"Hindi ka interesado, kahit na ito ay tungkol sa iyong buhay at kapanganakan?""Anong buhay at kapanganakan?""Alam kong magiging interesado ka."Napangiti si Aura. "Pumasok ka, hindi kita kakainin."…Dinala ni Aura si Luna sa malapit na coffee shop."Sabihin mo na."Nakaupo sa upuan, huminga ng malalim si Luna at tinignan ang babaeng nasa harapan niya ng malamig na mga mata.Humigop ng kape si Aura. "Gusto kong magbigay ng ilang oras bilang buffer..."Pagkatapos, inilapag niya ang tasa ng kape sa kanyang mga kamay. "Narinig mo na gusto mong pag-usapan natin ang iyong buhay at kapanganakan, sa palagay mo, malamang na hindi ka, anak ni Mama at Papa?"Kumunot ang noo ni Luna at walang sinabi."Maiintindihan mo ‘yan kung iisipin. Pagkatapos ng lahat, sa lahat ng mga taon na ito ay tinatrato ka nina Mama at Papa na parang ampon. Ngunit ang katotohanan sa katunayan ang ganap na kabaligtaran.Lumipat si Aura sa mas komportableng posisyon at humiga sa sofa. "Hindi ako ang kanilan
Pagkatapos umalis ng coffee shop, pumunta ng palengke si Luna para bumili.Hindi magaling sa pagluluto si Anne, kaya dahil magkasama na sila sa isang bahay, natural na si Luna ang bumibili ng grocery at tagaluto ng pagkain.Habang hawak ang grocery, tumayo si Luna sa pinto. Kinuha niya ang susi nang marinig niya ang nahihiyang boses ni Anne mula sa loob.“Pauwi na si Luna, John, ‘wag…”“Parang kupido naman na natin siya, ayos lang ‘yun sa kanya…”“Bad mood siya nung nakaraan, marami siyang problema, baka mainis siya sa atin.”“Bilisan na lang pala natin, bago siya umuwi…”Sumimangot si Luna.Bad timing.Nilapag niya ang mga grocery sa entrance, huminga siya ng malalim at umalis na siya.Dumilim ang kalangitan, at maliwanag ang mga ilaw sa Banyan City na puno ng neon lights.Matagal na gumala ng mag isa si Luna sa mga kalsada.Hindi niya napansin na napunta siya sa entrance ng isang art gallery.Tumingin siya sa display board sa entrance: Art Exhibition ng Kilalang Artist n
Pagkatapos, tumuro siya sa painting sa likod niya. “Mrs. Lynch, alam mo ba ang pangalan ng painting na ito?”Umikot ang mga mata ni Alice.Sinusubukan ba siya ng babaeng ito?Sumagot siya ng basta basta, “Ang pangalan ng painting na ito ay ‘The Act’, ginagamit ito para punahin ang mga tao na sadyang nagpapanggap sa harap ng iba para magmalaki.”Ngumiti si Luna. “Bagay pala ang painting na ‘yan sayo.”Huminto si Alice at napagtanto niya na ginagamit ni Luna ang painting para laitin siya!Inakusahan siya ng pagpapanggap!Namuo ang galit sa dibdib ni Alice. Hinila niya ang braso ni Joshua, “Honey, sinasabi niya na hindi natin mahal ang isa’t isa. Halikan mo ako para patunayan natin sa kanya!”Bahagyang tumigas ang katawan ni Joshua, nakakapit pa rin si Alice sa braso niya.Awkward na ang sitwasyon dahil nakasalubong nila si Luna, at ngayon gusto ni Alice na maging malambing sila sa harap ni Luna?At… halikan si Alice?Sumimangot si Joshua. “‘Wag ka nang gumawa ng eksena.”Dahi
“Diyos ko…”Nang mapunta ang mga daliri ni Luna sa painting, sumigaw si Alice, “‘Yan ang paboritong painting ni Mr. Allen! Luna, kahit na ayaw mo sa akin, hindi mo kailangan sirain ang painting na ‘to dahil lang gusto ko ‘yan!”Wala masyadong tao sa exhibition hall pag gabi, at madilim sa lugar na kinatatayuan nila, kaya’t walang nakapansin sa kaguluhan nilang dalawa.Dahil sa sigaw ni Alice, napunta ang atensyon ng lahat ng tao sa kani.Bago pa makatayo ng maayos si Luna, narinig niya na ang mga boses at tumingin na sa kanya ng mapamuna ang mga tao.“Bakit ka pumunta sa isang art exhibition kung hindi mo pinapahalagahan ang art?”“Ang alam ko may umalok kay Master Allen ng sampung milyon na dolyar para bilihin ang art na ito pero tumanggi siya!”“Diyos ko, kaya niya bang bayaran ito?”“Baliw talaga ang mga babaeng selosa, sinira niya niya ‘yan dahil lang gusto ‘yan ng ibang tao?”…Klaro ang mga pag uusap ng madla.Ngumiti ng peke si Luna.Hindi niya pinansin ang mga boses
