Panimula
Chapter 1Anastasia POVPagkarating ko sa harap ng pinto ng condo ni Dave ay pinindot ko ang mga numerong bumubuo ng password nito. May dala-dala akong isang box ng cookies.“0-4-2-7,” bigkas ko sa mga numero sabay ngiti nang bumukas ang pinto.Anniversary pa rin talaga namin ang password ni Dave at hindi niya pa rin pinapalitan, April 27. Mahal niya akong talaga.Pagkapasok ko ay dumiretso ako sa kusina para ilapag sa mesa ang cookies na ginawa ko para sa kanya.Dave is my boyfriend for 3 years. May plano na kaming magpakasal sa susunod na buwan. Kinikilig ako sa ideya na magiging ganap na akong Mrs. Santiago.I held my tummy. Siguradong matutuwa si Dave kapag nalaman niyang magkakaanak na kami. Ang sabi pa ng doktor ay kambal ang magiging supling namin.Matapos kong ilapag ang cookies sa mesa ay nagtungo ako sa kwarto ni Dave. Kakatok pa sana ako pero may narinig akong ungol mula sa isang babae.Nakaramdam ako ng kaba. Agad kong binuksan ang pinto at bumungad sa akin ang best friend kong si Katrina na walang saplot at nakapatong kay Dave na hubo’t hubad din.“Ughhh, Dave, uggghhh, shìt,” pag-ungol ni Katrina sa pangalan ng boyfriend ko habang kinakayod ito.Nagulat ako at nanghina sa nasaksihan ko. Si Dave ba ang tinutukoy ni Katrina na boyfriend niya for 4 months? Isang malaking pagkakamali na pinakilala ko sa best friend ko si Dave kasi susulutin nya pala.Ang sakit sa pakiramdam dahil ang dalawang mahalaga sa aking buhay ay nagawa akong pagtaksilan.Napahikbi ako nang malakas at saka lang nila ako napansin."A-ana...." gulat na gulat na sambit ni Dave."A-ano...." sabay pa nilang sabi.Umiiyak pa rin ako. "Bakit nyo ako niloko? Mga hayop kayo! Bakit nyo ako ginanito?” Tumitig ako sa boyfriend ko. “Bakit mo ako niloko Dave? Kung nakukulangan ka sa akin ay sana sinabi mo na lang sa akin, hindi yung maghahanap ka pa ng iba!" humahagulhol kong sabi."Ana, let me explain,” nagkukumahog na paliwanag ni Dave. “Me and Kat are—”"Explain what, Dave? Sapat nang eksplinasyon ‘tong nakikita ko," agad na pagputol ko sa kanya.Magsasalita pa sana si Dave, nakita ko sa kanyang mata ang lungkot at pagsisi. Gusto ko siyang pakinggan ngunit natabunan ng galit ang aking nararamdaman sa kanya. Hanggang si Katrina naman ang nagsalita."Sorry, nagmamahalan kami ni Dave at magiging daddy na siya. Buntis ako, Ana,” saad nito sa akin na kinagalit ko nang sobra.Naikuyom ni Dave ang palad niya. "Stop it, Katrina!" asik niya rito saka siya lumingon sa akin. “H'wag kang maniniwala sa kanya, Ana,” pagsusumamo niya."Ganon? Nakabuo na kayo? Ang kapal talaga ng mukha mo Kat!" Nilapitan ko ang best friend ko at sinampal ito nang malakas. Napatulala lang ito sa ginawa ko at napahawak sa pisngi niya.Nang bumaling ako kay Dave ay sarkastiko akong natawa. “Hahaha, nakakatawa ‘no? Ako sana ang magsu-surprise sayo Dave. Sasabihin ko sana na, ‘MAHAL MAGING DADDY KA NA, BUNTIS AKO,’ pero ako pala ang masu-surprise sa inyong dalawa. Ang masaklap pa ay ang best friend ko pa talaga, Dave!" singhal ko sa mismong mukha niya. Napatingin sya kay Katrina."Masarap ba Kat?” mariin kong tanong sa best friend ko saka ako muling tumitig kay Dave. “At ikaw Dave, masarap bang makipag-s*x sa kaibigan ko?”Hindi nakatugon si Dave. Dinuro ko siya.