"Pasensya na Saymon ha? Bawi ako next time." Huminga ng malalim si Saymon sa kabilang linya.
Two days ang lumipas ng naulanan kami ni kuya at hindi nakapunta sa Resort nila Saymon. From that night, tuloy-tuloy na ang text ni Saymon sa akin.
"Okay lang, basta bumawi ka. Saan ka pala mag-aaral ng college?"
Napatingin ako sa baba. Mula sa kinaroroonan ko rito sa bintana tanaw ko ang pagbaba ni kuya Santi sa kanyang pick up at ang pag-alalay nito kay ate Anna.
Masaya ako dahil naging mabuti si ate Anna. Hindi narin ito maputla. Ngayong, bakasyon palagi siya dito sa bahay. Kung hindi si kuya busy sa school niya dahil may mga dapat siyang pag aralan para sa kurso niyang Medicine.
Minsan siya na nag-aalaga kay ate. May mga alam siyang pang unang lunas.
"Hindi ko pa alam Saymon. Ibababa ko na muna ha? Kakain lang.."
"Sure, see you soon, Ara."
"Sige."
Bumaba ako ng kuwarto at hinanap sila kuya ng makita ko si mama sa kusina at nakatulala.
"Ma?" Untag ko dito,medyo napapitlag pa siya.
"Oh, anak. Kanina kapa?"
"Hindi naman po, may sakit po ba kayo?" Alalang tanong ko at hinawakan ang noo niya. Wala naman..
"Wala ano ba. May iniisip lang. Oh, heto, cupcakes at juice pakidala na muna kina kuya Santi at ate mo ha? May aayusin lang ako sa taas."
Huminga ako ng malalim at sinundan ng tingin si mama. She look's off. Hindi siya ganito noon. Ano kaya ang iniisip niya?
Kinuha ko ang tray ng cupcakes at juice. Tinungo ko ang sala at nakita sila kuya at ate.
Kuya caressing ate Anna face. May sinasabi si ate sa kanya at mukhang nakikinig si kuya ng mataimtim.
Napabaling sila sa akin ng maramdaman ako. Ngumiti ako sa kanila at nilapag ang tray sa mesa.
"Meryenda muna kayo si mama may gawa ng cupcakes."
"Wow, gutom na gutom na ako. Tamang tama." Ate Anna exclaimed happily. Umupo ako sa harapan nila at nakikain narin ako.
"Gutom na gutom ka yata ah.." Puna ni kuya kay ate Anna.
"Ginutom mo ako e." Ngumisi lamang si kuya sa sinagot ni ate. Parang hindi nila ako nakikitang dalawa kaya tahimik akong umalis doon.
Nasa pasilyo na ako patungong kuwarto at nakitang nakaawang ang pinto ng kuwarto ni mama at papa kaya napahinto ako.
Sumilip ako sa maliiy na siwang nito at nakitang umiiyak si mama. Natutop ko ang bibig, biglang kumirot ang puso ko. Hindi ko kailanman nakita si mama na umiyak ng ganito.
Mukhang may hindi ako alam. Mukhang may dapat akong alamin.
Nag ayos at tinawagan ko si Saymon.
"Puwede ba tayong magkita? Hmm, mag ice cream tayo?"
Tumawa ito sa kabilang linya.
"Susunduin ba kita?"
"Uh wag na. Hintayin mo nalang ako sa Ice cream parlor sa park ng school puwede ba?"
"Oo naman, see you." Mukhang excited ito.
Hawak hawak ko ang strawberry ice cream at nakatingin kay Saymon sa aking harap.
Masaya siyang kausap. Di ko talaga maisip na 'yong hinahangaan kong matalino sa school noon ay nakakasalamuha ko.
"Ang ganda mo nang prom night, gusto sana kitang lapitan kaso, ang daming sumayaw sayo."
Uminit yata ang pisngi ko. Kinakabahan ako para sa date na ito. Ngayon lang ako pumayag na makipag date.
Ngumiti ako. "Hindi naman, mga classmate ko yong sumayaw sa akin no."
