Sa sobrang gulat ni Luna ay matagal siyang walang masabi. Si Jim ay tulad ni Joshua. Marami silang kompidensyala na bagay na dala nila, kaya’t ang phone nila ang buhay ng kumpanya nila. Hindi nila iiwan ng basta basta ang phone nila, lalo na sa isang tao na hindi sila malapit. Kumunot ang noo ni Luna. “Bakit mo kasama ang kapatid ko?” Sa kabilang linya ng phone, ngumiti si Charlotte. Tumingin siya kay Jim, na siyang walang malay sa mesa sa harap niya. “Ito ay dahil tinawag niya ako, syempre.” Pagkatapos, nagbuntong hininga siya at sinabi niya, “‘Wag kang magkakamali. Hinahanap niya ako hindi dahil gusto niyang makipagbalikan sakin. Ito ay dahil…” Tumaas ang mga kilay ni Charlotte. “Gusto niya akong palayasin habang wala ka sa Merchant City. Gusto niya na lumayo ako sayo.” Pagkatapos, nagbuntong hininga siya at sinabi niya, “Pero wala akong oras para sayangin sayo. Marami siyang iniisip.” Kumunot ang noo ni Luna. May gusto pa siyang sabihin nang nagbigay ng dahilan si Ch
“Wala akong pakialam sa ibig mong sabihin.” Ang boses ni Jim sa kabilang linya ay istrikto at malamig. “Ayaw ko na mangyari ulit ito. Kapatid mo ako, hindi ako isang bilanggo. ‘Wag ka nang magpasunod ng mga tao sa akin.” Hindi man lang tinanong ni Jim si Luna kung bakit siya hinahanap nito nang ibaba niya ang phone. Mahigpit ang hawak ni Luna sa phone, at pakiramdam niya na para bang tinamaan siya ng kidlat. Hindi siya makapaniwala na ang lalaking kausap niya sa kabilang linya kanina ay ang kapatid niya, si Jim. Hindi pa nagsalita ng may ganitong ugali dati si Jim sa kanya. Hindi niya rin sinabi ang kahit anong tungkol sa pagkontrol at pag espiya o sa pagkawala ng tiwala ni Luna sa kanya. Bakit niya… Habang malungkot si Luna dahil dito, tumawag ang butler. “Ms. Luna,” Ang sabi ng butler habang nagbuntong hininga ito, “Hindi po ba’t sinabi niyo na nagaalala kayo at baka may nangyari na masama kay Mr. Landry?” “Pagkatapos niyo pong tumawag, tinawagan ko po ang driver at a
Kumunot ang noo ni Luna dahil sa mga sinabi ni Bonnie. “Huh… kakaiba nga.” Nilagay ni Bonnie ang pagkain na binili niya sa ref at nagbuntong hininga siya, “Sa tingin mo, ano ang ginagawa ni Jim ngayon?” Sinabi ni Jim kahapon na gusto niyang dalhin ni Bonnie si Shelly sa Merchant City. Sinabi niya pa na gusto ni Harvey na pakasalan si Bonnie para maging mag asawa na sila. Hindi pa pumunta si Bonnie sa Merchant CIty at hindi pa siya pumayag na magpakasal kay Jim, ngunit blinock na siya ni Jim? Naiinis lang ba si Jim dahil kagabi nang mag send siya ng message kay Bonnie, hindi sumagot si Bonnie dahil nakatulog na siya? Sa isip ni Bonnie, hindi isang napakagandang lalaki si Jim. Habang nakatingin kay Bonnie, tinikom ni Luna ang mga labi niya. Alam niya na kakaiba lang ang kilos ni Jim nang araw na ‘yun, ngunit hindi niya malaman ang rason. Ngumiti lang siyia at suamgot siya kay Bonnie, “Baka nagdadabog lang siya dahil bad mood siya. Mukhang apektado siya sa isyu ng Landry Gro
