“Dalawang oras.”“Sige.” Huminga ng malalim si Luna. “Sasamahan kita at magpapaalam ako sayo sa airport.” “Sasamahan mo ako?” Sa kabilang linya ng phone, nagulat si Christian sa hindi inaasahang sinabi ni Luna. “Hindi ba’t nasa birthday ka dapat ngayon at nagdiriwang? Bakit…” Tumigil siya. “Hindi ka pumunta?” “Oo.” Suminghot si Luna, “Ayaw ko ng ipinagdiriwang ang kaarawan ko.” Pagkatapos, hindi na siya nagsalita pa at binaba niya ang phone, tumawag siya ng taxi, at pumunta na siya ng airport. Ayaw niyang umuwi sa Blue Bay Villa. Ayaw niya rin pumunta sa apartment ni Anne. Ayaw niyang hanapin siya ng kahit sino. Alam niya na kung sino ang makakahanap sa kanya ngayon ay magagalit dahil sa ginawa niya kanina, at sasabihin sa kanya ang lahat ng pagsisikap na ginawa ni Joshua sa paghahanda nila. Hindi niya kailangan ito. Kaya, nagdesisyon siya na samahan si Christian sa airport bago ito umalis. Gabing gabi na, walang iisip na nasa airport siya ngayon. Mas maganda sa kanya ang tahi
“Pero sa totoo, ano?” Nang makita niya na tumigil si Christian sa pagsasalita, sumimangot si Luna at hindi niya napigilan na magtanong. Sa mga sandaling ito, tumunog ang announcement sa airport, tinatawag na ng flight ni Christian ang mga pasahero na pumunta na sa security at sumakay ng eroplano. Huminga ng malalim si Christian at mabilis siyang tumayo. “Dapat na akong mauna.” Sumimangot si Luna. “Pwede mo bang tapusin ang sasabihin mo?” Naintriga siya. Ngumiti si Christian at tumawa siya ng mahina, “Luna, sinasabi mo na wala kang pakialam kay Joshua, bakit pala gusto mong malaman ang sasabihin ko?” Tumigil si Luna. “Naiintriga lang ako.” Pagkatapos, tinikom niya ang mga labi niya at lumingon siya palayo. “Kung ayaw mong sabihin sakin, kalimutan mo na.” Tumingin sa kanya si Christian at ngumiti ito. Naglabas siyang dokumento mula sa backpack at inabot niya ito kay Luna. “Hindi ko pwedeng sabihin ang ganitong importante na bagay. Kahit na sinabi ko sayo ito, hindi ka maniniw
Pagkatapos ibuklat ni Luna ang buong folder, tumulo ang luha sa kanyang mga mata. Nanginig ang buong katawan niya. Sa huli… sa huli, ang lahat ng ginawa ni Joshua ay para kay Nigel! Sa huli, ang ‘taos-puso na tao’ na nagdonate ng bone marrow kay Nigel ay si Fiona. Pumikit si Luna, lumabas sa isip niya ang mga imahe na pinoprotektahan ni Joshua si Fiona. Ang mga ginawa ni Joshua ay hindi dahil mahal niya si Fiona, kundi dahil lang sa kasunduan nila. Dinala ni Joshua si Fiona sa Orchard Manor at tumira doon ng magkasama, hindi niya pinapansin si Nigel simula noon… dahil alam ni Joshua na basta’t maalagaan ng mabuti si Fiona, maliligtas si Nigel. Hindi sa walang pakialam si Joshua kay Nigel, ang katotohanan, masyadong mahalaga si Nigel para sa kanya… Kinagat ni Luna ang labi niya. Sa harap nila, malamig at walang pakialam si Joshua, sa likod, masyadong maraming dinadala si Joshua… ngunit hindi lang sa walang sinabi si Joshua, tiniis niya pa ang lahat ng ito. Akala ni Luna ay nilig
Pag alis ni Luna ng airport, binuksan niya ang phone niya. Maraming mga message na dumating sa phone niya, lahat ng ito ay mula sa mga bisita na dumalo sa party ngayong gabi. May ilan na mga humingi ng tawad, habang may iba na nagreklamo na hindi dapat siya umalis. Gayunpaman, ang karamihan sa mga notification ay missed calls. Kinagat ni Luna ang labi niya, hindi niya pinansin ang balita at tumawag siya sa number ni Joshua. Nakapatay ang phone ni Joshua. Pagkatapos, tumawag siya sa phone ni Lucas. Nakapatay din ang phone nito. Sa mga sandaling ito, nagring ang phone ni Luna dahil tumawag si Gwen. Ayaw itong sagutin ni Luna, ngunit, malapit sina Joshua at Luke… Dahil hindi niya matawagan si Joshua, baka kaya ito ni Luke. Kaya’t pinindot niya ang answer button. Sa sandali na pumasok ang phone call, galit na pinagalitan ni Gwen si Luna sa kabilang linya. “Hindi ba’t sumosobra ka na? Buong araw na pinaghandaan ni Joshua ang birthday party para sayo! Sinabi ni Luke na nahirapan tala
