Katahimikan lang ang tumunog mula sa kabilang linya.Makalipas ang ilang segundo, natapos ang phone call ng may malakas na hampas.Dumilim ang ekspresyon ni Joshua nang marinig niya ang dial tone. Hindi siya makapaniwala na kausap nila Fiona at Aura ang isa’t isa…Pero, ito ang paliwanag kung bakit maraming tao ang tumutulong kay Fiona sa Banyan City, kahit na ito ang unang beses niya sa bayan na ‘yun.Kaya naman, hindi aksidente ang aksidente ni Dr. Robert. May taong nagplano nito.Kung hindi dahil sa tulong ni Aura, hindi makakarating si Fiona sa Yellowstone Village ng napakabilis.Sa sandali na maisip niya ito, inutos ni Joshua ng may mababang boses, “Lucas, imbestigahan mo ang mga lalaking nagbabantay kay Granny Lynch!”Kung tama ang pagkakaalam niya… ang isa sa mga bodyguard ni Granny Lynch ay kasabwat ni Fiona.Tumango si Lucas at paalis na siya kasama nila Zach at Yuri nang makita niya si Luna, na nasa yakap pa rin ni Joshua. “Paano po siya?”Paubos na ang lahat ng laka
“Hindi ako ang anak mo. Ang pangalan ko ay Jake Landry! Papatayin ko ang anak mo!”Pagkatapos, dumating ang masamang mukha ni Aura sa harap ng mukha niya. “Ano ang pakiramdam na nagpapatayan ang dalawang anak mo ng ganito, Luna? Hahahahaha—!”“Neil, Nigel—!”Nagising si Luna mula sa panaginip niya, sa sobrang gulat niya ay bumangon siya mula sa kama, pawis na pawis.“Nagkaroon ka ba ng masamang panaginip?” May mababang boses ng lalaki sa tabi niya.Tumigil si Luna, pagkatapos ay tumingin siya sa direksyon ng boses.Nakaupo si Joshua sa tabi ng kama niya, nakangiti sa kanya habang may pagod na ekspresyon ito sa mukha. “Dalawang araw ka nang tulog, akala ko ay matutulog ka pa ng mas matagal.”Tumitig siya sa mukha ni Joshua ng ilang sagalit bago niya naalala ang nangyari. Pagkatapos, huminga siya ng malalim at tumingin siya sa kwarto. “Nasa… Banyan City na ulit tayo?”Tumango si Joshua.“Nasaan sina Nigel at Nellie?”“Nasa Blue Bay Villa sila, nagpapahinga.” Yumuko si Joshua at
Dahil kay Luna?Tumitig si Luna kay Christian ng may malaking mga mata.Huminga ng malalim si Christian at umupo siya sa upuan sa tabi ng kama ni Luna. Pagkatapos, kinuha niya ang saging sa mesa at kinain niya ito sabay ang buntong hininga. “Nabalitaan ko na si Dr. at Mrs. Jenson, pati na rin si Fiona, ay patay na, kaya’t bumalik agad ako mula sa ibang bansa. Pagbalik ko, ang unang ginawa ko ay hanapin ka, pero natuklasan ko na nakahiga ka dito…“Hindi ko alam na nahimatay ka dahil sa pagod, kaya’t nang makita kita sa kama na walang malay, akala ko ay lantang gulay ka na.”“At…” Umubo siya ng awkward. “Umiyak ako, sa harap ng kama mo.”Sa sobrang gulat ni Luna ay wala siyang masabi.Kahit na 19 pa lang si Christian, isa siyang matangkad at maskuladong lalaki. Hindi makapaniwala si Luna na iiyak ito sa kanya habang wala siyang malay.“Noong umiiyak ako, sinabi ko na gusto kitang pakasalan at na kapag nahanap ng mas maaga ang ebidensya para sa mga kasinungalingan ni Fiona, hindi m
Gustong sabihin ni Luna noong una kay Gwen na ‘wag nang pumunta dahil isang maliit na pagtitipon lamang ito, at masyadong malayo ang Sea City sa Banyan City.Gayunpaman, nang marinig niya na sabik si Gwen sa phone, hindi niya na pinigilan ito. “Sige. Kung sasama ka, pagluluto kita ng mga paborito mong pagkain.”“Sige. Magkita na lang tayo mamayang gabi!”“Sige.”Pagkatapos ibaba ang phone, yumuko si Luna sa orasan para tingnan ang oras.10 a.m. pa lang.Marami pa siyang oras para maghanda sa party.Huminga ng malalim si Luna at lumingon siya para tumingin kay Christian. “Tara na, lumabas na tayo dito para bumili ng pagkain!”Sumunod si Christian sa likod ni Luna at hindi niya mapigilan na maalala ang itsura n Luna nang unang beses siyang bumisita.Noong nakalipas lang na ilang araw, nakahiga si Luna sa kama, walang kibo at akala ni Christian ay lantang gulay na si Luna, ngunit sa mga sandaling ito, masigla na si Luna at kaya pa nitong gumawa ng party para magdiwang kasama ang
