Alam na nila ito ni Bonnie! Gayunpaman… Alam ni Luna na mahirap para kay Bonnie na hintayin si Jim. Hindi kaya ng lahat ng tao na pagdaanan ang sakit na inabandona ka ng taong mahal mo. Inabandona na ni Jason si Bonnie dati. Dahil sa trauma na ito, naisip ni Luna na hindi mali para piliin ni Bonnie ang rasyonal na desisyon na unahin ang sarili nito. “Sinasabi ko lang ang katotohanan.” Patuloy na tumitig si Joshua kay Bonnie. “Itanong mo ito sa sarili mo; gaano mo kamahal ang Jim na kasama mo bago nawala ang mga alaala niya? Paano mo siya nagawang iwan at ipalaglag ang anak mo, ngayon at alam mo na may sakit siya at wala siya sa pag iisip niya? Paano ka nakakasiguro na hindi na gigising si Jim balang araw? Paano kung gumising na siya? Ano sa tingin mo ang magiging reaksyon niya kapag bumalik ang mga alaala niya balang araw at natuklasan niya ang ginawa mo?” Hindi mapigilan ni Bonnie na higpitan ang hawak niya sa surgery consent nang marinig niya ang mga sinabi ni Joshua. Kin
“Ikaw—” Hindi mapigilan ni Bonnie na tumili sa gulat nang buhatin siya mula sa kama ng walang pasabi. Gayunpaman, binuhat ni Sean si Bonnie ng mas malapit sa katawan niya habang sumasagot siya para gumaan ang loob ni Bonnie, “‘Wag kang mag alala. Ako ang bahala sayo.” Kinagat ni Bonnie ang labi niya at agad siyang kumapit sa leeg ni Sean, sinubukan niya ang sarili niya na hindi mahulog. Tumalikod si Sean at naglakad siya palabas ng kwarto, buhat niya si Bonnie ng malapit sa kanya papunta sa kotse. Nanatiling walang kibo si Luna, tumitig siya sa eksenang nasa harap niya. Sinabi niya kay Sean na tulungan si Bonnie na pumunta sa kotse, at hindi niya inaasahan na bubuhatin ni Sean si Bonnie. Kalmadong tumingin si Joshua sa nalilitong si Luna at sinabi niya, “Ikaw ang nagsabi sa kanya na tumulong.” Pagkatapos, tumalikod siya at naglakad na siya palabas ng kwarto. Tumitig si Luna kay Sean habang ibinaba nito si Bonnie papunta sa backseat ng kotse ni Joshua. Kahit na tila
Bumalik silang apat papunta sa bahay ni Joshua. Sinabi na ni Joshua kay Lucas ang pagdating nila sa bahay, kaya’t sa sandali na huminto ang kotse, dinala ni Lucas si Sean sa backyard. Nakatayo na si Dr. Laura Suess sa pinto, hinihintay sila kasama si Lucas. “Ms. Craig.” Sa sandali na huminto ang kotse, lumapit si Dr. Laura kay Bonnie, nakangiti. “Kamusta na ang pakiramdam mo ngayon?” Tumingin si Bonnie kay Dr. Laura ng nakasimangot at tumano siya. “Ayos lang ako.” Pagkatapos, binuksan niya ang pinto at sinubukan niyang lumabas ng kotse. Mabilis na hinawakan ni Luna ang braso ni Bonnie para tulungan na bumaba ito, habang hinawakan ni Dr. Laura ang kabilang braso ni Bonnie,. Pagpasok ng tatlong babae sa pinto, patuloy si Dr. Laura sa pagtanong tungkol sa kondisyon ni Bonnie ng may nag aalalang tono, tila isa siyang mabait at propesyonal na doctor. Gayunpaman, sa hindi malamang rason, nakaramdam ng poot si Luna mula sa kanya. Mula sa sandali na umapak siya sa sahig, narara
Nang lumabas si Dr. Laura Suess ng kwarto ni Bonnie, may kausap si Joshua sa phone habang nasa sala. Ang mga miyembro ng higher management ng kumpanya niya ay nagrereport ng kalalabasan ng taktika na ginawa nila sa Landry Group kaninang hapon. “Sige, tama na ito. Bigyan niyo lang ako ng update kapag may pagbabago. Salamat sa inyong lahat.” Ang bawat salita na binigkas ng mababa at mahimig na boses ni Joshua ay tumunog sa tumitibok na puso ni Dr. Laura. Hindi niya matiis ang isang gwapo, matagumpay, at independent na lalaki na tulad nito, lalo na ang isang lalaki na may mala anghel na boses. Sa katotohanan, nagustuhan niya na si Joshua simula nang dumating siya sa Merchant City. Sa mga oras na ‘yun, ang mga katrabaho niya sa hospital ay nag uusap ng araw araw na balita at tsismis kung gaano kagwapo, kayaman, at kaakit akit ang bagong dating na si Joshua Lynch. Tuwing babanggitin ng mga katrabaho niya si Joshua, magpapanggap si Dr. Laura na hindi niya naririnig ang mga ito.