''Hindi, seryoso, ang ganda mo. Pero mas maganda ka pala pag walang make up."
"Hindi ako mahilig sa make up, kumakati kasi ang mukha ko."
Ngumiti siya sa akin. "Kasi gustong paramdaman sayo ng balat mo na hindi mo kailangan ng make up para gumanda."
Lumawak yong ngiti ko sa sinabi niya.
Maganda yong flow ng usapan namin. Hindi siya nauubusan ng topic at hindi boring.May sasakyan sila ni Saymon at may driver. Yong van parin 'yong sasakyan niya. Binuksan niya iyon para makapasok ako.
Umiling ako. "Huwag na talaga, okay na ako mag taxi o mag jeep."
At ayoko talaga! Magagalit si kuya!
"Sige na Ara, anong klaseng lalaki ako kung hindi ko hahatid yong ka date ko?"
Humalakhak ako at pinalo siya.
"Oy, magiging bathered boyfriend pala ako pag nagkataon."
Biglang may nahagip ang mata ko. Ang ngiti ko unti unting napawi. Ramdam ko yong kaba na pumupunit sa puso ko.
"Ara, bakit?"
Hindi ko siya masagot. Sinusundan ko ng tingin si papa habang may kasamang babae. Lumabas sila sa isang isang Restaurant kahanay lamang ng ice cream parlor kung saan kami ngayon ni Saymon.
"Ara.."
Hindi ko na siya pinakinggan. "Papa!"
Hinabol ko siya kasi hindi niya ako narinig.Ramdam kong nakasunod si Saymon sa akin.
Papasok sila sa aming van ng hilahin ko ang kamay ni papa.
"Papa!"
Laking gulat nito na napabaling sa akin. Ang kasama nitong babae ay napatingin rin at napatingin ako sa mga dala nitong paper bags.
Branded, putangina.
"Pa-Papa sino siya?"
Nagdadalawang isip ito kung magsasalita ba o hindi.
"Papa sino siya?" Ulit ko. Nanginginig ako sa galit sa tamang hinala ko. Kaya pala.
"Umuwi kana Ara.." Tatalikod na sana ito.
"Papa, niloloko mo si mama?! Sino siya kabit mo?!"
Nanlaki ang mata ng babae. "Halikana Alfonso! Malelate na ako."
Sabi nito at tuluyan nang pumasok. Siguro alam nito na may pamilya si papa pero pinipikot parin niya ito.
Dumaloy ang aking luha.Hindi ko alam kung sasabihin ko ito kay mama. Hindi ko kaya...
"Umuwi kana at doon tayo mag usap." malamig na sabi nito at pumasok sa van.
Wala akong nagawa kundi tingnan ang papalayong van. Naiiyak ako sa galit at sakit.
Hinawakan ni Saymon ang kamay ko. "Ara, umiyak kalang. Nandito lang ako."
Tila hudyat ito para sa aking mga luha. Natatakot ako na masira ang pamilya namin. Natatakot akong makita si mama na nasasaktan.
Huli na nang naramdaman kong magkayakap na kami.
"H-Hindi ko alam ang gagawin."
Hagod niya ang buhok ko habang tinatahan ako.
I was speechless the whole time. Hanggang nasa bahay na ako nanatili akong tahimik.
Sa pagkain hindi ako sumama sa kanila. Hindi ko masikmura na kasamang kumain si papa.
Nasa kuwarto lang ako at pinagmamasdan ang mga litrato noon namin ni kuya ng bata pa.
Kasama namin ang mga pinsan namin noon sa probinsya. Walang nagbago sa ekspresyon niya. Malamig parin at seryoso.
Napakislot ako ng biglang may kumatok sa aking kwarto. Inayos ko ang picture frame at binuksan ang pinto.
Si papa agad ang bumungad sa akin. Nalanghap ko agad ang amoy ng alak sa hininga nito.
