Habang busy sa pag uusap sina Charles at Jim, nagring ang phone ni Charles.Ito ay isang tawag mula kay Malcolm.Sinagot ni Charles ang tawag ng nakasimangot.May maamo na boses ng babae na tumunog sa kabilang linya, “Tatay, si Heather po ito.”“Parating na po ang gabi, at sinabi po ni Malcolm na magpahinga na po ako, pero nag aalala po ako kay Luna. Nanganak na po ba siya? Lalaki po ba ito o babae? Maraming anak po ba ito, parang sa huling pagbubuntis niya?”Sa ilang sandali, hindi alam ni Charles kung paano niya sasagutin ang mga katanungan ni Heather. Tumahimik siya ng ilang sandali bago siya sumagot, “Ang anak ni Luna…”Nang makita na nagdadalawang isip na sabihin ni Charles ang katotohanan, agad na inagaw ni Jim ang phone at sinabi niya ng maikli, “Hindi kasing palad ng anak ni Luna ang sayo, at pumanaw na ito.”Sa kabilang linya ng phone, ngumiti si Heather.Syempre ay alam niya na pumanaw ang anak ni Luna… Plano niya ito sa simula pa lang.Kahit na nakangiti si Heather,
Naglakad sina Joshua at Luna sa ilalim ng ulan ng buong gabi.Mabuti na lang at malapit na ang tag init, kaya’t hindi masyadong malamig.Sumikat na ang araw, at tulad ng sinabi ni Luna, lumabas ang bahaghari sa kalangitan.Tinabi ni Joshua ang payong niya, tumingin siya sa patay na sanggol sa braso ni Luna, pagkatapos ay pinunasan niya ang mga luha sa mukha ni Luna. “Luna, buong araw ka nang naglalakad habang karga siya. Oras na para ibaba mo siya para sumalangit na siya.”Nang marinig ito ni Luna, hindi niya mapigilan na tumulo ang mga mata niya.Suminghot siya at lumingon siya para tingnan ang isang malaking puno ng cherry blossom.Naisip niya kung nagkataon lang ito, dahil ang unang pagkikita nila ni Joshua ay sa ilalim din ng isang puno ng cherry blossom.Sa mga oras na ‘yun, estudyante pa lang siya, nakaupo sa ilalim ng puno kasama ang kanyang drawing board.Sa itsura ni Joshua sa puting shirt, nakatayo sa ilalim ng puno, nainlove agad si Luna sa kanya.Ilang taon na sim
...Sa biyahe mula sa puno ng cherry blossom pabalik ng bahay niya, hindi nagsalita si Luna.Hindi nagtagal, nakarating na ang kotse sa maliit na bahay kung saan siya umalis.Una, lumabas sa kotse si Luna at pumunta siya sa kwarto ni Rosalyn, kung saan kinausap niya ito habang hawak ang kamay nito. Pagkatapos, pumunta siya sa hapagkainan para kumain ng agahan.Sa huli, pagkatapos kumbinsihin ng ilang katulong, bumalik si Luna sa kwarto para matulog.Kasama ni Jim si Luna dahil nag aalala siya na baka may mangyari na masama dito.Pagkatapos humiga ni Luna sa kama, nagbuntong hininga si Jim at tumalikod siya para umalis.“Jim.” Nang bubuksan niya na ang pinto, tumunog ang mahina at namamaos na boses ni Luna mula sa likod niya, “Sa tingin mo… pagbibigyan nila ako?”Tumigas ang kamay ni Jim na nakahawak sa doorknob. Tumalikod siya at tinanong niya, “Sino-sino ang mga tinutukoy mo?”“Si nanay, si Joshua, at ang patay na bata.” Sumandal si Luna sa ulo ng kama at tumitig siya sa pade
Nang marinig niya ang boses ni Bonnie, nag unat si Jim at bumangon siya mula sa sofa.Nagsuot siya ng Bluetooth earphones at hindi niya mapigilan na ngumii habang nakikinig siya sa galit na boses ni Bonnie.Sa hindi malamang rason, tuwing naririnig niya ang boses ni Bonnie, gaganda ang mood niya.Baka dahil alam niya na galit si Bonnie dahil malusog ang bata.Umupo siya ng mas komportable sa sofa, pumikit siya, at tumawa siya. “Sa tingin ko ay alam mo na walang hiya ako dahil hinayaan ko na si Christopher ang nagdala ang bata sayo.”Si Bonnie, na nasa Banyan City ngayon, ay lumaki ang mga mata dahil sa galit. “Jim Landry, lecheng lalaki ka!”Tumingin siya sa sanggol na nasa thermal container at nagbilang siya sa daliri niya. “Ang batang ito… Nabuo ba siya bago pa tayo sumiping?”“Sino ang nanay? Bakit hindi niya inalagaan ang bata? Sino pa ang mga babaeng sinamahan mo maliban sa kanya?”Ngumiti si Jim at sumagot siya, “Malalaman mo rin kung sino ang nanay kapag nagkaroon ng pag
