Share

CHAPTER 61: SOPHIE’S DEBUT

“NAPAKAGANDA mo talaga, Sophie!” bulalas ni Sabrina nang makita niya ako suot ang isang off-shoulder lavender beaded gown.

Nasa loob kami ng dressing room ng hotel na pag-aari ni Vincent. Oo, nalaman niya ang birthday ko dahil sinabi sa kanya ni Venom. Hindi ko nga gustong mag-pa-party, pero pinilit ako nina Venom at Sabrina.

“Bakit parang ang lungkot mo naman yata, Sophie? 18th birthday mo na kaya, ibig sabihin puwede mo nang gawin ang lahat ng gusto mo—mag-party, kumuha ng driver’s license, hindi ka na bata!” sinubukan ni Sabrina na i-cheer up ako.

“Sinabi ko naman sa ‘yo, ayaw ko na mag-pa-party nang ganito. Puwede naman tayong kumain na lang sa labas o kaya magluluto na lang ako tapos iinom tayo,” sagot ko habang walang ganang nakatitig sa repleksyon ko sa salamin.

“Hindi puwede ’yon! Kailangan nating mag-celebrate dahil hindi ka na bata! Ganap ka nang babae!”

Bumuntonghininga lamang ako saka sumandal sa upuan nang may bigla na lamang kumatok. Dali-dali namang binuksan ni Sabrina
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status