Tumingin si Luna sa mukha ni Joshua at naguluhan ang mga emosyon niya.Huminga siya ng malalim at tumingin siya palayo. Hindi niya kayang tingnan si Joshua.“Kung wala talagang kinalaman sayo ang aksidente noong anim na taon na ang lumipas…”“At, kung natulungan mo akong ibalik ang mga alaala ni Neil, magtitiwala ako sayo bago ka pa makakuha ng matibay na ebidensya. Pagbibigyan din kita.”Tumingin ng malapit si Joshua kay Luna.“Totoo ito. Mhm.” Suminghot si Luna at sinabi niya, “Ayaw kong magsinungaling sayo.”Kung kaya talagang tulungan ni Joshua na bumalik ang mga alaala ni Neil, hindi lang maniniwala si Luna kay Joshua, kahit na…”“Sige.” Habang nakatingin sa gilid ng mukha ni Luna, pumikit si Joshua at sinabi niya ng may mahina at namamaos na boses, “Kahit na hindi mo sabihin sa akin, tutulungan ko pa rin si Neil na bumalik ang mga alaala niya.”Para naman sa paghahanap ng ebidensya sa nangyari noong nakalipas na anim na taon…Sinimulan na ito ni Joshua. Sa sandali na mak
“Daddy, Mommy, tingnan niyo po! Namumula ang mukha ni Nigel! Nahihiya po siya dahil sinabi ko po ang iniisip niya!”Agad na sumagot si Nigel, “Hindi, mali ka!”Lumapit si Nellie kay Nigel. “Tama ako, tama ako, tama ako!”Masayang nag asaran ang dalawang bata. Hindi mapigilang ngumiti nila Luna at Joshua.Ngunit, habang nasa isang sulok si Neil at pinapanood sila, bahagyang kumunot ang kilay niya.Sa sumunod na sandali, tinabi niya ang Rubik’s cube, tumayo siya, at tahimik siyang umakyat. Napansin ni Luna ang bawat kilos ni Neil. Nawala ang ngiti sa mukha niya.Makalipas ang ilang sandali, huminga siya ng malalim, yumuko siya, at tumingin siya sa lalaking nasa wheelchair. Nakatingin din si Joshua kay Neil habang paalis ito, napansin niya ang mga kilos ni Neil.“Pupuntahan ko siya,” Ang sabi ni Luna. Huminga siya ng malalim at sumunod kay Neil sa itaas.Tahimik na umakyat si Neil at pumunta sa kwarto ng mga bata. Tahimik siyang umakyat sa itaas na kama ng bunk bed at humiga siya,
Pagkukunwari. Mapagpanggap. Hindi mapigilan ni Luna na mapaatras nang marinig niya ang mga salitang ito. Kinagat niya ang mga labi niya at tumingin siya ng malapit sa batang nasa harap niya.Ito ang anak niya, si Neil.Ito ay si Neil, na kapag nalaman ang mga nangyari, ay aalagaan ang kanyang mga kapatid.Nagaalala lang si Luna para sa anak niya, ang nakuha niya lang pabalik ay tawagin siyang mapagpanggap. Alam niya na hindi ito ang intensyon ni Neil. Sinasabi niya ang mga salitang ito dahil nawala ang mga alaala niya.Kumirot pa rin ang puso ni Luna.Pinigilan ni Luna ang pagluha niya, pinilit niyang ngumiti.“Jake, nagaalala lang ako para sayo. Ayos lang kung ayaw mo. Bakit mo kailangan sabihin ang masakit sa salitang ‘yun?”Medyo nanginig ang puso ni Neil dahil sa kirot sa puso ni Luna. Nakaramdam siya ng emosyon na para bang nabasag ang puso niya, kaya’t medyo nairita siya.Huminga ng malalim si Neil. “Luna, sinabi ko na po sa inyo na nandito kami ng nanay ko para maghi
Gayunpaman, dumating sa isip ni Neil ang mukha ni Joshua.Ang nangyari ay…Sa gabi ng birthday ni Luna, noong hinanap ni Neil si Joshua, tila hindi nagulat si Joshua. Ito ay para bang matagal niya nang inaasahan na darating si Neil.Hindi nag abala masyado si Neil sa pakikipagusap kay Joshua. Agad niyang kinuha ang kutsilyo at tinutok niya ito sa tiyan ni Joshua. Gayunpaman, hindi niya ito magawa.Alam niya na basta’t ginawa niya ang inutos sa kanya ng nanay niya, hindi na magdurusa si Uncle Theo niya.Alam din ni Neil na si Joshua, ang lalaking nasa harap niya, ay isang tao na hindi pa gumawa ng masama sa kanya. Ang masamang tao na gumawa ng masama sa nanay niya.Hindi siya maaawa kung namatay si Joshua. Nararapat lang ito para sa kanya.Gayunpaman, sa mga sandali na kinuha ni Neil ang kutsilyo, pinigilan siya ng bawat parte ng katawan niya.Sa huli, hindi niya sinaksak si Joshua.Habang nagdadalawang isip, tumawa si Joshua. “Bakit? Hindi mo kayang gawin?”Ngumiti si Joshua
