Mahigpit ang hawak ni Luna sa phone at sinagot niya ng malamig, “May utang ako sayo? Nagbibiro ka ba, FIona?”Tumigil ng ilang sandali si Fiona nang marinig niya ito, pagkatapos ay tumawa siya. “B*bo ka talaga. Wala ka pa ring alam? Pero, ayos lang naman na wala kang alam. Wala ka rin namang karapatan para malaman!”“Ang gusto ko lang sabihin mo na kapag namatay ako, idadamay ko si Nigel!”Pagkatapos, binaba niya ang phone.Mahigpit ang hawak ni Luna sa phone at naramdaman niya na parang lumubog ang puso niya. Lumingon siya at tumingin siya ng balisa kay Joshua. “Sinabi ni Fiona na hahanapin niya si Nigel… Nasaan si Nigel?”Kahapon, pinaghihinalaan niya na dinala ni Joshua sina Nigel at Nellie sa youth education center na binanggit ni Joshua, ngunit tinanggi ito ni Joshua, kaya’t nasaan ang mga bata?Nakita ni Joshua ang nag aalalang tingin sa mga mata ni Luna at lumingon siya para lumayo ng tingin kay Luna. “Nasa villa sa kanayunan sina Nigel, Nellie, at Granny Lynch. Kanina lan
Pagkatapos, tumalikod siya at umalis.Tumingin si Joshua kay Luna, na sinusubukan na pigilan ang kanyang mga luha, at lumapit siya dito, umakbay siya kay Luna. “‘Wag kang mag alala. Kahit na mamatay tayo, mamamatay tayo habang nililigtas sina Nigel at Nellie.”Kung hindi dahil sa kanila, hindi mapupunta sina Nigel at Nellie sa sitwasyong ito. Bilang magulang, kahit na wala silang magagawa para sa mga bata, kailangan pa rin nilang gawin ang lahat ng makakaya nila.Hinanda na ni Lucas ang mga kotse. Naghanda siya ng mga high-spec SUV para sa biyahe kung sakaling magkaproblema sila habang bumabyahe sa bagyo. Bukod pa dito, may supply ang mga SUV ng mga kailangang gamit kung sakaling may emergency.Agad na hinila ni Joshua si Luna papunta ng kotse, kahit na suot niya pa rin ang damit niyang puno ng dugo mula sa aksidente ni Dr. Robert.Siya ay isang tao na ayaw dati na humarap ng marumi at magulo na tulad nito, ngunit ngayon, hindi man lang dumaan sa isip niya ang magpalit ng damit. M
Tumahimik si Joshua nang marinig niya ang mga sinabi ni Luna.Sa katotohanan, sa simula pa lang, ang tanging koneksyon nila Joshua at ni Fiona ay ang bone marrow na nilagay sa katawan ni Nigel, ngunit sa tingin niya ay hindi niya dapat sabihin ang katotohanan kay Luna.Ayaw niya na isipin ni Luna na tinulungan niya si Nigel, para hindi umalis ng Banyan City si Luna na walang utang sa kanya at hindi puno ng pagsisi.Mas mabuti nang umalis si Luna ng may masamang loob kay Joshua dahil ang pagkamuhi na ito ay ang maglalayo sa kanila, at makakapagsimula na ng bagong buhay si Luna kasama ang mga bata.“Wala kang sagot para dito?” Nanunuya si Luna, pagkatapos ay lumingon siya para tumingin sa bintana.Alam niya na na ito ang kalalabasan.Hindi isang tao si Joshua na marunong harapin ang kanyang pagkakamali, maging anim na taon na ang makalipas o sa mga sandaling ito.Patuloy ang pagbuhos ng ulan sa labas ng bintana, sa sobrang lakas nito ay malabo ang makikita sa labas, at mas naging
Walang dahilan si Luna para tumanggi sa alok ni Joshua. Huminga siya ng malalim at sumakay siya sa likod ni Joshua.Nasaksihan ni Lucas ang paraan ng pagkilos ni Joshua ay naging malambing habang dumiretso ang likod nito habang nasa likod si Luna.Hindi pa kumilos si Joshua ng ganito kalambing sa ibang tao, maging kay Alice o kay Fiona.Habang karga si Luna sa likod, umakyat si Joshua. Maingat niyang karga si Luna sa ilang kilometrong paglalakad at hindi siya gumawa ng maling hakbang.Kahit na pagod na sina Lucas, Zach, at Yuri, patuloy pa rin si Joshua sa paglalakad ng matatag.Napansin ni Luna na bumagal na ang iba at hindi niya napigilang magtanong, “Joshua, bakit hindi mo muna ako ibaba? Kaya kong maglakad ng kaunti.”Mas mababaw na ang tubig habang malapit na sila sa pupuntahan nila, kaya’t kahit na naglakad si Luna, hindi papasok sa sugat niya ang maduming tubig.Dahil pagod na sina Lucas at ang iba, malamang ay pagod na rin si Joshua.“Kaya ko pang magpatuloy.” Ngumisi s
