Kumunot ang noo ni Joshua habang nakatingin siya sa butler at kay Kate. Sa huli, tumawa siya ng malakas. “Sige na, hindi mo na kailangan maghanap. Umuwi ka na lang.” Gumulong ang mga mata ni Luna sa kabilang linya ng phone. “Ano ang ibig mong sabihin, ‘umuwi’? Tinawagan kita dahil gusto kitang tulungan. Ayos lang kung wala kang intensyon na tumulong, pero bakit mo na ako pinapauwi?” “Ito ay dahil…” Ngumiti si Joshua at sinabi niya ng may mababang tono, “Si Ms. Kate Miller ay nasa bahay na natin ngayon.” “Ano?!” Lumaki ang mga mata ni Luna. “Uuwi na ako!” Ibinaba niya agad ang phone at lumabas siya ng control room. Sa bahay ni Joshua, umupo si Joshua sa upuan habang nakatitig siya sa babaeng nasa harap niya. “Bakit ka nandito? May gusto ka bang sabihin sa akin?” Kumunot ang noo ni Kate at umupo siya sa sofa. “Oo, meron.” Pagkatapos, uminom siya ng kape at tumingin siya kay Joshua. “Kailangan ko bang hintayin ang asawa mo, o dapat ko nang sabihin ngayon?” Ngumiti si Joshu
Ngumisi si Joshua habang umupo siya ng mas komportable. “Naiintindihan ko na ngayon.” Base dito, hindi lang basta tinanggap ni Thomas si Malcolm at hinayaan na baguhin ni Malcolm ang pangalan niya at naging Lucifer Howard dahil lang mabait si Thomas. May kasunduan siguro sila na magsasabi si Malcolm ng impormasyon ni Riley para kay Thomas, at tatanggapin ni Thomas si Malcolm at bibigyan ng bagong pangalan para makabalik ito sa Merchant City ng walang problema. Gayunpaman, anak ba talaga ni Thomas si Riley? Nagkataon lang ba ito, o sinasadya ni Malcolm na gumawa ng gulo sa pagitan ni Joshua at ni Thomas? “Mr. Lynch, ano ang naiintindihan mo?” Sa hindi malamang rason, natatakot si Kate habang nakatingin siya sa misteryosong lalaki na nasa harap niya. Kahit na isang gwapong lalaki si Joshua, puno siya ng kayabangan. Ang tanging panahon na nagiging maamo ang aura ni Joshua ay tuwing nandyan si Luna. Gayunpaman, wala si Luna ngayon dito. Natakot ng sobra si Kate sa makapangyarih
Huminto ng ilang sandali si Kate at nabigo siya sa paggawa ng paliwanag. Kahit na wala siyang sinabi, naiintindihan ni Luna kung ano ang balak sabihin ni Kate. Tama si Luna; gusto ni Kate si Luke. Sinuhulan ni Kate ang mga tao sa control room para walang makakahanap sa kanya, para lang makatago siya mula kay Luke. Isa itong taktika na ginawa niya sa lalaking gusto niya. Alam niya na mahalaga siya para kay Luke at na nangako si Luke sa pamilya ni Kate na hindi mawawala si Kate. Ito siguro ang rason kung bakit ginawa niya ang taktita na ito para hindi siya mahanap ni Luke at para mag alala ito sa kanya. Dahil dito, mawawala ang atensyon ni Luke kay Gwen at si Kate na ang hahanapin ni Luke. Habang iniisip ito, mas lalong hindi nagustuhan ni Luna si Kate, lalo na dahil kaibigan ni Luna si Gwen. Kung may babae na tulad ni Kate at ginawa ito kay Joshua… Aawayin niya si Joshua dahil sa babaeng ‘yun. Gayunpaman, hindi gumawa ng gulo si Gwen dahil dito. Hindi malalaman ni Luna na may
Nabigla si Luna sa imbitasyon ni Gwen. Umalis si Kate dahil sa pag uugali niya, at ngayon, biglang gusto ni Gwen na yayain si Kate na magshopping! Si Gwen ba ay isang tao na may malaking puso, o wala lang siyang pakialam kay Luke? Alam ni Luna na ayaw ni Gwen kay Luke at lagi niyang sinusubukan na tumakas, ngunit hindi naniniwala si Luna kapag may nagsabi sa kanya na walang kahit anong damdamin si Gwen para kay Luke. Noong ipinanganak ni Luna ang sanggol niya, pumunta si Gwen sa Sea City para alagaan siya. Maraming gabi na nakikinig si Luna sa pag iyak ni Gwen habang tinatawag ang pangalan ni Luke. Kahit na hindi sinasabi ni Gwen na ayaw niya ang pagmamahal ni Luke, ang mga mata niya ay kumikinang tuwing binabanggit ang pangalan ni Luke. Ang mga mata at emosyon ng isang tao ay hindi nagsisinungaling, kaya’t nalilito si Luna. Kung may gusto si Gwen kay Luke, paano niya hahayaan na manatili si Kate sa paligid ni Luke? Huminga ng malalim si Luna at naglakad siya papunta sa isang
