Home / Romance / MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER / CHAPTER 76-EVIDENCE?

Share

CHAPTER 76-EVIDENCE?

Author: Leigh Obrien
last update Last Updated: 2024-07-28 09:59:00
Napatingin ang lahat kay Roxanne at mas lalong nagtaka dahil sa kanyang sinabi. Pareho ring kinabahan si Irene at Naomi na makita na ang kanilang biktima ay nagsalita.

"Pinapahiya niyo lang ang mga sarili ninyo. Dinadamay pa ninyo ang mga inosenteng tao at kinakapkapan na parang mga magnanakaw." Isang matalim na tingin ang binigay ni Roxanne kay Naomi, pati na rin kay Irene na alam niyang kasabwat nito.

Mabilis naman nakapag-isip si Naomi kung papaano siya barahin para idiin siya sa kasalanang hindi niya naman ginawa. "Baka ikaw ang mapahiya?? Sinabi lang namin na tingnan ang mga bag ng lahat at nag-react ka na ng ganyan. Nakapagtatakang tumututol ka. Huwag mong sabihin na tumayo ka at pumunta rito sa harapan para isuko ang ninakaw mo??"

Nakita ng lahat na biglang hinablot ni Naomi ang bag ni Roxanne tsaka ibinuhos ang mga laman nito sa carpet. Nanlaki rin ang mga mata nila na makita ang kumikinang na alahas.

"See?! Ikaw nga ang magnanakaw!" Turo pa sa kanya ni Naomi. Tuwan
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Related chapters

  • MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER    CHAPTER 77-ADMIT

    Narinig ng lahat ang sinabi ni Devon na dumating kasama ang host ng charity dinner na si Mr. Guerrero. Nasurpresa naman si Jameson dahil akala niya hindi pupunta ang kapatid. Ngunit bigla itong dumating at nangingialam, nag-aalala siya na baka maapektuhan ang ugnayan ng kompanya niya sa pamilya ni Naomi Velez at Liam Bautista. Malamig na tiningnan ni Devon si Naomi at kasama nitong si Irene. Alam niyang silang dalawa ang nagbalak na manira kay Roxanne. Nagulat din sila na may pumasok na mga tauhan ni Devon dahil ipapadakip niya ang mga walanghiyang nang-alipusta kay Roxanne para dalhin sa presinto. "A-anong ibig sabihin nito??" Takot na tanong ni Naomi. "Kung ayaw mong lumuhod at humingi ng tawad, ipapadampot kita at ipapakulong dahil sa paninira mo ng reputasyon ng ibang tao. Ayaw mo namang mapanood ng lahat na kinakaladkad ka papunta sa rehas?? Mangiyak-ngiyak si Naomi na kumapit sa braso ni Liam at humihingi ng tulong. "Iligtas mo ako, please." Takot din si Liam

    Last Updated : 2024-07-28
  • MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER    CHAPTER 78-DEFEND

    Napikon si Jameson sa sinabi ng kapatid. "Makasarili ka talaga, Devon. Kaya hindi ka pinili ni lolo para hawakan ang kompanya dahil ganyan ka. Tapos hindi ka pa talaga titigil magpapansin sa asawa ko??" Dikta niya. Hinila naman siya bigla ni Devon papalabas ng hall, umiwas sila doon dahil baka may makapansin sa kanila na nagbabangayan. "Jameson, ginawa ko lang ang bagay na nais niyang makita mula sayo? Pero duwag ka kasi kaya hindi mo ako masisising ipaglaban siya."Nang matanggap niya mula kay Secretary Kenneth na mayroong gulo sa charity dinner at nasasangkot si Roxanne, hindi siya nagdalawang-isip na pumunta doon. Nalaman niya rin kasi na walang ginawa si Jameson kahit na pinaratangan na ang asawa niyang magnanakaw, pero alam niya na may pinoprotektahan lamang itong interes. "Bumalik na siya sa akin kaya lumayo ka na. Tigilan mo na ang ilusyon mong mapapasayo si Roxanne dahil hinding-hindi iyon mangyayari. Pinili niya na sa akin umuwi." Paulit-ulit niya ng sinabihan ang kapatid n

