Mabilis na nagmaneho si Devon patungo sa kanilang lumang bahay doon sa burol. Pati rin si Jameson na mabilis na pinaikot ang kanyang manobela. Parehong destinasyon lang ang kanilang pupuntahan, pero pareho silang nag-uunaan sa daan. Sabay nilang nalaman mula sa kanilang mga sekretarya na sina Brian at Kenneth na pinarusahan ng kanilang lolo si Roxanne at ipinakulong doon sa lumang bahay. Pagdating doon, ipinarada nila ang kanilang sasakyan sa tapat. Hindi naman na sila nag-imikan at dali-dali binuksan ang nakakandadong gate. Pagpasok nila sa madilim na mansyon, inilabas ni Jameson ang kanyang phone para buksan ang flashlight. Naglibot sila sa loob at natagpuan nila si Roxanne na walang malay sa malamig na sahig. Nilapitan ito ni Devon pero inunahan siya ng kapatid na kaagad binuhat si Roxanne papalabas para dalhin sa ospital. Ipinasok niya na ito sa sasakyan at nagmaneho. Bumalik na rin si Devon sa loob ng kanyang sasakyan at pumunta sa kanilang mansyon, gusto niyang makausap ang
Napahinto si Devon sa kanyang paglalakad nang makita ang text ni Roxanne na bumalik siya doon sa ward. Wala naman siyang alinlangan na bumalik doon sa loob. Pagbukas niya sa pinto, nakita niya si Roxanne na nakaupo sa kanyang kama, habang si Jameson ay nakaupo sa gilid at naka-krus ang mga braso na tumingin sa kanya. "K-kamusta ka?" Tanong ni Devon nang makalapit kay Roxanne. Tumingala si Roxanne sa kanyang gawi. Kinakabahan sa kanyang gagawin. "G-gusto ko tumigil ka na sa pagbisita sa akin. Kunin mo na ang dala mong bulaklak, H-hindi ko 'yan kailangan." Sumilay sa mga mata ni Devon ang sakit nang marinig ang kanyang sinabi. "Iyon lang ba ang dahilan kung bakit mo ako pinatawag dito??" "Oo, d-dahil nagseselos ang asawa ko." Sagot ni Roxanne. Nagitla si Jameson kung bakit siya nito nilaglag, gusto niya lang na makitang tinataboy niya si Devon. Napatingin si Devon sa kapatid at napangisi, "Ganoon ba? Wala ka namang dapat na ipagselos, Jameson. Normal lang na mag-alala ako kay Rox
Ngayong nakaupo sina Irene at Devon sa kanilang mesa, natahimik si Roxanne at Frizza habang patuloy na kumakain. "Hello, Ms. Roxanne." Muntik ng mailuwa ni Roxanne ang kinakain nang makita ang isang six footer na lalaking nakatayo sa kanyang gilid na may dalang bouquet ng pulang rosas. Nag-aalangan si Roxanne na magsalita pero ayaw niya naman itong mapahiya. "Y-yes?" "I'm Warren Ferrer, ipapabigay ko sana itong bulaklak sa iyo. Sana magustuhan mo." Iniabot niya ang bulaklak ngunit hindi ito kaagad tinanggap ni Roxanne. "Para saan ba ito??" "Would you mind if I ask you out on a date?" Deretsahang tanong ni Warren at napaubo si Roxanne. Marami ng nakatingin sa kanilang direksyon at agaw pansin ang pagbigay sa kanya ni Warren ng bulaklak. Napainom muna ng tubig si Roxanne tsaka sinagot ang tanong ng lalaki. "I'm already married." Aniya at ipinakita ang kanyang kamay ngunit nakita niyang hindi niya pala suot ang singsing, naiwan niya ito sa bahay. Nawala ang sigla sa mukha ni War
