Napansin ni Nigel ang reaksyon ng mga matanda. Bahagyang kumunot ang noo niya.“May…” Ang sabi niya ng nagdadalawang isip, “May bagay po ba kami ni Nellie na hindi namin pwedeng malaman?”Tumigil ng ilang sandali si Lucas bago siya umiling agad. “Hindi, hindi!”Habang nakatingin sa naghihinalang ekspresyon ng anak niya, kinurot ni Luna ang noo niya. Minsan, hindi rin magandang bagay ang masyadong matalino ang mga bata.Huminga ng malalim si Luna at malambing niyang ginulo ang buhok ni Nigel.“Para sa taong sumaksak kay Joshua, iimbestigahan namin ito ni Lucas. Kasabay nila, dapat naming hintayin na gumising si Joshua para sabihin niya sa amin. Ang kailangan mong gawin ngayon ay hindi imbestigahan ito, kundi ang alagaan mo ang kapatid mo.”Tinikom ni Nigel ang mga labi niya. Lumingon siya para tumingin kay Nellie, na siyang namamaga ang mga mata dahil sa pag iyak. Nagbuntong hininga si Nigel. Alam niya na wala siyang makukuha kela Lucas at Luna.Kaya naman, bumaba siya sa umupa n
“Nigel, sa tingin mo kailan gigising si Daddy?”Paglabas ng hospital at pag uwi ng Blue Bay Villa, umupo si Nellie sa sofa na tila agrabyado siya. Hindi niya mapigilan na tumulo ang mga luha niya.Tumingin sa kanya ng kalmado si Nigel. Nagbuntong hininga siya. “Basta’t wala na siya sa panganib, gigising siya. Darating na rin ang panahon.”Pagkatapos, tumingin si Nigel kay Nellie. “Hindi ba’t sa tingin mo, ang pinakamahalagang bagay ngayon ay ang matuklasan kung sino ang nanakit kay Daddy?”Tinikom ni Nellie ang mga labi niya. “Killer siguro ‘yun na pinadala ng mga masasamang tao.”“Imposible.” Sumingkit ang mga mata ni Nigel. “Sa surveillance footage na nakita ko, dalawang kotse lang ang naghanap para kay Mr. Lynch. Maliban sa driver, may hindi hihigit sa sampung tao lang sila. May lima o apat na mga magagaling na bodyguard si Mr. Lynch.”“Pati, maliban sa mga tao na malapit kay Mr. Lynch, walang may alam tungkol sa nakaraang sugat niya. Kahit si Mommy ay hindi alam na may sugat
“Ikaw ba ang tumawag sa ambulansya?”Tahimik ng ilang sandali si Neil. “Hindi po.”“Ang lakas ng loob mo para sabihing hindi?” Agad na sumimangot si Aura sa mga sinabi ni Neil. Puno ng sama ng loob ang titig niya.“Umamin na ang taong tumawag para sayo! Jake Landry. Matalino ka. Hindi ikaw mismo ang tumawag ng ambulansya, ang bodyguard na sumama sayo ang tumawag para sayo!”“Wala pang tatlong minuto nang sinaksak si Joshua nang maligtas siya! Hindi ba’t sinabi ko sayo na gusto kong halos patay na siya sa beach? Sinaksak mo lang siya ng isang beses at tumawag ng ambulansya sa oras. Siya ba ang pamilya mo o ako?”Nanatiling nakaluhod si Neil sa sahig. Hindi siya tumingala.“Inay, noong pumunta po ako doon, may nakita po akong saksak sa katawan niya. Malalim rin po ito. Sinabi niya rin po na sinadya niyang kumuha ng cortisone shot para ipagdiwang ang isang birthday. Ito po ang rason kaya’t mukha siyang normal. Nakita ko po kung gaano kahina ang itsura niya, kaya’t sinaksak ko lang p
Squeak! Bumukas ang bakal na pinto ng lumang warehouse.Tinulak ni Neil pabukas ang pinto at binuksan niya ang mga ilaw. Nasa abandonadong warehouse siya na puno ng amoy kalawang at amag. Sa sandali na bumukas ang mga ilaw, nakita niya ang mga alikabok sa ere.Kumunot ang noo ni Neil at tinakpan niya ang bibig at ilong niya. Pumasok siya sa loob.Puno ng alikabok at dayami ang sahig. Nakatali sa isang bakal na pole sa sahig si Thoe na may maruming itsura. Puno ng tuyong dugo at sugat ang mukha niya.Nang maramdaman ang maliwanag na ilaw sa mga mata niya, napaatras sa takot si Theo. Makalipas ang ilang sandali, nang makita niya na walang pumunta para bugbogin siya at wala ring kumilos ng mabilis, doon lang siya tumingala.Sa sandali na makita niya si Neil, lumiwanag ang mga mata niya.Bumuka ang bibig niya at sinabi niya ng sobrang namamaos. “Neil…”Nagbuntong hininga si Neil. Lumapit siya, yumuko, at pinutol ang tali ni Theo. Sinabi niya, “Jake pa rin dapat ang tawag mo sa aki