    Last Updated : 2024-07-28
  • MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER    CHAPTER 79-OLD HOUSE

    "Roxanne? Kung hindi mo na ako mahal, bakit mo ba ako binalikan?" Inaantok na si Roxanne at gusto niya sanang makaidlip ngunit nawala ang kanyang antok dahil sa tanong ni Jameson. "Kung hindi na kita mahal, pakakawalan mo ba ako?" Pabalik niyang tanong. Napalunok muna ng laway si Jameson bago sumagot. "H-hindi." "Then what's the point of asking?? Ikaw lang din naman ang nagpumilit sa akin na umuwi, ginamit mo pa nga si papa at pinaniwala mo siyang ako ang nagloko at naglayas." Mahinahong sabi ni Roxanne habang sinara ang bintana. "Pero ano 'yung sinabi mo na may kaunti ka pang nararamdaman para sa akin??" Naalala pa ni Jameson ang sinabi niya doon sa boarding house noong kausap niya si Grace."Jameson, please. Huwag ng maraming tanong. Gusto ko ng magpahinga. Pagod na pagod ako." Pagbalik nila sa mansyon, kaagad na umakyat si Roxanne papunta sa kanyang kwarto. Tinawagan naman siya ni Grace at ikinuwento niya ang buong nangyari kanina sa charity dinner."I'm sorry talaga, Besh. K

    Last Updated : 2024-07-29
  • MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER    CHAPTER 80-STRANDED

    Nalilito si Roxanne kung hihingi ba ng tulong sa asawa, gusto niya ng umalis dito sa lumang bahay ngunit ayaw niyang malaman ni Jameson na ipinakulong siya ni Lolo Gerald. Tiyak na magwawala ito at kakalabanin ang kanyang lolo na nagbigay sa kanya ng oportunidad na panghawakan ang malaking kompanya ng pamilya Delgado. "Wag na, Jameson. Mag-oovernight lang ako dito kina Grace. Text nalang kita pag-nakauwi na ako." Pagsisinungaling niya. "Huh? Bakit ayaw mong umuwi? Galit ka pa rin ba sa nangyari kaya ka umaalis ulit??" Nag-aalala si Jameson na baka naglayas na naman siya at hindi na babalik sa mansyon. "Hindi na nga ako galit sayo. Gusto ko lang muna mag-stay dito kina Grace kasi wala nga siyang kasama." Narinig niyang napabuntong-hininga ang asawa. "Sige, tawagan mo lang ako kung uuwi kana." Ibinaba niya na ang kanyang phone na 20% nalang, hindi niya rin ito ma-charge dahil walang kuryente. Pinatay niya lang ito para ma-reserve ang natitira nitong baterya at natulog doon sa tera

    Last Updated : 2024-07-29
  • MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER    CHAPTER 81-ARRIVE

    Mabilis na nagmaneho si Devon patungo sa kanilang lumang bahay doon sa burol. Pati rin si Jameson na mabilis na pinaikot ang kanyang manobela. Parehong destinasyon lang ang kanilang pupuntahan, pero pareho silang nag-uunaan sa daan. Sabay nilang nalaman mula sa kanilang mga sekretarya na sina Brian at Kenneth na pinarusahan ng kanilang lolo si Roxanne at ipinakulong doon sa lumang bahay. Pagdating doon, ipinarada nila ang kanilang sasakyan sa tapat. Hindi naman na sila nag-imikan at dali-dali binuksan ang nakakandadong gate. Pagpasok nila sa madilim na mansyon, inilabas ni Jameson ang kanyang phone para buksan ang flashlight. Naglibot sila sa loob at natagpuan nila si Roxanne na walang malay sa malamig na sahig. Nilapitan ito ni Devon pero inunahan siya ng kapatid na kaagad binuhat si Roxanne papalabas para dalhin sa ospital. Ipinasok niya na ito sa sasakyan at nagmaneho. Bumalik na rin si Devon sa loob ng kanyang sasakyan at pumunta sa kanilang mansyon, gusto niyang makausap ang