"Bastos ka talagang bata ka! Wala ka bang modo at ganon ang pag usap mo sa akin kanina? Alam mong may kasama ako pero ang bastos mo?!" Gigil ito sa akin at halos saktan ako nito.
Napapaatras ako sa takot. Nagalit ako sa mga narinig mula sa kanya.
"A-Ako?" tinuro ko ang sarili. "Ako pa ang bastos pa? Anak mo ako! Yon sino yon? Bakit ako pa ang bastos? Babae mo yon diba? Kailan pa naging bastos ang anak kung nakitang kasama ng ama niya ang kabit nito? Diba dapat ang kabit ang mahiya? Hindi ako!-"
Naputol ang sasabihin ko nang sinampal ako nito. "Wala kang galang!"
"Ang sama mo!" Sigaw ko dito pabalik.
Akmang pagbubuhatan na naman ako nito ng pumagitna si kuya. Si kuya ang nasampal ni papa nang malakas.
"Kuya!"
Tila nabigla rin si papa hindi ito makapagsalita.
"Tapos kana ba pa?! ha?"
Tila nawala ang pagkalasing ni papa.
"Pasensya na..hindi ko sinasadya. Pasensya na mga anak.." Akmang yayakapin ako ni papa pero iniwas ako ni kuya."Sa susunod na sasaktan mo si Ara magkalimutan tayong ama kita."
Kinabahan ako. Noon pa man, iwas sila mama at papa na magalit si kuya. Lahat sila dito sa bahay nirerespeto si kuya. Kaya ako, naging mabuti akong kapatid sa kanya.
Nasasaktan akong makitang tumalikod si papa at umalis. Parang nawalan ako ng lakas na napaupo sa kama ko.
"K-Kuya, a-alam mo?"
Huminga ito ng malalim. Tila kakarating niya lang at nasa likod pa ang gitara niya.
"Huwag mo nang isipin yon..matulog ka na."
Umiling ako.
"Paano si mama?"
"Huwag mong sabihin kay mama ako na ang bahala.."
Tumulo ang aking luha. I can't accept the fact na sira na ang pamilyang ito. Hindi na mabubuo pa.
"Ang sakit k-kuya.."
Umupo ito sa aking tabi at kinuha ang gitara. Nagsimula itong mag-strum.
Loving can hurt ,loving can hurt sometimes but it's the only thing, that I know when it get's hard.
Napatigil ako sa iyak at tinignan siya. Bumilis na naman ng tibok ng puso ko nang marinig ang maganda niyang boses. Kinanta niya iyong paborito kong kanta.
You know it can get hard sometimes,
It's the only thing that makes us feel alive,We keep this love in a photograph ,Tila nahipnotismo ako sa mukha nito. Hindi rin ako nabigla ng umangat ito ng tingin sa akin at nagtagpo ang aming tingin.
We made these memories for ourselves
Where our eyes are never closing ,Our hearts were never broken,And times forever frozen, stillHindi ko maialis ang tingin ko sa mata niya at tila isang mahika ang kangang boses napawi lahat ng sakit na nadarama ko. Tila may sariling pag iisip ang aking labi at ako ang dumugtong.
So you can keep me,
Inside the pocket of your ripped jeans,Holding me close until our eyes met,You wont ever be alone,Wait for me to come home,Napangisi ito at pinagpatuloy ang pag gitara.
Loving can heal, Loving can mend your soul,
And it's the only things that I know,I swear it will get easier,Remember that we're never repeating yeah,And its the only thing,
To take with us when we dieI wish it could be easier ,kuya.
We made these memories for ourselves
Where our eyes are never closing ,Our hearts were never broken,And times forever frozen, stillSo you can keep me,
Inside the pocket of your ripped jeans,Holding me close until our eyes met,You wont ever be alone,Hinding hindi ako mawawala sayo kuya, hinding hindi.
And if you hurt me, that's okay baby,
There will be worst thing,Inside these pages you just hold me,And I wont ever let you go,Wait for me to come home,Lumampas ang aking tingin sa likod niya kung nasaan ang mga litrato namin noon.