Mahigpit na hinawakan ni Joshua ang phone habang nakapikit ang mga mata. "Sino ang inimbitahan niya?" Saglit na natahimik si Luke bago tuluyang nagtanong, "Ibig sabihin ba nito...hindi lang sa hindi sinabi ni Luna sa iyo ang tungkol sa party, pero hindi ka rin niya inimbitahan?" Nagdilim ang ekspresyon ni Joshua nang marinig niya ito. "Tinatanong kita kung sino ang inimbitahan niya." Hindi napigilan ni Luke na tumawa ng malakas, "Dahil hindi ka imbitado, sa tingin ko ay wala kang karapatang malaman kung sino ang nasa listahan ng imbitasyon."Nagdilim ang ekspresyon ni Joshua nang marinig niya ito. "Tinatanong kita kung sino ang inimbitahan niya." May lumabas na ugat sa noo ni Joshua. Pinikit niya ang kanyang mga mata at sinabing, "Siguro nasanay ka na sa pagiging malaking tao sa Sea City, at nakalimutan mo kung kaninong teritoryo ang Banyan City." Nawala ang ngiti ni Luke sa kanyang mukha nang marinig niya ang malamig na tono ni Joshua. Medyo awkward na umubo siya at sumagot
May bakas ng ngiti sa boses ni Christian habang sinasabi niya, “Nagkita na tayo dati. Pamangkin ako ni Joshua." Palihim na nilingon ni Shannon ang lalaking katabi niya, na sa sandaling ito ay may ekspresyon na kasing lamig ng yelo. "Ah, nasaan si Luna?" “Nasa shower siya,” walang emosyong sagot ni Christian, “kung may sasabihin ka sa kanya, sabihin mo na lang sa akin.” Ang kapaligiran sa opisina ay tila bumaba ng ilang degree na mas malamig. Naramdaman ni Shannon na hinahabol niya ang hininga sa kanyang lalamunan.. "Well...Gusto kong magsama ng kaibigan sa party ngayong gabi, pero gusto ko munang humingi ng permiso kay Luna." "Syempre pwede." Nagsalubong ang kilay ni Christian. "Sa lahat ng paraan, magdala ka ng karagdagang bisita kung gusto mo. Ipapaalam ko sa kanya kapag lumabas na siya ng shower." Tumango si Shannon. “Sige,...salamat kung ganoon!” Kasabay noon, mabilis niyang ibinaba ang tawag, natatakot na ihagis ni Joshua ang telepono sa bintana sa galit.“President
Alas siyete ng gabi.Dahil maraming bisitang darating, espesyal na inayos ni Luna ang hardin sa likod ng Blue Bay Villa bilang venue ng party. Maraming taon na ang nakalilipas, noong una nang siya ay ikinasal kay Joshua, may naisip si Luna habang naglalakad siya sa hardin na ito... Gusto niyang mag-host ng isang maliit na pagtitipon kasama ang kanyang mga kaibigan sa hardin na ito, nagtatawanan at nagsasaya nang magkasama sa isang gabi ng tag-araw. Napakaganda nito! Gayunpaman, alam niya na ito ay pagnanais sa-isip lamang. Sa simula, siya ay mula sa Sea City, kaya pagkalipat sa Banyan City, wala man lang siyang kaibigan, bukod sa kapatid niyang si Aura. Pangalawa, sa oras na iyon, ang buong mundo niya ay umiikot lang kay Joshua. Hindi gusto ni Joshua ang maingay o maraming tao, kaya hindi man lang naglakas-loob si Luna na magmungkahi ng ideyang ito sa kanya sa takot na magalit siya o isipin na hindi siya masunurin. Ang kabalintunaan ay, pagkatapos ng lahat ng mga taon n
Ang kapaligiran sa hardin ay tila bumaba ng ilang degree na mas malamig. Dalawang tao ang nakatayo sa entrance ng garden. Ang isa sa kanila ay si Shannon na nakasuot ng mahabang damit at may nerbiyos na ekspresyon, habang ang isa... Ay si Joshua, nakasuot ng gray na trench coat at may malamig na pagsimangot sa mukha. Si Luke, na sa sandaling ito ay nakaupo, ay nagbigay kay Joshua ng isang mabilisang pagsusuri. Napagdesisyunan na pala niyang pumunta pagkatapos ng lahat. Nag-alis pa si Joshua ng kanyang karaniwang itim na suit at sa halip ay nagsuot ng trench coat para tumugma sa tema ng party ni Luna. Gayunpaman, hindi siya dumating sa tamang oras. Agad na hinawakan ni John si Anne, na sa mga sandaling ito ay natigil na nakatayo sa tabi ni Luna, at inakay siya pabalik sa kanilang mga upuan. "Maling oras yata ako dumating," ngumisi si Joshua, saka dahan-dahang pumunta sa direksyon nila. Nanatiling hindi gumagalaw si Luna at napakunot ang noo nang makita niya si Joshua na