Nilunok muna ni Roxanne ang nginunguya niyang pagkain bago sumagot sa request ni Irene. "P-pasensiya na pero hindi kita matutulungan dahil hindi talaga kami close ni Sir Devon."Umiiwas na si Roxanne na mapalapit kay Devon at tungkol nalang sa trabaho ang kanilang pinag-usapan. Tingin niya na sa ganoong paraan, mapipigilan nila ang nararamdaman sa isa't-isa. "Roxanne, you should help me out! Parang ayaw mo naman akong tulungan, eh." Reklamo ni Irene sa kanya. Simula noong nakaraang gabi pa naisip ni Irene na mayroong kakaiba sa pagitan nila ni Devon at Roxanne. Nang malaman niya na nagtatrabaho si Roxanne sa Pharma Nova, naisip niyang magandang paraan na subukan siyang hingan ng tulong para mapalapit kay Devon. "Irene, hindi naman sa gusto kitang tulungan pero 'yun nga, hindi ako madaling makalapit sa kanya. By the way, aalis na pala ako, may tatapusin akong trabaho sa laboratory." Paalam ni Roxanne, tumayo na siya at iniwan si Irene na sinundan siya ng tingin. Naiinis din ito dahi
Kahit na kinasusuklaman ni Roxanne si Jameson at si Savannah, hindi niya magawang magalit sa bata dahil alam niyang inosente ito, na walang kaalam-alam na bunga siya ng isang kasalanan."Ikaw at si Savannah ang may kasalanan dahil sa pagtataksil ninyo sa akin pero labas doon ang bata. Hayaan mo na siyang isilang sa mundong ito." Tugon niya. Pagdating nila sa mansyon, pumarada sa tapat ang kanilang sasakyan at nanatili muna sila sa loob saglit."Roxanne, ayaw kong ipagtulakan mo ako sa kanya dahil lang may anak kami. Gusto kong maging madamot ka rin sa akin." Ani ni Jameson. "Ba't naman kita ipagdadamot?? Eh, may kahati na akong bata pero sinabi ko na sayo, ayos lang. Tanggap ko siya." Nakangiti niya pang sabi. Bumaba na siya sa sasakyan at iniwan doon si Jameson na mababaliw kakaisip kung anong nangyayari sa asawa. Pinaandar niya niya ulit ang sasakyan para puntahan si Savannah sa kanyang apartment para tingnan kung napano siya. Pagpasok ni Roxanne sa mansyon, sinalubong siya ni
Ibinaba ni Roxanne ang kanyang phone at mabilis na lumabas ng mansyon dala ang susi ng kanyang sasakyan. Paaandarin niya na sana ang makina nito ngunit napaisip siya kung tama bang magpunta siya roon sa bar. Napabuntong hininga siya at napasandal sa upuan, tingin niya mas lalo lang magiging magulo kung papagitna siya sa magkapatid. Bumaba siya sa sasakyan at bumalik sa loob ng kanyang kwarto. Kumalma muna siya at nakipag-usap ulit kay Grace para makibalita. "Roxanne, may panibagong akong chika! Ito palang si Savannah ay may kaalitan sa kasama ni Devon na magandang babae, na Irene ang pangalan. Ewan ko kung anong pinag-awayan nila pero narinig ko pinagalitan ni Irene si Jameson dahil nga may kasama siyang ibang babae, eh may asawa na siya. Nagalit si Jameson at binastos siya kaya nasuntok siya ni Devon." Kuwento ni Grace. Napakurap si Roxanne sa narinig, at bahagyang nag-iba ang reaksyon ng kanyang mukha. Buti nalang din na hindi siya tumuloy doon dahil magiging katawa-tawa siya sa
Nakita ni Irene ang paggalaw ng adam's apple ni Devon dahil napalunok ito sa kanyang ibinatong tanong. "Ano bang klaseng tanong 'yan, Irene?" Ipinatong niya sa mesa ang hawak na folder. Ngumisi lang si Irene na tinitigan siya sa mata, "I know you know what I'm talking about. I notice that you have a secret admiration for your sister-in-law. Even if you don't say it, it's very evident in your actions." "Get out of here, Irene." Turo ni Devon sa pinto. "Please don't ask me to leave right away. Hindi pa ako tapos sa sasabihin ko and I'm here to help you." Kumunot ang noo ni Devon. "Help? For what? Kung ano mang binabalak mo, huwag mo ng ituloy." Tumayo si Irene para umikot papalapit sa kanya. "Devon, you know even if Roxanne and Jameson get divorced, you can't be together. So why don't you just be with me? It's less complicated." "Sorry, but I don't like you, Irene." Deretsahang sabi ni Devon. Nasaktan si Irene sa narinig at kumuyom ang kanyang mga kamao sa inis. Ngayo
