“Anong problema?” Suminghot si Gwen at mabilis siyang tumingin palayo, ayaw niyang tinginan ang mga mata ni Luke. “Bigla akong may naalala.” “Para sayo, ako ay isang tao na hindi mo dapat pag aksayahan ng oras, kaya’t bakit gusto mo pa rin ako sa tabi mo?” Kumunot lalo ang noo ni Luke nang marinig niya ang mga sinabi ni Gwen. Makalipas ang ilang sandali, hinila niya ng pwersahan si Gwen palapit na para bang masisira niya si Gwen na parang isang porselanang laruan. “Mahalaga ka; ikaw lang ang tao na mahalaga para pag aksayahan ko ng oras.” Pumikit si gwen habang pakiramdam niya ay nasasakal siya nang mabalot siya ng yakap ni Luke. Ganun ba? Sinabi ni Luke dahil na kahit sinong hindi niya mahal ay hindi niya pag aaksayahan ng oras. Sa mga oras na ito, nakompirma niya na ang naisip niya ng matagal pa. Hindi niya mahal si Luke. Kahit kaunti. “Ayos ka lang ba, Jim?” Samantala, sa loob ng pantry, lumapit si Charlotte para hawakan ang palad ni Jim na puno ng paltos at
“Hello, ito ba si Ms. Luna?” May kakaiba at hindi pamilyar na boses na tumunog sa kabilang linya. Kumunot ang noo ni Luna at mabilis siyang sumagot, “Oo, ako ito, at ikaw ay…” “Ang pangalan ko ay Sean Wheeler, at isa akong mekaniko ng kotse.” Tila malalim ang boses ng lalaki nang sinabi niya, “Sa maikling salita, may nakita akong babae na walang malay sa tabi ng kalsada nang magtapon ako ng basura kanina.” “Wala siyang phone o ID, pero napansin ko na mukhang may sakit siya, kaya’t dinala ko siya sa pinakamalapit na clinic. Pagkatapos niyang gumising, binigay niya ang number na ito sa akin para tawagan ka.” “Sinabi niya na ang apeliyedo niya ay Craig. Pwede mo ba siyang sunduin?” May bahid ng kahihiyan sa boses ng lalaki nang magpaliwanag siya, “Wala akong dalang pera, kaya’t hindi ko kayang bayaran ang treatment niya. Pwede ka bang magdala ng pera para bayaran ang doctor?” Nabigla si Luna nang marinig niya ito. Pagkatapos tanungin ang address ng clinic, lumabas ng pinto s
Maliban sa… Ang tanging bagay na ginawa ni Luna para kay Joshua ay ang magbigay ng anak na nawala sa kanya makalipas ang ilang minuto pagkatapos ipanganak at hindi ito mahanap, kahit hanggang ngayon. Nang maisip niya ito, mahigpit na hinawakan ni Luna ang jade ring sa loob ng bulsa ng coat niya. Ito ang singsing na nakuha niya mula kay Jim. Sa sandali na bumalik siya sa bahay ni Joshua pagkatapos sunduin si Bonnie, matutulungan niya na si Joshua na mahanap ang katotohanan sa pagkamatay ni Aunt Lucy… Habang malalim ang iniisip ni Luna, dumating na ang kotse sa clinic na malapit sa factory kung saan nagtatrabaho si Sean Wheeler. Hindi nagsisinungaling si Sean nang sinabi niya kay Luna na luma na ang clinic. Nagpark si Joshua, at sa sandali na huminto ang pinto, binuksan ni Luna ang pinto at mabilis siyang pumasok ng clinic. “Bonnie!” “Nandito na ako.” Maliit ang clinic, iisa lang ang upuan, maliit lang ang kama, at may maliit na mesa na ginagamit ng doctor para sa traba
