MAXINE POV...Sa buhay ay may marami tayong choices na pagpipilian. Mayroon na pwede tayong maging mabuting tao sa kapwa natin at mayroon din na pwede tayong maging masama sa iba.And she choose the second one. Ang akala n'ya na kapag naging katulad s'ya ng kan'yang ama ay madali n'yang makukuha ang mga gusto sa buhay.Namulat s'ya sa maling gawain ng ama at lantarang ipinapakita nito sa kan'ya ang mga ginagawang kasamaan. Isa itong uliran at mabait na asawa sa harap ng kinalakhan n'yang ina ngunit demonyo ito kapag silang dalawa lang.Bata pa lamang s'ya ay alam n'ya na kung paano gumawa ng masama dahil sa kan'yang ama. Tinuruan s'ya nito at itinatak sa kan'yang isip na kailangan n'yang maging masama para magkaroon ng kapangyarihan at makukuha agad ang kan'yang mga gusto sa buhay.At ang ganitong paniniwala ay dala-dala n'ya hanggang sa kan'yang paglaki. Isa sa kan'yang pangarap ay ang mapansin ng isang Howald Jacob El Frio. Sabay silang lumaki at palaging magkasama. Naging malapit
AMBER RIZALYN JOY...Marahas s'yang napabuga ng hangin habang nakatingin sa malawak na hardin sa kanilang bahay. Umagang-umaga ay dito na s'ya dumiretso para magpahangin. Maaliwalas ang paligid dito at nakapag-isip n'ya ng maayos.Maraming tanim na mga bulaklak sa kanilang garden na pinasadya talaga ni Howald na ipa landscape dahil alam nito na gustong-gusto n'ya ng bahay na may garden.Lihim s'yang napangiti dahil ipinatayo ito ng asawa noong panahon na inakala nitong patay na s'ya ngunit ang lahat ng detalye ng bahay ay naaayon lahat sa gusto n'ya. Howald loves her so much and no doubt about that.Nasa Cassandra Village na sila ngayon ni Howald nakatira dahil gusto na nitong ayusin ang bahay at sunduin ang mga anak.Ito na ang bago nilang tirahan na pamilya. Naisip n'ya ang mga nangyari sa buhay nila. Sobrang gulo at masalimuot ng kanilang mga pinagdaanan simula umpisa.Ngayon ay nakahinga na s'ya ng maluwag ngunit may pag-alinlangan pa rin sa puso n'ya dahil kay Maxine. Dinala ito
AMBER RIZALYN JOY...Tahimik na silang naninirahan ni Howald sa Cassandra Village. Malapit ng matapos ang renovation ng kanilang bahay. Ang gusto kasi ng asawa ay kailangan na pulido na ang lahat bago sunduin ang mga anak.Sinigurado ni Howald na maging komportable ang pagtira nila dito at nalulula s'ya sa gastos ng asawa para sa bahay nila.Mayaman na din s'ya ngunit nakakalula pa rin ang makita ang ilang digits ng pera na nakasulat sa papel. Hindi pa rin s'ya sanay hanggang ngayon. Lumabas s'ya ng kwarto at hinanap si Howald. Kanina n'ya pa ito hindi nakikita, katatapos n'ya lang maligo kaya nagpasya s'yang hanapin ang asawa para kausapin ito.Gusto n'yang umuwi sa empire ng mga Borris kasama ang kanilang ama. Hindi pa alam ng kan'yang ina na buhay ang daddy nila.Gusto nilang magkakapatid na surpresahin ito. Kasama ng mga kapatid n'ya ang kanilang ama at si Dominique habang sila naman ni Howald ay nasa bahay nila sa Cassandra Village.Una n'yang pinuntahan ang gym sa second floor
AMBER RIZALYN JOY....Talagang sinulit nilang dalawa ni Howald ang ilang buwan na walang love making. Halos nalibot nila ang buong opisina nito at lahat ng posisyon ay ginawa nila.Hindi n'ya alam kung saan sila pareho kumuha ng lakas ng asawa para magtagal ng ganon katagal. Iba pala talaga ang nagagawa ng matagal na walang sex.Mahina s'yang natawa sa kan'yang naisip. Sino ang mag-aakala na maging ganon s'ya ka wild kanina.Parang hindi n'ya nakilala ang sarili habang nagniniig silang dalawa ni Howald. Sobrang intense ng kanilang love making at pareho silang game sa kanilang mga pinagagawa.Hindi n'ya na rin mabilang kung ilang beses silang nilabasan pareho. Basta hindi s'ya tinigilan ni Howald hangga't hindi nasaid ang kanilang mga katas.Halos magmakaawa na s'ya rito na tantanan na s'ya. Her husband is a beast pagdating sa kama. Isa pang ugali nito ay mahilig itong kumain."Kaya pa nay?" natatawang tanong nito. Nakahiga sila pareho sa carpet sa sahig at parehong walang saplot at na
