"Paanong nangyari to…" Nakaupo sa kama, sinira ni Luna ang lahat ng mga tubo sa kanyang katawan at tumalon mula sa kama nang walang sapin. "Paano posibleng mamatay ang anak ko? Paanong nangyari to? "Bago ako nahimatay, malinaw kong narinig ang pag-iyak niya! Narinig kong umiiyak siya!" sigaw niya habang nakahawak sa kwelyo ng midwife. "Nagsisinungaling ka sa akin! Siguradong nagsisinungaling ka sa akin! Nasaan ang baby ko?" Isang baliw na tingin ang bumungad sa mga mata ni Luna. "Ibinenta mo ba ang anak ko para sa pera? Itinago mo ba siya sa isang lugar? Sabihin mo!" Napakahigpit ng pagkakahawak ni Luna sa kwelyo ng midwife na ang mukha ng midwife ay nagsisimula nang maging purple dahil sa kawalan ng oxygen. "Ang anak mo…" Mahina niyang itinaas ang kamay at itinuro ang malapit na basurahan. "Nandiyan siya." Sa sandaling mapasulyap siya sa direksyon na itinuro ng midwife, pakiramdam ni Luna ay parang tinamaan ng kidlat ang buong katawan niya. Binitawan niya ang midwife at
"Joshua, ako ay…" Nagsimulang tumulo ang mga luha habang nagpatuloy si Luna, "Hindi ko nagawang protektahan ang batang ito. Napakawalang kwenta ko. Napakawalang kwenta ko... "Hindi ko man lang naprotektahan ang isang sanggol... Wala na ngayon ang anak natin, Joshua... Wala na ang nag-iisang bagay na humahawak sa akin at sa iyo..." Humihikbi si Luna ng todo kaya mahirap panoorin. Nangingilid ang luha sa mga mata ni Joshua habang yakap-yakap siya nito. "Ayos lang yan; meron na tayong Nigel, Neil, at Nellie. Ang batang ito ay…” "Siguro alam niya na hindi tayo magkasama sa ngayon, at nag-aalala siya na ang kanyang pagsilang ay magdadala sa iyo ng higit na problema, kaya pinili niyang umalis nang mag-isa.” "Luna, gumising ka na at mag-isip ng mabuti. Ikaw at ako ay parehong bata pa, at maaari pa tayong magkaanak." Nangingilid ang luha sa mukha ni Luna habang hawak malapit sa kanya ang maliit na bangkay. "Hindi, hindi na siguro tayo magkakaanak pa…” "Joshua, ikaw ay isang Lyn
Nandito si Charles? Tumaas ang mga kilay ni Joshua sa gulat. Hindi niya pa tinutugis si Charles, ngunit ang lalaking ito ay dumating na sa harap ng pinto niya. Yakap ni Joshua si Luna at ngumiti siya ng malamig. “Papasukin niyo siya.” Sumimangot si Jim, tumingin siya sa babaeng yakap ni Joshua, sinabi niya ng may mababang boses, “Kung gusto mong pagalitan at bugbugin ang matandang lalaking ‘yun, hindi ako kokontra. Kung sabagay, hindi matatanggap ang ginawa niya, pero imumungkahi ko na hayaan mo muna si Luna na magpahinga.” “Kakamatay lang ng anak niya, at malungkot siguro siya ng sobra. Kapag nakipagtalo ka ngayon sa tatay niya sa harap niya, hindi rin ito magiging maganda para sa kanya.” Huminto si Joshua at tumingin siya kay Luna, pagkatapos ay huminga siya ng malalim at inalis niya ang patay na sanggol sa mga braso ni Luna. Gayunpaman, sa sandali na alisin niya ang sanggol, kinuha ulit ni Luna ang sanggol na parang isang baliw na babae. “Hindi! ‘Wag niyong agawin ang an
“Bakit hindi ako pwedeng pumunta dito? Anak ko rin si Luna!”“Anak mo rin siya?” Nanunuya si Joshua, tumitig siya kay Charles. “Alam ng mga taong alam ang katotohanan na si Luna ang tunay na anak mo at si Heather ay hindi mo kadugo.”“Pero para sa iba, base sa pagtrato mo sa kanya, iisipin ng lahat na si Heather ang tunay na anak mo.”Nawala ang kulay sa mukha ni Charles. Humigpit ang kamao niya at galit niyang sinabi, “Joshua Lynch! Problema ito ng pamilya ko, wala kang karapatan para mga komento dito!”“Hindi mo ba alam na ang rason kaya’t mahalaga sa akin ang anak ni Heather? Ito ay dahil kay Malcolm galing ang bata!”“Dahil sa ginawa mo sa pamilya Landry at sa pamilya Quinn sa mga nakalipas na buwan, parehong hinihintay ng pamilya namin ang pagsilang ng batang ito para makipag tulungan kami ng maayos!”Mas nagalit si Charles habang nagsasalita siya. Kung hindi dahil kay Joshua, hindi niya kailangan na maging kontrolado ng pamilya Quinn para sila na ang bahala sa lahat!Bukod