“Ayon sa oras ng mga kaganapan, noong nabuntis ang babae, hindi pa kami magkasama ni Jim. Ngayon at kasama ko na ang bata, nangako si Jim na hindi na siya sasama sa ibang babae. Hindi makikipag away ang nanay ng batang ito sa akin para sa bata, kaya’t masaya ako.” Lumapit si Luna at hinawakan niya ang kamay ni Bonnie. Hindi niya alam kung bakit, pero bigla niyang naisip na parang si Bonnie ay ang dati niyang sarili. Noong unang makilala ni Luna si Bonnie, mahal na mahal ni Bonnie si Jason, kayang isakripisyo ni Bonnie ang lahat basta’t makasama si Jason. Nagawa niya pang makipag palit ng pwesto kay Aura sa mental hospital para mahanap si Jason, dahil lang gusto niyang malaman kung nasaan si Jason. Syempre, lumabas ang katotohanan ng pagtataksil ni Jason, at sumuko na si Bonnie sa kanya. Pagkatapos ay naging isa na siyang nag aapoy na tagapagmana na mabilis magalit. Sa mga sandaling ito, tila kakabalik lang ni Bonnie sa sarili niya. Kung ito ang dating Bonnie na mabilis magalit,
Nang marinig si Luna na nagtatanong tungkol sa pinanggalingan ng singsing, natawa si Bonnie ng nahihiya. “Napulot ko ito noong press conference kung saan inilantad ni Joshua sina Adrian at Michael. Ang araw na iyon ay ang unang araw na nakilala ko si Harvey. Nakita ko itong singsing pagkaalis niya, kaya pinulot ko. Plano kong ibalik ito sa kanya pagdating ng panahon, pero…” Napailing si Bonnie. “Isang taon na ’to. Hindi ako nakakita ng pagkakataong ibalik ito kay Jim. Minsan, nakalimutan ko na lang talaga. Sa ibang pagkakataon…” Nararamdaman ni Bonnie na parang hindi sila para sa isa-t isa ni Jim, kaya itinago niya ang singsing bilang alaala. Naging on-and-off sila ni Jim noong nakaraang taon, kaya hindi na niya naibalik ang singsing sa kanya. Noong una, nagpasya si Bonnie na ibalik ito kay Jim nang sundan niya si Luna pabalik sa Merchant City. Hindi niya inaasahan na babanggitin ni Luna ang singsing, kaya nilabas niya ito. Gulat na napatingin si Luna kay Bonnie bago mulin
Kumunot ang noo ni Luna at maingat na sumagot kay Shannon, [May balak ka ba talagang habulin ako?] Nagplano ba si Shannon, bilang Design Director, na pigilan siya dahil alam niyang ninanakaw ni Luna sina Zayne, Samson, at Arianna? Sinagot siya ni Shannon ng sunud-sunod na smiley emojis. [Huwag kang mag-alala, Luna, niyaya kita sa labas para lang sa personal na dahilan. Gusto mong kunin ang iyong mga dating assistants, at wala akong magagawa. Pagkatapos ng lahat, pagkatapos mong umalis, ang departamento ng disenyo ng alahas ng Lynch Group ay hindi na ang pangunahing prayoridad ng kumpanya. Walang kabuluhan na pabayaan ang gayong talento, at sa palagay ko ay mas mabuting sundan ka nila sa isang mas magandang lugar upang sila ay lumago at umunlad.] Biglang nakaramdam ng kaunting guilty si Luna sa kanyang naisip na mga ideya tungkol kay Shannon. Tumingin siya sa ibaba para tingnan ang oras. Alas tres y medya na ng hapon, at dapat ay makarating pa rin siya sa oras para sa pista ng bar
Nang marinig ni Luna kung paano nawala sa pag-isiip si Jim, napakunot ang noo niya. Siya ay muling nakasama ni Jim sa loob ng halos isang taon, at sa lahat ng oras, si Jim ay palaging mapagpakumbaba at mature. Hindi talaga siya nakipag-away o nakipagtalo sa sinuman noon. Kahit na kaharap sina Malcolm at Heather, na nanakit kay Rosalyn, hindi siya gumawa ng ganitong uri ng kaguluhan noon. Hindi maikumpara ni Luna ang tono at ugali na narinig niya kay Jim. Kinagat niya ang kanyang labi at bumulalas, Jim, ako ay..." Bago pa siya makapagsalita, narinig niya ang pag-agaw ni Jim sa telepono mula sa butler. Pagkatapos, sa isang malakas na kalabog, nadiskonekta ang tawag. Hinawakan ni Luna ang kanyang telepono, lubos na naguguluhan sa biglang pagtatapos. Kung tama ang hula niya, tiyak na nabasag ang telepono ng mayordomo, at walang alinlangan na ito ay gawa ni Jim. Pagkatapos ng lahat, sa daan-daang mga katulong at bodyguard, ang butler ay medyo mataas sa hanay. Bukod kay Jim, wal
