AMBER RIZALYN JOY....Idinaos ang pagsasalin ng kan'yang posisyon kay Erros. Malaking selebrasyon ang ginanap sa buong sakop ng mg Borris.Itinaon ang selebrasyon sa pagbilog ng buwan na kinatyawan ni Earl at Lucy dahil parang taong lobo daw ang kokoronahan dahil hinintay pa na magbilog ang buwan.Nakatanggap naman ang dalawa ng katakot-takot na banta mula kay Erros bago s'ya tinatantanan ng dalawa.Parang aso at pusa itong si Earl at Lucy pero pagdating sa pambubuska kay Erros ay magkakampi ang dalawa at madalas na magkatulong sa pambubwesit sa kanilang kapatid.Katulad sa pagtanggap sa kan'ya ng kanilang angkan ay mainit din na tinanggap ng mga ito si Erros.Masaya s'ya para sa kapatid at ganon din ang kan'yang mga magulang. Pati na ang lahat ng mga tao sa kanilang empire ay nakikitaan din ng saya sa mga mukha sa pag-upo ni Erros.Erros is a responsible man kaya alam n'ya na mapapabuti ang kanilang angkan kapag ito ang humawak sa posisyon. Maliban pa d'yan ay mas malawak ang kaalam
HOWALS JACOB...His life for the past few years has been a roller coaster. Akala n'ya ay hindi na s'ya makakabangon pa ngunit binigyan pa s'ya ng isa pang pagkakataon ng Dyos para maayos ang lahat.Hindi nito kinuha ang pinakamamahal na asawa at mga anak. Marami s'yang natutunan sa mga pinagdaanan nilang dalawa ni Amber.natuto s'yang makinig muna bago magpadalos-dalos ng desisyon. Natuto s'yang magpigil ng emosyon para hindi makapanakit agad ng iba. Natuto s'ya na magtiwala at higit sa lahat ay natuto s'ya bilang asawa kay Amber.Natagumpayan n'ya naman ang lahat na kasama ang asawa. Naayos n'ya ang kanilang problema at ang kanilang pamilya kaya masasabi n'ya na wala na s'yang poproblemahin pa.Ito lang naman ang madalas n'yang hilingin sa taas. Ang bigyan pa s'ya ng pagkakataon na makasama ang kan'yang mga mahal sa buhay. Ang kan'yang asawa at mga anak ang buhay n'ya at kung wala ang mga ito, his life is nothing and useless.Nagkaayos na din sila ng anak na si Joshua. Noong una ay
AMBER RIZALYN JOY...Hindi n'ya alam kung anong kalokohan ang pumasok sa ulo ni Howald ng araw na iyon. Nagulat na lamang s'ya ng sunod-sunod na pumasok ang mga kaibigan nito na nakasuot ng pink na dress at naka stiletto at may mga suot na wig at make up na parang sinampal ng pitong demonyo. Pumasok ang mga ito sa kanilang bahay at sapilitan s'yang hinatak palabas."Ano bang kalokohan to Red?" singhal n'ya kay Red na s'yang may hawak sa kan'ya. Sa kabilang kamay n'ya naman ay si Spike at si Nicollai ay nasa likuran nila na pumapalakpak habang naglalakad sila.Nagtataka s'ya sa trip ng tatlong ito na parang nagpaparada ng suot ng mga ito na barbie color. Gusto n'yang matawa sa mga hitsura ng mga kaibigan ni Howald ngunit mas natuon ang kan'yang atensyon sa pagkuha ng mga ito sa kan'ya sa kanilang bahay."Sumunod ka na lang Amber kung gusto mo pang makita ang asawa mo na buhay," sagot nito na nagpakembot-kembot sa paglakad. Kasabay nito si Spike at Nicollai na katulad ni Red ay naka
AMBER RIZALYN JOY...Katulad sa nauna nilang kasal ay naging emosyonal sila pareho ni Howald habang sinasabi ang vows nila sa isat-isa.Pangako na wala ng makakasira pa sa kanila. Pangako sa isat-isa na wala ng makakapaghiwalay sa kanilang pagsasama kasama ang mga anak.Naging masalimuot man ang kanilang buhay ngunit nanatili silang matatag at matapang na hinarap ang lahat ng pagsubok at hamon para sa kanilang dalawa.Ipinagdadasal n'ya na lang na sana ay wala ng trahedya na dumating sa buhay nila. Na sana ay tuloyan ng maging tahimik at payapa ang kanilang pagsasama.Halos lahat ng kanilang mga bisita ay nakitaan ng tuwa at saya sa mukha. Ang dami nilang saksi sa kanilang ikalawang kasal. Hindi n'ya lubos maisip na naisipan itong gawin ng asawa.Eh s'ya nga ay hindi naalala na anniversary pala nila ngayon. Kaya pala panay ang alis ng asawa nitong mga nakaraang araw dahil busy pala ito sa pagpaplano sa surpresang kasal nilang dalawa.She is lucky to have Howald as her husband and she w
