Kitang-kitang nayanig si Thomas dito.Nagsalubong ang kilay niya at naghihinala siyang tumingin sa assistant. "Sabi mo hindi mo na maalala ang babaeng iyon kahit gaano pa ako magpumilit sayo. Ano ba, naalala mo pa ang maling tao at ibinalik mo ang asawa ng ibang lalaki! Kung hindi ko alam na kinuha ko ang pagkabirhen ng babaeng iyon noong gabing iyon, baka naisama ko ang asawa ng ibang lalaki. Nakalimutan mo na ba yun?”"At ngayon sinasabi mo sakin na nakita mo si Yannie nang umagang yun?"Sa puntong ito, sumilay sa mga mata ni Thomas ang inis at galit. "nagkasundo ba kayo ni Xander para sadyang inisin ako ?"Alam nila kung gaano niya kinasusuklaman si Yannie, ngunit patuloy nilang sinabi sa kanya na si Yannie ay maaaring ang ina ni Riley. Ano ang nagtulak sa kanila na maging ganito kawalang-galang?Namutla si Xander at ang assistant nang makita nila kung gaano kagalit si Thomas.Hininaan ng assistant ang kanyang boses at sinabing, "Sir, ayokong magsinungaling sa iyo. Ako lang na
"Tama iyan. Magkakroon din kami ng sapat na oras para mag-alaga ng damdamin kay Ms. Riley”, sabi ng assistant ni Thomas.Napakunot ng noo si Thomas at sinulyapan ang kanyang katulong. "Ito ang pinakamagandang sinabi mo ngayon."Awkward na tumawa ang katulong at ibinaba ang ulo. Ang katotohanan ay hindi man lang sila nagsinungaling ni Xander kay Thomas. Ang babaeng nakita niya noong umaga ay si Yannie!Noong unang beses niyang nakita si Yannie mula noong nandito siya sa Merchant City, naisip niyang parang pamilyar ito. Nang banggitin ni Xander na maaaring si Yannie ang babaeng sumiping kay Thomas isang taon na ang nakalilipas ay iyon ang pumasok sa isip niya.Si Yannie ang babaeng iyon!Gayunpaman, dahil ayaw tanggapin ni Thomas ang katotohanang iyon, maaari na lamang niyang itago ang katotohanan sa kanyang sarili.Habang papunta sa ward ni Riley, nagpatuloy silang tatlo sa pag-uusap. Pagdating nila, hiniling ng nurse sa ICU na magsuot ng malinis na gown bago pumasok. Ginawa nil
“Bakit mo kailangan hanapin si Joshua?” Kumunot ang noo ni Sean habang nakatingin siya kay Kate. “Wala sa magandang kondisyon si Riley. Nasa ICU pa siya, at hindi pa rin nila nahahanap ang anak nila. Busy siya ngayon at hindi ka niya matutulungan sa problema mo, kaya…” Kumunot ang noo ni Kate at lumingon siya para tumingin ng nalilito kay Sean. “Bakit ko naman kailangan ang tulong ni Joshua?” Natuklasan niya ang sikreto ni Thomas! Ang hula niya ay hindi alam nila Joshua at Luna na si Riley ay anak ni Thomas. Bago pa ito, nabalitaan niya mula kay Luke na hinahanap nila Joshua at Luna ang magulang ni Riley. Kapag nalaman nila na si Thomas ay ang tatay ni Riley, hindi na nila kailangan maghanap! “Ikaw…” Kumunot ang noo ni Sean habang nakatingin siya kay Kate. “Hindi mo ba hinahanap si Joshua para may sabihin siyang mabuti sayo kay Luke—” “Ganun ba ang iniisip mo?” Ang sabi ni Kate bago pa matapos magsalita si Sean, ngumisi siyahabang nakatingin siya ng malamig kay Sean. “Bakit k
Kumunot ang noo ni Joshua habang nakatingin siya sa butler at kay Kate. Sa huli, tumawa siya ng malakas. “Sige na, hindi mo na kailangan maghanap. Umuwi ka na lang.” Gumulong ang mga mata ni Luna sa kabilang linya ng phone. “Ano ang ibig mong sabihin, ‘umuwi’? Tinawagan kita dahil gusto kitang tulungan. Ayos lang kung wala kang intensyon na tumulong, pero bakit mo na ako pinapauwi?” “Ito ay dahil…” Ngumiti si Joshua at sinabi niya ng may mababang tono, “Si Ms. Kate Miller ay nasa bahay na natin ngayon.” “Ano?!” Lumaki ang mga mata ni Luna. “Uuwi na ako!” Ibinaba niya agad ang phone at lumabas siya ng control room. Sa bahay ni Joshua, umupo si Joshua sa upuan habang nakatitig siya sa babaeng nasa harap niya. “Bakit ka nandito? May gusto ka bang sabihin sa akin?” Kumunot ang noo ni Kate at umupo siya sa sofa. “Oo, meron.” Pagkatapos, uminom siya ng kape at tumingin siya kay Joshua. “Kailangan ko bang hintayin ang asawa mo, o dapat ko nang sabihin ngayon?” Ngumiti si Joshu