“Ito ang tandaan mo. Hinding-hindi ko mapapatawad ‘tong ginawa niyo. Akala ko Dave sapat na ako sayo pero hindi pala, ‘wag na ‘wag ka nang magpapakita sa akin at sa magiging anak mo dahil patay ka na sa paningin ko!” Matapos kong singhalan si Dave ay si Kat naman ang dinuro ko. “At ikaw Kat, wala akong kaibigang ahas!”Napalunok silang dalawa.“Ito ang tandaan nyong dalawa. Sa oras na magkita ulit tayo ay pagsisisihan nyo kung bakit nyo ako ginago at ginawang tanga!” mariin kong sabi habang pinapahid ang mga luha ko.Napahinga nang malalim si Dave."Mahal please listen, pakinggan mo naman ako. You know how much I love you, rig—”"Enough! Niloko mo ako Dave. Niloko nyo akong dalawa! Alam mo ba kung gaano ito ka sakit sa akin. Ang sakit sakit sobrang sakit," walang emosyon kong sabi sa kanila. “Taksil ka, Dave!”"No, no, no, inakit nya ako, Ana. Listen to me," paliwanag nito sa akin na kinailing ko."Sapat na ba na dahilan yun, Dave? Ha? Kahit mahal mo ako pumatol ka pa rin sa kanya. Kung ganon, hindi mo talaga ako mahal,” tugon ko sa kanya bago ako bumaling ulit kay Kat. “By the way Kat…"PAK!Sinampal ko siya nang malakas. Natulala ulit siya."Yan ay para sa panloloko mo sa akin,” sambit ko sa kanya, “at ito naman ay para makalabo ka na!” Tinulak ko siya sa kama at sinabunutan.Inawat ako ni Dave."Please! please! Ana, mahal, buntis si Katrina baka mapa ano ang bata,” tarantang sabi nito sa akin na kinangiti ko nang mapait.“Really? Sigurado ka ba na sayo talaga ang pinagbubuntis nya? Kung maka sigurado kang sayo, tsk....hindi mo talaga sya kilala," bahagya akong natawa.Itininuon ko ang atensyon ko kay Katrina. "Be careful Kat, alam mo naman kung ano talaga ang ugali ko at pinakaayaw ko. I’ll make sure na malulugi ang company nyo,” pagbabanta ko sa kanya dito na kinamutla nito.Tumayo at pinagmasdan silang dalawa."From now on, isipin nyo nang wala na kayong kilalang Anastasia Clinton. Mula ngayon, mga mortal ko na kayong kaaway,” pagdedeklara ko saka ako bumaling kay Dave. “Thank you sa gift mo sa akin Dave Santiago, mamahalin ko ito, higit pa sa buhay ko,” napahawak ako sa t'yan ko na ang tinutukoy ay ang sanggol sa sinapupunan ko.Iniwan ko na silang dalawa. Narinig kong tinawag ako ni Dave pero hindi ko ito pinansin pa.Tinipa ko ang telepono ko."Hello Tanya, please prepare my things. Aalis ako ng bansa. Pati ang private plane ay pakihanda na rin, thanks,” utos ko sa aking PA na pinagkakatiwalaan ko sa lahat.Napangiti ako nang mapakla.At least, mayroon pa rin akong kaibigan na maaasahan sa lahat na oras.Hinawakan ko ang sinapupunan ko.I will raise my twins and provide them with the best in life, even if I have to do it alone.Chapter 