Ang isang litrato na nakaakbay siya sa akin at malayo ako sa iba naming pinsan. Naka two ears pa ako noon at may lollipop. Ang isa naman ay nasa batis kami noon sa probinsya at nakayakap siya sa likod ko habang basa kami pareho.
"Ayokong saktan ka ng iba Ara," Kuya whispered nd caressed my face languidly.
Hindi ako makapagsalita.
"Ako lang sa ibang paraan.." Ngumisi ito at umiling. "Kung puwede sana.." He pinched my cheek and stormed out in my room.
Ano daw yon?
Bawat araw palagi kong nakikitang nag aaway si mama at papa. Palaging wala si kuya kung umaga at may gig sa gabi kaya hindi niya ito alam.Palagi rin niyang dinadalaw si ate Anna. Nagpapagaling ito sa bahay nila. Bawal ito sa mausok, kaya minsan lang makalabas.Alas otso nang gabi nasa sahig ako at nakatakip sa magkabilang tainga ang kamay."Bakit Alfonso?! Bakit?! Hindi ka ba naawa sa pamilyang ito? Mahal na mahal kita Alfonso! Huwag!"Naririndi ako sa sigaw ni mama habang pinipigilan si papa. Tumayo ako at sumilip sa pinto at nakitang buhat buhat ni papa ang dalawang maleta.Iiwan na niya kami. Dinudurog ang puso ko na makita ang ina na nakalambitin sa hita ng ama. Paano ba nangyari ito? Nasan na iyong perpekto at tahimik na pamilya namin noon?"Ano ba Mona! Bitawan mo'ko!""Alfonso hindi! Huwag mo kaming iwan!"Tinakbo ko ang ina at hinila sa pagkakayakap kay papa. Sinamaan k
Nag-aayos si mama ng pinagkainan namin. Tinulungan ko siyang ligpitin ang mga pinggan."Naka impake ka na ba ng mga dadalhin mo Ara?"Bukas na ang alis namin ni Kuya papunta Sta. Rosa. Puro na naman bundok at kalabaw ang makikita ko nito. Tsaka, namimiss ko na rin ang mga pinsan ko doon. Baka naman malibang ako doon kasi malapit na ang fiesta doon."Opo mama, hindi ba talaga kayo sasama?"Nilagay nito sa lababo ang mga pinggan at hinarap ako. "Anak, kailangan kong itaguyod ang pamilyang ito. Kung magbabakasyon ako wala tayong kikitain.""Hayaan mo ma, magiging isang sikat na model rin ko someday.."Mama tousled my hair. Napasimangot ako at inayos ang aking buhok."Oo ba! Tsaka, alam kong pila na ang nanliligaw sayo pero yong gusto ko ay si Saymon anak. Maganda ang future mo 'don kasi matalino."Namula ako bigla. Namiss ko itong kwentuhan namin ni mama. Hindi niya ako sinisi sa pagka hospita
Fiesta sa amin ngayon. Naririnig ko mula dito ang ingay ng sound system. Kagabi ang ingay-ingay ng mga kakilala ni lola dito. Nag-aasikaso sila ng mga ihahandang pagkain.Maagang nagising si kuya Santi. Tumulong ito sa pagkatay ng baboy para sa handaan. Eto ako ngayon at tumutulong sa mga katulong ni lola sa paghanda. Karamihan sa mga tumutulong ay kasing edad ni lola o di kaya'y kasing edad ni mama."Ara 'yong kapeng barako ang itimpla mo ha? huwag yang kopiko black. Mas gusto nila dito ang orig.""Opo lola!" Nasa anim na tasa ang tinimplahan ko ng kape. Iyong iba ay nauna nang ibigay nila Lara at Kathlyn.Sa labas ng bahay nakikita kong may malaking kawali. Nagluluto sila ng menudo. Sa kabila naman ay malaking kawali rin at may lamang palabok.Pawis na pawis ako na nilapag ang mga kape sa mesa. Nasa lilim iyon ng puno.Dumapo agad ang tingin ko kay kuya Santi. Pawisan ito at nakahubad-baro. Nagdi