"S—Sinasabi mo ba na pupunta ka sa Merchant City?" "Mmh." Kinuha ni Shannon ang kanyang tasa ng kape at humigop. Napangiti siya ng mahinahon. "Hindi ba inayos mo na sundan ka nina Zayne, Samson, at Arianna sa Merchant City makalipas ang isang linggo? Sasama ako sa kanila para tulungan ka." Natigilan si Luna sa napakatagal, pinoproseso ang piraso ng sorpresa na ito. Excited niyang hinawakan ang kamay ni Shannon. "H—Handa ka ba talagang talikuran ang iyong posisyon bilang Direktor ng Disenyo at makipagtulungan sa akin?" Ang posisyon ng Direktor ng Disenyo sa departamento ng disenyo ng alahas ng Lynch Group ay may malaking kapangyarihan at karangalan, bukod pa sa mataas na suweldo at mga bonus. Pagkatapos ng lahat, ang Lynch Group ay isang sikat na pangalan. Ang bagong kumpanya ni Luna ay isa lamang maliit na kumpanya ng alahas na nalulugi mula noong ito ay binuksan. Isa ito sa mga dahilan kung bakit hindi niya kinuha si Shannon sa kanyang hanay. Sa teoryang pagsasalita, wal
Kumunot ang noo ni Luna nang marinig niya ito.Kailangan niyang itago si Gwen kapag bumisita si John sa kanila. Kasabay nito, kailangan niya ng ibang tao para magpanggap na si ‘Andie Larson’.Habang iniisip ito, nagbuntong hininga si Luna at tumingin siya ng makahulugan kay Tara.Naintindihan ito ni Tara at tumango siya, pagkatapos ay naglakad siya pabalik ng elevator kasama si Luna.Nang sumara ang pinto, nagbuntong hininga si Tara at sinabi niya ng pagod na tono, “Salamat sa Diyos at nabigo si Robyn ng memorya niya. Kung hindi, sira na ang lahat ng plano natin.”Tumango si Luna. Pagkatapos, tumingin siya kay Tara at tinanong niya, “Oo nga pala, paano nagkakilala si John at ang tatay ni Gwen?”Kahit na si Andy ay dinala ng mga tauhan ni Tyson sa Sharnwick City. Paano napunta sa parehong kwarto si John at sumalo pa siya ng bala para dito?Kinidnap rin ba si John ng mga taong ito? Kung ganun, bakit nila ito ginawa?Nang mabanggit ito, nagbuntong hininga si Tara at nagpaliwang si
Sumilip si Luna sa crack mula sa pinto.May suot na hospital gown si John, nakaupo ito sa kama at kumakain habang kausap si Robyn. “Sinabi ba talaga ‘yun ni Miss Moore?”Tumango si Robyn. “Nakasalubong ko rin sa elevator ‘yung babae na bumili ng tanghalian na ito kanina. Hindi ka maniniwala, konektado din siya kay Miss Moore! Magpinsan sila sa kasal!”Huminto ang kamay ni John, halata na nabigla siya. Tumawa siya at tinanong niya, “Talaga? Nagkataon nga naman.”“Tama ka! Maliit ang mundo natin!” Tumango si Robyn. “Hindi lang ‘yun, pero dahil magpinsan sila sa kasal, may koneksyon din siya sa lalaking niligtas mo kagabi. Sa tingin ko ay ang pangalan niya ay…”Napatalon ang puso ni Luna sa lalamunan niya nang marinig niya ito.Nagkaroon siya ng isang malaking pagkakamali. Hindi niya sana babanggitin ang pangalan ni Gwen kung alam niya lang na si John ang lalaking nagligtas sa tatay ni Gwen!Malapit na masira ang sikreto nila!Habang iniisip ito, hindi niya mapigilan na tumingin k
