Chapter 33
Mainit ang araw nang nasa isang bangka na kami. Kasama namin si kuya Lance, Flor, Lara,Kathlyn ,ako at si Santi. Naghalo ang masayang emosyon sa akin. All my life,I've been afraid, pero ngayon...unti unting gumaan ang aking pagkatao sa bawat araw na dumaan.
Hindi ko inaasahan na ampon si Santi. Dahil magkamukha kami at ang akala kong iisa ang aming magulang.
Every life has their own stories. Every single things have their own style. Every tears has a reason. Every person has an equal.
Katulad ko, bawat detalye ng paintings ko may kanya kanyang hinuhugutan. Kanya kanyang, istorya sa likod ng mga obra. Ang aking mga luha ay may libo libong rason. Ang aking ngiti ngayon ay may libo libong kahulugan.
Pwede ko ba hingin sa diyos na sana...habang buhay na akong ganito? Kami? Away from judgemental people. Away from toxic. Kapayapaan lang at kasiyahan. Pareho ngayon, bawat mukha namin ay may ngiti. Nakita kong mahal na ma
Chapter 34Masakit ang buong katawan ko ng bumangon. Uminom sila kagabi, umalis si papa dahil maraming aasikasuhin. Si Ma'am Garcia, umalis rin dahil mamayang gabi, may Alumni ang batch nila kuya Santi. Dito natulog ang mga pinsan namin.As expected, our night went rough. Ang aming kwarto ay ang nasa ika'tlong palapag. Purong kristal ang nakapaligid at natatabingan lang ng makapal na kurtina.He said, this is our house. Aarte pa ba ako? Sa ka'y tagal namin nawalay sa isa't isa magpapakipot paba ako na ayoko? Mahal ko siya at di na yun mababago pa. If he will ask me to marry him why not?Hinila ko ang kumot para takpan ang aking kahubaran. Nakita ko sa mesa ang isang tray ng pagkain. May sticky note pa iyon sa gilid. I smiled widely. Kinakabahan na ako, iniisip ko palang na makakasama ko siya habang buhay, ang dami nang pumapasok na imahe sa utak ko!Naka leave raw siya ng two weeks. Kaya may mga araw pa para mag usap kami sa
Chapter 35WakasNatapos ang bakasyon ni Santi, natapos rin ang bakasyon ko. Maraming nangyari sa nagdaang buwan. Santi was really busy. Bagong bukas ang hospital niya. He named it "Sandoval Hospital". Nakita ko kung gaano siya ka sincere bilang doktor. Libre ang check ups ,libre ang gamot. Hindi kamahalan ang singil sa mga pasyente. Marami ring proseso bago iyon nabuksan. Marami ring pinagdaanan.Sabay ang pagiging busy ni Santi ang pagiging busy ko rin. Araw araw ang alis para sa pag ensayo ng rampa para sa Victorias secret fashion show."You're going to wear the fantasy ring Ara!" Paula shriked dramatically."Bago?" I asked. Ang narinig ko lang kasi at alam ko ay Fantasy bra at fantasy wings. Wala akong alam masyado dahil more on, shoots and modelling lang kasi ako kung may kukuhang company.Perfumes, bags, accesories and etc ang aking minomodelan. Ang aking kinikita ay ang aking pinarenovate sa bahay n
"Excited ka na ba sa graduation natin?""Nakakalungkot at nakaka excited no? Kasi baka di na tayo magkita sa college life tapos nakaka excite maging college student.""Balita ko si Saymon yong Valedictorian! Grabe! Guwapo na matalino pa!""Okay na sana kung daks rin para total package!"Napairap nalang ako sa ere at ngumisi rin habang nakikinig sa usapan ng aking mga classmates.Two months nalang graduating na kami. Hindi ko alam kung masisiyahan ako o mababagot? Kung summer kasi palagi nalang kami nagbabakasyon sa aming probinsiya at as usual, iiwan na naman ako nila mama kasama si Kuya Santi.Pangarap ko rin maging model someday. Kaya mahilig ako sa lahat basta pagdating sa mga decorations at fashions."Susunduin ka ba ng kuya mo mamaya?" Tina asked me.Siya yong may crush kay kuya Santi. Ay, di lang pala siya ang dami nila. Si Kuya kasi third year college na kaya tuwing susunduin ako ,ako ang kanila