Noong una, akala ni Luna ay mali ang pagkakarinig niya, ngunit patuloy ang pagkatok.Yumuko siya at pinakinggan niya ito ng mabuti, pagkatapos ay napagtanto niya na hindi mali ang pagkakarinig niya!Ang pagkatok ay galing sa floorboard sa ilalim ng sofa!Lumingon si Luna at tumingin siya nalilitong tingin ni Joshua. Halata na narinig din nito ang tunog.Nagkatinginan silang dalawa, pagkatapos ay mabilis silang kumilos at tinulak palayo ang pinto. Nang maalis na nila ang sofa, natagpuan nila ang isang tagong pinto na papunta sa basement!Mula sa basement ang pagkatok!Agad na pinick ni Joshua ang lock at binuksan niya ang pinto. Pumasok siya sa basement, pagkatapos ay tumalikod siya at inabot niya ang kamay niya. “Tara,” Ang sabi niya kay Luna.Sa sobrang intriga ni Luna ay hindi niya na ito pinag isipan. Sa halip, agad siyang sumama ng hindi nagdadalawang isip, napunta siya sa mga braso ni Joshua.Sa masikip na lugar na ito, ang narinig lamang nila ay ang tunog ng hininga at ti
Pagkatapos, binitawan niya si Nellie at tumayo siya. “Pupunta na ako sa bundok.”Hindi niya alam kung ano ang binabalak ni Fiona sa pagkuha kay Nigel bilang hostage, pero dahil nangyari na ito, wala siyang magawa kundi lumaban.Tumalikod si Joshua at tumingin siya ng determinado kay Nellie. “‘Wag kang mag alala, kahit anong mangyari, dadalhin ko pabalik si Nigel.”Pagkatapos sabihin ito, lumabas si Joshua ng basement.“Joshua!” Tumunog ang boses ni Luna sa likod niya pag alis niya ng kwarto.Tumalikod si Joshua.Nakatayo pa rin si Luna sa loob ng kwarto. Inabot niya ang kamay niya at sinabi niya kay Joshua, “Ilabas mo ako dito. Sasama ako sayo.”Tumingin si Joshua kay Luna, tiningnan niya ang katawan ni Luna. Sa nakalipas na ilang araw, sa sobrang hina ni Luna ay hindi siya makapalakad ng mag isa, ngunit ngayon, gusto niyang pumunta sa bundok kahit na malakas ang bagyo.Nanatiling tahimik si Joshua ng ilang sandali ngunit hindi niya inabot ang kamay niya. “Kaya kong pumunta ng
Nang lumingon si Luna para makita ang eksenang nasa harap niya, sa sobrang gulat niya ay halos mahimatay siya.Nakatali si Nigel sa isang malaking bato sa dulo ng bundok, may walang katapusan na lalim sa ilalim ng mga paa at buong katawan niya.Samantala, nakasandal si Fiona sa bato, nakataas ang kanyang mga kilay habang may mapanglait na ngiti sa kanyang mga labi.May hawak siyang isang matalim na kutsilyo, kumikinang ang talim nito sa ilalim ng ulan.“Akala ko ay kailangan niyo pa ng oras para humabol sa akin.” Nagbuntong hininga si FIona at yumuko siya at pinaglaruan ang kutsilyo. “Nakikipag pustahan pa ako kay Nigel kung kailan kayo darating. Sa bawat oras na lumipas, puputulin ko ang isa sa mga tali niya.”Pagkatapos, tumalikod siya at biniang ang mga tali na nakatali kay Nigel sa bato. “Walong tali. Pinutol ko na ang isa, may pito pang natitira.”Lumingon si Fiona at tumingin siya kay Joshua. “Tingnan mo, Joshua. Tingnan mo kung gaano ako kabait sa anak mo. Naghanda ako ng
Tumitig si Luna kay Nigel at huminga siya ng malalim. “Kung gusto mo pa rin kami sisihin ni Joshua sa lahat ng nangyari, edi ako na lang ang ihagis mo sa baba ng bundok! Bata pa ang anak ko, kaya pakiusap, ‘wag mo siyang saktan! Ibibigay ko ang buhay ko para sa kanya!”Hindi mapigilan ni Fiona na ngumisi nang marinig niya ito. Tumawa siya habang hiniwa ang isa pa sa mga tali. “Gusto mong ibigay ang buhay mo kapalit ng kay Nigel? Ang tanga mo naman, Luna. Kahit na masama ang loob ko sa ginawa mo…”Tumaas ang kilay niya at nanunuya siya. “Walang kwenta ka para kay Joshua, pero iba si Nigel. May dugo ni Joshua na dumadaloy sa katawan ni Nigel, at anak niya si Nigel. Kung nanatili si Nigel dito, parang nandito na rin si Joshua. Bakit ko hahayaan si Nigel—ang isang mahalagang tao—kapalit ng isang walang kwentang babae na tulad mo?”Tumigas ang buong katawan ni Luna nang marinig niya ito. Sa mga sandaling ito, kinagat niya ang labi niya.Tama si Fiona.Wala siyang kwenta kay Joshua. Wal