"Hindi ko maintindihan kung bakit ka babalik kay Jameson matapos ang lahat ng kanyang ginawa?? Niloko ka niya—hindi lang isang beses! Papaano mo pinapatawad ang lokong 'yon?"Huminga ng malalim si Roxanne bago sumagot. "Devon, it's more complicated than you think." "Yes, you're making things complicated. You're going back to a man who can't keep his vows. Pinapahirapan mo lang lalo ang sarili mo." Dikta pa Devon, naguguluhan sa kanyang mga desisyon. Naisip niya na baka may epekto na sa kanyang utak ang ilang beses na pagkaka-untog ng kanyang ulo. "May dahilan ako, pero hindi mo na kailangang malaman kung bakit. It's my life, my problem." "But you’re making it harder to get a divorce. Binibigyan mo lang siya ng rason para hindi ka bitawan. You can’t just string him along and then expect it to be easy to walk away." Bakas sa boses ni Devon ang pagka-dismayado. Nababahala na mas lalo siyang hindi makatakas mula sa kapatid. Saglit na natigilan si Roxanne, ayaw niyang isiwalat ang mi
Nilunok muna ni Roxanne ang nginunguya niyang pagkain bago sumagot sa request ni Irene. "P-pasensiya na pero hindi kita matutulungan dahil hindi talaga kami close ni Sir Devon."Umiiwas na si Roxanne na mapalapit kay Devon at tungkol nalang sa trabaho ang kanilang pinag-usapan. Tingin niya na sa ganoong paraan, mapipigilan nila ang nararamdaman sa isa't-isa. "Roxanne, you should help me out! Parang ayaw mo naman akong tulungan, eh." Reklamo ni Irene sa kanya. Simula noong nakaraang gabi pa naisip ni Irene na mayroong kakaiba sa pagitan nila ni Devon at Roxanne. Nang malaman niya na nagtatrabaho si Roxanne sa Pharma Nova, naisip niyang magandang paraan na subukan siyang hingan ng tulong para mapalapit kay Devon. "Irene, hindi naman sa gusto kitang tulungan pero 'yun nga, hindi ako madaling makalapit sa kanya. By the way, aalis na pala ako, may tatapusin akong trabaho sa laboratory." Paalam ni Roxanne, tumayo na siya at iniwan si Irene na sinundan siya ng tingin. Naiinis din ito dahi
Kahit na kinasusuklaman ni Roxanne si Jameson at si Savannah, hindi niya magawang magalit sa bata dahil alam niyang inosente ito, na walang kaalam-alam na bunga siya ng isang kasalanan."Ikaw at si Savannah ang may kasalanan dahil sa pagtataksil ninyo sa akin pero labas doon ang bata. Hayaan mo na siyang isilang sa mundong ito." Tugon niya. Pagdating nila sa mansyon, pumarada sa tapat ang kanilang sasakyan at nanatili muna sila sa loob saglit."Roxanne, ayaw kong ipagtulakan mo ako sa kanya dahil lang may anak kami. Gusto kong maging madamot ka rin sa akin." Ani ni Jameson. "Ba't naman kita ipagdadamot?? Eh, may kahati na akong bata pero sinabi ko na sayo, ayos lang. Tanggap ko siya." Nakangiti niya pang sabi. Bumaba na siya sa sasakyan at iniwan doon si Jameson na mababaliw kakaisip kung anong nangyayari sa asawa. Pinaandar niya niya ulit ang sasakyan para puntahan si Savannah sa kanyang apartment para tingnan kung napano siya. Pagpasok ni Roxanne sa mansyon, sinalubong siya ni
