Napabuntong-hininga si Rosalyn at hinawakan ang kamay ni Charles para aluin habang dahan-dahan silang umalis.Sa loob ng kwarto, hinawakan ni Jim ang kamay ni Bonnie. Habang pinagmamasdan niya sina Charles at Rosalyn na papaalis sa bintana, sa huli ay hindi niya napigilan ang sarili na mapabuntong-hininga.Pinisil niya ang malamig na kamay ni Bonnie at sinabing, "Bonnie, pumayag na sila na magpakasal tayo...""Alam kong kapag nagising ka ngayon, tatanggihan mo pa rin ako dahil sa tingin mo ay hindi ko ito sadya, na pinakasalan lang kita dahil kay Harvey o para kutyain ka lang. Ang totoo..."Ibinaba niya ang katawan at inilapat ang palad ni Bonnie sa mukha niya. "Hindi ito ang totoo."Ipinikit niya ang kanyang mga mata, at isang luha ang dumaloy sa kanyang pisngi.Kailan siya nahulog kay Bonnie?Malamang sa unang pagkakataon na titigan siya nito.Ang unang beses niyang nakita ay wala sa Tea Cottage ngunit nang makita niya ang larawan sa kanyang laptop.Sa loob ng larawang iyon,
Kumunot ang noo ni Jim at sinabing may bakas ng kawalan ng kakayahan, "Harvey, alam kong mahirap tanggapin ito, pero..."Napakagat labi si Harvey at tuluyang hindi napigilan ang pagpatak ng kanyang mga luha. "So...Si Mommy talaga ay..."Mataimtim na tumango si Jim. Binitawan niya ang kamay ni Bonnie at naglakad papunta sa pinto, saka tumingkayad at binuhat si Harvey sa kanyang mga braso. "Harvey…”"Kasalanan ni Daddy ang lahat. Marami akong nagawang pagkakamali at naging duwag ako para harapin ang nararamdaman ko. Sa oras na sa huli ay nakakuha ako ng lakas ng loob na harapin ang katotohanan, huli na ang lahat."Inabot ni Harvey at marahang ipinulupot ang kanyang maikling braso sa nanginginig na likod ni Jim. "Daddy...umiiyak ka ba?"Saglit na natigilan si Jim, saka biglang napagtanto na tumulo na pala ang luha niya habang hawak ang kamay ni Bonnie.Natahimik siya.Ang huling pag-iyak niya ay noong siya ay pumasok sa ampunan nang mag-isa, sinusubukang hanapin si Luna. Halos 20 t
Ganito siguro sila ni Number-9 noong nagkita sila sa orphanage noon.Binigyan niya si Number-9 ng tanda ng alaala upang muli nilang mahanap ang isa't isa sa hinaharap, ngunit hindi siya nangahas na magpaalam sa kanya at sabihin dito ang tungkol sa kanyang nararamdaman bago siya umalis.Palagi niyang iniisip na magkakaroon siya ng pagkakataon na makita itong muli, ngunit kahit hanggang ngayon ay hindi pa rin niya ito natutunton.Tila ito ay isang paulit-ulit na tema sa lahat ng kanyang mga relasyon, kasama si Bonnie sa sandaling ito.Palaging mahuhulog si Jim sa bitag ng pag-iisip na mayroon siyang maraming oras para ipagtapat ang kanyang nararamdaman at magsimula ng isang relasyon sa taong mahal niya, ngunit bigla na lamang, pitong araw na lang ang natitira kay Bonnie.Pumikit siya. "Harvey, Nagpaplano akong…mag-host ng kasal kasama ang Mommy mo bukas."Nanigas ang buong katawan ni Harvey nang marinig ito. Agad niyang sinulyapan si Bonnie, pagkatapos ay si Jim. "Pero hindi pa rin