Tumaas ang mga kilay ni Luna kay Tara. “Sinasabi mo ba na anim na buwan mo nang alam ang tungkol kay Anne at John?”Tahimik ng ilang sandali si Tara bago siya tumango. “Oo.”Huminga siya ng malalim at tumitig siya ng seryoso kay Luna. “Dati, ang lahat lang ng alam ko tungkol sayo ay pinakasalan mo ang pinsan ko at biniyayaan kayo ng triplets. Nabalitaan ko rin na sa isang punto, naging malapit ka kay Christian, pero wala na akong ibang impormasyon maliban dito. Isang araw, sinabi ng tita ko sa akin na ikaw, ang asawa ng pinsan ko, ay walang iba kundi si Moon, ang paboritong jewelry designer ko.”“Simula nang matuklasan ko ito, napunta ang atensyon ko sayo at naghanap ako ng mga balita tungkol sayo. Dahil dito, alam ko ang tungkol sa murder at trial mo, kaya alam ko ang tungkol kela Anne at John.”Lumaki ang mga mata ni Luna sa gulat.Hindi siya makapaniwala na si Tara ay palihim na isa sa mga fans niya, sa punto na binabantayan nito ang balita tungkol kay Luna kahit na nakatira si
Matagal na natulala si Luna.Sa huli, bumalik siya sa sarili at humawak siya ng sabik sa braso ni Robyn. “Sinasabi mo ba na ang kapatid mo ang nagligtas sa lalaki na hinahanap ng lahat sa buong bayan?”Hindi inaasahan ni Robyn ang reaksyon ni Luna. Napaatras siya sa takot at tumango siya. “O… Oo.”Bakit sabik si Luna na marinig ito?Kumunot ang noo niya at tinanong niya, “Miss, kilala… mo ba ang kapatid ko? O may koneksyon kayo sa matandang lalaki kagabi?”Sasagot sana ng oo si Luna sa mga tanong na ito nang sumingit si Tara. “Syempre may koneksyon siya sa matandang lalaki. Asawa siya ng pinsan ko, kaya may koneksyon siya sa matandang lalaki na niligtas ng kapatid mo. Sabik lang siya na makilala ang lalaki na lumigtas sa buhay ng matandang lalaki.”Pagkatapos, tumingin siya kay Luna. “Hindi ba, Luna?”Napahinto ng ilang sandali si Luna, pagkatapos ay tumango siya. “Oo, masaya lang ako na ligtas siya ngayon.”Pagkatapos, lumingon siya para tumitig ulit kay Robyn. “Kamusta na ang
“Um…”Ngunit, bago pa sumagot si Tara, sumingit si Robyn. “Hindi ba’t sinabi ko sayo na ang kapatid ko ay nabaril? Ito ay dahil pinoprotektahan niya ang isang matandang lalaki kagabi.”“Nakidnap silang pareho, at ang lalaki na ‘yun ay papatayin dapat ng kidnapper. Kung hindi humarang ang kapatid ko para iligtas ang lalaking ‘yun, patay na dapat siya ngayon.”“Si Miss Moore ay ang kamag anak ng lalaki at pumunta siya dito para pasalamatan kami.”Pagkatapos, pinakita niya ang card kay Luna at sinabi niya, “Gusto niya kaming bigyan ng gantimpala kapalit ng kabaitan ng kapatid ko. Desperado kami sa pera, pero ayaw itong tanggapin ng kapatid ko. Ayaw niyang isipin ng iba na may ibang rason ang kabaitan niya.”Napahinto si Luna nang marinig niya ito. Kumunot ang noo niya, tumingin siya kay Tara. “Ang ‘kamag-anak; na ito ay ang tatay ni Gwen, hindi ba?”Alam ni Luna ang tungkol sa nangyari kagabi. Dahil niligtas ng mga tauhan ni Joshua si Andy kagabi at ang kapatid ni Robyn ay nabaril d
“Hindi ko kailangan ng special treatment.” Ngumiti si John kay Tara. “Ang gusto ko lang ay ang isang oportunidad para sumama.”Kumunot ang noo ni Tara dahil dito, ngunit wala siyang sinabi. Sa huli, tumalikod siya at umalis na siya ng kwarto.Sa kanyang ikinagulat, nakasalubong niya si Luna, na siyang kakalabas lang ng elevator.Nabigla din si Luna na makita si Tara.Siguradong si Tara, na siyang obsessed kay Joshua, ay nasa Moore Group dapat kasama si Joshua, nagpapalipas ng oras kasama ang paboritong ‘pinsan’ nito. Bakit pala nasa hospital si Tara?“Hello, Luna.” Ngumiti ng nahihiya si Tara nang makita niya si Luna.Kumunot ang noo ni Luna at tumingin siya ng malamig kay Tara. “Ano ang ginagawa mo dito?”Nandito ba si Tara para makita si Gwen? Hindi niya maintindihan; hindi kilala nila Tara at Gwen ang isa’t isa. Bakit bibisita si Tara kay Gwen?Huminto si Tara, ngunit bago pa siya makagawa ng dahilan, tumunog ang boses ni Robyn sa likod niya. “Miss Moore!”Tumakbo si Robyn