2Anastasia POVIt's been 4 years, 3 years old na ang kambal ko. Princess Xenna at Prince Xenno ang kanilang pangalan. Grabe ang dinanas ko sa pagbubuntis tulad na lang ng pagsusuka at paghahanap na pagkaing nais ko. Buti na lang at palaging andito ang aking mga kaibigan na lagi kong maaasahan lalo na si Tanya.Malalim akong nag-iisip nang kinalabit ako ni Princess Xenna."Mommy, please gewa mo kami ng cookies," bulol nitong sabi at nagpa-cute ng mga mata. Ang ‘gawa’ ay naging ‘gewa’ kaya matatawa ka na lang nang lihim."Yes mommy pamamihan nyo po ha," bulol din na sabi ni Enno sa akin. Ang ‘paramihan’ ay naging ‘pamamihan’ kaya mapapakamot ka na lang ng ulo mo.Kahit ganoon ang kanilang salita ay naiintindihan ko pa rin. Minsan nga ay mas malala pa. Kahit sa US kami nakatira ay sinanay ko pa rin silang magsalita ng Tagalog."Okey po! Pero give me love hug and love kiss," ani ko sa kanila. Kaya lumapit sila sa akin at sabay sabing,"I love you so much, mommy," sabay yakap nil
Chapter 3Tanya POVI'm Tanya Snow. Isa rin akong assassin/agent. Habang nag-eehersisyo ako ay biglang nag-ring ang private number ko kaya agad ko itong inabot at tiningnan kung sino ang tumatawag.Pagtingin ko ay kay Ana ang number kaya agad ko itong sinasagot habang nagpupunas ako ng pawis sa aking mukha."He....!" hindi ko pa nga natatapos ang aking sasabihin ay agad nang nagsalita ang nasa kabilang linya."Tawag raw po kayo mamaya sabi ni Mommy, after this call ninang," sabi ni Baby Enno sa akin na wala man lang halong emosyon.‘Kahit kaylan talaga ay napaka-cold nito kung iba ang kausap at kasama. Pero kung silang mag-iina lang ang nagba-bonding ay sobrang sweet nito,’ sabi ko sa aking isipan habang nakataas ang kilay ko."Okay, I'll call h...." hindi ko na natuloy ang aking sasabihin dahil pinatayan na niya ako ng tawag.Napailing na lang ako sa nangyari. Pero palaisipan sa akin kung bakit gusto akong patawagin ni Ana kaya dali-dali akong pumunta sa banyo upang maligo. Pagkatap
Chapter 4Mr Mercado POVKinabukasan ay maaga akong pumasok sa company upang maisagawa ko ang aking plano na paalisin ang CEO nitong si Anastasia at angkinin ito."Mr Mercado ang saya yata nyo ngayon," sabi ng isang guard sa 'kin.Ngumiti lang ako ng ubod ng tamis, na parang nanalo ako ng lotto, hanggang nag ring ang aking phone kaya agad ko itong tiningnan ang tumawag, mas lumawak ang aking ngiti nag nakita ko kung sinong napatawag kaya agad ko itong sinagot."Hello!" sagot ko sa tumawag."Hello Mr Mercado ready na ho ang lahat ikaw na lang ang kulang at hinihintay," sabi ng kanilang linya na kina saya ko."Okey I'm coming," saka ko pinatay ang tawag pero bumaling muna ako sa security at may iuutos kasi ako dito."Guards!" tawag ko rito sa dalawang guard."Yes sir?""Yes sir?"Sabay sagot nilang dalawa sa 'kin."Wag nyo papasukin sa loob si Tanya Snow, maliwanag?" utos ko sa dalawang guard."Yes sir!"" Yes sir!"Magkasabay paring sabi sa dalawang guard na kina ngiti ko ng malawak."
