Share

CHAPTER 69: LEAVE

TINULUNGAN ako ni Lance na kunin ang lahat ng gamit ko sa loob ng kuwarto ko saka iyon inilagay sa maleta. Matapos niyon ay kaagad na rin kaming bumaba at inilagay iyon sa trunk ng kotse niya.

“Miss Sophie,” bigla ko na lamang narinig ang boses ni Venom mula sa likuran ko.

“Venom. Ano ’yon?”

“Puwede ba akong sumama sa ’yo, Miss Sophie?”

“Huh?”

Kinagat niya ang ibabang labi niya. “Malaki ang utang na loob ko kay Boss, pero pakiramdam ko kasi ay responsibilidad na kita ngayon at tungkulin kong alagaan ka kahit saan ka pa magpunta. Please, hayaan mo akong sumama sa ’yo.”

Tumingin naman ako kay Lance. “Lance, puwede ba naming isama si Venom sa atin? Sa totoo lang, ayaw ko rin siyang iwanan dito nang mag-isa.”

“Siyempre naman, sasama siya sa atin.”

“Salamat talaga, Lance.”

Niyakap namin ni Venom ang isa’t-isa. Itinuring ko na rin talaga siya bilang kapatid ko kaya hindi ko rin kayang iwanan na lamang siya nang basta-basta.

Palapit na sanang muli kami sa kotse ni Lance nang bigla na lamang
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status