“WHAT about this one? Kaya mo bang sagutan ang isang ‘to?” tanong sa akin ni Lance habang nakaturo sa isang page ng libro.Actually, tapos ko nang pag-aralan ang lahat kagabi pero siyempre, dahil kailangan naming pagselosin si Vincent, nagpapanggap ako na wala akong alam.“Hindi, e. Sa totoo lang, hindi ko alam kung paano sagutan ‘yan,” sabi ko habang kumakamot pa sa ulo, trying hard na kunwaring magpa-cute.“Talaga? Okay, ituturo ko sa ‘yo.”“Thank you, Lance!”Sinadya ni Lance na lumapit pa nang husto sa akin habang ipinapaliwanag ang problem. Bahagya rin akong sumandal sa kanya, kaya naman halos magdikit na ang mga mukha namin. Ramdam ko ang masamang tingin ni Vincent mula sa kabilang table.“Ganito mo iyan gagawin, okay? Kailangan mo lang itong i-divide rito, tapos ito i-multiply mo.”“H-Huh? Puwede mo bang ulitin? M-Medyo hindi ko kasi naintindihan,” sabi ko pa habang naka-pout sa kanya.Tumawa naman si Lance saka kinurot ang magkabilang pisngi ko. “Ang cute mo talaga, Sophie.”
“GET inside the car,” sabi sa akin ni Vincent nang makita niya akong lumabas ng mansyon kasama si Venom.Hindi ako tumingin sa kanya. “Hindi na, puwede naman akong magpunta ron kasama si Venom.”“Get inside the car, Venom.”Kaagad naman siyang sinunod ni Venom. Susunod na sana ako kay Venom at uupo sa tabi niya, pero bigla na lamang akong hinila ni Vincent. “You are going to sit next to me. I’m not your driver.”Hindi na ako nagsalita pa. Sumakay ako sa kotse niya at hindi nagsalita hanggang sa makarating kami sa university.“I’ll pick you up later so don’t go without me.”“Tara na, Venom,” sabi ko, saka nagmamadaling bumaba mula sa kotse n Vincent nang hindi pinapansin ang sinabi niya.“Miss Sophie, sandali lang!”Patuloy lamang ako sa paglalakad hanggang sa nasa tabi ko na si Venom. “Miss Sophie, may problema ba? Nag-away ba kayo ulit?”“Please lang, huwag mo munang banggitin ang walanghiyang lalaking ’yon, Venom. Ayaw ko munang marinig ang pangalan niya. Ayaw kong makita ang mukha
“NAPAKAGANDA mo talaga, Sophie!” bulalas ni Sabrina nang makita niya ako suot ang isang off-shoulder lavender beaded gown.Nasa loob kami ng dressing room ng hotel na pag-aari ni Vincent. Oo, nalaman niya ang birthday ko dahil sinabi sa kanya ni Venom. Hindi ko nga gustong mag-pa-party, pero pinilit ako nina Venom at Sabrina.“Bakit parang ang lungkot mo naman yata, Sophie? 18th birthday mo na kaya, ibig sabihin puwede mo nang gawin ang lahat ng gusto mo—mag-party, kumuha ng driver’s license, hindi ka na bata!” sinubukan ni Sabrina na i-cheer up ako.“Sinabi ko naman sa ‘yo, ayaw ko na mag-pa-party nang ganito. Puwede naman tayong kumain na lang sa labas o kaya magluluto na lang ako tapos iinom tayo,” sagot ko habang walang ganang nakatitig sa repleksyon ko sa salamin.“Hindi puwede ’yon! Kailangan nating mag-celebrate dahil hindi ka na bata! Ganap ka nang babae!”Bumuntonghininga lamang ako saka sumandal sa upuan nang may bigla na lamang kumatok. Dali-dali namang binuksan ni Sabrina
“THANK you so much to all of you here, guys. Your presence means so much to me especially in this night when I am finally turning eighteen. Just like what my best friend Sabrina has said, I can finally do anything that I want. I can finally get my driver’s license although I’m not really interested in driving my own car, I can finally go to parties, and I can finally go to places that I want without asking for someone’s permission.” Ngumiti ako habang hinahanap sina Lance at Sabrina mula sa audience. “And last but definitely not the least, I thank God for letting me reach this age. And I know I still have so many things and struggles to face in the future but I will remain grateful because I know that I have people beside me who’s always been there to support me and make me happy when I feel sad. So guys, let’s celebrate this very special night of mine by doing all the things that we want! Let’s get drunk and dance the night away!”Pagkatapos na pagkatapos ng speech ko ay kaagad na al