Matayog na ang sikat ng araw nang magising ako. Nakaukit parin sa aking isipan ang mga nangyari kagabi. Pagkatapos 'non natulog lang siya na parang walang nangyari.Napabalikwas ng biglang may kumatok ng malakas sa pinto. Wala narin si kuya Santi. Sanay magising 'yon ng maaga."Ara! gumising kana! Manonood tayo ng basketball!"Narinig kong sigaw ng aking pinsan kaya kahit tamad napilitan akong bumangon at maligo.Sa mesa nadatnan ko ang aking dalawang pinsan na kumakain na."Oh Ara, nauna ka palang nauwi kagabi?""Oo e. Nahanap ko si kuya Santi.""Pagkatapos niyong gumala samahan niyo ako sa batis ha? Maglalaba tayo doon." sabi ni lola Lourdes.Nakagawian na ng mga tao dito ang maglaba at maligo sa batis. Ang batis dito ay napakalinaw at malinis."E di'ba lola maraming ahas doon?"Humalakhak si lola at nilapag sa mesa ang aming milo at may kasamang pandesal. Sinawsaw ko sa mil
Nagkakatuwaan sila lola Lourdes at kuya Santi habang pauwi kami ng bahay. Hawak-hawak naming tatlo ni Lara at Kathlyn ang palanggana at brush na ginamit sa paglalaba. Habang si kuya ang nagbuhat ng mga malinis na damit at isasampay nalang.Lahat kami ay basa. Maputik ang daan at puro niyugan o di kaya'y manggahan ang aming nadaanan."Pag dating sa bahay maligo muna kayo Lara at Kathlyn bago umuwi ha? Ikaw na rin Ara.""Opo lola!"Hawak hawak ko parin ang iba't-ibang kulay ng bato na nakita ko sa batis. May kulay berde, kayumanggi, at puti. Maganda ito ilagay sa transparent na bote at lagyan ng mga shells.Umingay ang bakal na gate nang buksan iyon ni kuya. Rinig na rinig ko ang bagsak ng ulan sa bubong ng bahay.Nasa bulwagan palang ng bahay nang kami ay masurpresa."Santi.."Si ate Anna nakaupo sa sofa namin kasama
"Saan ka magka-college kung 'ganon?" Tanong ni Saymon sa kabilang linya.Huminga ako ng malalim at tumingin sa ibaba. Nagkakape si ate at kuya."Kung saan si kuya nag-aaral.""Sa Monreal Catholic College?""Yep!"Narinig ko ang pagpitik ng mga daliri nito. "Sakto, malapit sa amin! Mahahatid sundo kita.""Di na kailangan no..""Ara seryoso ako sa panliligaw saiyo.."Binalik tanaw ko ang kinaroroonan nila kuya. Nakatingin na ito sa akin habang sumisimsim ito sa kanyang kape."Tingnan natin Saymon.."Kinabahan ako bigla at itinago ang aking cellphone. 'Di alam ni kuya na nakikipagtext na ulit ako kay Saymon. Tsaka ,nadagdag ko na rin dito ang ibang cellphone number ng mga classmates ko.Bumaba ako at nakita si lola Lourdes na naglalapag ng bilo bilo sa mesa."Wow, magtitinda kayo lola?" Nillagay nito sa dalawang basket."Oo, may palabas ngayon sa plaza. Magti
Niyakap ko ng mahigpit si lola. Naluluha akong tingnan ang aking mga pinsan sa likod ni lola. Kumaway ako sa kanilang dalawa."Maraming salamat lola ha? Mamimiss ko kayo."Hinagod nito ang aking buhok. "Ikaw rin mamimiss ka namin. Bumalik kayo rito ng kuya Santi mo ha?"Ngumiti ako at niyakap sila ulit. Nauna na akonh pumasok sa pick up at tiningnan si kuya na niyayakap si lola. May mga sinasabi siya dito at nakita ko ang paghalik nito sa noo ni lola.Umiwas ako ng tingin. Simula nang lumapat ang labi ni kuya sa labi ko alam ko nang simula na iyon ng aming kalbaryo.Hindi ako makatulog kakaisip lalo na palagi akong kinakabahan. Isang tingin lang ng tao sakin parang guilty ako sa isang bagay. Kahit walang nakakaalam ng nangyaring iyon, kinakabahan parin ako.Lalo na kapag sa bahay. Lalo na sa pamilya ko at kay ate Anna. Ang sama ko. Masama ito..Lagapak ng pintuan nang pick up ang nagpa