AMBER RIZALYN JOY....Naging masaya ang lahat sa kanilang tahanan. Tatlong araw na silang nakabalik sa mg Borris at walang araw na walang kainan na nagaganap sa bawat sektor ng kanilang angkan.Lahat ay nagcecelebrate sa pagbabalik ng kan'yang ama. Masaya din si Howald na nakikipag bonding sa kan'yang pamilya.Ginisa pa nito si Erros ngunit hindi naman pinahirapan ng husto ngunit sandamakmak na pagbabanta ang natanggap ng kapatid n'ya mula sa asawa.Nagkukumpulan ang kanilang pamilya sa malapad na hardin sa harapan ng kanilang bahay. May mahabang mesa sa gitna na puno ng mga pagkain.Mga tao sa paligid na papasok lang para makikain. May mga dumadating din na may kan'ya-kan'yang bitbit na pagkain at ilalagay sa mahabang mesa kaya naman ay parang hindi nauubos ang mga iyon.Tatlong araw ng magkasunod na ganito ang eksena sa kanilang bahay. Tuwang-tuwa ang mommy at daddy nila dahil ramdam nila ang pagmamahal ng buong angkan."You looks happy princess," boses ng kan'yang ama ang pumukaw s
AMBER RIZALYN JOY....Idinaos ang pagsasalin ng kan'yang posisyon kay Erros. Malaking selebrasyon ang ginanap sa buong sakop ng mg Borris.Itinaon ang selebrasyon sa pagbilog ng buwan na kinatyawan ni Earl at Lucy dahil parang taong lobo daw ang kokoronahan dahil hinintay pa na magbilog ang buwan.Nakatanggap naman ang dalawa ng katakot-takot na banta mula kay Erros bago s'ya tinatantanan ng dalawa.Parang aso at pusa itong si Earl at Lucy pero pagdating sa pambubuska kay Erros ay magkakampi ang dalawa at madalas na magkatulong sa pambubwesit sa kanilang kapatid.Katulad sa pagtanggap sa kan'ya ng kanilang angkan ay mainit din na tinanggap ng mga ito si Erros.Masaya s'ya para sa kapatid at ganon din ang kan'yang mga magulang. Pati na ang lahat ng mga tao sa kanilang empire ay nakikitaan din ng saya sa mga mukha sa pag-upo ni Erros.Erros is a responsible man kaya alam n'ya na mapapabuti ang kanilang angkan kapag ito ang humawak sa posisyon. Maliban pa d'yan ay mas malawak ang kaalam
HOWALS JACOB...His life for the past few years has been a roller coaster. Akala n'ya ay hindi na s'ya makakabangon pa ngunit binigyan pa s'ya ng isa pang pagkakataon ng Dyos para maayos ang lahat.Hindi nito kinuha ang pinakamamahal na asawa at mga anak. Marami s'yang natutunan sa mga pinagdaanan nilang dalawa ni Amber.natuto s'yang makinig muna bago magpadalos-dalos ng desisyon. Natuto s'yang magpigil ng emosyon para hindi makapanakit agad ng iba. Natuto s'ya na magtiwala at higit sa lahat ay natuto s'ya bilang asawa kay Amber.Natagumpayan n'ya naman ang lahat na kasama ang asawa. Naayos n'ya ang kanilang problema at ang kanilang pamilya kaya masasabi n'ya na wala na s'yang poproblemahin pa.Ito lang naman ang madalas n'yang hilingin sa taas. Ang bigyan pa s'ya ng pagkakataon na makasama ang kan'yang mga mahal sa buhay. Ang kan'yang asawa at mga anak ang buhay n'ya at kung wala ang mga ito, his life is nothing and useless.Nagkaayos na din sila ng anak na si Joshua. Noong una ay
AMBER RIZALYN JOY...Hindi n'ya alam kung anong kalokohan ang pumasok sa ulo ni Howald ng araw na iyon. Nagulat na lamang s'ya ng sunod-sunod na pumasok ang mga kaibigan nito na nakasuot ng pink na dress at naka stiletto at may mga suot na wig at make up na parang sinampal ng pitong demonyo. Pumasok ang mga ito sa kanilang bahay at sapilitan s'yang hinatak palabas."Ano bang kalokohan to Red?" singhal n'ya kay Red na s'yang may hawak sa kan'ya. Sa kabilang kamay n'ya naman ay si Spike at si Nicollai ay nasa likuran nila na pumapalakpak habang naglalakad sila.Nagtataka s'ya sa trip ng tatlong ito na parang nagpaparada ng suot ng mga ito na barbie color. Gusto n'yang matawa sa mga hitsura ng mga kaibigan ni Howald ngunit mas natuon ang kan'yang atensyon sa pagkuha ng mga ito sa kan'ya sa kanilang bahay."Sumunod ka na lang Amber kung gusto mo pang makita ang asawa mo na buhay," sagot nito na nagpakembot-kembot sa paglakad. Kasabay nito si Spike at Nicollai na katulad ni Red ay naka