Ibinaba ni Roxanne ang kanyang phone at mabilis na lumabas ng mansyon dala ang susi ng kanyang sasakyan. Paaandarin niya na sana ang makina nito ngunit napaisip siya kung tama bang magpunta siya roon sa bar. Napabuntong hininga siya at napasandal sa upuan, tingin niya mas lalo lang magiging magulo kung papagitna siya sa magkapatid. Bumaba siya sa sasakyan at bumalik sa loob ng kanyang kwarto. Kumalma muna siya at nakipag-usap ulit kay Grace para makibalita. "Roxanne, may panibagong akong chika! Ito palang si Savannah ay may kaalitan sa kasama ni Devon na magandang babae, na Irene ang pangalan. Ewan ko kung anong pinag-awayan nila pero narinig ko pinagalitan ni Irene si Jameson dahil nga may kasama siyang ibang babae, eh may asawa na siya. Nagalit si Jameson at binastos siya kaya nasuntok siya ni Devon." Kuwento ni Grace. Napakurap si Roxanne sa narinig, at bahagyang nag-iba ang reaksyon ng kanyang mukha. Buti nalang din na hindi siya tumuloy doon dahil magiging katawa-tawa siya sa
Nakita ni Irene ang paggalaw ng adam's apple ni Devon dahil napalunok ito sa kanyang ibinatong tanong. "Ano bang klaseng tanong 'yan, Irene?" Ipinatong niya sa mesa ang hawak na folder. Ngumisi lang si Irene na tinitigan siya sa mata, "I know you know what I'm talking about. I notice that you have a secret admiration for your sister-in-law. Even if you don't say it, it's very evident in your actions." "Get out of here, Irene." Turo ni Devon sa pinto. "Please don't ask me to leave right away. Hindi pa ako tapos sa sasabihin ko and I'm here to help you." Kumunot ang noo ni Devon. "Help? For what? Kung ano mang binabalak mo, huwag mo ng ituloy." Tumayo si Irene para umikot papalapit sa kanya. "Devon, you know even if Roxanne and Jameson get divorced, you can't be together. So why don't you just be with me? It's less complicated." "Sorry, but I don't like you, Irene." Deretsahang sabi ni Devon. Nasaktan si Irene sa narinig at kumuyom ang kanyang mga kamao sa inis. Ngayo
Naikuwento ni Naomi Velez kay Irene na una niyang nakita si Roxanne sa loob ng mall kasama ang kaibigan nitong si Grace na nakipag-agawan sa kanya ng damit. At nalaman niya rin noong araw na iyon na si Grace ang karibal niya sa dating boyfriend/fiance na si Liam Bautista. Plano niyang maghiganti kay Grace dahil sa pamamahiya nito sa kanya ngunit dahil wala ito, si Roxanne nalang ang pagbubuntungan niya at para rin sa kaibigan niyang si Irene na nabigong kunin ang loob ni Devon Delgado. "So what's your plan?" Tanong ni Irene. Ngumisi si Naomi na tinanggal ang suot niyang mamahaling diamond necklace. "Pareho sila ng kaibigan niyang magnanakaw, kaya pagbibintangan natin siyang nagnakaw ng kwintas ko." Gusto nilang sirain ang imahe ni Roxanne sa harap ng maraming tao, na pahiyain siya hanggang sa wala na siyang maipakitang mukha kinabukasan. Tumawag si Naomi ng isang waiter at pinag-utusan ito, binayaran niya rin ito ng pera para wala itong reklamo. Ibinigay niya na ang kwintas
Napatingin ang lahat kay Roxanne at mas lalong nagtaka dahil sa kanyang sinabi. Pareho ring kinabahan si Irene at Naomi na makita na ang kanilang biktima ay nagsalita. "Pinapahiya niyo lang ang mga sarili ninyo. Dinadamay pa ninyo ang mga inosenteng tao at kinakapkapan na parang mga magnanakaw." Isang matalim na tingin ang binigay ni Roxanne kay Naomi, pati na rin kay Irene na alam niyang kasabwat nito. Mabilis naman nakapag-isip si Naomi kung papaano siya barahin para idiin siya sa kasalanang hindi niya naman ginawa. "Baka ikaw ang mapahiya?? Sinabi lang namin na tingnan ang mga bag ng lahat at nag-react ka na ng ganyan. Nakapagtatakang tumututol ka. Huwag mong sabihin na tumayo ka at pumunta rito sa harapan para isuko ang ninakaw mo??" Nakita ng lahat na biglang hinablot ni Naomi ang bag ni Roxanne tsaka ibinuhos ang mga laman nito sa carpet. Nanlaki rin ang mga mata nila na makita ang kumikinang na alahas. "See?! Ikaw nga ang magnanakaw!" Turo pa sa kanya ni Naomi. Tuwan