Chapter 5Tanya POV'I'm so excited kung ano ang hitsura nila pag nakita ang totoong CEO ng personal, ' ngiting sabi ko sa aking isip hanbang pinanood ko ang kuha sa CCTV sa loob ng opisina kung saan kami nag hintay nang tamang oras. Pag pasok ni Mr Mercado ay agad din akong kumilos, lumabas ako sa opisina ni Ana doon kasi kame ng stay kasama ang kambal. Lahat ay nasa ayos na, alam din ng security guard ang pag dating namen kaya kahit anong pag sulsol ni Mr Mercado dito ay hindi kakagat ang mga ito dahil mga tauhan ni Ana ang lahat na ka palibot dito. Pag dating ko sa harap ng pinto ay agad ko itong tinulak na parang wala lang. "Good morning everyone I'm sorry kung late ako, kung hindi pa ako pumunta ng maaga sa office ng amo ko hindi ko malalaman na may meeting pala dito, diba Mr Mercado?" ani ko na may pag uuyam."Pwede ko ba malaman kung among agenda sa meeting NA ITO Mr Mercado? " idiniin ko pa ang NA ITO para malaman nya na hindi ako sang ayon sa kanyang mapa ngahas na bilaang
Chapter 6 (Someone's POV) Habang nagsasalita si Ana, hindi ko maiwasang humanga sa kanyang husay sa negosyo. Sa bawat isyu na lumalabas, mabilis niya itong nasosolusyunan, kaya't nagpalakpakan ang mga board members. Subalit, si Mr. Mercado lang ang natatangi—hindi siya nagpakita ng anumang kasiyahan. Habang nagpapatuloy ang pagpupulong, napunta ang usapan sa pagkawala ng malaking halaga ng pera. Nagsimula ang bulung-bulungan sa paligid, at ang tensyon ay ramdam sa buong silid. Agad na ipinatawag ang head ng accounting department upang magbigay ng mga dokumento. Kitang-kita ko ang pagkabalisa sa mukha ni Mr. Mercado; namumutla na siya. Naramdaman namin ang bigat ng sitwasyon nang magsalita na ang aming CEO. "Makinig kayong lahat," panimula ni Ms. Anastasia Clinton, ang CEO ng kumpanya, habang tumitindi ang kanyang awra. "Higit sa 200 bilyon ang nawala sa ating kumpanya. Iisa lang ang may pananagutan dito. Dahil sa kanyang kapabayaan, labis akong nadismaya. Sisiguraduhin kong gagapan
Chapter 7 Alex POV Pareho kami ni James—o mas maganda sigurong sabihin, lahat kami—ay nagulat sa mga rebelasyon ngayong araw. Ang daming pasabog na natuklasan namin. Hindi lang pala basta-basta ang CEO ng kumpanya; siya ay walang iba kundi ang ex-girlfriend ng kaibigan namin, si Ana, na matagal na niyang hinahanap. Pero mas nakakagulat, may dalawang napaka-cute na kambal na kasama. "F***, hindi ko lubos maisip na may anak na pala si Ana—at kambal pa! Hindi maikakailang kay Dave ang mga bata. Parang biniyak na bunga silang mag-aama, lalo na ‘yung batang lalaki. Mana sa lahat ng katangian ng ama," bulong ko sa sarili ko habang mabilis na hinugot ang aking cellphone. Pa-simple kong binuksan ang camera at kinunan ng litrato ang mga bata. "Hoy, bro! Ano ‘yan?" tanong ni James, kaya agad ko siyang nilingon at nginitian ng pilyo, sabay pakita ng litrato sa phone ko. "I-sesent ko ‘to kay Dave. Sure akong magugulat siya pag nakita niya ito," sabi ko sa kanya. "Akala ko ako lang ang nakapa
Chapter 8 James POV Pagkatapos ng aming meeting, tumuloy kami sa opisina at nagkumustahan. Hindi nagtagal, niyaya ko si Alex na mag-lunch sa kanyang restaurant. Namangha ako nang malaman ko ang mga hilig ng kambal—si Xenno ay mahilig sa computer, habang si Xenna ay mahilig magluto. Naputol ang aking pag-iisip nang biglang tumunog ang aking cellphone, kaya't sinagot ko ito. "Hello!" bati ko. "Saan kayo?" tanong ng caller. Nagulat ako kung bakit niya ako tinatanong. Agad kong tiningnan kung sino ang tumawag—si Dave pala. Sininyasan ko si Alex na magpapaalam muna ako. Tumango naman siya, kaya't lumayo ako upang sagutin ang tawag. "Wala bang 'Hi' o 'Hello' d'yan?" pabirong sabi ko. "Tsk! Wala akong oras, asan kayo ngayon?" sagot ni Dave nang direkta. Napatawa ako sa inasta niya. "Hahaha! Mag-ama nga talaga kayo, nakuha pa ng anak mo pati ugali mo," sabi ko habang natatawa. "Andito kami sa restaurant ni Alex, kasama...," Ngunit naputol ang aking sasabihin nang bigla siyang binaba