“HIndi ko talaga pwedeng maitago ang kahit ano mula sayo.” Ngumiti ng mapait si Bonnie. “Hindi ko inaasahan na pupunta ka, at kung si Luna lang ang sumundo sa akin, kaya ko itong itago mula sa kanya, pero…” Nagbuntong hininga si Bonnie. Sa sobrang talas at obserbatibo ni Joshua ay isang tingin lang kay Bonnie ay sapat na para makumbinsi siya na may kakaiba kay Bonnie. Alam ni Bonnie na kapag hindi siya umamin sa katotohanan, makakahanap pa rin ng paraan si Joshua para matuklasan ito. Kaya naman, wala nang punto para itago ang katotohanan. Pagkatapos ulit magbuntong hininga, tumayo ulit si Bonnie mula sa kama. Inabot niya ang maputla niyang kamay para kumuha ng isang piraso ng papel mula sa bulsa niya. Sa sandali na makita niya ito, nagkaroon ng masamang kutob sa puso ni Luna. Lumapit siya at inagaw niya ang papel mula sa kamay ni Bonnie. Sa oras na makita niya ang mga nakasulat sa papel, pakiramdan ni Luna na para bang tinamaan siya ng kidlat, at napaatras siya sa gul
Alam na nila ito ni Bonnie! Gayunpaman… Alam ni Luna na mahirap para kay Bonnie na hintayin si Jim. Hindi kaya ng lahat ng tao na pagdaanan ang sakit na inabandona ka ng taong mahal mo. Inabandona na ni Jason si Bonnie dati. Dahil sa trauma na ito, naisip ni Luna na hindi mali para piliin ni Bonnie ang rasyonal na desisyon na unahin ang sarili nito. “Sinasabi ko lang ang katotohanan.” Patuloy na tumitig si Joshua kay Bonnie. “Itanong mo ito sa sarili mo; gaano mo kamahal ang Jim na kasama mo bago nawala ang mga alaala niya? Paano mo siya nagawang iwan at ipalaglag ang anak mo, ngayon at alam mo na may sakit siya at wala siya sa pag iisip niya? Paano ka nakakasiguro na hindi na gigising si Jim balang araw? Paano kung gumising na siya? Ano sa tingin mo ang magiging reaksyon niya kapag bumalik ang mga alaala niya balang araw at natuklasan niya ang ginawa mo?” Hindi mapigilan ni Bonnie na higpitan ang hawak niya sa surgery consent nang marinig niya ang mga sinabi ni Joshua. Kin
“Ikaw—” Hindi mapigilan ni Bonnie na tumili sa gulat nang buhatin siya mula sa kama ng walang pasabi. Gayunpaman, binuhat ni Sean si Bonnie ng mas malapit sa katawan niya habang sumasagot siya para gumaan ang loob ni Bonnie, “‘Wag kang mag alala. Ako ang bahala sayo.” Kinagat ni Bonnie ang labi niya at agad siyang kumapit sa leeg ni Sean, sinubukan niya ang sarili niya na hindi mahulog. Tumalikod si Sean at naglakad siya palabas ng kwarto, buhat niya si Bonnie ng malapit sa kanya papunta sa kotse. Nanatiling walang kibo si Luna, tumitig siya sa eksenang nasa harap niya. Sinabi niya kay Sean na tulungan si Bonnie na pumunta sa kotse, at hindi niya inaasahan na bubuhatin ni Sean si Bonnie. Kalmadong tumingin si Joshua sa nalilitong si Luna at sinabi niya, “Ikaw ang nagsabi sa kanya na tumulong.” Pagkatapos, tumalikod siya at naglakad na siya palabas ng kwarto. Tumitig si Luna kay Sean habang ibinaba nito si Bonnie papunta sa backseat ng kotse ni Joshua. Kahit na tila
Bumalik silang apat papunta sa bahay ni Joshua. Sinabi na ni Joshua kay Lucas ang pagdating nila sa bahay, kaya’t sa sandali na huminto ang kotse, dinala ni Lucas si Sean sa backyard. Nakatayo na si Dr. Laura Suess sa pinto, hinihintay sila kasama si Lucas. “Ms. Craig.” Sa sandali na huminto ang kotse, lumapit si Dr. Laura kay Bonnie, nakangiti. “Kamusta na ang pakiramdam mo ngayon?” Tumingin si Bonnie kay Dr. Laura ng nakasimangot at tumano siya. “Ayos lang ako.” Pagkatapos, binuksan niya ang pinto at sinubukan niyang lumabas ng kotse. Mabilis na hinawakan ni Luna ang braso ni Bonnie para tulungan na bumaba ito, habang hinawakan ni Dr. Laura ang kabilang braso ni Bonnie,. Pagpasok ng tatlong babae sa pinto, patuloy si Dr. Laura sa pagtanong tungkol sa kondisyon ni Bonnie ng may nag aalalang tono, tila isa siyang mabait at propesyonal na doctor. Gayunpaman, sa hindi malamang rason, nakaramdam ng poot si Luna mula sa kanya. Mula sa sandali na umapak siya sa sahig, narara