AMBER RIZALYN JOY..."Nanay sino sila?" inosenteng tanong ni Dominique na ang tinutukoy ay ang pamilya na kanilang tinulongan."Kailangan nila ng tulong princess and nanay and tatay helped them," sagot n'ya rito."Kawawa naman sila, marami ang blood," sagot ng anak habang nakatingin sa unahan kung saan may mga dugo na nagkalat sa kalsada mula sa mga kalalakihan."Hindi ka takot sa blood?" tanong ni Joshua sa kapatid."Nope! It's just a blood kuya, there is nothing to be scared of," matapang na sagot ng bunso. Napangiti s'ya habang sinisilip ito sa salamin.Dominique is a tough kid at alam n'ya na balang araw ay susunod ito sa kanilang yapak ni Howald. Ok lang naman sa kan'ya, mas mabuti nga na maging matapang ito para hindi nito maranasan ang maapi na katulad ng mga naranasan n'ya noong hindi n'ya pa alam kung paano lumaban o ipagtanggol ang kan'yang sarili.Narating nila ang hospital at agad na bumaba si Joshua ang inalalayan ang kapatid nito. Sa unahan ay ang sasakyan ng pamilya na
HOWALD JACOB..."Tay gusto kong kumain ng passion fruit na hugis puso at kulay purple dapat ang balat," nakausli ang nguso na ungot ng kan'yang buntis na asawa.Nasa paglilihi ito ngayon at para na s'yang makakalbo sa mga pinapagawa nito sa kan'ya. Ngayon ay naisip n'ya— na ito ang karma n'ya sa dalawang anak na hindi naalagan ng ipagbuntis ito ng kanilang ina. Ang katumbas yata ng pagbubuntis ni Amber ngayon ay limang bata.Masakit sa ulo at minsan ay nakakaubos ng pasensya ngunit tiniis n'ya ang lahat dahil s'ya naman ang may kasalanan kung bakit nabuntis ito."Nay naman eh, saan ako kukuha ng passion fruit na hugis puso at kulay purple ang balat?" napakamot sa ulo na sagot n'ya rito. Matalim s'ya nitong tinapunan ng tingin at alam n'ya na ang kasunod na sasabihin ng asawa."Ayaw mo? Hindi mo na ako mahal Howald, ayaw mo akong hanapan ng passion fruit na hugis puso!" naiiyak na singhal nito sa kan'ya. Nagbuga s'ya ng hangin at kinalma ang sarili.Kahapon ay guyabano na walang spike s
KAIRUS CREED..."Hey attorney mukhang busy ka yata ngayon?" bungad ng kan'yang kaibigan na si Seth. Nasa opisina s'ya at tinatapos ang kan'yang mga trabaho. Tambak ang mga papeles sa ibabaw ng kan'yang mesa at itong magaling n'yang kaibigan ay disturo pa.Minamadali n'ya na ito dahil kailangan n'ya ng umuwi ng Pilipinas. It's been two decades simula ng umalis sila ng bansa dahil sa trahedyang nangyari sa kanilang pamilya at magpahanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala sa isip n'ya ang pamilyang nagligtas at tumulong sa kanila.Kung hindi dahil sa mga El Frio ay baka namatay na silang lahat ng mga oras na iyon. Utang nila sa mga El Frio ang kanilang buhay at habang buhay nila itong tatanawin na utang na loob.Nakaukit na sa isip at puso n'ya ang apelyedo ng mga ito. At nangako s'ya na pagdating ng panahon ay babalikan n'ya ang mga ito at babawi sa pagligtas sa kanila.At ito na ang tamang panahon, ang panahon na hinihintay n'ya na makabawi sa kabutihan ng puso ng pamilyang El Frio."Wh
KAIRUS CREED..."Tay yuhooo, nandito ka po ako!" natigil s'ya sa pagsasalita ng biglang bumukas ang pinto at ang matinis na boses ng babae ang pumutol sa kanilang pag-uusap ni Mr. El Frio. "Princess you are back! Give tatay a hug mi prinsesa," masaya at tuwang-tuwa na sabi ng ama nito sa anak. Kita n'ya ang closeness ng dalawa at masasabi n'ya na isang mabuting ama si Mr. El Frio katulad ng kan'yang daddy.Niyakap ni Dominique ang ama nito at ganon din si Mr. El Frio ngunit nakita n'ya ang bahagyang pagngiwi ni Dominique ng higpitan ng ama nito ang pagkakayakap.Parang may iniinda itong sakit sa uri ng pagngiwi nito.Ngunit agad ding napalitan ng ngiti ang mukha ng dalaga ng kumalas ang ama at hinarap nito ang anak."How's your trip?" "Hmmm! Good and bad tay pero don't worry at mas lamang naman ang good," nakangising sagot nito sa ama. Natawa si Mr. El Frio at parang bata na ginulo ang bukol ng anak."That's good! Any damage?""Hmmm! There is but it's very small.""Now I know kung