"Ito ay hindi magkapareho!" Galit na tingin ang ipinukol ni Luna kay Theo, nagsalubong ang mga kilay niya sa sarkastikong kinikilos nito. "Alam mo kung bakit ako nagagalit; ito ay ang katotohanan na hindi humingi ng permiso si Jim kay Bonnie at pilit na inanunsyo na sila ay magpapakasal. Ito ay ang katotohanan na gusto niyang pakasalan si Bonnie habang siya ay nasa coma sa pamamagitan ng pamumuwersa.”"Isipin mo kung mangyayari ito sa pagitan niyo ni Roanne. Parehong teorya ang gustong pakasalan si Roanne nang hindi humihingi ng permiso sa kanya."Nagtaas ng ulo si Luna. "Namatay si Roanna. Hindi talaga namin malalaman kung handa siyang pakasalan ka kung nandito pa siya."Ngumiti ng mapait si Theo. "Ito ay ang huling hiling niya.""Sinabi niya ba iyon sa iyo?" Malamig na tinitigan siya ni Luna. "Ang gusto lang niya bago siya huminga ay ang isang yakap mula sa iyo. Maaaring hindi ako malapit sa kanya, pero...tunay na nararamdaman ko na iyon lang ang gusto niya. Hindi niya inaasahan
"Sa katunayan, nakipag-blind date ako kay Dr. Liddell noon, pero wala siyang nararamdaman sa akin noon."Hindi maiwasan ni Caleb na sumulyap saglit kay Theo. "Dapat akong magpasalamat sa isang tao sa pagbibigay sa akin ng pagkakataong pakasalan si Dr. Liddell."Sa pagkakataong ito ay naputol ang pag-iisip ni Theo. Tumayo siya para bumalik sa kanyang kwarto at malakas na sinara ang pinto kaya narinig iyon ng lahat.Ang kalabog, gayunpaman, ay nakagising kina Shelly at Riley, na mahimbing na natutulog sa silid sa itaas. Malakas na umalingawngaw ang kanilang mga iyak sa buong villa. Kinailangan silang aliwin ng yaya ng ilang minuto bago sila tuluyang kumalma.Napakamot ng ulo si Luna at ngumiti kay Rachel at Caleb ng alanganin. "Mayroon kaming ilang mga bata sa bahay ngayon, at kamakailan lamang ay natakot sila, kaya...""Ayos lang. Ang pag-iyak ay nagpapatunay na malakas ang sigla nila." Kinagat ni Rachel ang kanyang mga labi at umupo sa sofa. "Ms. Luna, sigurado ka ba na sinabi ng
Natahimik ang sala sa sinabi ni Joshua.Inangat ni Rachel ang kanyang ulo nang walang malay na may bakas ng hindi makapaniwala sa kanyang mga mata. "Ano ang nais mong ipahiwatig, Mr. Lynch?"Nagtaas siya ng kilay habang idinagdag, "Minamaliit mo ba ako?"Napatingin si Joshua kay Rachel habang nakakulot ang mga labi. “Mas may tiwala ako sa biyenan ko, yun lang. Dr. Liddell, inaamin ko na ikaw ay isang napakahusay na doktor sa iyong larangan, at ako, sa kabilang banda, ay walang kaalaman sa medisina.”"Gayunpaman, naniniwala ako na ang aking biyenan ay hindi nagkaroon ng lapse of judgment sa pag-diagnose kay Bonnie."Ibig sabihin ni Joshua ay mali si Rachel dahil kumbinsido siya na hindi maaaring magkamali si Rosalyn. Gayunpaman, si Rachel ay hindi isang taong handang tanggapin lang at ipagpatuloy kapag ang isang taong walang kaalaman sa medisina tulad ni Joshua ay pumuna sa kanya.Wala pang nangahas na sabihing nagkamali siya mula nang mag-aral siyang maging doktor, at si Joshua a
'Si Rachel ay...'Ilang araw na ang nakalilipas, nawalan siya ng pag-asa nang makitang nag-aalboroto si Theo sa Civil Affairs Bureau para lang makakuha ng legal marriage license.Ilang araw pa lang ang lumipas mula noong araw na iyon, ngunit nagkakamali na siya sa kanyang trabaho dahil lang sa tuwang-tuwa siyang maging engaged na siya kay Caleb.Noon, alam ni Theo na mayroong isang napakapropesyonal na doktor na iginagalang ang kanyang trabaho sa pangalan ni Rachel Liddell. Ni minsan ay hindi rin siya nagkamali sa kanyang trabaho.Matapos niya itong makilala, madalas niya itong sinasamahan at nandoon para masaksihan ang matagumpay na pagkumpleto nito ng maraming operasyon na hindi nangahas na subukan ng marami. Kahit na nagdusa siya sa matinding pressure, hindi siya nagpatinag.Nagbago iyon pagkatapos niyang ma-engagel kay Caleb.Ibig bang sabihin ay napakahalaga ni Caleb sa kanya? Parang hindi naman siya ganoon ka-excited nang mangako siyang magiging girlfriend ni Theo.Masakit