Maganda ang gising ko kinahapunan. Kagabi kasi ginawa ko iyong assignments ko. Kung kailan kasi ga-graduate na, doon ka naman tatambakan ng requirements at assignments.Ginugusot ko ang mata habang pababa ako. Naabutan ko si mama sa kusina. Napabaling ang tingin ko kay Anna. Nakangiti ito sa akin agad."Hello ate Anna!" Bati ko rito at hinalikan siya sa pisngi. Ang ganda niya, bagay siya kay kuya. Kahit bad boy yon, at parang diwata itong si ate Anna bagay parin naman silang dalawa e. Kahit ganon si kuya ,hindi yon nangangaliwa."Anak, ikaw na bahala rito kay Anna ha? Marami akong aasikasuhing clearance ng mga studyante e.""Opo, mama. Saan ba si kuya?""Nasa school pa at pauwi na yon kasi may gig pa siya mamayang gabi.."Nakaalis na si mama at naiwan kami ni ate Anna. Ganon parin si ate, ang hinhin at tahimik."Ate, kamusta na pala
Inabala ko ang sarili sa nalalapit na graduation namin. Maraming pinagawa na projects ang mga guro. Kaliwa't kanan ang pictorials. Hindi man ako nadawit sa mga may honors pero proud ako dahil isa ako sa mga mapapalad na gagraduate.Napaangat ang tingin ko ng may umabot sa akin ng bulaklak. Siniko ako ni Rosebelle.Si Saymon may hawak na bulaklak at binibigay sa akin. Ramdam na ramdam ko ang init ng aking pisngi."Ara , puwede bang manligaw?" Tanong nito na ikinakaba ng puso ko.Humiyaw ang mga kaibigan niya sa likod at maging mga kaibigan ko. Nasa gym kami at kakatapos lang ng practice namin for graduation. Kaya ,maraming nakakita. Nahihiya ako.."Ah..." Hindi ako makasagot agad. Actually, crush ko siya noon pa man pero nakakabigla talaga na napansin niya ako. Madaming may crush sa kanya dito pero ako ang napansin niya."Ara , matagal na kitang crush. Sana, payagan mo akong ligawan ka.."Pumikit ako ng
"Pasensya na Saymon ha? Bawi ako next time." Huminga ng malalim si Saymon sa kabilang linya.Two days ang lumipas ng naulanan kami ni kuya at hindi nakapunta sa Resort nila Saymon. From that night, tuloy-tuloy na ang text ni Saymon sa akin."Okay lang, basta bumawi ka. Saan ka pala mag-aaral ng college?"Napatingin ako sa baba. Mula sa kinaroroonan ko rito sa bintana tanaw ko ang pagbaba ni kuya Santi sa kanyang pick up at ang pag-alalay nito kay ate Anna.Masaya ako dahil naging mabuti si ate Anna. Hindi narin ito maputla. Ngayong, bakasyon palagi siya dito sa bahay. Kung hindi si kuya busy sa school niya dahil may mga dapat siyang pag aralan para sa kurso niyang Medicine.Minsan siya na nag-aalaga kay ate. May mga alam siyang pang unang lunas."Hindi ko pa alam Saymon. Ibababa ko na muna ha? Kakain lang..""Sure, see y
Bawat araw palagi kong nakikitang nag aaway si mama at papa. Palaging wala si kuya kung umaga at may gig sa gabi kaya hindi niya ito alam.Palagi rin niyang dinadalaw si ate Anna. Nagpapagaling ito sa bahay nila. Bawal ito sa mausok, kaya minsan lang makalabas.Alas otso nang gabi nasa sahig ako at nakatakip sa magkabilang tainga ang kamay."Bakit Alfonso?! Bakit?! Hindi ka ba naawa sa pamilyang ito? Mahal na mahal kita Alfonso! Huwag!"Naririndi ako sa sigaw ni mama habang pinipigilan si papa. Tumayo ako at sumilip sa pinto at nakitang buhat buhat ni papa ang dalawang maleta.Iiwan na niya kami. Dinudurog ang puso ko na makita ang ina na nakalambitin sa hita ng ama. Paano ba nangyari ito? Nasan na iyong perpekto at tahimik na pamilya namin noon?"Ano ba Mona! Bitawan mo'ko!""Alfonso hindi! Huwag mo kaming iwan!"Tinakbo ko ang ina at hinila sa pagkakayakap kay papa. Sinamaan k
Nag-aayos si mama ng pinagkainan namin. Tinulungan ko siyang ligpitin ang mga pinggan."Naka impake ka na ba ng mga dadalhin mo Ara?"Bukas na ang alis namin ni Kuya papunta Sta. Rosa. Puro na naman bundok at kalabaw ang makikita ko nito. Tsaka, namimiss ko na rin ang mga pinsan ko doon. Baka naman malibang ako doon kasi malapit na ang fiesta doon."Opo mama, hindi ba talaga kayo sasama?"Nilagay nito sa lababo ang mga pinggan at hinarap ako. "Anak, kailangan kong itaguyod ang pamilyang ito. Kung magbabakasyon ako wala tayong kikitain.""Hayaan mo ma, magiging isang sikat na model rin ko someday.."Mama tousled my hair. Napasimangot ako at inayos ang aking buhok."Oo ba! Tsaka, alam kong pila na ang nanliligaw sayo pero yong gusto ko ay si Saymon anak. Maganda ang future mo 'don kasi matalino."Namula ako bigla. Namiss ko itong kwentuhan namin ni mama. Hindi niya ako sinisi sa pagka hospita