Nang umakyat si Joshua sa itaas, nakaupo pa rin si Luna sa upuan sa kwarto niya, malalim ang iniisip niya. Sa mesa sa harap niya ay may dalawang magkamukha na jade ring. Pares ang mga singsing na ito, at kahit na magkapareho ang laki nila, ang mga pattern sa mga bato ay medyo magkaiba ngunit tugma pa rin. Ito ay isang bagay na hindi maintindihan ni Luna nang makita niya ang mga singsing na ito. Bago niya makuha ang dalawang singsing na ito, naisip niya na ang mga singsing na ito ay pares na dapat suotin ng magkasintahan. Ngunit, nang makuha at sinuri niya na ang mga ito, bigla niyang napagtanto na pareho ang laki nila, at base sa laki nito, suot dapat ito ng dalawang lalaki, kaya’t nalito si Luna. Bakit gagawa si Lucy ng dalawang singsing na panlalaki? Kanino niya balak ibigay ang mga singsing na ito? Habang nalilito si Luna tungkol dito, narinig niya na bumukas ang pinto. Pumasok ng kwarto si Joshua. Tumingin si Luna kay Joshua, nakakunot ang noo, at tahimik niyang t
“Bukod sa, pwede ko rin bisitahin sila nanay at tatay.” Napabuntong hininga si Joshua nang marinig niya ito. “Ang huling beses na nakita natin ang mga magulang mo, akala natin ay gagaling na sila ng mabilis…” Napabuntong hininga din si Luna nang marinig niya ito. Akala niya rin ay gagaling na sina Charles at Rosalyn, at ito rin ang sinabi ni Dr. Liddell. Gayunpaman… Kagabi, nabalitaan ni Luna mula kay Dr. Liddell ang tungkol sa nangyari para hadlangan ang pag galing nila Charles at Rosalyn. May nurse na mahilig makinig sa news station sa radio tuwing binabantayan niya ang dalawa. At sa araw na ‘yun, ang lokal na radio station ay nag balita tungkol sa Merchant City, at natuklasan nila Charles at Rosalyn ang tungkol sa biglang pagbabago ng ugali ni Jim at ang pagaaway nilang dalawa ni Luna. Sumama ang kondisyon ni Rosalyn, at mas madalang na ang pagiging matino ni Charles… Nawala ang lahat ng senyales na gagaling na sila sa loob ng ilang oras, at sa puntong nito, tila s
Agad na kumunot ang noo ni luna nang marinig niya ito. Mabilis siyang bumaba ng hagdan at lumapit siya kay Malcolm, “Ano ang sinabi mo? Alam mo ba kung nasaan ang anak namin?” Nang makita na interesado pa rin si Luna na malaman ang kinaroroonan ng anak nila ni Joshua, kinagat ni Malcolm ang labi niya at tahimik siyang nakahinga ng maluwag. Salamat sa Diyos at nagplano siya at inutos niya kay Hunter na ipalit ang anak nila Joshua at Luna sa isa pang sanggol. Kung hindi, wala siyang magagamit laban kila Joshua at Luna para tulungan siya sa sitwasyon niya ngayon. Sa sandali na maisip niya ito, lumapit si Malcolm kay Luna, na siyang nakaluhod pa rin, at hinawakan niya ang paa ni Luna. “Alam ko kung nasaan ang anak mo!” Suminghot siya at nagpatuloy siya na may desperado at nagmamakaawang boses, “Pinagpalit nila Hunter at Heather ang anak niyo noong ipinanganak siya… at ang sanggol na pinalit niya ay ang ang anak namin ni Heather, si Riley!” Pagkatapos, may kinuha siya sa bulsa
Pumikit si Malcolm at sinabi niya, “Pagkatapos mamatay ni Heather, gusto kong ibalik sa inyo si Riley para subukan kong makakuha ng pera para makatakas ako sa isang lugar na walang nakakaalam…” “Pero, natuklasan ni Quentin ang tunay na pagkakakilanlan niya mula sa hindi ko malaman, at sinunog niya ang bahay namin ni Heather, pinilit niya kami ni Riley na bumalik sa pamilya Quinn…” “Kinuha nila si Riley at ikinulong nila ako sa basement kung saan madilim. Tuwing tinatanong ko sila kung kailan ako pakakawalan, sinabi nila na pakakawalan nila ako kapag namatay o nabaliw ako balang araw, o…” Lumunok si Malcolm at yumuko siya. “O kung isang araw ay mawalan ng halaga sa kanila si Riley.” “Ang rason kung bakit kinulong nila ako ay dahil natatakot sila na lapitan ko kayo at sabihin ko ang tunay na pagkakakilanlan ni Riley…” Sumingkit ang mga mata ni Luna nang marinig niya ito. Lumingon siya at tumitig siya ng malamig kay Malcolm. “Tulad kung paano mo sinira ang mukha ko at pinilit mo