Lumipas ang mga araw na naging mailap kami ni kuya sa isa't isa. Hindi rin niya ako kinikibo. Alam kong nagdadalamhati rin siya sa pagkawala ni ate Anna. Matagal rin ang relasyon nila.Nakatulala ako sa bintana ng aking kuwarto. Inaalala 'yong mga sandaling nasa probinsya kami nila lola. Kumalabog ang puso ko sa 'twing magkasama kami ni kuya. Hindi ako mangmang para hindi ito malaman. Itong nararamdaman ko, para sa kanya ay isang kahibangan. Isang kasalanang magustuhan ko ang kanyang mga haplos at halik.Ingay ng pintuan ang nagpatingin sa akin kung sino man ang pumasok. Si kuya ang pumasok. Nagkahulihan agad ang aming tingin at eto na naman ang aking dibdib, hindi magkamayaw sa kabog.Seryoso ang mga tingin nito at ang paglock nito ng pinto ang nagpasabog ng aking puso. Unti unti akong lumapit sa kama at umupo ng dahan dahan."Lilipat na ako..gusto mong sumama sakin?"Napayuko ako at tumango. We need to talk
Chapter 35WakasNatapos ang bakasyon ni Santi, natapos rin ang bakasyon ko. Maraming nangyari sa nagdaang buwan. Santi was really busy. Bagong bukas ang hospital niya. He named it "Sandoval Hospital". Nakita ko kung gaano siya ka sincere bilang doktor. Libre ang check ups ,libre ang gamot. Hindi kamahalan ang singil sa mga pasyente. Marami ring proseso bago iyon nabuksan. Marami ring pinagdaanan.Sabay ang pagiging busy ni Santi ang pagiging busy ko rin. Araw araw ang alis para sa pag ensayo ng rampa para sa Victorias secret fashion show."You're going to wear the fantasy ring Ara!" Paula shriked dramatically."Bago?" I asked. Ang narinig ko lang kasi at alam ko ay Fantasy bra at fantasy wings. Wala akong alam masyado dahil more on, shoots and modelling lang kasi ako kung may kukuhang company.Perfumes, bags, accesories and etc ang aking minomodelan. Ang aking kinikita ay ang aking pinarenovate sa bahay n
Chapter 34Masakit ang buong katawan ko ng bumangon. Uminom sila kagabi, umalis si papa dahil maraming aasikasuhin. Si Ma'am Garcia, umalis rin dahil mamayang gabi, may Alumni ang batch nila kuya Santi. Dito natulog ang mga pinsan namin.As expected, our night went rough. Ang aming kwarto ay ang nasa ika'tlong palapag. Purong kristal ang nakapaligid at natatabingan lang ng makapal na kurtina.He said, this is our house. Aarte pa ba ako? Sa ka'y tagal namin nawalay sa isa't isa magpapakipot paba ako na ayoko? Mahal ko siya at di na yun mababago pa. If he will ask me to marry him why not?Hinila ko ang kumot para takpan ang aking kahubaran. Nakita ko sa mesa ang isang tray ng pagkain. May sticky note pa iyon sa gilid. I smiled widely. Kinakabahan na ako, iniisip ko palang na makakasama ko siya habang buhay, ang dami nang pumapasok na imahe sa utak ko!Naka leave raw siya ng two weeks. Kaya may mga araw pa para mag usap kami sa
