Hahawak na si Luna sa handle ng wheelchair ni Joshua nang tumigil siya saglit.Makalipas ang ilang sandali, agad siyang humabol kay Joshua at humawak siya sa handle ng wheelchair, tinulak niya ito paalis.“Joshua, alam ko na galit sa sa akin dahil sa mga bigla kong sinabi, na umamin ako na engaged ako kay Michael, pero…”Suminghot si Luna at kinagat niya ang mga labi niya. “Wala akong magagawa. Ang kahon na binigay sa akin ni Aura. Sa loob nun—”Tumingin si Joshua sa harap at kalmado niyang sumingit kay Luna, “Sa loob ng kahon, ay may kinalaman kela Theo at Neil. Ang laman ng papel ay may nakasulat na pagbabanta sayo. Sinabi niya na kapag hindi mo sinunod ang mga sinabi niya, sasaktan niya sila Theo at Neil.”Ngumiti si Joshua. Tila tinawanan niya ang sarili niya. “Tama ba ako?”Nabigla si Luna. Makalipas ang ilang sandali, kinagat niya ang labi niya. “Paano mo nalaman…?”“Nanghula lang ako.”“Kung alam mo na pala, bakit—”“Luna.”Huminga ng malalim si Joshua. Tumigil siya at
“Sinabi mo na busy ka sa trabaho, pero nakita ko kung paano ka makihalubilo sa ibang mga babae. Umaakbay ang ibang mga babae sayo, pero may tiwala pa rin ako sayo, nagpapanggap ako na hindi ko ‘yun nakikita. Bakit pala ako tumigil sa pagtitiwala sayo?”Tumingin si Luna kay Joshua at binigkas niya ang bawat salita, “Dinurog mo ang tiwala ko sayo noon. Ang nangyari noong anim na taon na ang nakalipas, hanggang ngayon, hindi pa rin ako sigurado kung nakipag sabwatan ka kay Aura para saktan ako, o kung isa lang sa inyo ang may plano nito.”“Mabait ka sa amin ng mga bata ngayon, alam ko ‘yun. Nagpapasalamat din ako, pero hindi ito mabubura ang sakit na dinala mo dati. Sana ay ‘wag mo akong sisihin na wala akong tiwala sayo. Simula noong nangyari ang aksidente noong nakalipas na anim na taon, ang sarili ko na lang ang pinagkakatiwalaan ko.”Pagkatapos, huminga ng malalim si Luna, tumalikod siya, at naglakad na siya palayo.Sa walang laman at malamig na venue, nasa wheelchair si Joshua, t
Sa ilalim ng ilaw ng buwan, mahimbing na natutulog si Nellie sa princess bed niya.Nakatayo si Neil sa tabi ng kama ni Nellie, hawak ng mahigpit ang kutsilyo habang sinuri niya ang mukha ni Nellie.Sa hindi nalalayo, nasa kama si Nigel. May hawak siyang maliit na pana.Hindi tulad ni Nellie, hindi naniniwala si Nigel na si Neil ay ang dating Neil pa rin. Kahit na nawala na ang mga alaala niya, isang estranghero si Neil hanggang sa bumalik ang mga alaala niya. Dapat lang talaga maging maingat sa mga estranghero.Nakakasakal ang hangin sa kwarto ng mga bata. Puno ng tensyon sa ere.Makalipas ang ilang sandali, nagbuntong hininga si Neil at itinabi niya ang kutsilyo niya. Inabot niya ang kamay niya at hinawakan niya ang mukha ni Nellie. Kahit na galit siya sa pamilya Lynch, hindi niya magawa na magalit sa mapagmahal na batang babaeng ito, hindi niya rin magawang maging malupit sa batang ito.Makalipas ang mahabang sandali, huminga ng malalim si Neil, umalis na siya ng tent ni Nellie
Pinagpustahan pa nila Anne at Bonnie na magiging totoo sa huli ang pekeng relasyon nila Luna at Joshua at mauuwi silang masayang magkasama.Gayunpaman, hindi nila inaasahan na ang mga pangyayari ngayong gabi. Biglang naging anak nila Aura at Joshua si Neil.Naging ibang tao rin ang lalaking bida ng engagement ceremony.Buong gabi nilang sinamahan si Luna. Nasa bar pa rin si Luna hanggang 10 a.m ng umaga, nang magising si Luna.Lasing na lasing sina Anne at Bonnie, mahimbing ang tulog. Nagbuntong hininga si Luna at lumabas na siya, balak niya na bumili ng agahan para sa kanila bago sila gumising.Nang buksan niya ang pinto ng bar, napagtanto niya na malakas ang ulan sa labas. Nagbago na ang kulay ng kalangitan dahil sa malakas na ulan.Kumunot ang noo niya. Habang nagdadalawang isip siya kung isusugal niya na lumabas sa ganito kalakas na ulan para kumuha lang ng pagkain, nagring ang phone niya. Ito ay mula kay Nellie.Agad na sinagot ni Luna ang phone. “Nellie.”“Mommy, malakas p
