“Nellie.”Habang natataranta ang batang babae, hinawakan ni Neil ang kamay nito.“Pasensya na po, natataranta lang po siya.”Nakahawak ang batang lalaki sa kamay ni Nellie at tumingin ito ng malamig kay Joshua. “Dahil ito na po ang desisyon niyo, wala po kaming karapatan tumanggi. Wala naman pong halaga ang salita ng mga bata. Pero dapat po kayong mangako, hindi na po magpapakita si Aura sa buong buhay namin. Kung hindi, hindi na po namin kayo kikilalanin na tatay namin.”Pagkatapos, hinila niya ang kamay ni Nellie at umakyat sila.Sumingkit si Alice at pinanood niya ang paalis na mga bata, ngumiti siya ng peke. “Ang batang ito.”Nagbuntong hininga si Joshua, Gusto mo talaga… ipadala si Aura sa Europe?”“Oo.” Ngumiti ng maliit si Alice. “Pinamihasa ng magulang namin si Aura, tumigil siya sa pag aaral pagkatapos ng middle school. Bakit hindi natin siya ienroll sa isang boarding school, para humabol siya sa edukasyon, baka mas maging mabuti siya?”Nagbuntong hininga si Joshua, “M
“Ang kapalit, pinangako niya na makakalabas ako dito.”Biglang naging kasing putla ng multo ang mukha ni Luna.Pinaghirapan niya na mapunta si Aura sa kulungan.Pero ngayon, dumating si Alice at nasayang ang lahat ng ginawa niya.“Sinabi ko sayo, masyado kang tanga.” Tumawa si Aura, “Sadya mong binura ang lahat ng bakas ni Luna, ayaw mong umamin na ikaw si Luna Gibson. Kung ayaw mong maging si Luna Gibson, maraming tao na papayag na papalit sayo. Ngayon, si Alice Gibson na ang bagong Luna Gibson, pero wala kang paraan para patunayan ang pagkakakilanlan mo. Hindi ba’t nakakaawa ka? Pinaghirapan mo na mapunta ako dito, pero para saan? Ang kailangan lang ni Joshua ay ilang bulong sa kanyang tainga, at makakalabas na ako.”Pagkatapos, humikab si Aura. “Oo nga pala, nung binigay ni Alice ang mungkahi na ito, sa tingin mo nagsiping sila?”Humigpit ang puso ni Luna.Kumirot ito.Ngunit pilit siyang ngumiti ng kalmado. “Ano naman kung magkasama sila? Sa tingin mo ba hindi pa siya sumam
Habang nakatayo at umiihip ang malamig na hangin, tumitig si Luna sa tatlong miyembro ng pamilya Gibson at pumasok na ang mga ito sa kotse at umalis.Simula pa nung bata sila, ang pagmamahal ng magulang nila ay nakapokus na kay Aura. Hindi siya nakakuha ng ni isang butil nito.“Luna!”Habang nakatulala siya, nakalapit na si Anne sa kanya.“Ayos ka lang ba?”“Ayos lang ako.”Kumapit si Anne sa braso niya at malambing nitong sinabi, “Tara, pupunta tayo sa bahay para sa soup!”Pumasok silang tatlo sa kotse ni John. Habang pauwi, walang tigil sa pagkwento si Anne tungkol sa mga nagkataong pangyayari nung araw na ‘yun.Nung araw na ‘yun, dahil sa pregnancy test ni Luna, nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan sa pagitan nila Anne at ni John, at napromote pa si John sa huli.Tumingin si Luna sa labas ng bintana, lumabas sa mga mata niya ang eksena nung araw na ‘yun.Nung gabing ‘yun, nagsiping sila ni Joshua makalipas ang anim na taon.Sa kasamaang palad, hindi siya nabuntis. Napuno ng
“Bad mood po siya, kaya’t uminom po siya at nakatulog.”Dumilim ang mga mata ni Joshua.Matapos ang ilang saglit, nagbuntong hininga siya, “Naiintindihan ko siya.”Ang dalawang bata na na pinagbuhusan niya ang lahat ng oras at pagsisikap niya ng anim na taon ay napunta na sa kamay ng mga magulang nito, baka nahihirapan siya na tanggapin ito?“Mr. Lynch.” Sumimangot si Anne. “May tanong po ako.”“Sige lang.”“Lagi niyo pong sinasabi sa publiko na mahal niyo ang asawa niyo, gusto niyo po siyang umuwi at aalagaan niyo po siya ng buong buhay niyo. Pero ngayon at bumalik na po talaga siya, pumunta po kayo dito ng gabing gabi. Kayo po ba ay… nahulog na para kay Luna?”“Ms. Zimmer, magaling ka magbiro.” Tumanggi agad si Joshua. “Nagpapakita lang ako ng pagmamalasakit.” Ngumiti siya ng maliit. “Kung sabagay, minsan niyang binuhos ang lahat ng oras at pagsisikap niya sa mga anak ko.”Tumawa si Anne.“Ayos lang po kung ayaw niyong aminin. Aakyat na po ako. Umuwi na rin po dapat kayo, ba