Bumangon si John mula sa kama nang mabanggit ang matandang lalaki. Pagkatapos ay tumitig siya ng nakakunot ang noo kay Tara. “Ayos lang ba siya? Nawalan ako ng malay pagkatapos akong mabaril kagabi, kaya hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kanya. Naaalala ko na dumating ang mga tauhan niyo sa oras… Ayos lang ba siya ngayon?”Kahit na ang ginawa ng matandang lalaki ang rason kung bakit nabaril si John, naiintindihan ni John ang pananaw ng lalaking ito. Pagkatapos makulong ng maraming araw, hindi nakakapagtaka na magiging balisa ito na makatakas.Hindi mapigilan ni John na isipin na kung ang lalaking ito ay nakakuha ng sakit mula sa pagkakakulong, lalo na at matanda at mahina na ito.Kumunot ang noo ni Tara nang mapansin niya na nag aalala si John. Mukhang hindi nagpapanggap si John sa pag aalala niya.Ayon kay Joshua, hindi alam ni John na ang lalaking niligtas niya ay ang tatay ni Gwen. Base sa reaksyon ni John, alam na ni Tara na tama si Joshua.Ngumiti si Tara at sumagot siya
Hindi kaya’t sinasabi ni John ang katotohanan?Habang iniisip ito, tumingin ulit si Tara kay Robyn.Medyo kinakabahan si Robyn habang sinusuri ng ganito. Nahihiya siyang tumawa at sinabi niya, “Nice to meet you, Miss Moore. Ako ang kapatid ni John, si Robyn.”Pagkatapos, tinaas niya ang kamay niya kay Tara.Kumunot ang noo ni Tara habang kinamayan niya si Robyn. “Nabalitaan ko na may sakit ka?”Tumigas ang kamay ni Robyn. Nakalimutan niya ang tungkol sa instructions ni John!Ngumiti siya, sinubukan niyang maging kalmado. “Opo. Nagkaroon ako ng kakaibang sakit at humihina ang katawan ko, at kailangan ko ng surgery para mabuhay.”Pagkatapos, lumingon siya para tumingin ng masama kay John. “Sinabi mo ba ito sa lahat? Hindi ba’t sinabi ko sayo na ‘wag mo ipagkalat ang tungkol sa sakit ko?”Tumawa si John. “Malalaman din naman ni Miss Moore ang tungkol dito dahil magkakasama kami sa trabaho.”Medyo naabala si Tara dahil dito. Pinadala siya ni Joshua para bantayan si John at malaman
“Ayos lang. Hindi ko siya niligtas para sa pera.” Ngumiti si John habang tinaas niya ang kamay niya para kunin ang kutsara at tinidor mula kay Robyn.Nagtataka rin siya tungkol sa binanggit ni Robyn, ngunit sa katotohanan, hindi siya nagsisi sa desisyon niya. Kahit na pumunta siya doon para sa pera, hindi ito ang motibasyon niya noong tumalon siya sa harap ng bala.Ginawa niya ito ng hindi nag iisip. Kahit na ibalik niya ang oras, ililigtas niya pa rin ang lalaking ‘yun ng hindi nagdadalawang isip.Nagbuntong hininga si Robyn at tumingin siya kay John. “Pero John… makakapunta ka pa ba sa public bid sa katayuan mo ngayon?”Namutla si John dahil dito. Makalipas ang ilang sandali, ngumiti siya kay Robyn at sinabi niya, “Syempre naman. Ang balikat ko lang ang nasaktan, hindi ang utak ko, kaya makakapag trabaho pa rin ako tulad ng dati at makapag handa ako para sa bid. ‘Wag kang mag alala. Alagaan mo na lang sina Anne at Sammie, at ako na ang bahala sa lahat.”Pagkatapos, tumingin siya