Share

CHAPTER 57: HELP

“LANCE.”

“Huh?”

“May gusto sana akong sabihin sa ’yo.”

Sandali pa siyang tumitig sa akin na para bang hinuhulaan niya kung ano ang susunod kong sasabihin. “O-Oo naman.”

Nakayuko lamang ako habang nagsasalita. “Sa totoo lang, pinakasalan ako ni Vincent hindi dahil mahal niya ako. Hindi namin pinakasalan ang isa’t-isa dahil nagmamahalan kami.”

“A-Ano?”

“Umutang ng napakalaking halaga ng pera ang papa ko kay Vincent at hindi niya nabayaran iyon. At dahil sinabi ni Vincent na papatayin niya ang papa ko, wala akong choice kung ’di ang sumama sa kanya. Napilitan akong magpakasal sa kanya kahit na wala pa ako sa legal age. Hindi ko ginustong magpakasal sa kanya noon dahil ikaw ang mahal ko, pero dahil ayaw kong patayin niya ang papa ko, sumama na lamang ako sa kanya.”

Nanlaki ang mga mata niya sa gulat. “S-Sophie. P-Paano? Nagawa talaga ni Vincent ang mga iyon? Pinilit ka niyang magpakasal sa kanya?”

“O-Oo.”

“Paano niya nagawa iyon sa ‘yo?”

“Wala akong choice.”

Umiling-iling siya. “Sinabi m
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status