Nasa kabilang station si Secretary Kenneth na naguguluhan sa iniutos ni Devon. "Boss? Bakit niyo po ba gustong pa-imbestigan ang empleyadong ito??" "I hired you to do things, not to ask me questions." Tugon ni Devon. "Ay, yes sir. Masusunod po. Titingnan ko ito kaagad. Hehe." Wala na siyang maraming tanong at wala pang isang oras, mayroon na siyang nailimbag na impormasyon tungkol kay Warren Ferrer at dinala ito sa opisina ng CEO. "Humanap ka ng pagkakataon na ipadala siya sa isang business trip, mga isang kalahating taon, sapat na 'yun. Ayaw ko kasing makita siyang nandito sa kompanya ngayon." Seryosong sabi ni Devon matapos na mabasa ang files. Mas lalong naguluhan si Kenneth kung bakit nito biglang ipapatapon sa business trip ang isang empleyado ng ganoon katagal pero ayaw niya ng magtanong baka mapagalitan na siya nito. Susundin niya na nalang kaagad ang ipinag-uutos nito tulad ng nakasanayan. "Sige Boss. Gagawin ko agad." *** Pag-alis ni Warren Ferrer doon sa cafete
Noong humingi si Roxanne ng tulong sa asawa sa mga oras na malapit na siyang mamatay, hindi ito dumating para tulungan siya. Kaya hindi na siya umaasa dito at hahayaan siyang magkusa kung gusto niya. "By the way, gusto pala ni Mom na samahan natin siya para mag dinner bukas ng gabi." Napaisip si Roxanne na magandang makabalik siya sa Valencia at baka maari niya na iyong gamiting pagkakataon para makapasok sa office ni Lolo Gerald. "Okay, sasama ako." ***Sa isang kisap-mata, gabi na ng sumunod na araw at lumabas na si Roxanne sa laboratory papunta sa parking lot. Muntik na siyang mapatalon sa gulat nang makita ang isang tao na biglang sumulpot sa kanyang gilid. Nakita niya si Warren Ferrer na binusted niya kahapon at nagpakita ito ulit sa kanya ngayon na mayroon pa ring dalang bulaklak at maliit na cake. "Hey, Roxanne. Pinag-isipan ko ito buong gabi at ayaw kong sumuko ng ganun-ganun lang. Mahal kita at sana bigyan mo ako ng pagkakataon na maka-" Kaagad siyang pinutol ni Roxann
Sa sumunod na segundo, narinig ni Roxanne ang pagtulak ng pinto. Makikita niyang pumasok si Lolo Gerald at sumunod sa kanyang likuran si Devon. "Apo, alam mong hindi ako humihingi ng tulong sayo sa loob ng maraming taon, but this time problemado talaga ang kompanya. Kakapalan ko muna ang mukha ko na humingi sayo ng tulong kahit ngayon lang at babayaran kita ng mas malaking interes sa hinaharap." Rinig niyang sabi ni Lolo Gerald. Kita niyang desperado ang mukha ng matanda at kung hindi man siya bibigyan ng tulong ng apo, siguradong itatakwil niya na naman ito sa pamilya. Magsasalita sana si Devon ngunit napatingin ito sa kanyang gawi kaya siya kinabahan pero binawi naman nito ang tingin at bumaling sa kanyang lolo. "Lolo, kailangan ko muna itong pag-isipan ng mabuti. Sobrang laking halaga ang hinihingi ninyo at kailangan kong isa-alang-alang ang pagpopondo." Paliwanag niya. "Alam ko, pero napakalaki ng kompanya mo na nasa tuktok na ngayon, hindi naman makakaapekto kung hihiram ako
Pagka-alis ni Jameson, naiwan si Roxanne sa loob na inaayos ang kanyang nagusot na damit. Bumaba na rin siya sa hagdan at pagbalik niya sa sala, nakita niya si Jameson na nakaupo sa mesa na hindi maipinta ang mukha. Niyaya ito ng pinsan niyang si Henry na maglaro ng chess kaya sinubukan nitong maglibang saglit. Hindi niya naman mahanap si Devon sa paligid, baka nauna na itong umalis. Matapos ang isang kalahating-oras, napagpasyahan na nilang dalawa na umuwi pabalik sa kanilang bahay. Nakarating na sila sa mansyon mga alas-diyes na ng gabi at pareho silang hindi nag-iimikan na parang mga estranghero. Nasanay na si Roxanne na ganito lang sila simula noong nahuli niya itong nagloko. "Wala ka ba talagang sasabihin, Roxanne?" Malamig na sabi ni Jameson habang naglakad sila sa loob ng sala. Lumingin naman si Roxanne sa kanyang gawi. "Anong gusto mong sabihin ko? Na nagloko ako??" Uminit ulit ang ulo ni Jameson, "Kung anong ginawa ninyo ni Jameson sa kwarto ni Lolo!" Dikta niya.Nababan