Nang lumabas si Dr. Laura Suess ng kwarto ni Bonnie, may kausap si Joshua sa phone habang nasa sala. Ang mga miyembro ng higher management ng kumpanya niya ay nagrereport ng kalalabasan ng taktika na ginawa nila sa Landry Group kaninang hapon. “Sige, tama na ito. Bigyan niyo lang ako ng update kapag may pagbabago. Salamat sa inyong lahat.” Ang bawat salita na binigkas ng mababa at mahimig na boses ni Joshua ay tumunog sa tumitibok na puso ni Dr. Laura. Hindi niya matiis ang isang gwapo, matagumpay, at independent na lalaki na tulad nito, lalo na ang isang lalaki na may mala anghel na boses. Sa katotohanan, nagustuhan niya na si Joshua simula nang dumating siya sa Merchant City. Sa mga oras na ‘yun, ang mga katrabaho niya sa hospital ay nag uusap ng araw araw na balita at tsismis kung gaano kagwapo, kayaman, at kaakit akit ang bagong dating na si Joshua Lynch. Tuwing babanggitin ng mga katrabaho niya si Joshua, magpapanggap si Dr. Laura na hindi niya naririnig ang mga ito.
Kumunot ang noo ni Luna nang marinig niya ito.Kailangan niyang itago si Gwen kapag bumisita si John sa kanila. Kasabay nito, kailangan niya ng ibang tao para magpanggap na si ‘Andie Larson’.Habang iniisip ito, nagbuntong hininga si Luna at tumingin siya ng makahulugan kay Tara.Naintindihan ito ni Tara at tumango siya, pagkatapos ay naglakad siya pabalik ng elevator kasama si Luna.Nang sumara ang pinto, nagbuntong hininga si Tara at sinabi niya ng pagod na tono, “Salamat sa Diyos at nabigo si Robyn ng memorya niya. Kung hindi, sira na ang lahat ng plano natin.”Tumango si Luna. Pagkatapos, tumingin siya kay Tara at tinanong niya, “Oo nga pala, paano nagkakilala si John at ang tatay ni Gwen?”Kahit na si Andy ay dinala ng mga tauhan ni Tyson sa Sharnwick City. Paano napunta sa parehong kwarto si John at sumalo pa siya ng bala para dito?Kinidnap rin ba si John ng mga taong ito? Kung ganun, bakit nila ito ginawa?Nang mabanggit ito, nagbuntong hininga si Tara at nagpaliwang si
Sumilip si Luna sa crack mula sa pinto.May suot na hospital gown si John, nakaupo ito sa kama at kumakain habang kausap si Robyn. “Sinabi ba talaga ‘yun ni Miss Moore?”Tumango si Robyn. “Nakasalubong ko rin sa elevator ‘yung babae na bumili ng tanghalian na ito kanina. Hindi ka maniniwala, konektado din siya kay Miss Moore! Magpinsan sila sa kasal!”Huminto ang kamay ni John, halata na nabigla siya. Tumawa siya at tinanong niya, “Talaga? Nagkataon nga naman.”“Tama ka! Maliit ang mundo natin!” Tumango si Robyn. “Hindi lang ‘yun, pero dahil magpinsan sila sa kasal, may koneksyon din siya sa lalaking niligtas mo kagabi. Sa tingin ko ay ang pangalan niya ay…”Napatalon ang puso ni Luna sa lalamunan niya nang marinig niya ito.Nagkaroon siya ng isang malaking pagkakamali. Hindi niya sana babanggitin ang pangalan ni Gwen kung alam niya lang na si John ang lalaking nagligtas sa tatay ni Gwen!Malapit na masira ang sikreto nila!Habang iniisip ito, hindi niya mapigilan na tumingin k