Chapter 9 Dave POV "Fuck! Ilang beses ko ba dapat ituro 'to?" Galit na galit kong sigaw sa secretary ko. Paulit-ulit na lang silang walang alam. Sa loob ng isang buwan, pang-anim na siya. Lahat sila, puro pagpapaseksi at pang-aakit ang alam. Wala akong pakialam sa mga ganitong bagay. Dinial ko ang HR. Kailangan ko ng matinong secretary, hindi mga walang silbing nagpapakyut. "Hello!" sagot sa kabilang linya. "Come to my office now!" madiin kong sabi, wala na akong pakialam kung bastos o hindi ang tono ko. Hindi nagtagal, dumating ang tinawagan ko. Inutusan ko agad siyang maghanap ng bagong secretary at ilipat na lang sa ibang department ang kasalukuyan. Hindi ako masamang tao, pero ayoko ng mga babaeng ginagamit ang pang-aakit para makalusot sa trabaho. Pagkatapos ko silang utusan, pumasok ako sa loob ng opisina ko. Doon ko sinuri ang sitwasyon hanggang may narinig akong tunog mula sa phone ko—isang notification mula sa group chat. Napa-freeze ako nang makita ang mga litrato—lim
Author's Note Maraming salamat po sa walang sawang suporta at pagtangkilik sa kwentong ito! Ang bawat isa sa inyo ay naging bahagi ng kwento ng buhay ng pamilya Clinton at Santiago. Tuwang-tuwa ako na sabay-sabay natin tinahak ang mga landas nina Anastasia at Dave, at pati na rin ang kanilang mga anak—si Princess Xenna at Prince Xenno, na parehong puno ng pangarap at lakas, at si Blue Gray at Red Gabriel, ang kambal na may kani-kaniyang kwento ng buhay at pag-ibig. Ang kwentong ito ay hindi lamang isang simpleng paglalakbay ng mga karakter, kundi pati na rin isang pagninilay sa kahalagahan ng pamilya, pagmamahal, at ang mga hamon ng buhay. Nais kong magpasalamat sa inyo dahil hindi lang kayo nagbasa ng kwento, kundi naging bahagi kayo ng bawat hakbang, mga pagsubok, at tagumpay ng bawat miyembro ng Clinton at Santiago na pamilya. Ngayon, natapos natin ang kwento ng kasal nina Blue Gray at Ivy Grace, pati na rin ang kanilang mga anak na sina Anica at Blue Jr.. Ngunit hindi dito na
Chapter 237Special Chapter - The Wedding Continued Ang araw ng kasal ni Blue at Ivy Grace ay puno ng kasiyahan, mga ngiti, at pagmamahal. Kasama ang kanilang kambal na sina Anica at Blue Jr., hindi maipaliwanag ang saya na nararamdaman ng mag-asawa habang nagaganap ang kanilang espesyal na araw. Ang bawat hakbang na tinatahak nila, kasama ang kanilang mga anak, ay parang isang panaginip na naging totoo. Ang buong pamilya ay nagsalo-salo, sumasayaw, nagkakasiyahan, at nagdi-dinner sa ilalim ng mga kumikislap na ilaw ng mga lanterns sa garden. Ang kanilang mga mata ay kumikislap ng kaligayahan—hindi lamang dahil sa kasal, kundi dahil sa bagong buhay na magsisimula sila bilang isang buo at masaya na pamilya. Si Red at ang Hindi Nakikitang Pagsubok Ngunit sa kabila ng lahat ng kasiyahan, may isang tao na hindi ganap na masaya. Si Red, ang kakambal ni Blue, ay may tinatagong problema. Hindi ito halata sa kanyang mga mata, ngunit sa bawat hakbang na tinatahak niya, ramdam ang bigat
Chapter 236Special Chapter (Continued) Ang araw ay patuloy na sumisikat, ang maliwanag na sikat ng araw ay tumagos sa mga bintana ng mansyon, nagpapakita ng kasiyahan sa bawat sulok. Pagkatapos ng seremonya, ang lahat ay nagsama-sama upang ipagdiwang ang bagong simula para kay Blue at Ivy. Ang buong mansyon ay puno ng kaligayahan, mga ngiti, at tawanan. Ang bawat isa ay naroroon upang makita ang simula ng isang bagong yugto ng buhay—isang buhay na puno ng pagmamahal at pag-asa. Pagdiriwang ng Pag-ibig Ang reception ay ginanap sa isang malawak na hardin, kung saan ang mga mesa ay pinalamutian ng mga bulaklak na may makulay na kulay ng rosas, puti, at ginto. May mga lamesang puno ng masasarap na pagkain, at ang hangin ay malumanay na dumadaloy. Ang mga kaibigan at pamilya ni Blue at Ivy ay nagsalu-salo sa kagalakan, ang lahat ay nagbigay galang sa kanilang pagmamahalan. Habang tumatagal ang gabi, si Ivy at Blue ay naglakad sa gitna ng mga bisita, nakakapit ang kamay ng bawat isa.