Narinig ng lahat ang sinabi ni Devon na dumating kasama ang host ng charity dinner na si Mr. Guerrero. Nasurpresa naman si Jameson dahil akala niya hindi pupunta ang kapatid. Ngunit bigla itong dumating at nangingialam, nag-aalala siya na baka maapektuhan ang ugnayan ng kompanya niya sa pamilya ni Naomi Velez at Liam Bautista. Malamig na tiningnan ni Devon si Naomi at kasama nitong si Irene. Alam niyang silang dalawa ang nagbalak na manira kay Roxanne. Nagulat din sila na may pumasok na mga tauhan ni Devon dahil ipapadakip niya ang mga walanghiyang nang-alipusta kay Roxanne para dalhin sa presinto. "A-anong ibig sabihin nito??" Takot na tanong ni Naomi. "Kung ayaw mong lumuhod at humingi ng tawad, ipapadampot kita at ipapakulong dahil sa paninira mo ng reputasyon ng ibang tao. Ayaw mo namang mapanood ng lahat na kinakaladkad ka papunta sa rehas?? Mangiyak-ngiyak si Naomi na kumapit sa braso ni Liam at humihingi ng tulong. "Iligtas mo ako, please." Takot din si Liam
Napatingin si Devon sa sekretarya at binigyan ng tingin na nagsasabing huwag siyang mangialam. "Ano? May sasabihin ka pa ba?" Nag-atubili si Kenneth bago sumagot, "Boss, sa tingin ko, mas mabuting pag-isipan niyo pa ito. Sa huli, ang mga balitang kumakalat sa kumpanya ay puro sabi-sabi lang. Maaari kayong maglabas ng pahayag na nagbabawal sa mga empleyado na talakayin ang inyong personal na buhay, pero hindi na kailangang ipaliwanag ang relasyon niyo kay Miss Daphne." "Kung malalaman pa ng lahat ng empleyado na iniwan kayo ni Roxanne, pagpipiyestahan kayo lalo." Dagdag niya pa. Ilang segundong natahimik si Devon at napagtanto ang kanyang punto, bago sumagot, "Sige, gawin mo ang tamang bagay." Hindi nagtagal, naglabas ang opisina ng CEO ng pahayag na nagbabawal sa mga empleyado na talakayin ang personal na buhay ni Devon Delgado. Sinumang mahuli ay agad na tatanggalin sa trabaho. Abala naman sina Roxanne at Frizza sa mga eksperimento buong umaga at wala silang oras para
Bahagyang nagyelo ang katawan ni Roxanne na nakadikit sa harapan ni Devon. Ngunit mabilis siyang umatras at inayos ang pagkakatayo. Habang dumadaan siya sa harap nito, hindi niya maiwasang makaramdam ng kaba. Natatakot siya na baka gumawa ito ng anumang bagay na makatawag-pansin. Pagkatapos ng lahat, ang paraan ng pagtitig nito sa kanya kanina ay nakakatakot. Pagkalabas niya ng Cafeteria, doon lamang siya nakahinga ng maluwag. "Naghiwalay na kami, pero bakit ganoon pa rin ang tingin niya sa akin?" Huminga siya nang malalim at pilit na pinaalalahanan ang sarili na huwag na itong isipin. Anuman ang mangyari, wala na silang kaugnayan sa isa’t isa. Mas mabuti nang magpanggap nalang silang hindi kilala ang isa't-isa. Maya-maya, lumabas na rin sina Frizza at Miles mula doon. Sumabay naman si Roxanne sa kanila na bumalik sa laboratory. Inihatid niya rin si Miles sa kanyang workstation at ipaliwanag ang sistema ng imbakan ng mga gamot sa laboratory. *** Mabilis na lumipa
