Nag-aayos si mama ng pinagkainan namin. Tinulungan ko siyang ligpitin ang mga pinggan.
"Naka impake ka na ba ng mga dadalhin mo Ara?"
Bukas na ang alis namin ni Kuya papunta Sta. Rosa. Puro na naman bundok at kalabaw ang makikita ko nito. Tsaka, namimiss ko na rin ang mga pinsan ko doon. Baka naman malibang ako doon kasi malapit na ang fiesta doon.
"Opo mama, hindi ba talaga kayo sasama?"
Nilagay nito sa lababo ang mga pinggan at hinarap ako. "Anak, kailangan kong itaguyod ang pamilyang ito. Kung magbabakasyon ako wala tayong kikitain."
"Hayaan mo ma, magiging isang sikat na model rin ko someday.."
Mama tousled my hair. Napasimangot ako at inayos ang aking buhok.
"Oo ba! Tsaka, alam kong pila na ang nanliligaw sayo pero yong gusto ko ay si Saymon anak. Maganda ang future mo 'don kasi matalino."
Namula ako bigla. Namiss ko itong kwentuhan namin ni mama. Hindi niya ako sinisi sa pagka hospita
Fiesta sa amin ngayon. Naririnig ko mula dito ang ingay ng sound system. Kagabi ang ingay-ingay ng mga kakilala ni lola dito. Nag-aasikaso sila ng mga ihahandang pagkain.Maagang nagising si kuya Santi. Tumulong ito sa pagkatay ng baboy para sa handaan. Eto ako ngayon at tumutulong sa mga katulong ni lola sa paghanda. Karamihan sa mga tumutulong ay kasing edad ni lola o di kaya'y kasing edad ni mama."Ara 'yong kapeng barako ang itimpla mo ha? huwag yang kopiko black. Mas gusto nila dito ang orig.""Opo lola!" Nasa anim na tasa ang tinimplahan ko ng kape. Iyong iba ay nauna nang ibigay nila Lara at Kathlyn.Sa labas ng bahay nakikita kong may malaking kawali. Nagluluto sila ng menudo. Sa kabila naman ay malaking kawali rin at may lamang palabok.Pawis na pawis ako na nilapag ang mga kape sa mesa. Nasa lilim iyon ng puno.Dumapo agad ang tingin ko kay kuya Santi. Pawisan ito at nakahubad-baro. Nagdi
Matayog na ang sikat ng araw nang magising ako. Nakaukit parin sa aking isipan ang mga nangyari kagabi. Pagkatapos 'non natulog lang siya na parang walang nangyari.Napabalikwas ng biglang may kumatok ng malakas sa pinto. Wala narin si kuya Santi. Sanay magising 'yon ng maaga."Ara! gumising kana! Manonood tayo ng basketball!"Narinig kong sigaw ng aking pinsan kaya kahit tamad napilitan akong bumangon at maligo.Sa mesa nadatnan ko ang aking dalawang pinsan na kumakain na."Oh Ara, nauna ka palang nauwi kagabi?""Oo e. Nahanap ko si kuya Santi.""Pagkatapos niyong gumala samahan niyo ako sa batis ha? Maglalaba tayo doon." sabi ni lola Lourdes.Nakagawian na ng mga tao dito ang maglaba at maligo sa batis. Ang batis dito ay napakalinaw at malinis."E di'ba lola maraming ahas doon?"Humalakhak si lola at nilapag sa mesa ang aming milo at may kasamang pandesal. Sinawsaw ko sa mil
Nagkakatuwaan sila lola Lourdes at kuya Santi habang pauwi kami ng bahay. Hawak-hawak naming tatlo ni Lara at Kathlyn ang palanggana at brush na ginamit sa paglalaba. Habang si kuya ang nagbuhat ng mga malinis na damit at isasampay nalang.Lahat kami ay basa. Maputik ang daan at puro niyugan o di kaya'y manggahan ang aming nadaanan."Pag dating sa bahay maligo muna kayo Lara at Kathlyn bago umuwi ha? Ikaw na rin Ara.""Opo lola!"Hawak hawak ko parin ang iba't-ibang kulay ng bato na nakita ko sa batis. May kulay berde, kayumanggi, at puti. Maganda ito ilagay sa transparent na bote at lagyan ng mga shells.Umingay ang bakal na gate nang buksan iyon ni kuya. Rinig na rinig ko ang bagsak ng ulan sa bubong ng bahay.Nasa bulwagan palang ng bahay nang kami ay masurpresa."Santi.."Si ate Anna nakaupo sa sofa namin kasama
"Saan ka magka-college kung 'ganon?" Tanong ni Saymon sa kabilang linya.Huminga ako ng malalim at tumingin sa ibaba. Nagkakape si ate at kuya."Kung saan si kuya nag-aaral.""Sa Monreal Catholic College?""Yep!"Narinig ko ang pagpitik ng mga daliri nito. "Sakto, malapit sa amin! Mahahatid sundo kita.""Di na kailangan no..""Ara seryoso ako sa panliligaw saiyo.."Binalik tanaw ko ang kinaroroonan nila kuya. Nakatingin na ito sa akin habang sumisimsim ito sa kanyang kape."Tingnan natin Saymon.."Kinabahan ako bigla at itinago ang aking cellphone. 'Di alam ni kuya na nakikipagtext na ulit ako kay Saymon. Tsaka ,nadagdag ko na rin dito ang ibang cellphone number ng mga classmates ko.Bumaba ako at nakita si lola Lourdes na naglalapag ng bilo bilo sa mesa."Wow, magtitinda kayo lola?" Nillagay nito sa dalawang basket."Oo, may palabas ngayon sa plaza. Magti