Tumaas ang mga kilay ni Luna kay Tara. “Sinasabi mo ba na anim na buwan mo nang alam ang tungkol kay Anne at John?”Tahimik ng ilang sandali si Tara bago siya tumango. “Oo.”Huminga siya ng malalim at tumitig siya ng seryoso kay Luna. “Dati, ang lahat lang ng alam ko tungkol sayo ay pinakasalan mo ang pinsan ko at biniyayaan kayo ng triplets. Nabalitaan ko rin na sa isang punto, naging malapit ka kay Christian, pero wala na akong ibang impormasyon maliban dito. Isang araw, sinabi ng tita ko sa akin na ikaw, ang asawa ng pinsan ko, ay walang iba kundi si Moon, ang paboritong jewelry designer ko.”“Simula nang matuklasan ko ito, napunta ang atensyon ko sayo at naghanap ako ng mga balita tungkol sayo. Dahil dito, alam ko ang tungkol sa murder at trial mo, kaya alam ko ang tungkol kela Anne at John.”Lumaki ang mga mata ni Luna sa gulat.Hindi siya makapaniwala na si Tara ay palihim na isa sa mga fans niya, sa punto na binabantayan nito ang balita tungkol kay Luna kahit na nakatira si
Matagal na natulala si Luna.Sa huli, bumalik siya sa sarili at humawak siya ng sabik sa braso ni Robyn. “Sinasabi mo ba na ang kapatid mo ang nagligtas sa lalaki na hinahanap ng lahat sa buong bayan?”Hindi inaasahan ni Robyn ang reaksyon ni Luna. Napaatras siya sa takot at tumango siya. “O… Oo.”Bakit sabik si Luna na marinig ito?Kumunot ang noo niya at tinanong niya, “Miss, kilala… mo ba ang kapatid ko? O may koneksyon kayo sa matandang lalaki kagabi?”Sasagot sana ng oo si Luna sa mga tanong na ito nang sumingit si Tara. “Syempre may koneksyon siya sa matandang lalaki. Asawa siya ng pinsan ko, kaya may koneksyon siya sa matandang lalaki na niligtas ng kapatid mo. Sabik lang siya na makilala ang lalaki na lumigtas sa buhay ng matandang lalaki.”Pagkatapos, tumingin siya kay Luna. “Hindi ba, Luna?”Napahinto ng ilang sandali si Luna, pagkatapos ay tumango siya. “Oo, masaya lang ako na ligtas siya ngayon.”Pagkatapos, lumingon siya para tumitig ulit kay Robyn. “Kamusta na ang
“Um…”Ngunit, bago pa sumagot si Tara, sumingit si Robyn. “Hindi ba’t sinabi ko sayo na ang kapatid ko ay nabaril? Ito ay dahil pinoprotektahan niya ang isang matandang lalaki kagabi.”“Nakidnap silang pareho, at ang lalaki na ‘yun ay papatayin dapat ng kidnapper. Kung hindi humarang ang kapatid ko para iligtas ang lalaking ‘yun, patay na dapat siya ngayon.”“Si Miss Moore ay ang kamag anak ng lalaki at pumunta siya dito para pasalamatan kami.”Pagkatapos, pinakita niya ang card kay Luna at sinabi niya, “Gusto niya kaming bigyan ng gantimpala kapalit ng kabaitan ng kapatid ko. Desperado kami sa pera, pero ayaw itong tanggapin ng kapatid ko. Ayaw niyang isipin ng iba na may ibang rason ang kabaitan niya.”Napahinto si Luna nang marinig niya ito. Kumunot ang noo niya, tumingin siya kay Tara. “Ang ‘kamag-anak; na ito ay ang tatay ni Gwen, hindi ba?”Alam ni Luna ang tungkol sa nangyari kagabi. Dahil niligtas ng mga tauhan ni Joshua si Andy kagabi at ang kapatid ni Robyn ay nabaril d
“Hindi ko kailangan ng special treatment.” Ngumiti si John kay Tara. “Ang gusto ko lang ay ang isang oportunidad para sumama.”Kumunot ang noo ni Tara dahil dito, ngunit wala siyang sinabi. Sa huli, tumalikod siya at umalis na siya ng kwarto.Sa kanyang ikinagulat, nakasalubong niya si Luna, na siyang kakalabas lang ng elevator.Nabigla din si Luna na makita si Tara.Siguradong si Tara, na siyang obsessed kay Joshua, ay nasa Moore Group dapat kasama si Joshua, nagpapalipas ng oras kasama ang paboritong ‘pinsan’ nito. Bakit pala nasa hospital si Tara?“Hello, Luna.” Ngumiti ng nahihiya si Tara nang makita niya si Luna.Kumunot ang noo ni Luna at tumingin siya ng malamig kay Tara. “Ano ang ginagawa mo dito?”Nandito ba si Tara para makita si Gwen? Hindi niya maintindihan; hindi kilala nila Tara at Gwen ang isa’t isa. Bakit bibisita si Tara kay Gwen?Huminto si Tara, ngunit bago pa siya makagawa ng dahilan, tumunog ang boses ni Robyn sa likod niya. “Miss Moore!”Tumakbo si Robyn