Pinigilan ni Luna ang pagkasuklam sa puso niya. “Michael Lynch, sa tingin ko ay dapat kong iklaro na ang tinatawag nating engagement kagabi ay dahil lamang sa isang emergency. Wala akong intensyon na pakasalan ka, at ayaw ko rin na pag usapan natin ang petsa ng kasal.”“Ganun ba?” Tumawa si Michael sa kabilang linya ng phone. “Pero, Luna, kumalat na sa balita ang engagement natin at ng mga litrato na sinusubukan mo akong halikan sa entablado kagabi. Kung titignan mo ang kahit anong news channel sa Banyan City, matatanggap mo ang mga notification.”Tumawa ng malakas si Michael. “Ipapayo ko sayo na magkita agad tayo ngayon. Kung hindi, baka sabihin ko sa press na nakatira sa iisang bahay ang nobya ko at ang kapatid ng nobyo niya…“Isipin mo kung ano ang magagawa nito sa reputasyon niyo.”Sumingkit ng malamig si Luna dahil sa mga sinabi ni Michael.Makalipas ang ilang sandali, kinagat niya ang labi niya. “Address.”Sa kabilang linya ng phone, muling tumawa ng mayabang si Michael. “M
Kakaupo lang ni Luna sa harap ni Michael nang tumawa ito. Uminom si Michael ng tsaa habang kumindat siya kay Luna.“Matagal nang naghihintay ang mga reporter!”Sandaling tumigil i Luna bago niya napagtanto na sa labas ng bintana ng Bamboo Palace ay may ilang paparazzi na nagtatago sa dilim, kumukuha ng mga litrato.Kumunot ang noo ni Luna. “Tumawag ka ng paparazzi?”“Syempre.” Ngumiti si Michael. “Ikaw ang nagpalabas kagabi ng katayuan ko bilang Second Young Master ng pamilya Lynch, mahal kong nobya. Ang bait mo sa akin, pati ikaw ang nobya ko. Natural lang na gusto ko malaman ng buong mundo na nasa isang date tayo!”Sumingkit ang mga mata ni Luna. Agad niyang sinara ang mga kurtina.“Ang sama mo!”Tumawa si Michael. “Salamat sa papuri.”Sumandal siya at tumingin siya kay Luna. “Pero, ipapaalala ko lang sayo na nobyo mo na ako ngayon. Pwede mo akong insultohin, pero ang makikita lang ng iba ay nag aasaran lang tayo.”“Ako naman, dahil nakikipag asaran ka sa akin, itatrato kita
Sumingkit ang mga mata ni Luna, habang nakatingin sa lalaking masyado mataas ang tingin sa sarili.Ito ay dahil ayaw niyang madamay sa isang tao na tulad ni Michael, ito ang dahilan kung bakit kaya niyang mag alok ng pera para tapusin na ito.Sa tingin ni Luna ay hindi maliit ang 200,000 dolyar para dito. Kung sabagay, biglaan lang na pinag desisyunan ang engagement. Sa simula hanggang dulo, walang mawawala kay Michael.Hindi alam ni Luna kung saan nakuha ni Luna ang tapang at lakas ng loob. Ang lakas ng loob niya para hilingin ang kalahati ng kayamanan ni Joshua.Huminga ng malalim si Luna, pinigilan niya ang galit sa puso niya habang nakatingin siya ng masama kay Michael. “Michael, alam ko na gusto mong kalabanin si Joshua. Alam ko rin na gusto mo ang mga asset ng Lynch Group, pero…”Nanunuya si Luna. “Gusto mong gamitin ang kasal ko bilang capital para makuha ang mga asset ni Joshua? Hindi ba’t mali ang akala mo? Ako ang nag aalok ng kasunduan sayo. Ako ang ayaw magpakasal sayo
“Hindi mo na dapat ako pasalamatan. Gagawin ko rin ‘yun.”Malalim at nakakaakit ang boses ng lalaki. May bahid din ng panlalait at pang aasar dito.Tumigil ng ilang sandali si Michael at napatalikod siya para tumingin. Ang lalaking sumuporta sa kanya ay walang iba kundi ang kapatid niya, si Joshua.Nakaupo si Joshua sa wheelchair. Malalim ang tingin niya.“Second Young Master Michael, hindi mo talaga kayang masaktan no? Isang beses ka lang sinampal ng isang maliit na babae na tulad ni Luna, pero hindi ka na agad makatayo ng diretso. Laging pinapahalagahan ni Adrian ang kalusugan, pero bakit pangit ang pagpapalaki niya sayo?”Lumaki ang mga mata ni Michael. Dinilaan niya ang mga labi niya at tumingin siya ng galit kay Joshua.“Tatay mo rin si Adrian!”Tumaas ang mga kilay ni Joshua at tumawa siya. “Nararapat ba siya na maging tatay ko?”Pagkatapos, ginulong ni Joshua ang wheelchair papunta kay Luna at tumingin siya dito ng kalmado. “Pumunta ka pala dito para makipag landian sa k