Chapter 33Mainit ang araw nang nasa isang bangka na kami. Kasama namin si kuya Lance, Flor, Lara,Kathlyn ,ako at si Santi. Naghalo ang masayang emosyon sa akin. All my life,I've been afraid, pero ngayon...unti unting gumaan ang aking pagkatao sa bawat araw na dumaan.Hindi ko inaasahan na ampon si Santi. Dahil magkamukha kami at ang akala kong iisa ang aming magulang.Every life has their own stories. Every single things have their own style. Every tears has a reason. Every person has an equal.Katulad ko, bawat detalye ng paintings ko may kanya kanyang hinuhugutan. Kanya kanyang, istorya sa likod ng mga obra. Ang aking mga luha ay may libo libong rason. Ang aking ngiti ngayon ay may libo libong kahulugan.Pwede ko ba hingin sa diyos na sana...habang buhay na akong ganito? Kami? Away from judgemental people. Away from toxic. Kapayapaan lang at kasiyahan. Pareho ngayon, bawat mukha namin ay may ngiti. Nakita kong mahal na ma
Chapter 32Walang KawalaHindi ko masisisi ang kanyang pananabik dahil ako mismo ganun rin. Uhaw ang kanyang halik, uhaw ang kanyang mga haplos, uhaw rin ang kanyang katawan sa akin. Pagkatapos namin sa ilog, halos hindi ako makatayo. Sinikop niya ako sa bato,binihisan,pinaliguan at kinarga. He's topless habang pauwi kami. Nag aalala ako dahil gabi na at malamig.I felt so drained, really.Tulog na sila lola ng makauwi kami. Patay na ang ibang ilaw sa loob ng bahay. Akala ko tapos na...pero ng nagsimula si kuya Santi sa paghalik sakin nang paakyat sa ikalawang palapag...nasindihan ulit ang apoy na kakapatay lang.I kissed him back. Hindi kasing tindi ng mga halik niya sa akin dahil pagod na pagod na ako. Pakiramdam ko nasa loob ko parin siya..nararamdaman ko parin.Lasing sa kanyang mga halik nang marinig ko ang pintuan na nabuksan. Dahil nga nakadress lang ako, umangat ang dulo nun nang idispatsa niya ako sa kama. Nagulo ang
Chapter 31SinasambaI am happy for them. Wala akong ka alam alam sa mga nangyari sa kanila noon. Ang alam ko lang, hindi nakasama si Flor kay kuya papuntang abroad. Nagulat ako sa mga nalaman ngayon dahil siya pala ang papakasalan ni kuya Lance."Patawarin mo sana siya Ara. Pasensya na..." si kuya Lance. Humihingi ng tawad sakin para sa asawa. Si Flor ay nasa loob na ng bahay nila. Saglit kaming huminto rito para tingnan ang kanilang bahay. Hindi kalayuan ito sa barangay nila lola Lourdes."Kuya Lance, matagal na iyon.." nakita kong nagkatinginan si kuya at Lance. Ginulo ni kuya Lance ang aking buhok.Mahaba habang usapan pa bago kami umalis. Kasama namin sa sasakyan si lola Lourdes na emosyonal na nakatingin sakin ,ganon rin ang dalawa kong pinsan na si Lara at Kathlyn.Hapon na kami nakadating sa bahay ni lola Lourdes. Ingay ng ibon at ingay ng mga dahon na nakapaligid na mga puno sa bahay ni lola Lourd
Chapter 30SantiIlang oras lang yata ang naitulog ko. Pahirapan pa 'yun lalo na't hindi mawala sa isipan ko ang mga nangyari. Masaya ako na natatakot't sa pagbabalik ni kuya. Sa mga napag daanan ko sa mga lumipas na panahon...parang ayoko nang itulak pa palayo ulit si kuya. Lahat ng pasakit ay gusto kong gamutin sa mga oras na 'to. Gusto ko nalang namnamin ang mga yugtong ito ng buhay ko."Paula...urgent kasi. Dumating si kuya kahapon.."Ang pagtatalak ni Paula sa kabilang linya ay naputol."Ha? Ano?"Umirap ako sa kawalan. "Nandito si kuya..""Oh god! 'Yung nakikita ko sa mga magazine na may kasamang model?""O..Oo..""Bibisitahan kita pag hindi na'ko busy. Bruhilda ka talaga! Mabuti nalang maka cancel kopa yung photoshoot mo ngayon,""Thanks Paul!""Gaga! P.A.U.L.A! Paula! Hindi ko kilala si Paul!"Humalakhak ako dahil ayaw na ayaw nitong tatawagin ko sya sa kanyang pangalan. Nag
