niya ang lungkot sa mga mata ni Neil, hindi sigurado si Joshua kung paano niya patatahanin ang anak niya. Naiintindihan niya ang pagkadismaya at lungkot ni Neil, ngayon at sa isang punto, akala ng tatlong bata na magiging bagong tatay nila si Malcolm. Gayunpaman, hindi ito kasalanan ng mga bata; si Malcolm ang nanloko sa lahat. “Paano po kung ganito?” Lumingon si Neil at tumitig siya kay Joshua. “Pamilyar po ako kay Uncle Malcolm, kaya sa tingin ko po ay kailangan ko po siyang pigilan na kumilos habang nasa tabi kayo ni Mommy.” Sinubukan ni Neil na magpaliwanag ng kalmado at klaro. “Nabalitaan ko po na gusto niyong pumunta sa bahay ni Mr. Thomas para idemanda na isuko niya si Uncle Malcolm, pero sa tingin ko po ay mapanganib na desisyon ito, Daddy.” “Malabo po na ibibigay niya sa inyo si Uncle Malcolm, at kapag pumunta po kayo, mas lalala lang po ang tensyon sa pagitan niyo ni Mr. Thomas.” “Kahit na po wala kayong pakialam na pinsan
Binibigyan ni Rosalyn ng CPR si Bonnie sa tulong ni Yannie at ng ilang mga katulong. Pinagpapawisan ang maputlang mukha ni Rosalyn, habang nakatingin ng masama si Jim kay Charles mula sa malayo, nakatayo siya para depensahang ang sarili. “Tatay, Nanay, ano ang nangyayari dito?” Ang malamig na tanong ni Jim. Humigpit ang mga kamao niya habang tumingin siya ng masama kay Charles. “Jim, ‘wag mong sisihin ang Tatay at Nanay dahil dito; hindi nila alam na mangyayari ito…” Hawak ni Luna si Jim at sinusubukan niyang pakalmahin ito. Gayunpaman, habang ginagawa niya ito, mas nagiging balisa si Jim. “Anong ibig mong sabihin na hindi nila alam na mangyayari ito?” Sumingkit ang mga mata ni Jim, puno ng pagkamuhi ang mukha niya. “Alam niyong lahat na gigising mula sa coma si Bonnie ngayong gabi, pero hindi niyo sinabi sa akin, tama ba? At ngayon at may masamang nangyari, nagdesisyon na kayo na sabihin ang katotohanan sa akin? Kung alam ko lang…” “Kung alam ko lang na hindi mamamatay si
“Itong lahat ay dahil sayo.” Ang bawat salita na lumabas sa bibig ni Joshua ay matalas at malupit habang nagpatuloy siya na tumitig ng malamig kay Jim. “Ang lahat ng ito ay dahil sayo. Hindi mo matanggap ang katotohanan na niloko ka ni Charlotte, hindi mo matanggap ang katotohanan na sinasaktan mo si Bonnie, at hindi mo matanggap ang katotohanan na inabandona ka ng Aunt Lucy ko…” “Mabilis kang nagpapatakbo ng kotse sa highway dahil wala kang lakas ng loob para harapin ang katotohanan. Nag aalala sayo si Bonnie at sinundan ka niya gamit ang kotse niya para masigurado na ligtas ka.” “Alam mo na sinusundan ka niya at kasalanan mo ang lahat, pero makasarili ka na nakapokus sa mga emosyon mo at hindi ka huminto.” “Alam mo dapat na may mangyayari na aksidente, pero sa mga oras na ‘yun, sa sobrang pokus mo sa sarili mo ay hindi mo iniisip ang ibang tao, at ito ang rason ng pagka bangga ni Bonnie, kaya’t ang lakas ng loob mo para sisihin ang ibang tao para sa pagkakamali mo.” Ang baw
Lumuwag na ang mahigpit na mga kamao ni Jim. Lumingon siya para tumingin kay Joshua. “Dismayado… siguro si Bonnie sa akin ngayon.” Noong nakalipas na pitong taon, isinilang ni Bonnie ang mahal na anak ni Jim, at noong nakalipas na isang taon, dahil sa tadhana, nahulog si Bonnie para kay Jim. Hindi lang ‘yun, pero pagkatapos mawala ang mga alaala ni Jim, naniniwala pa rin si Bonnie na darating ang panahon na babalik ang mga alaala ni Jim. Gayunpaman, hindi narinig ni Bonnie ang paghingi ng tawad ni Jim, pati ang pag amin ni Jim ng pagmamahal kay Bonnie kahit hanggang sa dulo ng buhay ni Bonnie… Siguradong dismayado si Bonnie sa kanya, hindi ba? Baka sa sobrang lungkot ni Bonnie ay ayaw niya nang makita muli si Jim sa susunod na buhay niya. Samantala, si Jim naman ay patuloy na sinisisi ang iba dahil sa nangyari kay Bonnie, ngunit hindi niya nagawang pagsisihan ang mga pagkakamali niya. Kung… kung hindi dahil sa kanya, hindi mapupunta sa ganitong sitwasyon si Bonnie, kaya
