Nang umakyat si Joshua sa itaas, nakaupo pa rin si Luna sa upuan sa kwarto niya, malalim ang iniisip niya. Sa mesa sa harap niya ay may dalawang magkamukha na jade ring. Pares ang mga singsing na ito, at kahit na magkapareho ang laki nila, ang mga pattern sa mga bato ay medyo magkaiba ngunit tugma pa rin. Ito ay isang bagay na hindi maintindihan ni Luna nang makita niya ang mga singsing na ito. Bago niya makuha ang dalawang singsing na ito, naisip niya na ang mga singsing na ito ay pares na dapat suotin ng magkasintahan. Ngunit, nang makuha at sinuri niya na ang mga ito, bigla niyang napagtanto na pareho ang laki nila, at base sa laki nito, suot dapat ito ng dalawang lalaki, kaya’t nalito si Luna. Bakit gagawa si Lucy ng dalawang singsing na panlalaki? Kanino niya balak ibigay ang mga singsing na ito? Habang nalilito si Luna tungkol dito, narinig niya na bumukas ang pinto. Pumasok ng kwarto si Joshua. Tumingin si Luna kay Joshua, nakakunot ang noo, at tahimik niyang t
“Bukod sa, pwede ko rin bisitahin sila nanay at tatay.” Napabuntong hininga si Joshua nang marinig niya ito. “Ang huling beses na nakita natin ang mga magulang mo, akala natin ay gagaling na sila ng mabilis…” Napabuntong hininga din si Luna nang marinig niya ito. Akala niya rin ay gagaling na sina Charles at Rosalyn, at ito rin ang sinabi ni Dr. Liddell. Gayunpaman… Kagabi, nabalitaan ni Luna mula kay Dr. Liddell ang tungkol sa nangyari para hadlangan ang pag galing nila Charles at Rosalyn. May nurse na mahilig makinig sa news station sa radio tuwing binabantayan niya ang dalawa. At sa araw na ‘yun, ang lokal na radio station ay nag balita tungkol sa Merchant City, at natuklasan nila Charles at Rosalyn ang tungkol sa biglang pagbabago ng ugali ni Jim at ang pagaaway nilang dalawa ni Luna. Sumama ang kondisyon ni Rosalyn, at mas madalang na ang pagiging matino ni Charles… Nawala ang lahat ng senyales na gagaling na sila sa loob ng ilang oras, at sa puntong nito, tila s
Agad na kumunot ang noo ni luna nang marinig niya ito. Mabilis siyang bumaba ng hagdan at lumapit siya kay Malcolm, “Ano ang sinabi mo? Alam mo ba kung nasaan ang anak namin?” Nang makita na interesado pa rin si Luna na malaman ang kinaroroonan ng anak nila ni Joshua, kinagat ni Malcolm ang labi niya at tahimik siyang nakahinga ng maluwag. Salamat sa Diyos at nagplano siya at inutos niya kay Hunter na ipalit ang anak nila Joshua at Luna sa isa pang sanggol. Kung hindi, wala siyang magagamit laban kila Joshua at Luna para tulungan siya sa sitwasyon niya ngayon. Sa sandali na maisip niya ito, lumapit si Malcolm kay Luna, na siyang nakaluhod pa rin, at hinawakan niya ang paa ni Luna. “Alam ko kung nasaan ang anak mo!” Suminghot siya at nagpatuloy siya na may desperado at nagmamakaawang boses, “Pinagpalit nila Hunter at Heather ang anak niyo noong ipinanganak siya… at ang sanggol na pinalit niya ay ang ang anak namin ni Heather, si Riley!” Pagkatapos, may kinuha siya sa bulsa
Pumikit si Malcolm at sinabi niya, “Pagkatapos mamatay ni Heather, gusto kong ibalik sa inyo si Riley para subukan kong makakuha ng pera para makatakas ako sa isang lugar na walang nakakaalam…” “Pero, natuklasan ni Quentin ang tunay na pagkakakilanlan niya mula sa hindi ko malaman, at sinunog niya ang bahay namin ni Heather, pinilit niya kami ni Riley na bumalik sa pamilya Quinn…” “Kinuha nila si Riley at ikinulong nila ako sa basement kung saan madilim. Tuwing tinatanong ko sila kung kailan ako pakakawalan, sinabi nila na pakakawalan nila ako kapag namatay o nabaliw ako balang araw, o…” Lumunok si Malcolm at yumuko siya. “O kung isang araw ay mawalan ng halaga sa kanila si Riley.” “Ang rason kung bakit kinulong nila ako ay dahil natatakot sila na lapitan ko kayo at sabihin ko ang tunay na pagkakakilanlan ni Riley…” Sumingkit ang mga mata ni Luna nang marinig niya ito. Lumingon siya at tumitig siya ng malamig kay Malcolm. “Tulad kung paano mo sinira ang mukha ko at pinilit mo