Napayuko si Secretary Kenneth na nanginginig na ang kamay at hindi alam kung papaano magpapaliwanag. Dahil ang malaking kliyente ay isang malaking kawalan sa kompanya. Ngunit medyo naguguluhan din siya. Napaisip si Secretary kung bakit susugal ang mga Ferelll sa maliit na kompanya ni Jameson na alam nito na katunggali ito ni Devon. Puno naman ng galit ang mga mata ni Devon, "Tawagin mo ang responsable sa cooperation na ito!" "Copy, boss!" Mabilis na tumalikod si Kenneth at nagmadaling umalis, natatakot na baka tawagin siya ulit ng amo. Alam niyang mahirap pakisamahan si Devon ngayong kakahiwalay lang nila ni Roxanne. *** Bago magtanghali, magkasamang pumunta sa cafeteria sina Roxanne at Frizza upang kumain. Pakiramdam ni Frizza ay may kakaiba, kaya't hindi niya napigilang magtanong, "Ate Roxy, hindi ka ba sasabay kumain kasama si Sir Devon?" Nasanay si Frizza na makita ang dalawa na sabay kumain tuwing lunch at ngayon napansin niyang mayroong distansya sa pagitan
Nilagok muna ni Devon ang baso ng alak bago sumagot, "Last week." "At nasaan siya ngayon?" Tanong pa ni Vincent. Hinila naman ni Devon ang phone niya at walang emosyong pinatay ulit ang pagtawag ni Daphne. "Sa Cherry Hotel malapit sa Central Bank." Agad na tumayo si Vincent at umalis para puntahan si Daphne. Habang ang isa pang kaibigan ni Devon na si Derrick ay napatingin sa kanya ng seryoso. "Talagang wala ka nang nararamdaman para kay Daphne?" Noong nasa kolehiyo pa sila, alam niyang gusto ni Vincent si Daphne, kaya't lagi itong binabakuran ni Devon para walang ibang lalaking makalapit sa kanya. Ngayon mukhang wala na itong pakialam pa. "Dati lang iyon, wala na akong nararamdaman para sa kanya." Pagkaklaro ni Devon. Nang marinig ito, bahagyang ngumisi si Derrick at napailing, "Aba, naka-move on ka na pare." Noong umalis si Daphne papunta sa ibang bansa, inakala ng mga kaibigan niya ay maapektuhan si Devon pero naging normal naman ang takbo ng buhay nito na na
Nagulat si Devon sa mga sinabi nito, "K-kailan mo nalaman?" Napabutong-hininga si Roxanne bago nagpaliwanag, "Nakita kayo ni Grace sa isang restaurant at pinaalam niya sa akin na may kasama kang ibang babae." Padabog niya pang sabi tsaka tumalikod, pumasok siya sa loob ng sasakyan. Mabilis namang hinawakan ni Devon ang kanyang pulso. "Roxanne, kasalanan ko na hindi ko sinabi sa’yo ito. Patawarin mo sana ako." Lumingon si Roxanne. Ang reaction ng kanyang mukha ay hindi mabasa. Hinila niya naman ang kanyang kamay mula kay Devon, "Kung gusto mo siyang balikan, umalis ka na." "Roxanne, wala naman akong babalikan dahil hindi naging kami." Depensa ni Devon. "At bakit hindi mo sinabi sa akin?!" Napayuko si Devon na natakot sa kanya, "N-natakot lang ako na baka anong isipin mo." Naningkit ang mata ni Roxanne sa sinabi nito, "Pero hindi ka natakot sa kung anong mararamdaman ko? Devon, you can tell me about it, maintindihan ko naman. Sa ginawa mong ito, you just triggered all
Ginugulo ni Miles ang buhok ni Roxanne na natatawang inalala ang dati nitong hitsura na sobrang chubby. Mayamaya pa, na-awkward ulit ang dalawa at naupo sa kanilang kinauupuan. "Grabe, ang tagal nating hindi nagkita." Ani ni Miles na tanging naalala ay mga panahon na mga bata pa lamang sila. "Kaya nga, nakakamangha." Halos pitong taon na ang nakakalipas at ang huli nilang pagsasama ay sa libingan ng ina ni Roxanne na namatay dahil sa pagsabog. Nagsimula namang kumain ang dalawa nang maihain ng waiter ang kanilang order. "Siya nga pala, Miles. Bakit mo ba naisipang bumalik dito para magtrabaho? Narinig ko na mataas ang sahod mo sa Germany bilang doktor,ah?" Ngumisi naman si Miles na napaubo at napainom ng tubig, "Grabe ka naman, bawal ba akong umuwi dito?" Tinarayan siya ni Roxanne na nagdududa pa rin talaga, "Hmm? Sabihin mo nga sa akin anong mga plano mo." Napalunok ng ilang beses si Miles na hindi alam papaano sasabihin lahat, "Actually, nagpunta ako sa PharmaNova kani