Pagkatapos magreklamo kay Jim sa isip niya, hindi mapigilan ni Bonnie na mag alala para kay Luna.Tumingin siya sa batang nasa harap niya.Tama si Jim. Si Luna ay isang tao na mahal ang mga anak niya ng sobra, kaya’t siguradong sasama ang loob niya tuwing makikita niya ang sanggol na ito.Pagkatapos pag isipan ng ilang sandali, tumawag si Bonnie sa number ni Gwen.…Pagkatapos ibaba ang phone, sumandal si Jim sa sofa at pumikit siya.Hindi niya mapigilan na maalala ang naiirita na tono ng boses ni Bonnie mula sa phone.Ngumiti si Jim. Naiisip niya pa ang larawan ng itsura ni Bonnie; namumula ang mukha nito tuwing nagagalit.Sa huli, hindi niya mapigilan na tumawa.Sa hindi malamang rason, ang walang galang na babaeng ito ay medyo cute kapag galit siya.…Dalawang araw na nakahiga sa kwarto si Luna.Sa dalawang araw na ito, maliban sa pagkain, paginom, at pagpunta sa banyo, nakahiga lang siya sa kama sa mga oras na ‘yun, nakatitig sa kisame.Nag aalala si Jim na lumubog sa
“Kasi… Pareho kami ng tatay ni Luna.” Ngumiti ng nahihiya si Jim at umiwas siya ng tingin kay Joshua. “Hindi naman imposible na ang mga anak namin ay… magkamukha.”Habang nakatayo sa tabi nila, tumawa si Luke nang marinig niya ito. “Hindi ba’t magkamukha naman ang lahat ng mga sanggol?”Pagkatapos, tinapik niya ang balikat ni Jim at sinabi niya, “Hindi ba’t parang kabado ka?”Tinikom ni Jim ang mga labi niya at umubo siya ng mahina. “Hindi, hindi naman.”Hindi mapigilan ni Joshua na kumunot ang noo niya nang mapansin niya ang tingin sa mukha ni Jim. Hindi niya mapigilan na isipin na may tinatago si Jim sa kanya.Biglang may isang katulong na lumapit at sinabi sa kanila, Mga Sir, sinabi po ni Ms. Larson na dahil matagal niya pong hindi nakita si Ms. Luna, gusto niya pong makipag kwentuhan, pero kapag nakita po ni Ms. Luna si Mr. Lynch, mawawalan daw po ng kontrol sa mga emosyon si Ms. Luna. Kaya po…”Tumigil ng ilang sandali ang katulong at nagpatuloy siya, “Ang hiling po ni Ms. L
Nang makalabas na ng kotse si Heather, sinabi niya, “Ang baho naman ng hangin dito sa probinsya.”Agad na naintindihan ng katulong sa tabi niya ang sinasabi niya at mabilis itong nagspray sa hangin ng disinfectant at perfume na pwede sa buntis para linisin at pabangohin ang hangin sa paligid nila.Mukhang mamahalin ang lahat ng ito.Hindi lang nagspray ng pabango ang katulong kay Heather at sa sanggol, pati na rin sa yard, sa mga gwardya, at sa mga katulong na naghihintay sa pinto.Nang ilapag na ni Gwen ang huling pagkain sa mesa sa ilalim ng payong sa yard, hindi niya mapigilan na sumimangot nang makita niya ang eksenang ito.Lumabas siya ng gate at tumingin siya ng masama kay Heather. “Sino ka naman?”Kumunot ang noo ni Heather at tumingin siya kay Gwen, na siyang may suot na simpleng damit at apron. May mayabang na ngiti sa kanyang mga labi. “Isa ka lang katulong, anong karapatan mo para tanungin kung sino ako?”Habang sinasabi niya ito, inabot niya ang sanggol sa isang katu
Tumigil ang kamay ni Luna na nakahawak sa kutsara at tinidor nang marinig niya ito.Lumingon siya at tumitig siya kay Heather ng maputla ang mukha.Bago pa man siya makapagsalita, ang katulong na si Lorraine ay dinala ang bata papunta kay Luna. “Ms. Luna…”Kinagat ni Luna ang ngipin niya at lumingon siya palayo, tumanggi siyang tingnan ang bata. “Walang hiya ka Heather!”Biglang napagtanto ni Gwen na ang babaeng ito na may suot na maganda mula ulo hanggang paa, ang babaeng gumawa ng gulo ay walang iba kundi ang pekeng anak ng pamilya Landry, si Heather!Sumingkit ang mga mata niya, lumapit siya, at tinulak niya si Lorraine palayo kay Luna. “Lumayo ka sa kanya!”Nalagpasan na ni Luna ang kalungkutan sa pagkawala ng anak niya, pero nagpakita si Heather para ipagmalaki ang sanggol na ipinanganak ng kasabay ni Luna.Ano ang binabalak niyang gawin kundi ibalik ang mga masasamang alaala ni Luna?Hindi masyado malakas ang pagtulak ni Gwen kay Lorraine. Ang gusto niya lang ay ilayo si