Nagbuntong hininga siya, “Naiintindihan ko. Kahit na makuha na ni inay ang gusto niya, ayaw niya pa rin sa akin. Sasaktan at sisigawan niya pa rin ako, na parang isang pabigat ako sa kanya. Pero, nanay ko siya. Hindi ko ito matatakasan ng buong buhay ko. Kaya, gagawin ko ang lahat para masigurado ang kasiyahan niyo.”Nabigla si Theo sa mga sinabi ni Neil.Kinagat niya ang mga labi niya.“Jake, sa totoo lang, hindi ito ang katotohanan. Si Aura…”…Anim na araw nang nakahiga si Joshua sa kama ng hospital ward.Sa nakalipas na anim na araw, hindi siya iniwan ni Luna, lagi lang itong nasa tabi niya.Sinabi ng doctor na kahit na wala na sa panganib si Joshua, kapag hindi siya nagising sa loob ng isang linggo, mas magiging mababa ang chansa na magigising siya.Baka magiging paralisado na si Joshua at hihiga na lang siya sa kama ng hospital ng buong buhay niya.“Luna, kumain ka muna. Pumapayat ka na.”Sa loob ng kwarto, nakatingin si Anne kay Luna na mukhang haggard na, nagbuntong h
Si Adrian, na kakapasok lang, ay tumingin kay Luna. “Ano ang ginawa mo sa anak ko? Kakaalis ko lang ng Banyan City ng higit sa isang buwan, pero nasa kama na agad siya at nag aagaw buhay! Nabalitaan ko na naging ganito siya dahil sayo! Malas ka talagang demonyo ka!”Naamoy pa rin ni Adrian ang malamig na hangin na amoy antiseptic. Halata na kakagaling niya lang mula sa airport.Napa atras si Luna dahil sa sampal. Tumama ang parehong binti niya sa kama ni Joshua. Napayuko siya dahil sa sakit nito. Hindi siya makatayo ng direcho.Mabilis na lumapit si Anne mula sa likod at tinulungan si Luna na tumayo. “Luna, ayos ka lang ba?”Umiling si Luna. Namamaga na ang kaliwang pisngi niya. May bakas ng kamay ng lalaki sa namamaga na parte ng pisngi niya. Nakakatakot itong makita.“Ayos ka lang?” Tumikhim ng malamig si Adrian. Pagkatapos, lumapit siya kay Luna. “Mukhang masyadong mahina pa ang pagsampal ko sayo!”Pagkatapos, tinaas niya ang kamay niay at sinampal ulit ito kay Luna.Kumunot
Galit siyang tumingin kay Luna. “Anong kalokohan ang pinagsasabi mo? Anak ko si Joshua! Bakit naman mas mahalaga ang pera kaysa sa kanya! Sasabihin ko sayo, ngayon at walang malay si Joshua, ako ang masusunod.”“Mag ingat ka sa mga sinasabi mo. Kung hindi, papalayasin kita ngayon na at hindi mo na makikita si Joshua ng buong buhay mo!”Sumingkit ang mga mata ni Luna. Inabot niya at hinawakan ang mga kamay ni Joshua. Nanatiling nakahiga si Joshua sa kama habang nakapikit ang mga mata.Hindi niya marinig ang mga pagtatalo nila, hindi niya rin makita na inaapi si Luna ng tatay niya.Nang makita na wala nang sinabi si Luna, malamig na inalis ni Adrian ang kapit sa kanya nila Zach at Yuri. Umupo siya sa sofa sa tabi, nag dekwatro siya na parang isang mataas at makapangyarihang pinuno.“Lucas. Mag ingat ka sa mga sinasabi mo sa susunod. Hindi pa sila kasal. Paano mo siya tatawagin na Ma’am? Tawagin mo siya na Luna!”Tahimik ng ilang sandali si Lucas. Yumuko siya. “Opo, Master Lynch.”
Hindi dumapo ang sampal ni Adriap sa mukha ni Luna.“Joshua?” Pumikit si Luna. Ang narinig niya ay ang gulat na boses ni Adrian.Medyo nagulat si Luna. Napadilat siya. Sa harap niya ay ang maputla at pawis na kamay ni Joshua. Hawak ni Joshua ang braso ni Adrian.Nagulat at natuwa si Luna. Agad siyang tumalikod. Sa likod niya, nakaluhod si Joshua sa kama. Maputlang maputla si Joshua. Halos babad sa pawis ang hospital gown niya.Mukhang ginamit niya ang lahat ng lakas niya sa pagbangon para pigilan ang kamay ni Adrian.“Lulu.” Tinawag siya ni Joshua bago nito binitawan ang kamay ni Adrian at nanlambot siya.“Joshua!” Agad na lumapit si Luna at tinulungan niya si Joshua. “Gising ka na!”“Mhm.” Bumalik sa kama si Joshua sa tulong ni Luna. Ngumiti siya habang sinabi niya ng mahina at namamaos, “Kung hindi agad ako gumising, ang mga anak at asawa ko ay papalayasin ng ibang tao.”Namula ang mukha ni Luna dahil sa mga sinabi ni Joshua.Ang mga anak niya, tama. Ngunit, maituturing pa