Sumingkit ang mga mata ni Joshua.Alam niya na ang tanong ni Fiona—at ang paglalaro ni Fiona ng kutsilyo—ay paraan ng pagbabanta.Alam niya kung ano ang sagot na gustong marinig ni Fiona, kaya’t huminga siya ng malalim at ngumiti siya. “Wala siyang kwenta para sa akin. Hindi ko siya minahal dati, hindi ko siya mahal ngayon, at hindi ko siya mamahalin kahit kailan.”“Ang tanging rason kung bakit tinatrato ko siya ng mabuti ay dahil binigyan niya ako ng tatlong anak, ‘yun lang.”Humigpit ang kamao ni Nigel nang marinig niya ang mga sinabi ni Joshua habang nakatali pa rin siya sa bato.Samantala, nawala ang kulay sa mukha ni Luna. Alam niya na sinasabi lang ni Joshua ang katotohanan, ngunit…Iba ang alam niya lang ito kaysa sa marinig niya ang mga malamig at walang pusong mga salita na lumabas sa bibig ni Joshua.Hindi siya minahal ni Joshua, at wala siyang halaga para kay Joshua.Huminga ng malalim si Luna at pinilit niya ang sarili niya na hindi na ito pag isipan. Ang lahat ng a
“Noong binigyan po ako ng diagnosis na may nakamamatay akong sakit, handa na po akong mamatay. Nakuha ko po ang pagkakataon na magkaroon ng bone marrow transplant para humaba ang buhay ko para makasama kayo nila Nellie, masaya na po ako.”Naghalo ang ulan at luha ni Nigel. Namamaos ang boses niya at parang hindi na siya isang bata. “Baka miss lang po talaga ako ni Neil, Mommy. Hindi niyo po kailangan saktan ang sarili niyo o magsakripisyo ng buhay niyo para sa akin… Sa totoo lang po, wala po akong pakialam masyado!”Kumirot ang puso ni Luna nang marinig niya ang mga sinabi ni Nigel at hindi niya na mapigilang lumuha.Kinagat niya ang labi niya at kinuha niya ang pinakamalapit na bato sa kanya, gusto niyang durugin ang mga daliri niya. “Fiona, kung dinurog ko talaga ang siyam na daliri ko, maipapangako mo ba na papakawalan mo si Nigel at ako na lang ang kukunin mo?”Nang makita na desperado na sina Luna at Nigel, tumawa ng malupit si Fiona. “Sige! Kung gusto mo talagang durugin ang
Sa sandali na matapos si Joshua sa pagsasalita, tahimik siya at ang tunog ng hangin na lang ang maririnig.Sumingkit ang mga mata ni Fiona at tumingin siya ng malamig kay Joshua, pagkatapos ay tmingin siya kay Luna. Sa huli, ngumisi siya. “Nagsisinungaling ka sa akin.”Tumingin siya kay Nigel na may tatlong tali na lang na nakasuporta sa kanya sa malaking bato, ngumiti siya ng mapait. “Hindi na ako pwedeng bumalik, ngayon at gumawa na ako ng ganito!”“Paano mo naman masasabi ‘yun?” Huminga ng malalim si Joshua at nagpatuloy siya, “Fiona, alam mo naman na may taong kayang tulungan ka at siguraduhin ang buong buhay mo na ligtas ka, at ako ang taong ‘yun.”Pagkatapos, lumapit siya at sinabi niya, habang nakatitig kay Fiona ng may maamong ekspresyon. “Fiona, alam ko na gusto mong maghiganti at kukunin mo ang buhay ni Nigel kasama ng buhay mo, pero sa ganun, mamamatay ka rin. Hindi ako naniniwala sa sinabi mo na wala ka nang gustong gawin sa mundong ito. Kapag pinakawalan mo si Nigel at
Isang malakas na lalaki si Joshua. Alam ni Fiona na kapag lumapit si Joshua sa kanya, baka hindi siya manalo sa pakikipaglaban kay Joshua.Kaya naman, sumingkit ang mga mata niya, itinutok niya ang kutsilyo sa tali na nakatali kay Nigel, at nagbanta siya, “Ibalot mo sa bato ang kontrata at ihagis mo dito!”Tumigil sa paglalakad si Joshua, dumilim ang ekspresyon nang marinig niya ito.Gayunpaman, sumunod pa rin siya. Yumuko siya para kumuha ng bato at tumawa siya. “Bakit ka nag aalala? Nangako ako na papakasalan at poprotektahan kita. Sa tingin mo ba talaga ay sisirain ko ang pangako ko?”“Kung kumilos ka ng maingat sa akin, ano ang magiging itsura ng kinabukasan natin?”May bahid ng kabaitan sa malupit at walang emosyon niyang mga salita.Hindi pa nagsalita si Joshua kay Luna ng ganito, kaya’t nalito si Luna kung tapat na mga salita ito ni Joshua o niloloko lang ni Joshua si Fiona.Ngunit, isang bagay ang sigurado: hindi pa nagpakita ng kabaitan at paglalambing si Joshua kay Lun