"Daphne, I already told you, I have a girlfriend kaya pwede bang tigilan mo na ako?!" Inis na sabi ni Devon habang nakatingin sa babae.Pinagtaasan naman siya ng kilay ni Daphne na walang balak na umatras, "So you love her now??" "Of course! I love my girlfriend and ayaw kong guluhin mo ang relasyon namin. So please, go away!" Pangtataboy niya pa. Nawala ang ngisi sa mukha ni Daphne na mabilis na pinalitan ng lungkot na animo'y kinawawa ng husto, "Papaano naman ako? Hindi ba't ako lang ang minamahal mo?" Napailing si Devon na sumasakit ang ulo sa mga kadramahan niya at ayaw niyang magbalak na naman ito na magpapakamatay kaya pinili niya nalang na manahimik. "Iuuwi na kita." Malamig niyang sabi at agad na sumunod ang babae na sinubukan siyang habulin. "Marami akong importanteng gagawin, Daphne at nakakadisturbo ka na sa akin." Sambit ni Devon na napatingin sa kanyang relos. Nanlumo si Daphne na napakagat ng ibabang labi, "So disturbo lang ako para sayo? W-wala ka talagang pakiala
Bago pa mawala sa katinuan si Roxanne, agad niyang sinampal ang sarili. Inisip niya na baka ang kasama lang ni Devon na babae ay isang kliyente pero hindi pa rin niya maiwasang mag-isip ng ganoon lalo na't makikita niya sa larawan kung gaano sila kalapit dalawa. Pinatay niya ngayon ang phone at pilit na huminga. Nagtatangka din siya na tawagan agad si Devon pero pinigilan niya ang sarili dahil baka ano pa ang kanyang masabi. Ginagamit lang naman niya si Devon. Kahit pa magkaroon ito ng relasyon sa ibang babae, ano bang karapatan niyang magalit? Muling nag-ring ang phone niya at nagpa dala si Grace ng ilang mensahe. [Nalaman ko na ang babaeng iyon ay si Daphne Bermudez. Siya ang first love ni Devon, pero hindi pa ako sure. Basta ang nasagap ko, classmates sila sa college at noong nakatanggap ng full scholarship ang babae, nagpunta siya sa states, at mukhang nauudlot ang pag-iibigan nila.] [And' yun nga parang best friends lang din sila. Basta parang nalimutan na rin nila ang i
Hinaplos ni Devon ang ulo ni Roxanne para pakalmahin siya, "Honey, alam kong nahihirapan kang magtiwala sa akin kaya nais kong patunayan ang sarili ko sayo." Lumingon at tumingala si Roxanne sa kanya at akmang magsasalita nang biglang tumunog ang cellphone ni Devon sa bulsa. "Nagpalit ka ba ng ringtone?" Narinig na dati ni Roxanne ang ringtone nito, at pansin niyang nagbago ito. Hindi sumagot si Devon na agad kinuha ang cellphone, at lumayo upang sagutin ang tawag. Sa hindi maipaliwanag na dahilan, nakaramdam si Roxanne ng pagkabahala, at hindi niya maiwasan mapaisip. Maya-maya, ibinaba na ni Devon ang tawag at bumaling sa kanya. "May kailangan akong asikasuhin sa labas. Mauna ka ng matulog." Tumalikod siya at naglakad papalayo, ngunit bigla siyang hinawakan ni Roxanne sa kamay nang hindi niya namamalayan. "Importante ba ang pupuntahan mo? Puwede bang manatili ka muna..." Hindi alam ni Roxanne kung anong dahilan ang sasabihin niya para pigilan ito. Masama talaga ang pak