Chapter 2353rd POVSpecial Chapter - The Wedding Ang araw ay nag-uumapaw sa liwanag, at ang buong mansyon ay puno ng kasiyahan at kaligayahan. Isang bagong kabanata sa buhay ni Blue at Ivy Grace ang magsisimula. Matapos ang lahat ng pagsubok at laban na kanilang hinarap, ngayon ay isang bagong yugto ng kanilang pagmamahalan ang kanilang sasalubungin—ang kanilang kasal. Mabilis ang oras. Walang makapagsasabi kung paano nagbago ang lahat mula sa isang simpleng misyon hanggang sa pagiging isang pamilya. Si Blue, na noon ay isang malamig at malupit na lider, ay ngayon ay isang lalaking nagmamahal at naglalaban para sa kaligtasan ng kanyang pamilya. Si Ivy Grace, na isang dating sekretarya, ay hindi lamang naging isang matapang na kasama sa bawat laban kundi isang ina at asawa na handang magsakripisyo para sa kanilang pamilya. Sa Simula ng Kasal Ang lugar ay puno ng mga bulaklak—ang bawat kanto ng mansyon ay pinalamutian ng puti at ginto, simbolo ng bagong simula. Ang mga paborito nil
Chapter 234 "Sumugod!" sigaw ko, at sabay-sabay kaming nagsimula muli sa laban. Sa mga sandaling iyon, wala nang ibang mahalaga kundi ang magtulungan upang mapanatili ang kaligtasan ng pamilya ko. Bawat galaw ko ay mabilis at tumpak. Ang bawat labang ito ay isang hakbang patungo sa isang mas ligtas na bukas para sa mga anak ko. Ngunit alam ko, ang tunay na laban ay hindi lamang sa pisikal na aspeto ng digmaang ito. Ang laban na ito ay isang paglalakbay na puno ng sakripisyo, at ang huling laban ay hindi lamang para sa kaligtasan ng aking pamilya—kundi para sa kinabukasan ng aming mga anak. Ang araw ay nagsimulang sumik mula sa mga bintana ng mansyon, ngunit ang buong paligid ay puno pa rin ng katahimikan—isang katahimikan na dulot ng matinding laban na naganap. Ang mga kalaban ay wala na, at ang mga sugatang katawan ng aming mga kalaban ay nagpapaalala ng bawat sakripisyo, bawat hakbang na ginawa namin upang maprotektahan ang mga mahal sa buhay. Habang naglalakad kami sa loob ng m
Chapter 233Nagmadali kaming bumalik sa direksyon ng kambal. Agad ko silang nakitang ligtas, kasama ang mga kasambahay na nagbabantay. Nakita ko sa mga mata ng kambal ang takot at ang mga tanong na hindi ko kayang sagutin ngayon. Ang tanging kaya kong gawin ay ipakita sa kanila ang aking lakas—ang aking pagnanais na maprotektahan sila sa lahat ng paraan. "Anak," sabi ko sa kambal, habang lumapit ako sa kanila. "Mahal ko kayo. Hindi ko kayo pababayaan. Kahit anong mangyari, magsasama tayo." Ngumiti ang mga bata, ngunit alam kong alam nila ang kabigatan ng sitwasyon. Hindi na nila kailangang magsalita pa. Ang pagmamahal na nasa kanilang mga mata ay sapat na. Habang tumutok kami sa mga kalaban, naramdaman ko ang lahat ng hindi pa natapos na laban sa buhay ko. Ang mga desisyon ko ngayon ay magpapasya sa kinabukasan ng aming pamilya. Kung gusto kong makita ang mga bata na lumalaki ng ligtas at maligaya, kailangan kong gawin ang lahat ng ito—huwag magpatalo, at protektahan sila hanggang
