Share

CHAPTER 59: JEALOUSY

“WHAT about this one? Kaya mo bang sagutan ang isang ‘to?” tanong sa akin ni Lance habang nakaturo sa isang page ng libro.

Actually, tapos ko nang pag-aralan ang lahat kagabi pero siyempre, dahil kailangan naming pagselosin si Vincent, nagpapanggap ako na wala akong alam.

“Hindi, e. Sa totoo lang, hindi ko alam kung paano sagutan ‘yan,” sabi ko habang kumakamot pa sa ulo, trying hard na kunwaring magpa-cute.

“Talaga? Okay, ituturo ko sa ‘yo.”

“Thank you, Lance!”

Sinadya ni Lance na lumapit pa nang husto sa akin habang ipinapaliwanag ang problem. Bahagya rin akong sumandal sa kanya, kaya naman halos magdikit na ang mga mukha namin. Ramdam ko ang masamang tingin ni Vincent mula sa kabilang table.

“Ganito mo iyan gagawin, okay? Kailangan mo lang itong i-divide rito, tapos ito i-multiply mo.”

“H-Huh? Puwede mo bang ulitin? M-Medyo hindi ko kasi naintindihan,” sabi ko pa habang naka-pout sa kanya.

Tumawa naman si Lance saka kinurot ang magkabilang pisngi ko. “Ang cute mo talaga, Sophie.”

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status