Nang mapagtanto niya na basta basta niya lang siguro ito sinabi, tumahimik si Lucas.Muling kumunot ang noo ni Luna. “Lucas.” Lumingon siya para tumingin ng seryoso kaya Lucas. “Tinatanong kita.”Huminga ng malalim at nagbuntong hininga si Lucas. Tumingin siya sa harap habang nagmamaneho ng hirap sa malakas na ulan, sumagot siya ng seryoso, “Opo. Noong naaksidente po kayo noon sa malakas na ulan, kasama ko po si Mr. Lynch sa Sea City. Iniisip niya po noong una na binibiro niyo lang siya nang mabalitaan niya na naaksidente po kayo.“Nang mabalitaan niya po na totoo lahat, agad… niya pong kinansela ang pinakamahalagang meeting ng Lynch Group. Inabandona niya po ang mga collaborator na mula pa po sa Sea City at agad po siyang pumunta sa Banyan City kasama namin.“Dahil iniwan po ni Mr. Lynch ang mga collaborator noon, nahinto po ang paglago ng Lynch Group sa business ng ibang bansa.”Nagbuntong hininga si Lucas.Noon, kakagraduate lang ni Lucas ng college. Isang bagong assistant lan
“Hindi bilang ang mga sinasabi mo.”Nagbuntong hininga si Joshua at tumingin siya sa malakas na ulan sa harap niya at sa dagat.“Matagal ko nang gusto malaman kung masakit bang mahulog sa dagat mula dito. Mabubuhay ba ako? Kung tulad niya, maranasan ko rin ang sakit na naranasan niya nang araw na ‘yun, pagbibigyan niya ba ako?”“Hindi,” May malamig na boses na sumingit kay Joshua.Nabigla si Joshua. Makalipas ang ilang sandali, tumingin siya sa likod habang gulat. Sa likod niya, sa ilalim ng payong ni Lucas, ay si Luna, nakatayo at nakatingin sa kanya ng malamig at mayabang.May bahid ng pagkabalisa sa mukha ni Joshua, ngunit makalipas ang ilang sandali, nawala agad ito.Kumunot ang noo niya at tumingin siya kay Luna. “Bakit ka nandito?”“Pinapunta ako ni Nellie.” Tumingin si Luna kay Joshua ng walang ekspresyon sa kanyang mukha. “Natatakot si Nellie na magaya sa akin ang tatay niya, tumalon mula sa Bay Bridge tulad ng dati, kaya’t tinawagan niya ako para puntahan kita.”Malami
Tumingin si Luna sa mukha ni Joshua at naguluhan ang mga emosyon niya.Huminga siya ng malalim at tumingin siya palayo. Hindi niya kayang tingnan si Joshua.“Kung wala talagang kinalaman sayo ang aksidente noong anim na taon na ang lumipas…”“At, kung natulungan mo akong ibalik ang mga alaala ni Neil, magtitiwala ako sayo bago ka pa makakuha ng matibay na ebidensya. Pagbibigyan din kita.”Tumingin ng malapit si Joshua kay Luna.“Totoo ito. Mhm.” Suminghot si Luna at sinabi niya, “Ayaw kong magsinungaling sayo.”Kung kaya talagang tulungan ni Joshua na bumalik ang mga alaala ni Neil, hindi lang maniniwala si Luna kay Joshua, kahit na…”“Sige.” Habang nakatingin sa gilid ng mukha ni Luna, pumikit si Joshua at sinabi niya ng may mahina at namamaos na boses, “Kahit na hindi mo sabihin sa akin, tutulungan ko pa rin si Neil na bumalik ang mga alaala niya.”Para naman sa paghahanap ng ebidensya sa nangyari noong nakalipas na anim na taon…Sinimulan na ito ni Joshua. Sa sandali na mak
“Daddy, Mommy, tingnan niyo po! Namumula ang mukha ni Nigel! Nahihiya po siya dahil sinabi ko po ang iniisip niya!”Agad na sumagot si Nigel, “Hindi, mali ka!”Lumapit si Nellie kay Nigel. “Tama ako, tama ako, tama ako!”Masayang nag asaran ang dalawang bata. Hindi mapigilang ngumiti nila Luna at Joshua.Ngunit, habang nasa isang sulok si Neil at pinapanood sila, bahagyang kumunot ang kilay niya.Sa sumunod na sandali, tinabi niya ang Rubik’s cube, tumayo siya, at tahimik siyang umakyat. Napansin ni Luna ang bawat kilos ni Neil. Nawala ang ngiti sa mukha niya.Makalipas ang ilang sandali, huminga siya ng malalim, yumuko siya, at tumingin siya sa lalaking nasa wheelchair. Nakatingin din si Joshua kay Neil habang paalis ito, napansin niya ang mga kilos ni Neil.“Pupuntahan ko siya,” Ang sabi ni Luna. Huminga siya ng malalim at sumunod kay Neil sa itaas.Tahimik na umakyat si Neil at pumunta sa kwarto ng mga bata. Tahimik siyang umakyat sa itaas na kama ng bunk bed at humiga siya,