“Sinasabi mo ba na baka makagawa ako ng diagnosis kapag sinuri ko si Bonnie?” Tumango ng mabilis si Joe. “Tama, Rosalyn. Wala sa amin ang makagawa ng konklusyon hanggang ngayon. Parang wala kaming mahanap na senyales na nilason siya, pero sa ngayon, halos hindi maitatanggi na nilason nga talaga siya…” “Wala na talaga kaming maisip, kaya’t wala kaming magawa kundi humingi ng tulong mula sayo.” Huminto ng ilang sandali si Rosalyn, pagkatapos ay tumango siya, “Sige.” Pagkatapos, pumunta siya sa kwarto ni Bonnie. “Sasama ako sa inyo, nanay.” Ilang hakbang pa lang ang nilakad ni Rosalyn nang lumapit si Jim at hinawakan ang braso ni Rosalyn. “Mahina pa po kayo, kaya’t tutulungan ko kayo.” Agad na kumunot ang noo ni Sean nang marinig niya ito. Alam niya na nagpanggap dapa siya na hindi niya ito nakita at umalis na dapat siya, ngunit… Ayaw niya pang umalis. Dahil pinayagan si Jim na sumama kay Rosalyn sa ward ni Bonnie, si Sean, bilang ‘Pinakabatang anak ni Rosalyn’, ay pwede
“Aalis?” Ang butler, na nakatayo sa isang tabi, ay huminto bago siya ngumiti kay Sean. “Saan po kayo pupunta, Second Young Master?” “Nagpadala na po ako ng mga tauhan sa lugar niyo para mag empake ng mga gamit niyo para dalhin po ang mga ito sa Landry Mansion.” Pagkatapos, naglabas siya ng isang pares ng mga susi sa bulsa niya at nagpatuloy siya, “Ito po ang mga susi para sa harapang pintuan. Ang lahat po ng mga pinto ay nakakandado gamit ang fingerprint lock, pero dahil ang fingerprint niyo po ay hindi pa narerecord sa system, hindi po kayo makakapasok ng wala kayong susi. Kaya po, binibigyan ko po muna kayo ng susi sa ngayon para makauwi po kayo.” “Ang isa po ay ang susi para sa kwarto niyo. Naghanda po kami ng matutulugan niyo sa kwarto sa pagitan ng kwarto nila Young Master at Ms. Luna, at malaki po ang kwarto pati may tanawin ng balkonahe.” “Ito po ang susi sa kotse niyo. Nagpadala na ako ng tao para kunin ang bagong kotse na binili ng pamilya Landry noong nakalipas na tao
“Kailan gigising si Bonnie, at ano ang kondisyon niya kapag gumising na siya—ang lahat ng impormasyon na ito ay maririnig mo lang mula sa pamilya Landry.” Pagkatapos, tumalikod si Jim at naglakad siya palayo. “Kapag nagpatuloy ka na tumanggi na maging parte ng pamilya Landry at pinilit mo na hindi mo malampasan ang paghihiganti mo sa amin, bahala ka sa gagawin mo at tanggapin mo ang kahihinatnan.” Tumigas ang buong katawan ni Sean nang marinig niya ito. Hindi siya nag aalala na tumira kasama si Jim, at hindi naman sa hindi siya maka-move on sa pagkamuhi niya para sa pamilya Landry. Gayunpaman, habang iniisip na ampunin siya ng isang babae na kinamuhian ng nanay niya bago ito mamatay at tumira pa siya sa isang bahay kasama nito… Hindi ba’t magagalit ang nanay niya kapag natuklasan nito ang tungkol dito? “Sumama na po kayo sa amin, Second Young Master.” Ngumiti ang butler, nang makita niya na hindi kumokontra si Sean sa mga salita ni Jim, agad niyang pinangunahan si Sean. G
Dumilim ang paningin ni Jim dahil sa mga sinabi ni Rosalyn. Agad siyang umatras, bigla niyang naramdaman na para bang ang buong katawan niya ay nanghina. Mabilis siyang sinalo ni Joe bago siya natumba. “Ayos lang ba kayo, Master Landry?” Umiling si Jim. Sa sandali na narinig niya ang sinabi ni Rosalyn na maghanda siya para sa masamang balita, naramdaman ni Jim na para bang naubos ang lakas sa buong katawan niya. Pitong araw na lang ba… ang natitira para kay Bonnie?” “Tama si Nikki tungkol sa lason, at sa kasamaang palad, wala akong lunas para dito sa ngayon.” Tumingin si Rosalyn kay Jim pagkatapos ay nagbuntong hininga siya at sinabi niya, “Jim, alam ko na masamang balita ito para sayo, pero…” Pumikit siya. “Nakaukit na sa mga bituin ang tadhana natin, at kahit ang mga pinakamahusay na mga doctor ay hindi kayang iligtas ang isang tao na malapit nang mamatay. Bukod pa dito…” Lumingon siya para tumitig kay Jim. “M ahina ang kagustuhan ni Bonnie na mabuhay, at kapag tumaas
