Kaya naman…Ang mga sinabi ni Joshua kanina ay tungkol lang sa pekeng kasal nila?Ang sinabi ni Luna na hindi siya galit pero hindi niya gusto si Joshua…Pakiramdam ni Luna ay isa siyang tanga. Akala siguro ni Joshua ay nababaliw na siya.Nang makita na nakatayo lang si Luna sa isang pwesto at hindi sumasagot, nagbuntong hininga si Joshua. May bahid ng pagkadismaya sa mga mata niya. “Luna, alam mo naman an ito ang pinakamagandang paraan para guluhin ang mga plano ni Aura.”Bumalik sa sarili si Luna dahil sa mga sinabi ni Joshua. Kinagat niya ang mga labi niya at hindi niya mapigilan na huminga ng malalim.“S-Sye…mpre. M-Maghanap tayo n-ng oras para maengage,” Ang sabi ni Luna, sinara niya ang pinto at tumakas na siya.Slam! Si Joshua na lang ang natira sa kwarto. Sumandal siya sa kama at tumingin siya sa saradong pinto. Ngumiti siya at tinawanan ang kanyang sarili.Naisip ni Luna ang eksena kung saan natuklasan niya na gustong magpakasal ni Joshua sa kanya. Sa sobrang sabik n
“Bakit hindi mo sinabi sa mga magulang mo tungkol sa isang malaking bagay na tulad ng engagement mo? Nagdesisyon ka lang ba ng mag isa?!”Kinaumagahan pagkatapos ng announcement ng engagement nila Joshua at Luna, dinala ni Adrian sina Celia at Michael sa Blue Bay Villa.Galit siyang nakaupo sa sofa.“Ayos lang kung wala ako sa bahay, pero alam mo naman na bumalik ako sa Banyan City nitong nakaraan lang! Binabastos mo ako ng ganito! Joshua, wala ka bang respeto sa tatay mo?”“Ano ba sa tingin mo, tay?”Umupo si Joshua sa wheelchair. Tumingin siya ng malamig kay Adrian. Ngumisi siya.“Simula pa noong bata ako, hindi mo na ako pinahalagahan. Sinasabi sa akin ng mga tao na dahil ito sa pagkamatay ni nanay habang pinapanganak ako, kaya’t kinamuhian mo ako at ayaw mo nang umuwi. Ayaw mo akong harapin. ‘Yun din ang paniniwala ko dati. Kahit na hindi mo ako mahal, may respeto pa rin ako sayo, pero…”Tumingin ng malalim si Joshua kela Celia at Michel sa likod ni Adrian. “Noong nakita ko
Pumangit ang ekspresyon nila Adrian, Celia, at Michal nang marinig nila ang sinabi ni Joshua.Sa kapangyarihan ni Joshua, kaya sila nitong patulugin sa kalye. Pati, sa mga nakalipas na taon, akala ng lahat ay hindi muling magpapakasal si Adrian dahil mapagmahal at tapat siyang lalaki. Kapag nalaman ng iba na pagkatapos lang ng pagkamatay ng nanay ni Joshua, si Rianna, nakilala ni Adrian si Celia at ipinanganak si Michael…“Hayaan na natin.” Nang makita na lumala ang sitwasyon, tinikom ni Celia ang mga labi niya at hinila niya ang manggas ni Adrian. “‘Wag mo nang abalahin si Joshua, anak mo pa rin naman siya.”Pagkatapos, huminga siya ng malalim at tumingin siya sa likod ni Joshua.“Joshua, biglaan lang itong ipinaalam sayo ng tatay mo. Tama ka. Wala kaming karapatan para makialam sa personal mong buhay. Aalis na kami ng tatay mo. ‘Wag kang mag alala, hindi kami gagawa ng gulo sa engagement ceremony mamayang gabi!”Pagkatapos, hinawakan niya ng magkabilang kamay ang mga kamay nila
“Sige, nakauwi na ako. Pag usapan na lang natin ito ng hapon.”Pagbaba ni Anne ng phone, kumalma si Luna at pumasok siya ng villa. Kadalasan, sa mga oras na ito, masigla dapat ang villa. Kukulitin nila Nigel at Nellie si Joshua para kumain ng agahan ng magkakasama, makulit si Nellie habang kumakain ng agahan. Mapapatawa niya sila Nigel at Joshua, na madalas na tahimik.Gayunpaman, sa araw na ‘yun, tahimik ang sala. Ubos na ang pagkain sa hapagkainan, walang senyales nila Nigel, Nellie, o Joshua sa sala.Kumunot ang noo ni Luna. Binaba nila ni Lily ang mga grocery sa kusina, habang tinatanong ang butler.“Ma’am, hindi niyo po alam ang tungkol dito…”Nagbuntong hininga ang butler at sinabi nito ng mahina, “Pagkatapos niyo pong umalis, kumain po si Mr. Lynch ng agahan kasama sina Nigel at Nellie, pero hindi nagtagal, may tatlong bumisita po ng walang pasabi. Dinala po ni Master Lynch ang asawa at anak niya sa labas, pinagalitan niya po si Mr. Lynch dahil hindi sila sinabihan tungkol