    Last Updated : 2024-07-29
  • MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER    CHAPTER 82-CAFETERIA

    Napahinto si Devon sa kanyang paglalakad nang makita ang text ni Roxanne na bumalik siya doon sa ward. Wala naman siyang alinlangan na bumalik doon sa loob. Pagbukas niya sa pinto, nakita niya si Roxanne na nakaupo sa kanyang kama, habang si Jameson ay nakaupo sa gilid at naka-krus ang mga braso na tumingin sa kanya. "K-kamusta ka?" Tanong ni Devon nang makalapit kay Roxanne. Tumingala si Roxanne sa kanyang gawi. Kinakabahan sa kanyang gagawin. "G-gusto ko tumigil ka na sa pagbisita sa akin. Kunin mo na ang dala mong bulaklak, H-hindi ko 'yan kailangan." Sumilay sa mga mata ni Devon ang sakit nang marinig ang kanyang sinabi. "Iyon lang ba ang dahilan kung bakit mo ako pinatawag dito??" "Oo, d-dahil nagseselos ang asawa ko." Sagot ni Roxanne. Nagitla si Jameson kung bakit siya nito nilaglag, gusto niya lang na makitang tinataboy niya si Devon. Napatingin si Devon sa kapatid at napangisi, "Ganoon ba? Wala ka namang dapat na ipagselos, Jameson. Normal lang na mag-alala ako kay Rox

    Last Updated : 2024-07-29
  • MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER    CHAPTER 83-ADMIRER

    Ngayong nakaupo sina Irene at Devon sa kanilang mesa, natahimik si Roxanne at Frizza habang patuloy na kumakain. "Hello, Ms. Roxanne." Muntik ng mailuwa ni Roxanne ang kinakain nang makita ang isang six footer na lalaking nakatayo sa kanyang gilid na may dalang bouquet ng pulang rosas. Nag-aalangan si Roxanne na magsalita pero ayaw niya naman itong mapahiya. "Y-yes?" "I'm Warren Ferrer, ipapabigay ko sana itong bulaklak sa iyo. Sana magustuhan mo." Iniabot niya ang bulaklak ngunit hindi ito kaagad tinanggap ni Roxanne. "Para saan ba ito??" "Would you mind if I ask you out on a date?" Deretsahang tanong ni Warren at napaubo si Roxanne. Marami ng nakatingin sa kanilang direksyon at agaw pansin ang pagbigay sa kanya ni Warren ng bulaklak. Napainom muna ng tubig si Roxanne tsaka sinagot ang tanong ng lalaki. "I'm already married." Aniya at ipinakita ang kanyang kamay ngunit nakita niyang hindi niya pala suot ang singsing, naiwan niya ito sa bahay. Nawala ang sigla sa mukha ni War

    Last Updated : 2024-07-30
  • MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER    CHAPTER 84-UNDERTAKE

    Nasa kabilang station si Secretary Kenneth na naguguluhan sa iniutos ni Devon. "Boss? Bakit niyo po ba gustong pa-imbestigan ang empleyadong ito??" "I hired you to do things, not to ask me questions." Tugon ni Devon. "Ay, yes sir. Masusunod po. Titingnan ko ito kaagad. Hehe." Wala na siyang maraming tanong at wala pang isang oras, mayroon na siyang nailimbag na impormasyon tungkol kay Warren Ferrer at dinala ito sa opisina ng CEO. "Humanap ka ng pagkakataon na ipadala siya sa isang business trip, mga isang kalahating taon, sapat na 'yun. Ayaw ko kasing makita siyang nandito sa kompanya ngayon." Seryosong sabi ni Devon matapos na mabasa ang files. Mas lalong naguluhan si Kenneth kung bakit nito biglang ipapatapon sa business trip ang isang empleyado ng ganoon katagal pero ayaw niya ng magtanong baka mapagalitan na siya nito. Susundin niya na nalang kaagad ang ipinag-uutos nito tulad ng nakasanayan. "Sige Boss. Gagawin ko agad." *** Pag-alis ni Warren Ferrer doon sa cafete