“Sa totoo lang, isa kang ipokrito. Sinasabi mo sa akin na ang pagpapakamatay ay ang pinaka duwag na pwedeng gawin, pero ito rin naman ang pinili mong gawin.” “Sa tingin mo ba ay hindi ko alam ang tungkol sa—” Bago pa siya matapos magsalita, tumunog ang boses ng isang babae na parang hindi ito makapaniwala, “Humihinga si Bonnie? Hindi ba?!” Ang sigaw na ito ay galing kay Kate, na siyang tumutulong kay Rosalyn kanina pa. Sa sandali na sinabi niya ito, ang buong kwarto ay tila napahinto. Sa kabilang palad, tumakbo si Jim papunta sa direksyon nila bago pa mapapikit ang kahit sino. “B ko! Ang mahal kong Bonnie! Gising ka na ba?” “Oo.” Nakahinga na ng maluwag si Rosalyn habang puno ng luha ang kanyang mga mata. “Isang himala ito; isang himala!” Mula sa pagiging dalubhasa ni Rosalyn, alam niya na kapag tumigil siya sa CPR, ito na ang dulo ng buhay ni Bonnie. Kahit na nagpatuloy siya sa CPR, hindi humihinga ng mag isa si Bonnie, at hindi na magbabago ang kapalaran niya. Gayun
Tumitig si Jim kay Bonnie at hindi siya makapaniwala. Kahit na maputla at mahina ang itsura ni Bonnie, nakangiti pa rin siya at nakatitig kay Jim, at napuno ng emosyon ang puso ni Jim nang makita niya ang mga mata ni Bonnie. “Bonnie!” Niyakap ng malakas ni Jim si Bonnie na para bang mababali niya ang mga buto nito. “Ito ang pinakamagandang araw ng buhay ko! Gising ka na sa wakas…” Pinaulanan niya ng halik ang mukha ni Bonnie—mula sa noo papunta sa pilikmata, pisngi, mga labi, at sa huli ay sa panga—sinabi niya, “Mahal kita Bonnie. Naririnig mo ba ako? Mahal kita. Basta’t ‘wag mo na ulit akong iiwan… gagawin ko ang lahat ng gusto mo! Totoo ito…” Madalas na mayabang at kalmado si Jim, ngayon ay tila nawala siya sa sarili habang patuloy siya sa paghalik sa mukha ni Bonnie. Pakiramdam ni Bonnie na puno ng laway ang mukha niya, at kapag ginawa ito sa kanya ni Jim dati, agad siyang magagalit. Sa mga sandaling ito, wala siyang lakas para sigawan si Jim… at ayaw niya ring gawin ito.
“Hindi… HIndi ko na ulit siya hahawakan…” “Pwede… Pwede niyo ba ulit siyang suriin at double check kung kailangan niyang pumunta ng hospital?” “Syempre kailangan niyang pumunta ng hospital.” Nakasandal si Luna sa katawan ni Joshua, pinunasan niya ang mga luha niya at idinagdag niya, “Pero hindi ito mangyayari kung hindi mo ito gagawin.” “Papunta na ang ambulansya dito, at hahayaan mo ba talaga na ibang tao ang kumuha sa kanya?” Sa sandali na matapos magsalita si Luna, tumunog na ang mga sirena sa labas ng gate. Muling namula ang mukha ni Jim. “Tama ka.” Pagkatapos, naglakad siya papunta kay Bonnie at binuhat niya ito mula sa wheelchair. “Dadalhin ko na siya sa hospital ngayon.” Nang makarating na siya sa harap na pinto habang buhat si Bonnie sa kanyang mga braso, biglang huminto si Jim at sinabi niya, “Kahit anong mangyari, gusto ko pa rin lahat kayong pasalamatan.” Kung hindi sila nagplano ng kasal na ito para sa kanila, pipiliin niya na magpaalam ng tahimik at pribado