Huminto si Luna habang nakatingin muli sa malungkot na mga mata ni Sean. Gusto niyang sabihin kay Sean ang totoo, pero nahihirapan siya.Ibinuka niya ang kanyang bibig nang mawala ang kanyang boses sa kanyang lalamunan. "Sean, ikaw ay..."Alam ni Luna na may crush si Sean kay Bonnie, pero hindi niya inaasahan na ganoon pala kalalim ang nararamdaman nito para sa kanya. Matindi ang lungkot at kawalan ng pag-asa sa mga mata ni Sean kaya hindi nakayanan ni Luna na sabihin sa kanya ang katotohanang makakasakit sa kanya.Si Sean ay parang sugatang tuta, naghihintay sa kanyang may-ari na magbigay ng ultimatum. Bumuntong-hininga si Luna at ibinaling ang mukha sa kabilang side, ayaw magsalita."Oo, ikakasal si Bonnie kay Jim ngayon." Tumayo si Joshua at hinila si Luna sa kanyang mga braso, nakatingin kay Sean ng walang pakialam. "Sean, bilang biological brother ni Jim at inaanak nina Charles at Rosalyn, dapat masaya ka."Lumapit si Joshua at ginamit ang kamay niya para ituwid ng marahan an
Kumunot ang noo ni Luna nang marinig niya ito.Kailangan niyang itago si Gwen kapag bumisita si John sa kanila. Kasabay nito, kailangan niya ng ibang tao para magpanggap na si ‘Andie Larson’.Habang iniisip ito, nagbuntong hininga si Luna at tumingin siya ng makahulugan kay Tara.Naintindihan ito ni Tara at tumango siya, pagkatapos ay naglakad siya pabalik ng elevator kasama si Luna.Nang sumara ang pinto, nagbuntong hininga si Tara at sinabi niya ng pagod na tono, “Salamat sa Diyos at nabigo si Robyn ng memorya niya. Kung hindi, sira na ang lahat ng plano natin.”Tumango si Luna. Pagkatapos, tumingin siya kay Tara at tinanong niya, “Oo nga pala, paano nagkakilala si John at ang tatay ni Gwen?”Kahit na si Andy ay dinala ng mga tauhan ni Tyson sa Sharnwick City. Paano napunta sa parehong kwarto si John at sumalo pa siya ng bala para dito?Kinidnap rin ba si John ng mga taong ito? Kung ganun, bakit nila ito ginawa?Nang mabanggit ito, nagbuntong hininga si Tara at nagpaliwang si
Sumilip si Luna sa crack mula sa pinto.May suot na hospital gown si John, nakaupo ito sa kama at kumakain habang kausap si Robyn. “Sinabi ba talaga ‘yun ni Miss Moore?”Tumango si Robyn. “Nakasalubong ko rin sa elevator ‘yung babae na bumili ng tanghalian na ito kanina. Hindi ka maniniwala, konektado din siya kay Miss Moore! Magpinsan sila sa kasal!”Huminto ang kamay ni John, halata na nabigla siya. Tumawa siya at tinanong niya, “Talaga? Nagkataon nga naman.”“Tama ka! Maliit ang mundo natin!” Tumango si Robyn. “Hindi lang ‘yun, pero dahil magpinsan sila sa kasal, may koneksyon din siya sa lalaking niligtas mo kagabi. Sa tingin ko ay ang pangalan niya ay…”Napatalon ang puso ni Luna sa lalamunan niya nang marinig niya ito.Nagkaroon siya ng isang malaking pagkakamali. Hindi niya sana babanggitin ang pangalan ni Gwen kung alam niya lang na si John ang lalaking nagligtas sa tatay ni Gwen!Malapit na masira ang sikreto nila!Habang iniisip ito, hindi niya mapigilan na tumingin k