    Last Updated : 2024-07-30

Latest chapter

  • MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER    SEASON 2- C. 2

    Pasilip na tumingin si Paris kay Lance na nakaupo sa hapag-kainan at naghihintay ng hapunan, at sandaling nag-alinlangan siya."Kuya, hindi talaga ako makakapunta ngayong gabi. Nag-leave ang yaya namin sa bahay, at hindi ako mapalagay na iwan si Lance mag-isa.""Eh ‘di isama mo na lang siya rito. Ako na muna ang bahala sa kanya. Pagkatapos mong makausap ang mga investor, saka mo na lang siya iuwi."Sa narinig na kaba sa boses ni Zach, alam na ni Roxanne na mahirap na siyang tumanggi sa celebration party ngayong gabi.Napakagat siya sa labi at mahina niyang sabi, "Sige, tatanungin ko muna si Lance."Matapos ibaba ang tawag, lumapit si Roxanne sa mesa, lumuhod sa tabi ng anak at tinitigan ito nang malumanay."Baby Lance, may pupuntahan si mama ngayong gabi. Celebration party lang naman, pero hindi ako mapalagay na iwan ka mag-isa sa bahay. Gusto mo bang sumama kay mommy? Sandali lang naman ito."Tumingin si Lance sa kanya, at matapos ang ilang segundong katahimikan ay tumango ito, "Sige

  • MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER    SEASON 2. C.1

    "Mr. Devon..."Nang lumingon si Devon, tumigil ang mga hakbang ni Secretary Kenneth.Ang mga mata niya ay ganap na naiiba kumpara sa mga mata ni Roxanne nang malunod siya sa dagat. Ngayon, ang mga mata niya ay walang emosyon at malamig, katulad ng hindi mabait at matigas na nakilala niya sa Pharmanova noon.Mukhang naging matagumpay ang hypnosis ni Mr. Devon."Ano ang nangyari?" Nagtataka si Kenneth.Ang mga mata ni Madame Julie ay nagdulot sa kanya ng takot na huwag siyang magsasalita o kung hindi, paparusahan siya nitoTumingin si Secretary Kenneth kay Devon at nagsabi nang kalmado, "Sir Devon, dumaan lang ako upang ipaalala sa’yo na may mahalagang meeting bukas ng hapon.""Oo, lumabas ka na at maghintay sa akin, babalik ako sa kumpanya sa loob ng sampung minuto.""Okay, boss."Pagkaalis ni Secretary Kenneth, tumingin si Devon kay Madame Julie, "Pag-iisipan ko ang pagkuha ng kumpanya ni Lolo gaya ng sinabi mo, pero para sa akin, ang Pharmanova ang pinakamahalaga."Tumango si Madame J

  • MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER    CHAPTER 256-HYPNOSIS

    Tumigil si Devon, humarap at tiningnan si Dr. Rex, ang mga mata nito ay kumikislap ng malamig na tingin, "Ano ang sinasabi mo?"Medyo natakot si Dr. Rex sa mga tingin ni Devon na tila kayang tingnan at makita ang lahat, ngunit nanatili siyang may magaan na ngiti sa kanyang mukha."Sir Devon, nais ko lang sanang pag-usapan ang kalagayan ng inyong ina. Si Jameson ay nag-aalaga sa inyong ina sa itaas at bababa rin siya agad."Tiningnan siya ni Devon at dahil sa hindi niya maintindihan, hindi niya napigilang maglakad papunta sa kanya.Pagkaupo sa tapat ni Dr. Rex, nagsalita si Devon nang malalim ang boses, "Ano ang nais mong sabihin sa akin?"Ngumiti si Dr. Rex at nagsabi, "Sir Devon, hindi po ba't alam niyo? Hindi po maganda ang pagtulog ng inyong ina kamakailan at siya'y may sleep disorder. Para sa mga taong sa ganitong edad, ang pagkakaroon ng sleep disorder ay isang delikadong bagay..."Sa simula, naririnig pa ni Devon ang mga sinasabi nito, ngunit habang tumatagal, napansin niyang hin

  • MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER    CHAPTER 255-FEELS

    Kinabukasan ng umaga, kakarating pa lang ni Devon sa kumpanya nang makatanggap siya ng tawag mula sa lumang bahay ng pamilya, sinabing may sakit si Madame Julie at hinihiling na bumalik siya.Bahagyang yumuko si Devon, malamig ang boses, "Kung may sakit siya, maghanap kayo ng doktor. Hindi naman ako doktor."“Sir …” ang tinig sa kabilang linya ay tila walang magawa, sabay buntong-hininga. “Kitang-kita naman sa lahat na nag-aalala ang iyong ina. Mula nang mag-away kayo, iniisip na niya kung paano aayusin ang relasyon niyo. Sobrang nag-aalala na siya…”“Marami akong ginagawa ngayon. Pag-usapan na lang natin ’yan kapag may oras ako.”Matapos iyon, agad niyang ibinaba ang tawag.Ibinaba ng katulong ang telepono at maingat na tumingin kay Madame Julie na nasa gilid at galit ang mukha. “Madame… ayaw pong bumalik ng iyong anak…”Malamig siyang tiningnan ni Madame Julie, “Hindi ako bingi.”Nataranta ang katulong sa lamig ng tingin ng babae kaya agad siyang yumuko at hindi na muling nagsalita.

  • MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER    CHAPTER 254-BLINDED

    Si Secretary Kenneth ay nais pang kumbinsihin siya, ngunit nang makita niyang malamig ang mukha ni Devon, alam niyang hindi ito makikinig. Kaya napabuntong-hininga siya at lumabas ng opisina. Paglabas niya, agad niyang nakita si Madame Julie na kakababa lang ng elevator. Nagulat si Secretary Kenneth at mabilis na lumapit. "Madame, bakit bigla kayong pumunta rito?" Tumingin nang walang emosyon ang babae sa kanya. "Nandito ako para makita si Devon. Dalhin mo ako sa kanya." Nagdadalawang-isip si Secretary Kenneth. Noong nakaraan, ipina-lock ni Madame Julie si Devon sa ospital at hindi siya pinayagang makita ng kahit sino. Sinabi rin mismo ni Devon sa kanya na ayaw na niyang makakita ng sinuman mula sa pamilya. Nakita ni Madame Julie ang pag-aalinlangan sa mukha ni Secretary Kenneth kaya bumagsak ang kanyang ekspresyon. "Secretary Kenneth, kung ayaw mong dalhin ako sa kanya, pupunta ako nang mag-isa." Nang makita niyang maglalakad na ang matanda papasok sa opisina, mabilis siyang hum

  • MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER    CHAPTER 253-RECKLESS

    Bago pa niya matapos ang kanyang sasabihin, malamig siyang pinutol ni Lola Ofelia. "Baliw ka ba, Juliette?”Walang nakakaalam kung ano ang maaaring mangyari pagkatapos ng ganitong uri ng hypnosis? Narinig niyang may ilang taong naging tulala matapos sumailalim dito. Natakot si Madame Julie sa malamig na tingin ng matanda. Mabilis niyang ibinaba ang kanyang ulo at hindi nangahas tumingin sa kanya. Naisip niyang halos hindi na makasurvive ang kumpanya ni Jameson dahil sa ginawa ni Devon. Kaya naman, naglakas-loob siyang magsalita muli. "Ma, mungkahi lang naman ito. Ano't anuman, anak ko si Devon. Paano ko siya masasaktan? Ginagawa ko lang ito para sa ikabubuti niya at ng pamilya natin!" Ngumisi nang malamig si Lola Ofelia. "Ikaw lang ang nakakaalam kung ginagawa mo ito para sa kanya o para sa sarili mo!" Matapos sabihin iyon, tumayo si Lola Ofelia at umalis nang hindi man lang lumingon kay Madame Julie. Habang nakatingin sa papalayong likuran ng kanyang ama, puno ng galit at pagkadis

  • MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER    CHAPTER 252-DIDN'T NOTIFY

    Isang oras ang lumipas nang galit na pumasok si Miles sa opisina ng presidente ng Pharmanova. May mahigit isang dosenang security guards na sumunod sa kanya, pero wala ni isa ang nangahas na pigilan siya. Nang makarating siya sa mesa ni Devon, mahigpit niyang pinisil ang kanyang mga kamao at mariing inihampas sa mesa. Hinablot niya ang kwelyo ni Devon, ang kanyang mga mata ay pulang-pula sa galit. "Devon, pinatay mo si Roxanne! Paano mo nagagawang manatiling kalmado na parang walang nangyari?! Hindi kita papatawarin!" Pinalis ni Devon ang kamay nito at malamig siyang tinitigan. "Lumayas ka." Mapaklang tumawa si Miles at mariing sinabi, "Hindi matatapos ito nang ganun lang! Maghintay ka lang!" Pagkasabi noon, tumalikod siya at umalis. Habang walang kahit anong ekspresyon sa kanyang mukha. Nakatayo sa may pinto si Secretary Kenneth, nanginginig at halatang kinakabahan. "Boss Devon… pasensya na..." "Lumabas ka." Agad namang lumabas si Secretary Kenneth at inutusan ang mga security

  • MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER    CHAPTER 251-TIRED

    Nang makita ni Vincent na hindi na siya nagpupumiglas, isinuot niya ang inihandang singsing sa kamay nito, pagkatapos ay sinuot din ang sa kanya, saka niya hinawakan ang mga daliri ni Daphne. Kumuha ng ilang larawan ang mga reporter bilang simbolikong dokumentasyon ng kasal, pagkatapos ay agad silang umalis. Sa totoo lang, napakabigat ng aura ng bagong kasal, at tila hindi iyon isang normal na seremonya ng kasal. Pagkaalis ng mga reporter, agad na binitiwan ni Vincent ang kamay ni Daphne. Nagkatitigan silang dalawa, punong-puno ng pagkasuklam sa isa’t isa, tila gusto nilang burahin ang bawat isa sa mundo. "Vincent, habambuhay ka nalang bang magiging sunud-sunuran kay Devon!" Hindi pa natatapos ang kanyang sinabi nang biglang mahigpit na kinapitan ni Vincent ang kanyang leeg. At sa sandaling iyon, puno ng dilim ang kanyang mukha, at naging nakakatakot ang kanyang anyo. "Anong sinabi mo?!" Nanlabo ang paningin ni Daphne dahil sa kakulangan ng hangin, pero kahit nahihirapan, pilit p

  • MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER    CHAPTER 250-CRUEL FATE

    "Kailangang pumunta siya rito at humingi ng tawad kay Jameson, kung hindi, tatawag ako ng pulis!" Sabi naman ni Lola Ofelia.Malamig na tumingin sa kanya si Madame Julie. "Ang kahihiyan ng pamilya ay hindi dapat inilalabas sa publiko. Kung tatawag ka ng pulis, mas lalo tayong pagchichismisan.”"Juliette! Kaya hindi mo sila madisiplina dahil hindi mo sila tinuturuan ng leksyon mula pa pagkabata!" Singhal ng matanda.Habang mainit ang pagtatalo ng dalawa, tahimik lang na nakatingin sa labas ng bintana si Jameson, na nasa kama at may benda ang paa. Hindi alam kung ano ang iniisip niya. Sa di kalayuan, tanaw mula sa bintana ang isang unibersidad. Sa ilalim ng papalubog na araw, maraming kabataan ang naglalakad nang magkahawak-kamay sa palaruan. Pulang-pula ang langit na parang dugo, at mahahaba ang anino ng mga tao. Bigla niyang naalala ang isang taon kung kailan sa wakas ay napapayag niyang sumama si Roxanne sa kanya para maglakad-lakad. Gusto niyang hawakan ang kamay nito pero hindi n

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status