Ngumisi si Joshua habang umupo siya ng mas komportable. “Naiintindihan ko na ngayon.” Base dito, hindi lang basta tinanggap ni Thomas si Malcolm at hinayaan na baguhin ni Malcolm ang pangalan niya at naging Lucifer Howard dahil lang mabait si Thomas. May kasunduan siguro sila na magsasabi si Malcolm ng impormasyon ni Riley para kay Thomas, at tatanggapin ni Thomas si Malcolm at bibigyan ng bagong pangalan para makabalik ito sa Merchant City ng walang problema. Gayunpaman, anak ba talaga ni Thomas si Riley? Nagkataon lang ba ito, o sinasadya ni Malcolm na gumawa ng gulo sa pagitan ni Joshua at ni Thomas? “Mr. Lynch, ano ang naiintindihan mo?” Sa hindi malamang rason, natatakot si Kate habang nakatingin siya sa misteryosong lalaki na nasa harap niya. Kahit na isang gwapong lalaki si Joshua, puno siya ng kayabangan. Ang tanging panahon na nagiging maamo ang aura ni Joshua ay tuwing nandyan si Luna. Gayunpaman, wala si Luna ngayon dito. Natakot ng sobra si Kate sa makapangyarih
Huminto ng ilang sandali si Kate at nabigo siya sa paggawa ng paliwanag. Kahit na wala siyang sinabi, naiintindihan ni Luna kung ano ang balak sabihin ni Kate. Tama si Luna; gusto ni Kate si Luke. Sinuhulan ni Kate ang mga tao sa control room para walang makakahanap sa kanya, para lang makatago siya mula kay Luke. Isa itong taktika na ginawa niya sa lalaking gusto niya. Alam niya na mahalaga siya para kay Luke at na nangako si Luke sa pamilya ni Kate na hindi mawawala si Kate. Ito siguro ang rason kung bakit ginawa niya ang taktita na ito para hindi siya mahanap ni Luke at para mag alala ito sa kanya. Dahil dito, mawawala ang atensyon ni Luke kay Gwen at si Kate na ang hahanapin ni Luke. Habang iniisip ito, mas lalong hindi nagustuhan ni Luna si Kate, lalo na dahil kaibigan ni Luna si Gwen. Kung may babae na tulad ni Kate at ginawa ito kay Joshua… Aawayin niya si Joshua dahil sa babaeng ‘yun. Gayunpaman, hindi gumawa ng gulo si Gwen dahil dito. Hindi malalaman ni Luna na may
Nabigla si Luna sa imbitasyon ni Gwen. Umalis si Kate dahil sa pag uugali niya, at ngayon, biglang gusto ni Gwen na yayain si Kate na magshopping! Si Gwen ba ay isang tao na may malaking puso, o wala lang siyang pakialam kay Luke? Alam ni Luna na ayaw ni Gwen kay Luke at lagi niyang sinusubukan na tumakas, ngunit hindi naniniwala si Luna kapag may nagsabi sa kanya na walang kahit anong damdamin si Gwen para kay Luke. Noong ipinanganak ni Luna ang sanggol niya, pumunta si Gwen sa Sea City para alagaan siya. Maraming gabi na nakikinig si Luna sa pag iyak ni Gwen habang tinatawag ang pangalan ni Luke. Kahit na hindi sinasabi ni Gwen na ayaw niya ang pagmamahal ni Luke, ang mga mata niya ay kumikinang tuwing binabanggit ang pangalan ni Luke. Ang mga mata at emosyon ng isang tao ay hindi nagsisinungaling, kaya’t nalilito si Luna. Kung may gusto si Gwen kay Luke, paano niya hahayaan na manatili si Kate sa paligid ni Luke? Huminga ng malalim si Luna at naglakad siya papunta sa isang
Sa mga oras na ito, nagta type ng message si Joshua para kay Lucas, medyo nakakunot ang noo niya habang ginagawa ito. Lumingon siya at ngumiti siya kay Luna. “Sige. Baka gumaan ang loob mo kapag nagshopping ka.” Tumango si Luna. Nang paakyat na siya para magpalit ng mga damit, tinawagan siya ni Joshua mula sa likod, “Meron kang number ni Yannie, hindi ba? Pwede mo ba itong ibigay sa akin? Kailangan ko siyang hanapin.” Huminto sa paglalakad si Luna, kumunot ang noo niya habang lumingon siya para tumingin kay Joshua. “Wala kang number ni Yannie?” Sino si Joshua Lynch? Ang lalaking may kontrol sa Merchant City. Kung gusto niyang malaman ang number ni Yannie, madali itong mahahanap ni Lucas sa loob ng ilang minuto lang. Hindi niya kailangan tanungin si Luna. “Medyo busy si Lucas.” Ngumiti si Joshua, tila pati ang mga mata niya ay nakangiti. “Pati, nandito ako, sinasabi ko sayo na kailangan ko hanapin si Yannie.” Walang masabi si Luna habang nakatingin siya kay Joshua. “Bakit mo