Chapter 29Fight TogetherNanginginig ang aking katawan ng hampasin niya ang bubong ng sasakyan. Pumikit siya ng mariin, tila pinapakalma ang sarili."Get in," he said breathlessly.Pumasok ako sa nakabukas na pintuan ng Benz niya. Namangha ako sa loob ng kanyang sasakyan. Purong black ang loob ng kotse niya at lalaking lalaki ang amoy. Sobrang tinted rin ng salamin nito.Pate ang pagpasok niya sa kanyang kotse ay nagpakaba sakin ng husto. After six years, walang nagbago. Tumitibok parin ang puso ko sa tuwing nandiyan siya. Parang kakawala ito sa aking dibdib anumang oras.Bawat ilaw ng poste ang madaanan ay napapasadahan ng ilaw ang kanyang mukha. Tumindig ang balahibo ko habang tinitingnan ang tangos ng kanyang ilong. Ang mapupula niyang labi at ang nakadepina niyang panga. Ang makapal niyang kilay na nagpapadagdag sa pagiging suplado niya."K-Kamusta?" halos mahimatay ako ng naitanong ko iy
Chapter 28KuyaAng aking mahabang buhok ay naging makinang at kulot. Ang aking kutis ay mas naging matingkad pa. Ang aking kurba ay mas humubog pa. Ang aking taas ay hindi ko inaasahan. Ito ay isa sa mga nagbago sakin. Lumipas ang anim na taon maraming nagbago.Ang aming bahay ay pinabago ko. Ang aming bakuran ay puno na nang iba't-ibang kulay at uri ng bulaklak. Ang bakanteng lupa sa likuran ay pinalagyan ko ng swimming pool at dalawang sun loungers. Ang aming bahay ay mas naging matibay na kongkreto. Kulay puti ang pintura sa ibaba at makinis na tiles ang sahig. ANg ikalawang palapag ay pinalagyan ko ng veranda at ang kalahati ay purong babasaging dingding,natatakpan lamang ng makapal na kurtina.Hindi man kasing mahal at ganda tulad ng iba, proud parin ako dahil sa sariling sikap ko ito nanggaling.Ang pera sa bank account ko ay mas dumabong at dumami. Sa tingin ko, hindi ko pa muna iyon magagalaw. I am earni
Chapter 27Greatest HonorI need to be strong. Walang makakatulong sakin kundi sarili ko lang. Naisip ko rin na dinala ni kuya si papa dahil hindi ko makakaya kung nasa pangangalaga ko si papa lalo na't may gamot ito na kailangan. Kahit nga pambayad sa hospital ay wala ako. Di'hamak na estudyante lamang ako.Nagkalat sa aking mesa sa kwarto ang tatlong libro at ang aking papel. Marami akong pinag aaralan. Mas gusto ko pang matayog ang aking kaalaman. Kahit hindi na angkop sa dapat pag aralan ko basta't nakuha nang atensyon ko, pinag aaksayahan ko ito ng oras.Tumunog ang aking cellphone sa mesa. Pangalan ni tita Chimen ang nasa rehistro. Huminga ako ng malalim at sinagot."T-Tita..""Ara, ayos kalang ba? Sinabi samin ni Andre at Niko ang mga nangyari. Nag-aalala kami sayo. Gusto mo bang..pumunta kami diyan? Ara, sabihin mo lang kung ano ang pangangailangan mo dahil kapos ako bibigyan kita..""