Sa mga oras na ito, nagta type ng message si Joshua para kay Lucas, medyo nakakunot ang noo niya habang ginagawa ito. Lumingon siya at ngumiti siya kay Luna. “Sige. Baka gumaan ang loob mo kapag nagshopping ka.” Tumango si Luna. Nang paakyat na siya para magpalit ng mga damit, tinawagan siya ni Joshua mula sa likod, “Meron kang number ni Yannie, hindi ba? Pwede mo ba itong ibigay sa akin? Kailangan ko siyang hanapin.” Huminto sa paglalakad si Luna, kumunot ang noo niya habang lumingon siya para tumingin kay Joshua. “Wala kang number ni Yannie?” Sino si Joshua Lynch? Ang lalaking may kontrol sa Merchant City. Kung gusto niyang malaman ang number ni Yannie, madali itong mahahanap ni Lucas sa loob ng ilang minuto lang. Hindi niya kailangan tanungin si Luna. “Medyo busy si Lucas.” Ngumiti si Joshua, tila pati ang mga mata niya ay nakangiti. “Pati, nandito ako, sinasabi ko sayo na kailangan ko hanapin si Yannie.” Walang masabi si Luna habang nakatingin siya kay Joshua. “Bakit mo
Nabigla si Yannie sa utos ni Joshua, tumitig siya kay Joshua na para bang hindi siya makapaniwala. “Mr. Lynch, seryoso… po ba kayo?” Nitong umaga, sinabi ni Luna sa kanya na lumayo mula kay Thomas, at tumanggi siya dito. Ngayon naman, gusto ni Joshua na maging malapit siya kay Thomas?” “Oo. Pagkatapos itong pag isipan, ikaw ang tamang tao para gumawa nito,” Ang sagot ni Joshua. Nakita ni Joshua kung paano nakaharap ni Yannie si Thomas nitong umaga. Sinabi pa ni Thomas na gusto niyang makasama si Yannie ng mas madalas habang pinilit sila nito na mangako na dapat ay kasama ni Yannie si Luna kapag may pinag uusapan sila tungkol sa negosyo. May oras dapat si Yannie para maging malapit kay Thomas. Bukod pa dito, mababawasan ang pag iingat ni Thomas dahil alam niya na kinamumuhian siya ni Yannie. Hindi iisipin ni Thomas na gusto ni Yannie na maging malapit sa kanya dahil sa ibang rason. Kaya naman, si Yannie ang pinakamagandang pagpipilian. Tumayo si Joshua at naglabas siya ng it
Kahit na handang gumastos si Joshua na 148,000 dollars para kumuha ng buhok at kuko ni Thomas, ang trabaho na ito ay hindi basta basta. Gayunpaman, mahirap para kay Yannie na kumita ng ganito kalaking halaga, kahit na magtrabaho siya ng sagad. Mas gugustuhin niya pa na gawin ito at kumita ng pera sa madaling panahon. Dahil dito, huminga ng malalim si Yannie at tumingin siya ng tapat kay Joshua. “Gagawin ko po ang lahat ng makakaya ko.” Nagdalawang isip siya ng matagal bago niya kinuha ang itim na card sa mesa at inilagay niya ito sa bulsa niya. “Salamat po sa pagtitiwala niyo sa akin, Mr. Lynch.” Tumalikod siya at handa nang umalis. Ngunit, pagkatapos ng ilang hakbang, may katanungan na lumabas sa kanyang isip. “Mr. Lynch, hindi ko po alam kung pwede akong magtanong, pero…” “Gusto mong malaman kung bakit ko gustong kunin ang DNA ispesimen mula kay Thomas,” Sumingit si Joshua bago pa matapos magsalita si Yannie. Tumango si Yannie. “Opo, gusto ko pong… malaman.” Kadalasa
Sa oras na dumating si Luna sa entrance ng shopping mall, masayang nakikipag usap si Gwen kay Kate tungkol kay Luke. Interesado si Kate sa lahat ng tungkol kay Luke, habang hindi naman nahihiya si Gwen na ibahagi kay Kate ang lahat ng nalalaman niya. Masaya silang nag uusap, at mula sa malayo, sila ay mukhang matalik na magkaibigan na matagal nang kilala ang isa’t isa. Si Luna lang ang may alam na si Gwen ay hindi isang tao na madali magkaroon ng kaibigan. Ang tanging rason kung bakit naging malapit si Gwen kay Kate, na siyang minamatahan ang boyfriend ni Gwen… ay dahil pakiramdam ni Gwen na si Kate ang pinakamabuting tao na papalit sa kanya kapag tumakas nasiya mula kay Luke. Mula sa malayo, tumingin si Luna sa kanila at hindi niya malaman kung sino ang nakakaawa sa kanila. Doon lang napansin ni Gwen si Luna. “Luna!” Ngumiti siya at kumaway siya kay Luna. “Halika dito!” Itinago ni Luna ang mga emosyon niya at naglakad siya papunta sa kanila. Dahil dumating na si Luna, si