Niyakap ko ng mahigpit si lola. Naluluha akong tingnan ang aking mga pinsan sa likod ni lola. Kumaway ako sa kanilang dalawa."Maraming salamat lola ha? Mamimiss ko kayo."Hinagod nito ang aking buhok. "Ikaw rin mamimiss ka namin. Bumalik kayo rito ng kuya Santi mo ha?"Ngumiti ako at niyakap sila ulit. Nauna na akonh pumasok sa pick up at tiningnan si kuya na niyayakap si lola. May mga sinasabi siya dito at nakita ko ang paghalik nito sa noo ni lola.Umiwas ako ng tingin. Simula nang lumapat ang labi ni kuya sa labi ko alam ko nang simula na iyon ng aming kalbaryo.Hindi ako makatulog kakaisip lalo na palagi akong kinakabahan. Isang tingin lang ng tao sakin parang guilty ako sa isang bagay. Kahit walang nakakaalam ng nangyaring iyon, kinakabahan parin ako.Lalo na kapag sa bahay. Lalo na sa pamilya ko at kay ate Anna. Ang sama ko. Masama ito..Lagapak ng pintuan nang pick up ang nagpa
Lumipas ang mga araw na naging mailap kami ni kuya sa isa't isa. Hindi rin niya ako kinikibo. Alam kong nagdadalamhati rin siya sa pagkawala ni ate Anna. Matagal rin ang relasyon nila.Nakatulala ako sa bintana ng aking kuwarto. Inaalala 'yong mga sandaling nasa probinsya kami nila lola. Kumalabog ang puso ko sa 'twing magkasama kami ni kuya. Hindi ako mangmang para hindi ito malaman. Itong nararamdaman ko, para sa kanya ay isang kahibangan. Isang kasalanang magustuhan ko ang kanyang mga haplos at halik.Ingay ng pintuan ang nagpatingin sa akin kung sino man ang pumasok. Si kuya ang pumasok. Nagkahulihan agad ang aming tingin at eto na naman ang aking dibdib, hindi magkamayaw sa kabog.Seryoso ang mga tingin nito at ang paglock nito ng pinto ang nagpasabog ng aking puso. Unti unti akong lumapit sa kama at umupo ng dahan dahan."Lilipat na ako..gusto mong sumama sakin?"Napayuko ako at tumango. We need to talk
Sa lamesa tahimik kaming kumakain. Si mama , si papa at ako. Hindi ko magawang magsalita o anuman. Hanggang ngayon, di' ko kayang magkaila. Hindi ko kayang magkunwari na ayos ang pamilyang ito. Hindi ito naging maayos simula ng malamang may kabit si papa at may bunga ang pangangabit na iyon. Ito naman si mama naging martyr." Sa sabado birthday ng tita Carmen mo Ara. Sabihan mo si Santi na dapat naroon siya.." binasag ni papa ang bumalot na katahimikan."Yes pa.." sagot ko na hindi tumitingin."Ayos lang ba siya doon anak?" tanong ni mama na tinitingnan ako. Naka teacher's uniform na ito habang si papa ay babantay ng mga van na pinarerentahan nila mama."Ayos naman ma, may mga kaibigan siya doon."Huminga ito ng malalim. "Nag aalala ako sa batang 'yon masyadong tahimik at seryoso..""Magkakasama naman kami mamaya mama. Sabihan ko siyang dumalaw.""Sige anak.."Ang driver ng van ang
Inaayos ni papa ang kanyang van na gagamitin sa biyahe. May kalayuan ang lugar nila tita Carmen. Nakaayos na kami at hinihintay nalang si kuya Santi. Lingid parin sa kaalaman nila tita ang pagtataksil ni papa. Walang may nakakaalam sa malalayong pamilya namin na may 'ganong nangyari kina mama at papa.Isang bag ang dala ko habang isang bagahe naman ang dala ni mama at papa. Beach 'raw yung pupuntahan at doon gaganapin ang birthday ni tita Carmen.Umingay ang isang traysikel sa labas ng aming bakuran. Kumalansing ang kinakalawang naming gate nang pumasok si kuya. Magulo ang buhok nito at naka white t shirt lang. May dala itong bag na nasa likuran nito."Santilior! Anak!" Singhap ni mama at dinamba ng yakap si kuya. Napangiti ako ng mahigpit na niyakap ni kuya si mama at hinalikan sa noo.Nagpekeng ubo naman si papa at sinara ang likod nang van."Kamusta anak?"Lumapit si kuya kay