“DADDY!” kaagad akong tumakbo palapit kina Daddy at Seb. Mahigpit kong niyakap si Papa habang umiiyak. “Daddy!”“Anak ko. Sophie. I missed you so much, my princess.”“I missed you more, dad. I missed you so much. Alam ng Diyos kung gaano ako nangulila sa inyo.”“I’m so sorry, hindi ako nakakapunta para bisitahin ka, Sophie.”Umiling-iling ako. “Ayos lang, dad. Naiintindihan ko naman po kung bakit. Ang importante nandito na kayo.”Patuloy lamang sa pagtulo ang luha mula sa mga mata ko habang mahigpit ko pa ring yakap si papa.Na-miss ko talaga sila nang sobra.Halos isang taon na rin magmula nang huli kaming magkita. Ni hindi ko alam kung ano nang nangyari sa kanila.“Uh-hum! Puwede rin ba akong makiyakap?”Humiwalay kami ni Daddy sa isa’t isa nang magsalita si Seb. Pareho kaming tumingin sa kanya saka tumawa. Naglakad naman ako palapit sa kanya saka siya mahigpit na niyakap. “Seb.”“Sophie. I missed you so much.”“And I missed you more than you could ever know.”Si Sebastian lamang an
“ALAGAAN mo ang sarili mo, Sophie,” sabi sa akin ni Daddy saka ako niyakap noong paalis na sila.Tinapik ko siya sa balikat saka ngumiti. “Kayo rin po, Daddy. Alagaan ninyo ang sarili ninyo para sa akin.”“Please, alagaan ninyo ang kapatid ko. Hindi namin siya mababantayan parati, kaya alagaan ninyo siya para sa amin,” sabi pa ni Seb kina Lance at Sabrina.“Wala kayong dapat na ipag-alala dahil parati namin siyang aalagaan,” sabi pa ni Lance.Muli kong niyakap si Seb sa huling pagkakataon hanggang sa tuluyan na silang umalis ni Daddy.“Ang laki na talaga ni Seb, ano?” sabi sa akin ni Sabrina nang makaupo na kami.“Tama ka. Si Daddy naman, tingin ko masyado niyang in-i-stress ang sarili niya para lang makaipon ng pera para sa akin. Masyado siyang subsob sa trabaho.”“At least, may pakialam pa rin sila sa ‘yo.”Bumuntonghininga ako. “Pero ayaw ko naman silang masaktan nang dahil sa akin.”Lumapit si Sabrina sa akin saka tinapik ako sa balikat. “Wala kang dapat na ipag-alala, Sophie. Gin
MATAPOS naming mag-sayaw na dalawa ni Lance ay sinabihan ko naman siyang makipagsayaw kay Sabrina dahil nag-iisa siya. Nagpunta silang dalawa sa gitna habang ako ay naupo sa puwesto namin kanina.Maya-maya ay bigla na lamang nag-vibrate ang phone ko. Kinuha ko iyon mula sa purse ko saka ko nakita ang pangalan ni Vincent sa screen. Nagpalinga-linga ako sa paligid para hanapin siya pero hindi ko magawa dahil madilim ang ilaw.Bakit niya pa ako kailangang i-text kung puwede naman siyang magpunta rito at kausapin ako?Binuksan ko ang text message niya.From: VincentGo outside.Napakunot ako ng noo.Lumabas? Ano namang gagawin ko sa labas?Hindi ko gustong lumabas, pero masyado akong nac-curious kaya sa huli ay sinunod ko siya. Hindi ko siya makita kaya nagpunta ako sa may garden ng hotel. Napakalaki ng hotel at ang daaanan papunta sa may garden ay may mga ilaw na siyang nagbibigat ng romantic vibes roon. May mga rose petals din sa dinaraanan ko.Sa hindi malamang dahilan ay bigla na lam
LANCE’S POVTANDANG-TANDA ko pa noong unang beses ko pa lamang siyang makita. She was wearing a plain white t-shirt and white-washed jeans. Her hair perfectly flowed above her shoulders and she appeared like a kid with all the other students surrounding her.Palinga-linga lamang siya na parang nawawala at hindi ko napigilan ang sarili ko na tumitig lamang sa kanya. Ang makakapal niyang mga kilay ay magkasalubong at patuloy siya sa pag-pout na parang bata.Noong una, I just find her cute, so I just left her there. Pero noong papunta na ako sa may HR office ay bigla ko na lamang siyang nakitang muli—that time mukha na siyang iiyak.Naglakad ako palapit sa kanya at tinanong ko kung ano ang hinahanap niya, and in that exact moment, when she turned around and met my gaze, I fell in love. I fell in love with those big brown eyes that shine as bright as the stars in the sky, I fell in love with her cheeks that turned easily red when she was embarrassed and shy. I fell in love with her beaut