Kahit na buntis noon si Rosalyn kay Luna, hinila pa rin siya ni Rosalyn pabalik mula sa bingit ng kamatayan nang hindi mabilang na beses.Di nagtagal, sumuko na si Charles sa kanyang mga planong magpakamatay, ngunit sa kabila noon, hindi niya maiwasang mabaliw sa tuwing naaalala niya si Lucy.Si Rosalyn ang matagumpay na magawang makontrol ang kanyang kalooban.Hindi lamang nito kinailangang tulungan na patatagin ang kanyang kalooban, kundi kailangan pa nitong suportahan ang buong pamilya nang mag-isa.Kahit na nahaharap sa mabangis na pag-atake ng paghihiganti ni Granny Lynch, nagawa ni Rosalyn na magtiyaga at pinalago pa ang Landry Group na hindi nangyari kailanman.Di-nagtagal pagkatapos noon, nawala si Luna, at sa wakas ay natigil si Charles sa kanyang pagkatulala at binawi ang mga responsibilidad na dapat niyang pasanin.Kung hindi dahil kay Rosalyn, hindi siya nakatayo ngayon dito.Ang presensya ni Rosalyn ay nakatulong sa kanya na malampasan ang mapangwasak na pagkamatay
Dahil sa deklarasyon ni Jim, nagkapalitan ng kabadong tingin sina Charles at Rosalyn.Bumuntong hininga si Rosalyn at itinuon ang matalim na tingin sa mukha ni Jim. "Jim, kailangan mo talagang isaalang-alang ito. Tumanggi ka noong gusto kong pakasalan mo si Bonnie, at ngayong naging ganito na siya...""Bilang mga magulang mo, hindi namin gustong maranasan mo ang sakit na mawalan ng mahal sa buhay kaagad pagkatapos ng kasal, at bukod pa..."Napabuntong-hininga siya. "Ngayong na-coma pa si Bonnie, paano ka makakakuha ng certificate of marriage kasama niya?""Ako na po ang bahala dito." Natahimik sandali si Jim, saka iniangat ang ulo para salubungin ang tingin ng ina. "Hahanap ako ng solusyon kung paano makakakuha ng marriage certificate si Bonnie sa kanyang comatose state. Hangga't makuha ko ang iyong pag-apruba...wala sa mga ito ang magiging problema."Napahinto si Charles nang marinig niya ito at sumulyap kay Rosalyn.Makalipas ang ilang segundo, nagpakawala siya ng hininga at su
Napabuntong-hininga si Rosalyn at hinawakan ang kamay ni Charles para aluin habang dahan-dahan silang umalis.Sa loob ng kwarto, hinawakan ni Jim ang kamay ni Bonnie. Habang pinagmamasdan niya sina Charles at Rosalyn na papaalis sa bintana, sa huli ay hindi niya napigilan ang sarili na mapabuntong-hininga.Pinisil niya ang malamig na kamay ni Bonnie at sinabing, "Bonnie, pumayag na sila na magpakasal tayo...""Alam kong kapag nagising ka ngayon, tatanggihan mo pa rin ako dahil sa tingin mo ay hindi ko ito sadya, na pinakasalan lang kita dahil kay Harvey o para kutyain ka lang. Ang totoo..."Ibinaba niya ang katawan at inilapat ang palad ni Bonnie sa mukha niya. "Hindi ito ang totoo."Ipinikit niya ang kanyang mga mata, at isang luha ang dumaloy sa kanyang pisngi.Kailan siya nahulog kay Bonnie?Malamang sa unang pagkakataon na titigan siya nito.Ang unang beses niyang nakita ay wala sa Tea Cottage ngunit nang makita niya ang larawan sa kanyang laptop.Sa loob ng larawang iyon,
Kumunot ang noo ni Jim at sinabing may bakas ng kawalan ng kakayahan, "Harvey, alam kong mahirap tanggapin ito, pero..."Napakagat labi si Harvey at tuluyang hindi napigilan ang pagpatak ng kanyang mga luha. "So...Si Mommy talaga ay..."Mataimtim na tumango si Jim. Binitawan niya ang kamay ni Bonnie at naglakad papunta sa pinto, saka tumingkayad at binuhat si Harvey sa kanyang mga braso. "Harvey…”"Kasalanan ni Daddy ang lahat. Marami akong nagawang pagkakamali at naging duwag ako para harapin ang nararamdaman ko. Sa oras na sa huli ay nakakuha ako ng lakas ng loob na harapin ang katotohanan, huli na ang lahat."Inabot ni Harvey at marahang ipinulupot ang kanyang maikling braso sa nanginginig na likod ni Jim. "Daddy...umiiyak ka ba?"Saglit na natigilan si Jim, saka biglang napagtanto na tumulo na pala ang luha niya habang hawak ang kamay ni Bonnie.Natahimik siya.Ang huling pag-iyak niya ay noong siya ay pumasok sa ampunan nang mag-isa, sinusubukang hanapin si Luna. Halos 20 t