Napuno ng pagsisisi at kahihiyan ang buong katawan niya. Kinagat niya ang labi niya, may bahid ng pag iyak sa boses niya. “Nasa beach ka pa rin ba?” Gusto niyang humingi ng tawad kay Joshua sa harap ng lahat, para humingi ng tawad at umamin sa mga pagkakamali niya. Nabigo niya si Joshua, hindi niya napasalamatan ang pagpapahalaga sa kanya ni Joshua. Sa simula pa lang, minahal siya ni Joshua ng mula sa puso. Ngunit sinaktan niya ng paulit ulit si Joshua. “Umalis na kami.” Nagbuntong hininga si Gwen, “Sa katotohanan, maraming hinanda na sorpresa si Joshua para sayo ngayong gabi. Bukod sa fireworks show na nagpatuloy hanggang hatinggabi, may iba pa siyang inihanda. Ang regalo na inihanda niya para sayo…” Muling nagbuntong hininga si Gwen, “Binili niya ang unang piraso ng jewelry na dinesign mo sa ibang bansa, sinabi niya na ito ang pagsisimula mo. Gusto niyang ibigay pabalik ito sayo bilang isang souvenir.” Pumikit si Luna, tahimik na tumulo ang mga luha sa kanyang pisngi. Ito ay da
“Joshua!”Hindi mapigilan ni Luna na sumigaw! Paano nangyari ito? Dumiin ang ngipin niya at sinubukan niyang pigilan ang pagdudugo habang nanginginig ang kanyang mga kamay, inialabas niya ang phone niya para tumawag ng emergency number.“Dalian niyo! May taong sinaksak sa beach! Masy saksak siya!”Uminit at basa ang mga mata niya dahil sa pagdurugo ni Joshua. Sa sobrang taranta niya ay hindi siya makapagsalita ng klaro.“S-Sa b-beach, ma… makikita niyo kapag dumating kayo. P-pakiusap, m-magmadali kayo, pakiusap…”Tumigil ng ilang saglit ang operator sa kabilang linya.“Sa beach? May lalaking tumawag ng emergency kaninang sampung minuto na ang nakalipas. Halos parating na ang ambulansya namin. Maghintay muna po kayo.”Nabigla si Luna.10 minuto kanina…Isang minuto pa lang siguro noong sinaksak si Joshua!Hindi na ito masyadong iniisip ni Luna. Agad niyang binaba ang phone call at sinubukan niyang pigilan ang pagdudugo gamit ang dalawang kamay niya. “Joshua, kumapit ka lang!”
“Ginawa mo ito para kay Nigel, hindi ba? Bakit hindi mo ito sinabi sa akin ng mas maaga? Kung sinabi mo sa akin, hindi ako magkakamali ng pagkakaunawa sayo. Hindi dapat ako sayo nagalit, hindi ko rin… sana hahayaan ang mga bagay na nangyari ngayong gabi.”Ngumiti ng hirap si Joshua. “Pero, noon… gusto ko na kamuhian mo ako.”Noon, naisip ni Joshua na namatay na talaga si Neil. Akala niya ay magiging hadlang ang pagkamatay ni Neil sa kanila ni Luna. Hindi na sila magkakabalikan.Sa ganung sitwasyon, ang magalit sa kanya si Luna at iwan siya nito ay ang pinakamagandang solusyon. Ngunit, sa mga sandaling ito…Ginamit ni Joshua ang natitirang lakas niya at hinawakan niya ang kamay ni Luna.“Ngayon, hiling ko lang na ikaw at ako… para kay Neil… ay magkaroon ng pekeng kasal.” Hirap itong sinabi ni Joshua at pumikit na siya.Nabigla si Luna. Binanggit ni Joshua ang pekeng kasal. Sa huli, noong inalok siya ni Joshua na magpakasal, pekeng kasal lang pala ito, ngunit mali ang pagkakaunawa
Buong gabi na sinusubukang iligtas si Joshua sa operating room. Kinabukasan ng alas kwatro ng umaga, tinulak si Joshua palabas ng operating room. Wala pa rin siyang malay.Buong gabi na hindi natulog si Luna. Noong wala na sa panganib ang buhay ni Joshua at inilabas na siya ng ward, nanatili pa rin si Luna sa tabi ng kama ni Joshua. Hindi siya papayag na umalis sa tabi nito.Maraming beses sinubukan ni Lucas na kumbinsihin si Luna na umuwi na siya, ngunit tumanggi si Luna.“Joshua.” Hawak ni Luna ang kamay ni Joshua. Mahina at namamaos ang boses niya. “Iniisip ko dati na walang ibang mas magpapahalaga sa mga anak ko kumpara sa akin. Hindi ko inakala na…”Ang Joshua na lagi niyang nirereklamo na walang puso at hindi makatao…Gagawa pala siya ng maraming bagay para sa mga anak niya na nakalihim kay Luna. Hindi ito naintindihan ni Luna at wala siyang alam sa mga ginagawa ni Joshua. Mali lang ang pagkakaunawa niya kay Joshua, sinisi niya ito at iniisip niya na isang malupit at masaman