Nawawala si Luna.Naging balisa na si Charles. Kabado niyang hinawakan sa balikat ang isang katulong na malapit at tinanog niya, “Nasaan si Luna? Saan siya pumunta?”Umuulan ng malakas sa labas, at kakapanganak niya lang. Paano kung may masamang nangyari sa kanya kapag lumabas siya ng bahay ng walang nagbabantay sa kanya?Sa sobrang lakas ng pag alog sa katulong ay nanginig ang boses niya. “Si Ms. Luna po ay… lumabas.”Pagkatapos, tumuro siya sa direksyon ng backyard at dinagdag niya, “Doon po.”Pagkatapos magsalita ng katulong, sinipa ni Jim pabukas ang pinto at tumakbo siya papunta sa direksyon na tinuro ng katulong.Nakatingin ng masama si Charles sa katulong at mabilis niyang sinundan si Jim.Nang lumabas na ang dalawa papunta sa backyard, nakita nila si Luna.Hindi pa malayo ang nararating ni Luna.Gayunpaman, hindi niya na hawak ang tela, at sa halip, hawak niya ang patay na sanggol.Nakapatong ang itim na trench coat ni Joshua sa katawan ni Luna, at naglalakad siya ng
Habang busy sa pag uusap sina Charles at Jim, nagring ang phone ni Charles.Ito ay isang tawag mula kay Malcolm.Sinagot ni Charles ang tawag ng nakasimangot.May maamo na boses ng babae na tumunog sa kabilang linya, “Tatay, si Heather po ito.”“Parating na po ang gabi, at sinabi po ni Malcolm na magpahinga na po ako, pero nag aalala po ako kay Luna. Nanganak na po ba siya? Lalaki po ba ito o babae? Maraming anak po ba ito, parang sa huling pagbubuntis niya?”Sa ilang sandali, hindi alam ni Charles kung paano niya sasagutin ang mga katanungan ni Heather. Tumahimik siya ng ilang sandali bago siya sumagot, “Ang anak ni Luna…”Nang makita na nagdadalawang isip na sabihin ni Charles ang katotohanan, agad na inagaw ni Jim ang phone at sinabi niya ng maikli, “Hindi kasing palad ng anak ni Luna ang sayo, at pumanaw na ito.”Sa kabilang linya ng phone, ngumiti si Heather.Syempre ay alam niya na pumanaw ang anak ni Luna… Plano niya ito sa simula pa lang.Kahit na nakangiti si Heather,
Naglakad sina Joshua at Luna sa ilalim ng ulan ng buong gabi.Mabuti na lang at malapit na ang tag init, kaya’t hindi masyadong malamig.Sumikat na ang araw, at tulad ng sinabi ni Luna, lumabas ang bahaghari sa kalangitan.Tinabi ni Joshua ang payong niya, tumingin siya sa patay na sanggol sa braso ni Luna, pagkatapos ay pinunasan niya ang mga luha sa mukha ni Luna. “Luna, buong araw ka nang naglalakad habang karga siya. Oras na para ibaba mo siya para sumalangit na siya.”Nang marinig ito ni Luna, hindi niya mapigilan na tumulo ang mga mata niya.Suminghot siya at lumingon siya para tingnan ang isang malaking puno ng cherry blossom.Naisip niya kung nagkataon lang ito, dahil ang unang pagkikita nila ni Joshua ay sa ilalim din ng isang puno ng cherry blossom.Sa mga oras na ‘yun, estudyante pa lang siya, nakaupo sa ilalim ng puno kasama ang kanyang drawing board.Sa itsura ni Joshua sa puting shirt, nakatayo sa ilalim ng puno, nainlove agad si Luna sa kanya.Ilang taon na sim
...Sa biyahe mula sa puno ng cherry blossom pabalik ng bahay niya, hindi nagsalita si Luna.Hindi nagtagal, nakarating na ang kotse sa maliit na bahay kung saan siya umalis.Una, lumabas sa kotse si Luna at pumunta siya sa kwarto ni Rosalyn, kung saan kinausap niya ito habang hawak ang kamay nito. Pagkatapos, pumunta siya sa hapagkainan para kumain ng agahan.Sa huli, pagkatapos kumbinsihin ng ilang katulong, bumalik si Luna sa kwarto para matulog.Kasama ni Jim si Luna dahil nag aalala siya na baka may mangyari na masama dito.Pagkatapos humiga ni Luna sa kama, nagbuntong hininga si Jim at tumalikod siya para umalis.“Jim.” Nang bubuksan niya na ang pinto, tumunog ang mahina at namamaos na boses ni Luna mula sa likod niya, “Sa tingin mo… pagbibigyan nila ako?”Tumigas ang kamay ni Jim na nakahawak sa doorknob. Tumalikod siya at tinanong niya, “Sino-sino ang mga tinutukoy mo?”“Si nanay, si Joshua, at ang patay na bata.” Sumandal si Luna sa ulo ng kama at tumitig siya sa pade