Si Luna, na nakatingin pa rin sa mga dokumento, ay tumigil ng ilang sandali. “Ano ‘yun?”Tumingin ng malalim si Joshua. “Sa susunod… kapag bumalik na ang mga alaala ni Neil, aalis ka pa rin ba?”Nabigla ng ilang sandali si Luna, pagkatapos ay tumawa siya ng awkward, “Siguro.”“Kung aalis ka talaga…” Nagbuntong hininga si Joshua at sinabi niya, “Sana ay malalapitan pa rin kita.”Muling tumigil ang kamay ni Luna na nakahawak sa mga dokumento. “Anong problema?”“Ayaw ko na malayo ako sa mga bata. Ayaw ko na kamuhian ako ng sarili kong mga anak tulad ng kamuhian ko sa tatay ko.”Kinagat ni Luna ang mga labi niya. Naintindihan niya na ang ibig sabihin ni Joshua. Nagbuntong hininga siya at sinabi niya, “Hindi darating sa ganun, gusto ka talaga ng mga bata. Pati, hindi ikaw ang tatay mo.”Tahimik si Joshua at tumingin siya ng matagal kay Luna bago siya ngumiti. “Tama ka.”Pagkatapos, kinuha niya ang dokumento sa mga kamay ni Luna. “Sige na.”Tinikom ni Luna ang mga labi niya. Binasa
Sinubukan ni Luna na magpumiglas, ngunit agad siyang nawalan ng malay....Natagpuan niya ang kanyang sarili sa isang abandonadong pabrika nang sa wakas ay nagkamalay siya. Ang pinuno ng mga lalaking naka-itim ay nakasuot ng maskara, nakaupo sa tapat niya, malamig na sinusukat siya. “Mukha kang maganda. hindi nakapagtatakang gustong-gusto ka ni Joshua na mapakasan kaagad kahit hindi pa siya gumagaling," sabi niya habang tumatayo at naglakad patungo kay Luna. Itinaas niya ang kanyang kamay at hinawakan ang baba ni Luna. “Alas singko na ngayon. May isang oras pa bago magsimula ang engagement ceremony. Sabihin mo, kung hindi ka lilitaw sa seremonya mamaya, magiging katatawanan ba ng Banyan City si Joshua?" Nagwisik ng makapal na amoy ng murang cologne ng lalaki, at sumakit ang ulo ni Luna dahil sa amoy. Kumunot ang noo niya at tumingin sa lalaking nasa harapan niya. "Sino ka?" "Hindi mo kailangang malaman." Napangiti ng bahagya ang lalaki. Ang may pagnanasang mga mata sa
Katulad ng inaasahan ni Luna. Agad na kumunot ang noo ng lalaki sa sinabi ni Luna. Galit na galit niyang tinitigan siya. “Eh paano kung may peklat ako? Pangit ba ang peklat na ito? Hindi!" Pak!Sinampal niya ng malupit si Luna. “Bobong p*ta! Ang lakas ng loob mong pagtawanan ako!” Ang isang sampal ay hindi sapat para sa kanya, kaya muli niya itong sinampal. Nalasahan ni Luna ang dugo sa kanyang bibig. Kinagat niya ang kanyang labi. Nagsimulang tumulo ang dugo sa mga biyak ng labi niya. Sa kanyang kahabag-habag na mukha, siya ay maganda at mainit, ngunit hindi na nakikita ng lalaking iyon ang kanyang kagandahan. Galit lang ang nasa isip niya; ang galit ng hinahamak at minamaliit! “Anong silbi diyan sa pagmumukhang napakaganda? May masama kang puso. Dapat kang bugbugin hanggang mamatay!” Pagkatapos, muli niyang inamba ang kamay. Sa pagkakataong ito, bago pa mapunta ang kamay nito sa kanyang mukha, isang lumalagos na sirena ng pulis ang umalingawngaw sa labas ng bodega. Ka
Lumapit si Neil kay Luna at dahan-dahang inilabas ang kanyang kutsilyo. Sinimulan niyang putulin ang lubid na nakatali sa kanya at bahagyang tumawa. “Bagama’t gusto ko ang pangalan, hindi ako tinatawag na Neil. Ako si Jake Landry. Dapat Jake pa rin ang itawag mo sa akin." “Sige pala… Jake.” Napatingin si Luna kay Neil na tinutulungan siyang palayain. Ang kanyang mga emosyon ay napunta mula sa kawalan ng pag-asa sa pagkagulat, sa isang kumplikadong pakiramdam. Jake Landry daw ang tawag sa kanya, pero nagustuhan niya ang pangalang Neil. Neil ang orihinal na pangalan niya. Siya ay malubhang nasugatan noong siya ay nagdadalang-tao, at iyon ang dahilan kung bakit noong ipinanganak ang kanyang mga anak, ang kanilang kalusugan ay hindi maayos. Si Nigel, si Neil, at si Nellie. Matagal niyang sinaliksik ang tatlong pangalang iyon. Marami rin siyang kinunsulta. Sa huli, siya ay nagpasya sa tatlong pangalan na i yon. Ang pangalan ni Neil ang unang regalo na ibinigay nito sa kanya,