Share

Kabanata 1792

Palihim na humigpit ang mga kamao ni Joshua dahil sa mga sinabi ni Celia.

Nang maramdaman ang pagiging seryoso ni Joshua, kinagat ni Luna ang labi niya. Alam niya na ginagawa ni Joshua ang lahat para pigilan ang galit niya.

Parang kutsilyo ang mga salita ni Celia, lumilipad papunta sa mga sensitibong ugat ni Joshua.

Nakita ni Luna kung gaano kahigpit ang kamao ni Joshua. Kumunot ang noo niya at lumapit siya kay Joshua. “Joshua, kumalma ka,” Kinumbinsi niya si Joshua ng may mahinang boses habang hinawakan niya ang braso nito.

Sa mga sandaling ito, wala siya sa posisyon para ipagtanggol si Joshua, kaya’t ito lang ang pwede niyang gawin.

Gayunpaman, kumalma ng kaunti si Joshua dahil sa boses at hawak ni Luna, at humupa din ang nagliliyab na galit sa mga mata niya.

Nang makita na pinapakalma ni Luna si Joshua, tumawa lalo si Celia. Kung sabagay, wala na ang buhay mayaman niya at hindi niya na makikita ang anak niya. Sasabihin niya ang kahit anong gusto niya. Wala na siyang paki
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status