Galit siyang tumingin kay Luna. “Anong kalokohan ang pinagsasabi mo? Anak ko si Joshua! Bakit naman mas mahalaga ang pera kaysa sa kanya! Sasabihin ko sayo, ngayon at walang malay si Joshua, ako ang masusunod.”“Mag ingat ka sa mga sinasabi mo. Kung hindi, papalayasin kita ngayon na at hindi mo na makikita si Joshua ng buong buhay mo!”Sumingkit ang mga mata ni Luna. Inabot niya at hinawakan ang mga kamay ni Joshua. Nanatiling nakahiga si Joshua sa kama habang nakapikit ang mga mata.Hindi niya marinig ang mga pagtatalo nila, hindi niya rin makita na inaapi si Luna ng tatay niya.Nang makita na wala nang sinabi si Luna, malamig na inalis ni Adrian ang kapit sa kanya nila Zach at Yuri. Umupo siya sa sofa sa tabi, nag dekwatro siya na parang isang mataas at makapangyarihang pinuno.“Lucas. Mag ingat ka sa mga sinasabi mo sa susunod. Hindi pa sila kasal. Paano mo siya tatawagin na Ma’am? Tawagin mo siya na Luna!”Tahimik ng ilang sandali si Lucas. Yumuko siya. “Opo, Master Lynch.”
Hindi dumapo ang sampal ni Adriap sa mukha ni Luna.“Joshua?” Pumikit si Luna. Ang narinig niya ay ang gulat na boses ni Adrian.Medyo nagulat si Luna. Napadilat siya. Sa harap niya ay ang maputla at pawis na kamay ni Joshua. Hawak ni Joshua ang braso ni Adrian.Nagulat at natuwa si Luna. Agad siyang tumalikod. Sa likod niya, nakaluhod si Joshua sa kama. Maputlang maputla si Joshua. Halos babad sa pawis ang hospital gown niya.Mukhang ginamit niya ang lahat ng lakas niya sa pagbangon para pigilan ang kamay ni Adrian.“Lulu.” Tinawag siya ni Joshua bago nito binitawan ang kamay ni Adrian at nanlambot siya.“Joshua!” Agad na lumapit si Luna at tinulungan niya si Joshua. “Gising ka na!”“Mhm.” Bumalik sa kama si Joshua sa tulong ni Luna. Ngumiti siya habang sinabi niya ng mahina at namamaos, “Kung hindi agad ako gumising, ang mga anak at asawa ko ay papalayasin ng ibang tao.”Namula ang mukha ni Luna dahil sa mga sinabi ni Joshua.Ang mga anak niya, tama. Ngunit, maituturing pa
“Balak mo ba na pumunta sa Blue Bay Villa? Mabuti pala. Ngayon at gising ka ako, ayaw ko na rin manatili sa hospital. Gusto kong bumalik sa Blue Bay Villa.”Nawala ang lahat ng kulay sa mukha ni Adrian dahil sa mga sinabi ni Joshua. Alam ni Joshua ang tungkol sa nangyari sa Blue Bay Villa. Ibig sabihin… narinig niya bawat salita na sinabi ni Adrian kay Luna kanina.Sumingkit ang mga mata ni Adrian at sinabi niya ng mahina. “Joshua, sa tingin ko ay dapat kang manatili sa hospital para magpahinga. Bakit parang balisa kang umuwi…”“Kapatid ko pa rin ang ibang anak mo. Hindi ko pa siya nakikita dati. Dapat akong umuwi para makilala siya.”Pagkatapos, lumingon si Joshua at tumingin siya sa doctor na gumagawa ng check up sa kanya. “Doctor, kamusta po? Pwede na ba akong umuwi?”Tumango ang doctor. “Noong wala kang malay sa mga nakalipas na araw, gumaling na ng mabuti ang katawan mo. Ngayon at gumising ka na, medyo mahina lang ang katawan mo. Mag ingat ka lang at wag ka masyadong gumalaw
Nabigla sina Michael at Celia. Napatalikod sila.Sa likod nila sa entrance ng villa ay si Adrian na mukhang nalilito.Sa tabi ni Adrian ay ang isang magandang babae na tinutulak ang isang wheelchair. Ang lalaking nasa wheelchair ay mukhang mahina at maputla, ngunit mapipilitan na lumayo ang tingin ng kahit sino dahil sa mataas at marangal na aura niya.Kumunot ang noo ni Michael.Hindi ba’t ang lalaking ito ay ang president ng Lynch Group, si Joshua Lynch? Ang lalaki ng tinutukoy sa kanya ng mga magulang niya simula pa noong bata siya. Ang lalaki na magiging kakumpitensya niya at ang dapat niyang gayahin.Hindi ba’t nag aagaw buhay ang lalaking ito? Hindi ba’t mamamatay na siya? Bakit bigla siyang dumating dito?“Daddy!” Tumalikod si Nellie at agad niyang napansin na nasa wheelchair si Joshua. Agad niyang hinagis sa basurahan ang ice cream niya at tumakbo siya papunta kay Joshua.Binaba din ni Nigel ang laptop niya at sabik siyang tumakbo papunta kela Joshua at Luna. Minsan lang