Nabiyak ang bote sa ulo ni Warren kaya nagpira-piraso ang mga ito at may dugong tumulo sa mga kamay ni Roxanne dahil mayroong natusok na piraso sa kanyang palad. Sinamantala ni Roxanne ang segundong natumba ang lalaki at dali-dali siyang tumayo papalabas doon sa stockroom. Hinila naman ni Warren ang kanyang paa kaya siya natumba sa sahig pero sinipa niya ang pagmumukha nito gamit ang kaliwang paa. Mayroon pa ring lakas ang lalaki kahit duguan ang ulo nito. Walang kahirap-hirap niyang hinila ang paa ni Roxanne. Tumayo si Warren at nilapitan siya, sinakyan niya ito at pinagsasampal sa mukha. Halos mawalan ng malay si Roxanne ngunit sinubukan niya pa rin na man laban, ginamit niyang panangga ng kanyang mukha ang mga braso. Nakita ni Roxanne na wala na sa sarili ang lalaki na alam niyang nasa ilalim ng epekto ng droga. "Tama na!" Pagmamakaawa niya.Lalong nababaliw ang lalaki na hinubad ang kanyang pang-ibabang saplot habang sinusubukan ni Roxanne na pulutin ang malaking piraso ng bo
Paglabas ni Roxanne, pinigilan niya ang tiyahin na pumasok at sinabihan na magkausap ang ama at kasintahan sa loob kaya naupo muna sila sa upuan sa labas. Pagkalipas ng ilang minutong katahimikan, biglang nagsalita si Tita Martha, "Roxanne, sa totoo lang, walang masama kung manatili kami sa Germany—" Hindi pa tapos magsalita si Martha nang putulin siya ni Roxanne na may malamig na ekspresyon, "Tita, bigla nalang kayong hindi pumayag na pumunta sa abroad. Dahil ba babalik na dito si Kuya Miles para magtrabaho?" Napatigil si Martha, "Papaano mo nalaman ito?" "Tinawagan niya ako kahapon at sinabi niya sa akin ang tungkol sa pagbabalik niya sa bansa." "Hay naku, dahil alam mo na, sasabihin ko na ang totoo. Totoo, ayaw ko nang umalis sa bansa dahil babalik na siya." "Mas magiging ligtas kayo kung dadalhin mo si Papa sa abroad." "Alam ko iyon, pero babalik ang anak ko, at ayokong maapektuhan siya ng mga problema mo sa pamilya Delgado. Kung mananatili kami, magkakaroon ka ng dahi
Napatingin si Madame Julie kay Jameson na tila hindi makapaniwala, nanginginig ang buong katawan, "Sinasabi mo bang nakakahiya ako?" "Hindi ba? Tingnan mo ang lahat ng ginawa mo kamakailan? Kung wala kang kakayahan, huwag ka nang gumawa ng gulo!" Punong-puno ng galit ang mukha ni Jameson, at hindi na siya nagpaawat sa kanyang mga salita. Patuloy na tumulo ang luha ni Madame Julie dahil sa sinabi nito, "Kung hindi walang kwenta ang ama at anak ko, kakailanganin ko bang gawin ang mga ito? Ngayon sinasabi mong nagdadala ako ng gulo? Bakit hindi mo magawang ilabas ang Lolo mo mula sa presinto? Jameson, gumawa ka naman ng paraan!!" Pagkasabi nito, binuksan niya ang pinto ng kotse at umalis. Hindi na siya hinabol ni Jameson. Nanatili siyang nakaupo sa kotse at napahampas siya sa hawak na ma nobela. Bakit hindi maintindihan ng ina ang sitwasyon? Sa kasalukuyang estado niya, wala siyang kakayahang iligtas si Lolo Gerald. At totoo naman ang mga paratang laban sa kanyang lolo. Ang da
