Share

Kabanata 1186

“Daddy, Mommy, tingnan niyo po! Namumula ang mukha ni Nigel! Nahihiya po siya dahil sinabi ko po ang iniisip niya!”

Agad na sumagot si Nigel, “Hindi, mali ka!”

Lumapit si Nellie kay Nigel. “Tama ako, tama ako, tama ako!”

Masayang nag asaran ang dalawang bata. Hindi mapigilang ngumiti nila Luna at Joshua.

Ngunit, habang nasa isang sulok si Neil at pinapanood sila, bahagyang kumunot ang kilay niya.

Sa sumunod na sandali, tinabi niya ang Rubik’s cube, tumayo siya, at tahimik siyang umakyat. Napansin ni Luna ang bawat kilos ni Neil. Nawala ang ngiti sa mukha niya.

Makalipas ang ilang sandali, huminga siya ng malalim, yumuko siya, at tumingin siya sa lalaking nasa wheelchair. Nakatingin din si Joshua kay Neil habang paalis ito, napansin niya ang mga kilos ni Neil.

“Pupuntahan ko siya,” Ang sabi ni Luna. Huminga siya ng malalim at sumunod kay Neil sa itaas.

Tahimik na umakyat si Neil at pumunta sa kwarto ng mga bata. Tahimik siyang umakyat sa itaas na kama ng bunk bed at humiga siya,
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status