Sa tabi, tinikom ni Nellie ang mga labi niya. Agad niyang sinabi, “Sa sandali po na dumating sina, gusto nila kaming palayasin nila Nigel. Sinabi po nila na ito na ang tirahan nila ngayon.“Mabuti na lang po at matalino kami ni Nigel. Sinabi po namin na may dalawang susi para sa villa. Ang isa po ay kay Daddy, ang isa naman po ay nilagay ni Daddy sa caha de yero na nasa ilalim ni lawa. Balisa po sila para hanapin ang susi, kaya hindi po nila kami kayang palayasin ni Nigel.”Dahil sa mga sinabi ni Nellie, naintindihan na ni Luna kung bakit gusto nila Michael at Celia na ubusin ang laman ng lawa. Kumunot ang noo niya at inutusan niya ang mga katulong na tumigil na. “Tumigil na kayo sa pag ubos ng tubig. Walang nasa lawa.”Dahil sa mga sinabi ni Luna, nawalan ng kulay ang mukha nila Michael at Celia.Ang dalawang matanda ay… niloko ng dalawang bwisit na mga bata!“Naghahanap ng susi?” Ngumiti ng mapanglait si Joshua. “Bakit niyo hinahanap ang susi ng villa? Sa tingin niyo ba ay sa in
Dahil sa mga sinabi ni Joshua, nanginig ang kamay ni Luna na nagsusubo ng pagkain kay Joshua.Makalipas ang ilang sandali, tumingin siya palayo. “‘Wag ka ngang magbiro.”Hindi niya papakasalan si Joshua.Bahagyang kumunot ang noo ni Joshua. Tinaas niya ang maputla niyang kamay at nilingon niya pabalik si Luna. Pinilit niya na magkatitigan sila.“Luna, kahit na wala akong malay sa mga nakalipas na araw, narinig ko ang lahat ng sinabi mo sa akin. G-Galit… ka pa rin ba sa akin?”Binaba ni Luna ang plato. Inalis niya ang kamay ni Joshua habang nakakunot ang noo niya, pinaliwanag niya, “Hindi. Hindi na ako galit sayo.”Kahit ano man ang ginawa ni Joshua, simula noong pumanaw si Alice, ginawa niya ang lahat para kay Luna at sa mga anak nila. Niligtas niya pa ang mga anak niya ng paulit ulit, halos namatay pa siya dahil dito. Hindi magamit ni Luna ang galit niya dati para awayin si Joshua.Pati, sa mga nakalipas na araw, laging nasa tabi ni Luna si Joshua. Klaro ang mga nararamdaman ni
Kaya naman…Ang mga sinabi ni Joshua kanina ay tungkol lang sa pekeng kasal nila?Ang sinabi ni Luna na hindi siya galit pero hindi niya gusto si Joshua…Pakiramdam ni Luna ay isa siyang tanga. Akala siguro ni Joshua ay nababaliw na siya.Nang makita na nakatayo lang si Luna sa isang pwesto at hindi sumasagot, nagbuntong hininga si Joshua. May bahid ng pagkadismaya sa mga mata niya. “Luna, alam mo naman an ito ang pinakamagandang paraan para guluhin ang mga plano ni Aura.”Bumalik sa sarili si Luna dahil sa mga sinabi ni Joshua. Kinagat niya ang mga labi niya at hindi niya mapigilan na huminga ng malalim.“S-Sye…mpre. M-Maghanap tayo n-ng oras para maengage,” Ang sabi ni Luna, sinara niya ang pinto at tumakas na siya.Slam! Si Joshua na lang ang natira sa kwarto. Sumandal siya sa kama at tumingin siya sa saradong pinto. Ngumiti siya at tinawanan ang kanyang sarili.Naisip ni Luna ang eksena kung saan natuklasan niya na gustong magpakasal ni Joshua sa kanya. Sa sobrang sabik n
“Bakit hindi mo sinabi sa mga magulang mo tungkol sa isang malaking bagay na tulad ng engagement mo? Nagdesisyon ka lang ba ng mag isa?!”Kinaumagahan pagkatapos ng announcement ng engagement nila Joshua at Luna, dinala ni Adrian sina Celia at Michael sa Blue Bay Villa.Galit siyang nakaupo sa sofa.“Ayos lang kung wala ako sa bahay, pero alam mo naman na bumalik ako sa Banyan City nitong nakaraan lang! Binabastos mo ako ng ganito! Joshua, wala ka bang respeto sa tatay mo?”“Ano ba sa tingin mo, tay?”Umupo si Joshua sa wheelchair. Tumingin siya ng malamig kay Adrian. Ngumisi siya.“Simula pa noong bata ako, hindi mo na ako pinahalagahan. Sinasabi sa akin ng mga tao na dahil ito sa pagkamatay ni nanay habang pinapanganak ako, kaya’t kinamuhian mo ako at ayaw mo nang umuwi. Ayaw mo akong harapin. ‘Yun din ang paniniwala ko dati. Kahit na hindi mo ako mahal, may respeto pa rin ako sayo, pero…”Tumingin ng malalim si Joshua kela Celia at Michel sa likod ni Adrian. “Noong nakita ko