Si Miles na nasa kabilang linya ay biglang natigilan sa kanyang narinig, "May kasama ka ba di yan?" Tanong niya. "Oo." Sagot ni Roxanne. "Aww, sige. Gotta go." Pagka putol ng, napatingin si Roxanne kay Devon, "Bakit ka biglang sumabat habang kausap ako sa phone?" Kalmado naman ang mukha ni Devon. "Nagtanong lang ako kasi maghahapunan tayo ngayon. Bakit? Nakaabala ba ako habang kausap mo siya?" "Hindi naman." Pakiramdam ni Roxanne na parang sinadya ito ng lalaki kanina. "At sino ba 'yung tumawag sa'yo?" Dagdag pa ni Devon. "Ampon ng Tita Martha na nasa abroad. At bihira ko lang siyang makausap kaya hindi ko na nabanggit sa'yo." Bahagyang naningkit ang mga mata ni Devon ngunit hindi na nagtanong pa. Pumunta silang dalawa sa isang western restaurant para maghapunan. Nang makarating sila doon, agad silang nakita ni Jameson na nandoon din na nakikipag-usap sa kanyang kliyente. Lumamig ang kanyang tingin, at matapos umalis ang kliyente niya, diretso siyang lumapit sa dalawa
Kinabukasan ng tanghali, dumating si Roxanne sa restaurant kung saan naghihintay ang lawyer niya. Mabilis siyang lumapit at naupo sa tapat nito. "Pasensya na po, naantala ako sandali sa laboratoryo." "Walang problema, Miss Guevarra. Tingnan mo muna ang dokumentong ito." Kinuha ni Roxanne ang dokumento at binuklat ito. Habang binabasa, hindi niya maiwasang malito. Simula nang magloko si Jameson, sinimulan nitong ilipat ang kanyang mga ari-arian. Karamihan sa mga ito ay ngayon nakapangalan na kay Savannah Gomez, ang kabit nito. "Miss Guevarra, ang pangunahing problema ay kasal na ngayon sina Jameson at Savannah. Malinaw na kumonsulta siya sa abogado bago niya ilipat ang mga ari-arian. Maayos ang pagkakagawa nito, kaya mahirap nang bawiin ang mga ito." "Magkano na lang ang maaari kong makuha?" "Limang milyon." Hindi na nagulat si Roxanne sa halagang iyon. Naisip na niya ito habang binabasa ang dokumento kanina. "Sige, naiintindihan ko. Pakiusap, kausapin mo ang abogado
Sa kabila ng lahat, hindi ganoon kalaki ang pagkagusto ni Roxanne kay Devon. Iniintindi niya pa ang tinitibok ng puso pero hindi niya hahayaang kontrolin siya nito, mas ginagamit niya pa rin ang utak. At nanatili siya sa tabi ni Devon upang magkaroon ng proteksyon mula sa mga kalaban. "Pero sa susunod na may manggulo sayo, huwag kang magdalawang isip na lapitan ako para humingi ng tulong, ayaw kong harapin mo ng mag-isa ang lahat ng problema." Ang seryosong ekspresyon ni Devon ay nagpalambot sa puso ni Roxanne. . "Okay, gagawin ko." Nakangiting tugon ni Roxanne. Pagbalik sa kwarto, balak ni Roxanne na tanggalin ang kanyang make-up nang biglang tumunog ang kanyang cellphone. Nakita niyang tumatawag si Grace. "Roxanne, pinapakalat pala ng dati mong biyenan ang balitang sinaktan mo raw siya. Kalat na kalat na ito sa buong bayan." Ibinaba ni Roxanne ang kanyang tingin, "Huwag kang mag-alala, malapit na rin siyang makarma." "GRR! Hindi mo alam kung gaano kasama ang sinabi niya t
Malawak ang ngiti ni Irene at maririnig ang tunog ng kanyang takong na papasok sa loob ng opisina. Habang si Devon ay abala sa pag-aayos ng mga dokumento sa mesa. Ang sinag ng araw na tumatama sa kanya mula sa bintana ay nagbigay ng parang liwanag sa kanyang paligid, na lalong nagpalutang sa kanyang kagwapuhan. “Mr. Devon Delgado, handa na ang kontrata. Sa tingin niyo ba ay tamang oras na para pirmahan natin ito?” tanong ni Irene. Ibinaba ni Devon ang mga hawak niyang dokumento at tumingin kay Irene na malamig ang ekspresyon. “Ms. Irene Warner, there's some misunderstanding. Nakipagkita ako sa iyo ngayon para ipaalam na mayroon nang ibang potensyal na kasosyo ang PharmaNova sa ibang kompanya so you don't have to go here anymore." Nanatili ang ngiti ni Irene sa kanyang mukha ngunit halatang nanigas ito. “What??” gulat na tanong niya. Maraming beses na silang nag-usap at halos pipirmahan na ang kontrata, pero bigla na lang siyang aatras sa usapan. Kahit galit, pinilit pa rin n