Bumangon si John mula sa kama nang mabanggit ang matandang lalaki. Pagkatapos ay tumitig siya ng nakakunot ang noo kay Tara. “Ayos lang ba siya? Nawalan ako ng malay pagkatapos akong mabaril kagabi, kaya hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kanya. Naaalala ko na dumating ang mga tauhan niyo sa oras… Ayos lang ba siya ngayon?”Kahit na ang ginawa ng matandang lalaki ang rason kung bakit nabaril si John, naiintindihan ni John ang pananaw ng lalaking ito. Pagkatapos makulong ng maraming araw, hindi nakakapagtaka na magiging balisa ito na makatakas.Hindi mapigilan ni John na isipin na kung ang lalaking ito ay nakakuha ng sakit mula sa pagkakakulong, lalo na at matanda at mahina na ito.Kumunot ang noo ni Tara nang mapansin niya na nag aalala si John. Mukhang hindi nagpapanggap si John sa pag aalala niya.Ayon kay Joshua, hindi alam ni John na ang lalaking niligtas niya ay ang tatay ni Gwen. Base sa reaksyon ni John, alam na ni Tara na tama si Joshua.Ngumiti si Tara at sumagot siya
Hindi kaya’t sinasabi ni John ang katotohanan?Habang iniisip ito, tumingin ulit si Tara kay Robyn.Medyo kinakabahan si Robyn habang sinusuri ng ganito. Nahihiya siyang tumawa at sinabi niya, “Nice to meet you, Miss Moore. Ako ang kapatid ni John, si Robyn.”Pagkatapos, tinaas niya ang kamay niya kay Tara.Kumunot ang noo ni Tara habang kinamayan niya si Robyn. “Nabalitaan ko na may sakit ka?”Tumigas ang kamay ni Robyn. Nakalimutan niya ang tungkol sa instructions ni John!Ngumiti siya, sinubukan niyang maging kalmado. “Opo. Nagkaroon ako ng kakaibang sakit at humihina ang katawan ko, at kailangan ko ng surgery para mabuhay.”Pagkatapos, lumingon siya para tumingin ng masama kay John. “Sinabi mo ba ito sa lahat? Hindi ba’t sinabi ko sayo na ‘wag mo ipagkalat ang tungkol sa sakit ko?”Tumawa si John. “Malalaman din naman ni Miss Moore ang tungkol dito dahil magkakasama kami sa trabaho.”Medyo naabala si Tara dahil dito. Pinadala siya ni Joshua para bantayan si John at malaman
“Ayos lang. Hindi ko siya niligtas para sa pera.” Ngumiti si John habang tinaas niya ang kamay niya para kunin ang kutsara at tinidor mula kay Robyn.Nagtataka rin siya tungkol sa binanggit ni Robyn, ngunit sa katotohanan, hindi siya nagsisi sa desisyon niya. Kahit na pumunta siya doon para sa pera, hindi ito ang motibasyon niya noong tumalon siya sa harap ng bala.Ginawa niya ito ng hindi nag iisip. Kahit na ibalik niya ang oras, ililigtas niya pa rin ang lalaking ‘yun ng hindi nagdadalawang isip.Nagbuntong hininga si Robyn at tumingin siya kay John. “Pero John… makakapunta ka pa ba sa public bid sa katayuan mo ngayon?”Namutla si John dahil dito. Makalipas ang ilang sandali, ngumiti siya kay Robyn at sinabi niya, “Syempre naman. Ang balikat ko lang ang nasaktan, hindi ang utak ko, kaya makakapag trabaho pa rin ako tulad ng dati at makapag handa ako para sa bid. ‘Wag kang mag alala. Alagaan mo na lang sina Anne at Sammie, at ako na ang bahala sa lahat.”Pagkatapos, tumingin siya