Klang—!Sinipa ni Joshua ang kutsilyo ilang metro papalayo kay Fiona.Biglang napansin si Fiona na may problema nang marinig niya na bumagsak ang kutsilyo sa sahig. Agad siyang lumingon palayo ng kontrata at nakita niya ang malamig na titig ni Joshua.Makalipas ang ilang segundo, hinawakan ni Joshua ang braso ni Fiona at tinulak niya ito papunta sa sahig.Walang masabi si Luna sa mga sunod sunod na pangyayari bago siya bumalik sa sarili at tumakbo papunta sa dulo ng bundok. Humawak siya kay Nigel at maingat niyang tinanggal ang pagkakatali nito, kinuha niya mula sa malaking bato si Nigel nang matapos na ito.Dahil nakatali si Nigel sa mga tali, ginamit ni Nigel ang buong lakas niya para manatili ang balanse niya, kaya’t sa sandali na naligtas na siya, bumigay na ang katawan niya at napunta siya sa yakap ni Luna. Nakahinga na siya ng maluwag at sinabi niya, “Salamat po, Mommy.”Wala nang lakas si Nigel para maglakad. Dahil alam ito ni Luna, hinila niya palapit si Nigel at sinabi n
Mabagal na gumapang si Luna paalis sa putik. “Ayos lang ako…”Ayos lang siya, medyo pagod lang siya.Kung sabagay, hindi pa siya kumain sa loob ng sampung oras.Hinila ni Luna si Nigel paalis sa putik, kinarga niya ito at nagpatuloy na siya sa pagbaba ng bundok.Basang basa ang bundok dahil sa ulan, kaya’t ilang beses na natumba sina Luna at Nigel. Sa bawat tumba nila, kumirot ang puso ni Joshua.Kahit si Fiona, na nakatulak sa lupa, ay naramdaman ang mga emosyon sa katawan ni Joshua.Nakita ni Fiona ang pagkakataon at kinuha niya ito. Habang abala si Joshua sa panonood kela Luna at Nigel, kinuha ni Fiona ang buong lakas niya at tumakas siya mula kay Joshua.“Papatayin kita!” Tumunog ang nakakakilabot na sigaw ni Fiona sa likod ni Luna.Agad na tumigil si Luna, pagkatapos ay tumalikod siya.Nabigla si Luna sa eksenang nasa harap niya, na para bang may bomba na sumabog sa utak niya.Sa mga sandaling ito, hawak ni Fiona ang kutsilyo na sinipa palayo ni Joshua at nakipagaway siy
“Magsama tayo sa impyerno!” Ang sigaw ni Fiona, tumakbo siya papunta kay Joshua at tinulak niya ito palampas sa dulo ng bundok.Gayunpaman, sa sandali na napagtanto niya na nahulog siya, agad na bumitaw si Joshua sa kamay ni Fiona at inabot niya ang mga bato sa gilid ng bundok.Nang marating na ni Luna ang tuktok ng bundok, ang tanging nakita niya lang ay ang kamay ni Joshua na nakakapit sa bato at lumalabas ang mga ugat.Gayunpaman, dahil sa sobrang pagod, ang kamay na nakahawak sa bato ay unti unting dumudulas.Agad na lumapit si Luna at kinuha ang kamay ni Joshua gami ang mga kamay niya. “Joshua!”Mahigpit ang hawak niya kay Joshua.Sa sobrang pagod ni Joshua ay hindi na siya makahawak sa bato.Nawala na ang lahat ng lakas sa katawan niya at umaasa na lang siya kay Luna para hindi siya malaglag.Gayunpaman, may hangganan din ang lakas ni Luna, bukod pa dito, halos mahulog na rin siya dahil sa bigat ni Joshua.Kumunot ang noo ni Joshua at nagbuntong hininga siya, nakikita ni
“Pero sana ay kapag hindi mo na kayang kumapit, bitawan mo na ako… Kayang mabuhay ng mga bata ng walang tatay, pero kailangan ka nila.”“Nawala na si Neil kela Nigel at Nellie. Hindi ko hahayaan na mawala din ang nanay nila.”Kinagat ni Luna ang labi niya at tumitig siya kay Joshua. Hindi niya mapigilan na humigpit ang dibdib niya nang makita niya ang madilim na tingin sa mga mata ni Joshua.Alam niya na… gusto ni Joshua na bumitaw siya at mahulog ito sa bangin ng mag isa.“‘Wag kang gumalaw!” Ang sigaw ni Luna habang nakakunot ang noo. “Kaya ko pang kumapit sayo! Pati—”Kinagat niya ang labi niya at sinabi niya ang sikreto na natuklasan niya, baka sakaling magkaroon pa ng pagasa si Joshua. “Si Joshua, na nahihirapan tumakas sa kapit ni Luna, ay tumigil ng marinig niya ito. Lumingon siya para tumitig kay Luna ng may malaking mga mata. “Ano… Anong pinagsasabi mo?”“Ang sabi ko, buhay pa sila!” Kinagat ni Luna ang labi niya. “Joshua, hindi ka pwedeng mamatay. Dapat mo akong tulun