"It's okay, Devon." Malambot na sabi ni Roxanne. "Talaga? Eh, bakit parang malungkot ka ngayon?" Naningkit ang mata ni Devon na pinagmasdan ang kanyang mukha. Umiling agad si Roxanne. "Hindi ah, nga pala, maupo ka lang d'yan, kukunan kita ng gamot dahil medyo mainit ka." Tinitigan siya ni Devon nang mas malalim, ngunit hindi na nagtanong pa. "Okay." Matapos palitan ang gamot ni Devon, inayos din niya ang mga ginamit nito habang sumusulyap sa kanya. "Devon, kung pagod ka, umuwi ka muna. Kailangan mo ring magpahinga." Ilang segundo siyang tinitigan ni Devon bago nagsalita, "I said, it's okay. At hindi ka ba talaga galit na hindi ako umuwi kagabi?" Napabuntonghininga si Roxanne. "Hindi, bakit mo naman naisip 'yan?" Napakamot ng batok si Devon, "Pakiramdam ko kasi baka manlamig ang pakikitungo mo sa akin dahil sa mga isyung ibinabato sa atin ngayon." Nang magtagpo ang kanilang mga mata, bigla umiiwas ng tingin si Roxanne, ayaw niyang makita nito ang kanyang nararamdaman pagka
Sumang-ayon naman ang kanilang lawyer sa kanilang plano na puntahan ng personal si Roxanne. "All right, we will try to reach her personally and for now we need to find a way para mapayagan na magpyansa si Mr. Gerald Delgado." Tumango si Lola Ofelia at Madame Julie na umaasang makakalabas ang kanilang padre de pamilya sa lalong madaling panahon. Pagka-alis ng lawyer, naiwan ang dalawang babae sa couch na saglit pang nag-usap. "Juliette, do everything to persuade her sign the letter. Iyon lang ang isang paraan." Paalala ni Lola Ofelia. "I'll try my best." Tugon ni Madame Julie kahit hindi sigurado sa kung anong magiging kalabasan. Pagkatapos mag-usap nagpunta si Madame Julie pabalik sa terasa at doon tinawagan ang anak na si Jameson para ikuwento ang kanilang pinag-usapan kanina. "Anak, pupunta ako bukas sa Pharma Nova para kausapin ng personal si Roxanne at susubukan kong kumbinsihin na pirmahan niya ang apology letter ng Lolo mo." "Okay, Mom. Just try but if they won't coope
Nang mahimasmasan si Roxanne, nag patuloy na siyang kumain ng kanyang hapunan at nasa kanyang tabi si Devon na sinabayan siyang kumain. "Kanina mo pa ako hinintay doon sa labas?" Napatanong si Roxanne habang nilalagyan ng mainit na sabaw ang kanyang kanin. "Sakto lang. Hinintay lang kita sa labas kasi gusto kong masiguro na nakauwi ka na sa ating tahanan." Tugon ni Devon na natutuwang kumakain ito ng marami. "Pakabusog ka, ah. Gusto kong maging malusog ka lagi." "Thank you, Devon. Ikaw rin, kumain ka ng marami para hindi ka magkasakit. Sa dami mong ginagawa, mauubusan ka talaga ng lakas at makaramdam ng matinding pagod." Aniya. "Pero parang nawala ang pagod ko simula ng maging tayo." Banat pa ni Devon at nasamid si Roxanne sa kinakain dahil natatawa. "Baliw ka rin talaga. Baka mamaya mapagod ka rin sa'kin at maghanap ng iba." Pagtataray niya. "Huh? Ba't ako mapapagod? Tsaka hindi ako maghahanap ng iba dahil nasa iyo na ang lahat ng katangian na gusto ko sa isang babae." Depens