“Star?” Lumingon si Malcolm para tumitig kay Joshua ng nalilito. “Wala akong maalala sa pamilya… na may pangalan na ganito.” Ang lahat ng miyembro ng pamilya Quinn ay seryosong mga tao, kaya’t bakit sila pipili ng cute na pangalan? Kahit na palayaw lang ito, hindi ito dapat parang pambata. Sumingkit ang mga mata ni Joshua. “Pag isipan mo ng mabuti.” Halos sigurado na siya na ang tao na umarkila kay Todd para gawin ang malupit na mga bagay ay mula sa mga Quinn. Nitong umaga, nabasa na nila Joshua at Lucas ang lahat ng impormasyon ng pamilya Quinn na pwede nilang makuha. Noong una, isang maliit na pamilya lang ang pamilya Quinn na tila hindi kayang palaguin ang negosyo nila ng maraming taon dahil kakompitensya nila ang pamliya Landry at pamilya Lynch, na namumuno sa merkado ng mga panahong ‘yun. Gayunpaman… may nagbago noong 20 taon na ang nakalipas. Ang pagkamatay ni Lucy Hamilton at ni Colin Landry ay ang rason kung bakit walang tigil na nag aaway ang pamilya Landry at
“Sinabi ni Nellie na may kakaibang teacher sa kindergarten na kinokolekta ng buhok niya… at sinisante ang teacher na ito pagkatapos niyang matuklasan.” Ngumisi si Joshua at idinagdag niya, “Kilala mo ba kung sino ang taong ito, Master Quinn?” Nawala ang kulay sa mukha ni Malcolm nang marinig niya ito. Ilang sandali siyang nagsalita ng putol putol, hindi siya makaisip ng isasagot niya dito. Hindi niya inaasahan na ang anak ni Joshua ay magiging obserbatibo na tulad ni Joshua. Hindi siya makapaniwala na mapapansin ng anak ni Joshua na kinokolekta ang buhok nito mula sa kindergarten at sinabi pa niya ito kay Joshua tungkol dito! Sa sandali na maisip niya ito, kinagat ni Malcolm ang labi niya at tumawa siya ng awkward. “Ano ang pinagsasabi mo, Mr. Lynch? Sa Merchant City ako nakatira, kaya’t paano ko naman malalaman kung sino ang isang teacher na ito sa Banyan City…” “Sana nga ay totoo ang sinasabi mo.” Dumilim ang ekspresyon ni Joshua habang nagpatuloy siya, “Kung hindi, kap
Lumaki ang mga mata ni Malcolm sa gulat nang marinig niya ito. Tumigas ang buong katawan niya na para bang tinamaan siya ng kidlat habang nakatitig siya kay Luna. Makalipas ang ilang sandali, tumigil siya sa pagtakas sa pagkakahawak ni Sean. Makalipas ang ilang sandali, kumunot ang noo ni Malcolm at nagsalita na siya. “Hindi ko ginawa ‘yun! Luna, wala akong intensyon na kunin ang anak niyo ni Joshua! Si Heather ang gumawa ng lahat ng ito…” “Plano ito nila Heather at Hunter, at… at natuklasan ko lang ito pagkatapos nila gawin ‘yun…” Hindi mapigilan ni Luna na ngumisi habang nakatitig siya sa maputlang mukha ni Malcolm. “Malcolm, lagi mo akong inaakusahan na malupit at wala akong utang na loob, pero ano ang ginagawa mo ngayon?” “Kahit sa puntong ito, nagsisinungaling ka pa rin sa harap ko!” Dumilim ang ekspresyon ni Luna habang nagpatuloy siya, “Sa tingin mo ba ay wala akong alam katulad ng dati at paniniwalaan ko pa rin ang bawat salita na lumalabas sa bibig mo?” Sumingkit
Tutal, ang simbahan ay isang lugar ng kabanalan at kadalisayan, at hindi ito tatanggap ng isang tao na maraming pinatay na tulad ni Quentin. Basta’t hindi makakapasok si Quentin, magiging ligtas si Malcolm! Bukod pa dito, kahit na gaano kalakas si Quentin, hindi siya pwedeng pumasok sa simbahan ni Samuel para hulihin si Malcolm! Sa sandali na maisip niya ito, mabilis na lumingon si Malcolm para tumingin kay Joshua at wala siyang tigil sa pagpapasalamat. “Sige na, sige na, tama na. Lumabas ka na!” Si Sean, na tinanggap na kanina bilang empleyado bago ang pangyayaring ito, ay sinubukan na palayasin si Malcolm sa bahay na parang isang responsableng guard. Pagkatapos lumabas ng bahay, tumingin si Malcolm kay Sean, nakakunot ang noo niya. “Pwede ka bang kumuha ng kotse para ihatid ako palabas ng bayan?” Hindi siya pwedeng sumugal na tumawag ng taxi sa takot na mahuli siya ni Quentin habang palabas siya ng bayan. Mas mabuti kung isa sa mga tauhan ni Joshua ang maghahatid sa kan