Sa isang sulok sa second floor, may kausap siya sa phone.At ang direksyon kung saan siya nakatingin… ay ang direksyon kung saan tinulak ni Alice si Luna!Sa isang saglit, naging kasing putla ng isang multo ang mukha ni Luna.“Si Mr. Lynch ang sponsor namin, at asawa niyo siya, siguradong magiging tapat at patas siya.”Pagkatapos, agad na inutusan ng manager ang staff niya. “Imbitahin niyo dito si Mr. Lynch!”Agad na naging pangit ang ekspresyon ni Alice.Pinagsisisihan niya ang ginawa niya ngayon.Nakita siya ni Joshua na tinutulak si Luna.Kakabalik niya lang sa tabi ni Joshua, at hindi pa sila malapit sa isa’t isa, kapag napansin ni Joshua na hindi siya kasing bait ng tulad ng pagpapanggap niya...Paghihinalaan ba siya ni Joshua?“Ms. Luna.”Kalmadong tumingin ang manager. “Kung intensyonal mo na sinira ang painting o sinet up ka, malalaman natin ang katotohanan kapag dumating na si Mr. Lynch.”Tumayo sa lugar si Luna at humigpit ang mga kamao niya sa kanyang gilid. Sine
Huminto si Joshua sa paglalakad.Tumalikod siya, may malamig na ekspresyon sa kanyang mukha, tumingin siya sa lalaking nasa likod niya at sinabi, “Master Allen, nagkakamali ata kayo…”Sa tabi ni Theo, mabilis na lumapit ang manager. “Ang tao po na sumira ng painting niyo ay si Ms. Luna at hindi si Mrs. Lynch.”Ngumiti ng maliit si Theo, tumingin siya sa direksyon ni Luna. “Bakit hindi mo sinabi na sinet up ka? Dahil lang ba nagbayad siya ng sampung milyon para sayo?”Namutla si Luna.Tumingala siya at tumingin kay Theo, pagkatapos ay tumingin siya kay Joshua.Malamig at walang ekspresyon ang mukha ng lalaki.“Dahil wala pong tumatayo sa panig ko.”Makalipas ang ilang saglit, tumingala siya at tumingin kay Joshua, binigkas niya ng bawat salita, “Walang CCTV recording, at nanatiling tahimik ang tanging saksi, kahit anong sabihin ko, walang maniniwala sa akin.”“Bakit naman walang maniniwala sayo?”Tumawa ng mahina si Theo, lumapit siya kay Luna, at tumingin siya ng kalmado kay
Tumingin si Joshua sa direksyon kung saan umalis sina Luna at Theo, magkahawak ang kanilang mga kamay. Ilang minuto pa lamang silang nagkakilala, ngunit magkahawak na sila ng kamay na parang magkasintahan!Hindi napigilan ni Joshua na sumimangot ng makita niya ito.“Joshua… Wala ka ba talagang nakita?” Ang tanong ni Alice habang pababa sila sa hagdan, nakahawak pa rin siya sa braso ni Joshua.Tumitig lang ng blanko si Joshua sa harap. “Ano sa tingin mo?”Kinagat ni Alice ang mga labi niya at tumahimik siya. Matapos ang ilang saglit, nagsalita siya, “Sa totoo lang, kasi—”“Alam ko,” Muli siyang siningitan ni Joshua. “Alam ko na gusto mong maghiganti kay Luna dahil sa pagkidnap sa mga anak mo, pero ito ang una at huling beses, Alice.”Huminga ng malalim si Joshua bago siya nagpatuloy, “Kung may sama ng loob ka pa rin sa kanya, hindi mo na dapat siya pinalaya. Ngayon at pinalaya mo na siya, hindi ka na dapat naghihiganti sa kanya.” Ang boses niya ay mababa at seryoso.Kabadong kina
“Nagtataka lang po ako,”Ang sabi ni Luna habang nasa passenger seat siya at tumingin siya sa kalsada sa harap. “Paano niyo po nalaman na hindi ako ang sumira ng painting niyo?”Ngumiti si Theo habang humigpit ang hawak niya sa manibela. “Paano kapag sinabi ko sayo, naniniwala ako na hindi ganitong klaseng tao si Moon?”Nabigla si Luna sa sagot ni Theo bago siya tumawa. “Pamilyar sa akin si Mr. Allen?”“Interesado rin ako sa jewelry design dati, at sinubukan ko rin ‘yun dati, pero sumuko rin ako sa huli dahil masyadong mahirap para sa akin. Sa mga panahong ‘yun, nag research din ako, at nakita ang mga gawa mo. Higit pa sa sikat ang pangalan ni Moon sa industriya ng jewelry design.”Nabigla si Luna nang marinig niya ito, ngunit pagkatapos pag isipan ng ilang saglit, inisip niya na tama lang ito. Kung hindi siya nakilala ni Theo bilang si Moon, baka hindi siya niligtas nito kanina, at baka hindi rin siya ihatid pauwi.Ngumiti ng maliit si Luna. “Ang liit nga naman ng mundo.”“Mabuti