Tumaas ang mga kilay ni Luna kay Tara. “Sinasabi mo ba na anim na buwan mo nang alam ang tungkol kay Anne at John?”Tahimik ng ilang sandali si Tara bago siya tumango. “Oo.”Huminga siya ng malalim at tumitig siya ng seryoso kay Luna. “Dati, ang lahat lang ng alam ko tungkol sayo ay pinakasalan mo ang pinsan ko at biniyayaan kayo ng triplets. Nabalitaan ko rin na sa isang punto, naging malapit ka kay Christian, pero wala na akong ibang impormasyon maliban dito. Isang araw, sinabi ng tita ko sa akin na ikaw, ang asawa ng pinsan ko, ay walang iba kundi si Moon, ang paboritong jewelry designer ko.”“Simula nang matuklasan ko ito, napunta ang atensyon ko sayo at naghanap ako ng mga balita tungkol sayo. Dahil dito, alam ko ang tungkol sa murder at trial mo, kaya alam ko ang tungkol kela Anne at John.”Lumaki ang mga mata ni Luna sa gulat.Hindi siya makapaniwala na si Tara ay palihim na isa sa mga fans niya, sa punto na binabantayan nito ang balita tungkol kay Luna kahit na nakatira si
Matagal na natulala si Luna.Sa huli, bumalik siya sa sarili at humawak siya ng sabik sa braso ni Robyn. “Sinasabi mo ba na ang kapatid mo ang nagligtas sa lalaki na hinahanap ng lahat sa buong bayan?”Hindi inaasahan ni Robyn ang reaksyon ni Luna. Napaatras siya sa takot at tumango siya. “O… Oo.”Bakit sabik si Luna na marinig ito?Kumunot ang noo niya at tinanong niya, “Miss, kilala… mo ba ang kapatid ko? O may koneksyon kayo sa matandang lalaki kagabi?”Sasagot sana ng oo si Luna sa mga tanong na ito nang sumingit si Tara. “Syempre may koneksyon siya sa matandang lalaki. Asawa siya ng pinsan ko, kaya may koneksyon siya sa matandang lalaki na niligtas ng kapatid mo. Sabik lang siya na makilala ang lalaki na lumigtas sa buhay ng matandang lalaki.”Pagkatapos, tumingin siya kay Luna. “Hindi ba, Luna?”Napahinto ng ilang sandali si Luna, pagkatapos ay tumango siya. “Oo, masaya lang ako na ligtas siya ngayon.”Pagkatapos, lumingon siya para tumitig ulit kay Robyn. “Kamusta na ang
“Um…”Ngunit, bago pa sumagot si Tara, sumingit si Robyn. “Hindi ba’t sinabi ko sayo na ang kapatid ko ay nabaril? Ito ay dahil pinoprotektahan niya ang isang matandang lalaki kagabi.”“Nakidnap silang pareho, at ang lalaki na ‘yun ay papatayin dapat ng kidnapper. Kung hindi humarang ang kapatid ko para iligtas ang lalaking ‘yun, patay na dapat siya ngayon.”“Si Miss Moore ay ang kamag anak ng lalaki at pumunta siya dito para pasalamatan kami.”Pagkatapos, pinakita niya ang card kay Luna at sinabi niya, “Gusto niya kaming bigyan ng gantimpala kapalit ng kabaitan ng kapatid ko. Desperado kami sa pera, pero ayaw itong tanggapin ng kapatid ko. Ayaw niyang isipin ng iba na may ibang rason ang kabaitan niya.”Napahinto si Luna nang marinig niya ito. Kumunot ang noo niya, tumingin siya kay Tara. “Ang ‘kamag-anak; na ito ay ang tatay ni Gwen, hindi ba?”Alam ni Luna ang tungkol sa nangyari kagabi. Dahil niligtas ng mga tauhan ni Joshua si Andy kagabi at ang kapatid ni Robyn ay nabaril d
“Hindi ko kailangan ng special treatment.” Ngumiti si John kay Tara. “Ang gusto ko lang ay ang isang oportunidad para sumama.”Kumunot ang noo ni Tara dahil dito, ngunit wala siyang sinabi. Sa huli, tumalikod siya at umalis na siya ng kwarto.Sa kanyang ikinagulat, nakasalubong niya si Luna, na siyang kakalabas lang ng elevator.Nabigla din si Luna na makita si Tara.Siguradong si Tara, na siyang obsessed kay Joshua, ay nasa Moore Group dapat kasama si Joshua, nagpapalipas ng oras kasama ang paboritong ‘pinsan’ nito. Bakit pala nasa hospital si Tara?“Hello, Luna.” Ngumiti ng nahihiya si Tara nang makita niya si Luna.Kumunot ang noo ni Luna at tumingin siya ng malamig kay Tara. “Ano ang ginagawa mo dito?”Nandito ba si Tara para makita si Gwen? Hindi niya maintindihan; hindi kilala nila Tara at Gwen ang isa’t isa. Bakit bibisita si Tara kay Gwen?Huminto si Tara, ngunit bago pa siya makagawa ng dahilan, tumunog ang boses ni Robyn sa likod niya. “Miss Moore!”Tumakbo si Robyn