Chapter 232 Habang nakatayo ako sa harap ni Ivy, ang lahat ng nararamdaman ko ay tila nag-uugnay na. Ang mga bata, ang mga sakripisyo, at ang mga lihim — lahat ng ito ay nagsimulang magbukas sa harapan ko. Si Ivy, ang dating sekretarya ko, ngayon ay isang ina na, at ang mga kambal ay mga anak ko. Hindi ko pa matanggap ang lahat, ngunit ang puso ko ay puno ng pagmamahal at pagnanais na protektahan sila. Ngunit bigla, isang pamilyar na tinig ang tumawag sa pangalan ko mula sa labas. Isang tinig na hindi ko kailanman malilimutan. Si Mommy, ang aking ina—si Agent C. "Blue!" tawag niya mula sa likod ng pinto. Tumingin ako kay Ivy, at ang kanyang mga mata ay puno ng pagkabahala. Alam ko na may ibang nangyayari, may bagong hamon na haharapin. Sa isang saglit, iniwan ko si Ivy at mabilis na naglakad patungo sa pinto. Ang mga hakbang ko ay matalim, puno ng pangangailangan na makuha ang sagot sa tawag ng aking ina. Pagbukas ko ng pinto, nakita ko siya — ang aking ina, si Agent C. Ang
Chapter 231 Blue POV Nasa likod ako ng mga madilim na kanto ng mansyon, tinitingnan ko ang paligid habang ramdam ko ang kaba sa aking dibdib. Hindi ko nakita ang mga nangyaring laban, ngunit mula sa mga mensahe ng aking ina, si Agent C, alam kong hindi madali ang mga hinarap nila ni Ivy. Si Agent C, walang alinlangan, ay isang eksperto sa mga misyon at kahit na hindi ko nasaksihan ang mga laban, naramdaman ko ang kabang dulot ng bawat sandali ng pangyayari. Ang kalaban nila ay malupit at hindi matitinag, ngunit alam ko rin na si Ivy ay walang ibang layunin kundi ang tapusin ang lahat ng ito—ang lahat ng paghihirap na dulot ng mga kalaban ng Santiago Empire. Kaya't agad kong dinala ang kambal ko at ang mga kasambahay sa isang ligtas na lugar sa mansyon. Ang mga mata ko’y hindi mapakali, nakatingin sa mga pader ng mansyon na parang may makakapasok na kahit sino sa mga oras na ito. Hindi ko na hinayaan pang magtagal ang takot at panik, ang mga bata ko, kahit maliit, ay ang pinaka-ma
Chapter 230 Hindi ko na binigyan pa ng pagkakataon si Ramon, mabilis ang aking kilos. Nanlaki lamang ang kanyang mata ng nasa harapan na ako sa kanya. Walang buhay ang aking mga matang nakatingin sa kanya, bumalik ang dating ako. Isang mamatay na assassin pero ngayon ay hindi na mga inosenteng tao ang pinatay o papatayin ko. Isang masamang tao ang aking hahatulan sa kamatay isa na si Ramon ang dating kanang kamay ng aking Ama. "Paa—," hindi ko na tinapos ang kanyang sasabihin. Agad kong giniliitan ang kanyang leeg, dahilan upang tumalsik ang kanyang dugo sa aking suotbna damit. Ang aking katawan ko ay naramdaman ko ang pangangalay, ang mga kalamnan ko ay nanginginig sa pagod, habang hinahabol ko ang aking hininga. Ang aking mata ay nanatili sa katawan ng pinuno ng kalaban na ngayon ay wala nang buhay, ang ulo ay nasa sahig, ang dugo ay unti-unting dumadaloy mula dito. Nakatitig ako dito ni walang pagsisisi na aking nararamdaman, ang mga kamay ko ay mahigpit naka hawak s