Habang nakaharap sa mga reporter at ang mga camera nila, sumimangot si Luna.Bakit nandito ang mga reporter sa apartment ni Anne?Ang mga Gibson lang ang nasa labas ng police station. Si Joshua, Anne, at ang boyfriend lang ni Anne ang may alam na nagpalipas ng gabi si Luna sa apartment ni Anne.Hindi naman kailangan ni Joshua na ipahiya siya.Kaya’t si Aura siguro ang may pakana nito.Suminghal siya. Mahilig talaga gumawa ng gulo si Aura, gumawa agad siya ng gulo sa sandali na nakalaya na siya. Puno talaga ng dedikasyon ang kapatid niya.Habang iniisip ito, tumawa siya ng malakas, elegante niyang sinabi, “Pasensya na, pero dapat niyong tanungin si Mr. Lynch tungkol dito. Inannounce ko nga ang relasyon ni Mr. Lynch at dumating na nga ang ex-wife ni Mr. Lynch. Kung maghiwalay man kami o hindi, at kung magpatuloy ako sa pagtrabaho ko sa Lynch Group, desisyon ito lahat ni Mr. Lynch, hindi ba? Gusto niyo bang sabihin ko ang address niya?”Tumahimik ang mga reporter dahil sa mahinahon
"Hindi ka interesado, kahit na ito ay tungkol sa iyong buhay at kapanganakan?""Anong buhay at kapanganakan?""Alam kong magiging interesado ka."Napangiti si Aura. "Pumasok ka, hindi kita kakainin."…Dinala ni Aura si Luna sa malapit na coffee shop."Sabihin mo na."Nakaupo sa upuan, huminga ng malalim si Luna at tinignan ang babaeng nasa harapan niya ng malamig na mga mata.Humigop ng kape si Aura. "Gusto kong magbigay ng ilang oras bilang buffer..."Pagkatapos, inilapag niya ang tasa ng kape sa kanyang mga kamay. "Narinig mo na gusto mong pag-usapan natin ang iyong buhay at kapanganakan, sa palagay mo, malamang na hindi ka, anak ni Mama at Papa?"Kumunot ang noo ni Luna at walang sinabi."Maiintindihan mo ‘yan kung iisipin. Pagkatapos ng lahat, sa lahat ng mga taon na ito ay tinatrato ka nina Mama at Papa na parang ampon. Ngunit ang katotohanan sa katunayan ang ganap na kabaligtaran.Lumipat si Aura sa mas komportableng posisyon at humiga sa sofa. "Hindi ako ang kanilan
Pagkatapos umalis ng coffee shop, pumunta ng palengke si Luna para bumili.Hindi magaling sa pagluluto si Anne, kaya dahil magkasama na sila sa isang bahay, natural na si Luna ang bumibili ng grocery at tagaluto ng pagkain.Habang hawak ang grocery, tumayo si Luna sa pinto. Kinuha niya ang susi nang marinig niya ang nahihiyang boses ni Anne mula sa loob.“Pauwi na si Luna, John, ‘wag…”“Parang kupido naman na natin siya, ayos lang ‘yun sa kanya…”“Bad mood siya nung nakaraan, marami siyang problema, baka mainis siya sa atin.”“Bilisan na lang pala natin, bago siya umuwi…”Sumimangot si Luna.Bad timing.Nilapag niya ang mga grocery sa entrance, huminga siya ng malalim at umalis na siya.Dumilim ang kalangitan, at maliwanag ang mga ilaw sa Banyan City na puno ng neon lights.Matagal na gumala ng mag isa si Luna sa mga kalsada.Hindi niya napansin na napunta siya sa entrance ng isang art gallery.Tumingin siya sa display board sa entrance: Art Exhibition ng Kilalang Artist n
Pagkatapos, tumuro siya sa painting sa likod niya. “Mrs. Lynch, alam mo ba ang pangalan ng painting na ito?”Umikot ang mga mata ni Alice.Sinusubukan ba siya ng babaeng ito?Sumagot siya ng basta basta, “Ang pangalan ng painting na ito ay ‘The Act’, ginagamit ito para punahin ang mga tao na sadyang nagpapanggap sa harap ng iba para magmalaki.”Ngumiti si Luna. “Bagay pala ang painting na ‘yan sayo.”Huminto si Alice at napagtanto niya na ginagamit ni Luna ang painting para laitin siya!Inakusahan siya ng pagpapanggap!Namuo ang galit sa dibdib ni Alice. Hinila niya ang braso ni Joshua, “Honey, sinasabi niya na hindi natin mahal ang isa’t isa. Halikan mo ako para patunayan natin sa kanya!”Bahagyang tumigas ang katawan ni Joshua, nakakapit pa rin si Alice sa braso niya.Awkward na ang sitwasyon dahil nakasalubong nila si Luna, at ngayon gusto ni Alice na maging malambing sila sa harap ni Luna?At… halikan si Alice?Sumimangot si Joshua. “‘Wag ka nang gumawa ng eksena.”Dahi