Bumangon si John mula sa kama nang mabanggit ang matandang lalaki. Pagkatapos ay tumitig siya ng nakakunot ang noo kay Tara. “Ayos lang ba siya? Nawalan ako ng malay pagkatapos akong mabaril kagabi, kaya hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kanya. Naaalala ko na dumating ang mga tauhan niyo sa oras… Ayos lang ba siya ngayon?”Kahit na ang ginawa ng matandang lalaki ang rason kung bakit nabaril si John, naiintindihan ni John ang pananaw ng lalaking ito. Pagkatapos makulong ng maraming araw, hindi nakakapagtaka na magiging balisa ito na makatakas.Hindi mapigilan ni John na isipin na kung ang lalaking ito ay nakakuha ng sakit mula sa pagkakakulong, lalo na at matanda at mahina na ito.Kumunot ang noo ni Tara nang mapansin niya na nag aalala si John. Mukhang hindi nagpapanggap si John sa pag aalala niya.Ayon kay Joshua, hindi alam ni John na ang lalaking niligtas niya ay ang tatay ni Gwen. Base sa reaksyon ni John, alam na ni Tara na tama si Joshua.Ngumiti si Tara at sumagot siya
Hindi kaya’t sinasabi ni John ang katotohanan?Habang iniisip ito, tumingin ulit si Tara kay Robyn.Medyo kinakabahan si Robyn habang sinusuri ng ganito. Nahihiya siyang tumawa at sinabi niya, “Nice to meet you, Miss Moore. Ako ang kapatid ni John, si Robyn.”Pagkatapos, tinaas niya ang kamay niya kay Tara.Kumunot ang noo ni Tara habang kinamayan niya si Robyn. “Nabalitaan ko na may sakit ka?”Tumigas ang kamay ni Robyn. Nakalimutan niya ang tungkol sa instructions ni John!Ngumiti siya, sinubukan niyang maging kalmado. “Opo. Nagkaroon ako ng kakaibang sakit at humihina ang katawan ko, at kailangan ko ng surgery para mabuhay.”Pagkatapos, lumingon siya para tumingin ng masama kay John. “Sinabi mo ba ito sa lahat? Hindi ba’t sinabi ko sayo na ‘wag mo ipagkalat ang tungkol sa sakit ko?”Tumawa si John. “Malalaman din naman ni Miss Moore ang tungkol dito dahil magkakasama kami sa trabaho.”Medyo naabala si Tara dahil dito. Pinadala siya ni Joshua para bantayan si John at malaman
“Ayos lang. Hindi ko siya niligtas para sa pera.” Ngumiti si John habang tinaas niya ang kamay niya para kunin ang kutsara at tinidor mula kay Robyn.Nagtataka rin siya tungkol sa binanggit ni Robyn, ngunit sa katotohanan, hindi siya nagsisi sa desisyon niya. Kahit na pumunta siya doon para sa pera, hindi ito ang motibasyon niya noong tumalon siya sa harap ng bala.Ginawa niya ito ng hindi nag iisip. Kahit na ibalik niya ang oras, ililigtas niya pa rin ang lalaking ‘yun ng hindi nagdadalawang isip.Nagbuntong hininga si Robyn at tumingin siya kay John. “Pero John… makakapunta ka pa ba sa public bid sa katayuan mo ngayon?”Namutla si John dahil dito. Makalipas ang ilang sandali, ngumiti siya kay Robyn at sinabi niya, “Syempre naman. Ang balikat ko lang ang nasaktan, hindi ang utak ko, kaya makakapag trabaho pa rin ako tulad ng dati at makapag handa ako para sa bid. ‘Wag kang mag alala. Alagaan mo na lang sina Anne at Sammie, at ako na ang bahala sa lahat.”Pagkatapos, tumingin siya