Naikuwento ni Naomi Velez kay Irene na una niyang nakita si Roxanne sa loob ng mall kasama ang kaibigan nitong si Grace na nakipag-agawan sa kanya ng damit. At nalaman niya rin noong araw na iyon na si Grace ang karibal niya sa dating boyfriend/fiance na si Liam Bautista. Plano niyang maghiganti kay Grace dahil sa pamamahiya nito sa kanya ngunit dahil wala ito, si Roxanne nalang ang pagbubuntungan niya at para rin sa kaibigan niyang si Irene na nabigong kunin ang loob ni Devon Delgado. "So what's your plan?" Tanong ni Irene. Ngumisi si Naomi na tinanggal ang suot niyang mamahaling diamond necklace. "Pareho sila ng kaibigan niyang magnanakaw, kaya pagbibintangan natin siyang nagnakaw ng kwintas ko." Gusto nilang sirain ang imahe ni Roxanne sa harap ng maraming tao, na pahiyain siya hanggang sa wala na siyang maipakitang mukha kinabukasan. Tumawag si Naomi ng isang waiter at pinag-utusan ito, binayaran niya rin ito ng pera para wala itong reklamo. Ibinigay niya na ang kwintas
Napatingin ang lahat kay Roxanne at mas lalong nagtaka dahil sa kanyang sinabi. Pareho ring kinabahan si Irene at Naomi na makita na ang kanilang biktima ay nagsalita. "Pinapahiya niyo lang ang mga sarili ninyo. Dinadamay pa ninyo ang mga inosenteng tao at kinakapkapan na parang mga magnanakaw." Isang matalim na tingin ang binigay ni Roxanne kay Naomi, pati na rin kay Irene na alam niyang kasabwat nito. Mabilis naman nakapag-isip si Naomi kung papaano siya barahin para idiin siya sa kasalanang hindi niya naman ginawa. "Baka ikaw ang mapahiya?? Sinabi lang namin na tingnan ang mga bag ng lahat at nag-react ka na ng ganyan. Nakapagtatakang tumututol ka. Huwag mong sabihin na tumayo ka at pumunta rito sa harapan para isuko ang ninakaw mo??" Nakita ng lahat na biglang hinablot ni Naomi ang bag ni Roxanne tsaka ibinuhos ang mga laman nito sa carpet. Nanlaki rin ang mga mata nila na makita ang kumikinang na alahas. "See?! Ikaw nga ang magnanakaw!" Turo pa sa kanya ni Naomi. Tuwan
Narinig ng lahat ang sinabi ni Devon na dumating kasama ang host ng charity dinner na si Mr. Guerrero. Nasurpresa naman si Jameson dahil akala niya hindi pupunta ang kapatid. Ngunit bigla itong dumating at nangingialam, nag-aalala siya na baka maapektuhan ang ugnayan ng kompanya niya sa pamilya ni Naomi Velez at Liam Bautista. Malamig na tiningnan ni Devon si Naomi at kasama nitong si Irene. Alam niyang silang dalawa ang nagbalak na manira kay Roxanne. Nagulat din sila na may pumasok na mga tauhan ni Devon dahil ipapadakip niya ang mga walanghiyang nang-alipusta kay Roxanne para dalhin sa presinto. "A-anong ibig sabihin nito??" Takot na tanong ni Naomi. "Kung ayaw mong lumuhod at humingi ng tawad, ipapadampot kita at ipapakulong dahil sa paninira mo ng reputasyon ng ibang tao. Ayaw mo namang mapanood ng lahat na kinakaladkad ka papunta sa rehas?? Mangiyak-ngiyak si Naomi na kumapit sa braso ni Liam at humihingi ng tulong. "Iligtas mo ako, please." Takot din si Liam
Napikon si Jameson sa sinabi ng kapatid. "Makasarili ka talaga, Devon. Kaya hindi ka pinili ni lolo para hawakan ang kompanya dahil ganyan ka. Tapos hindi ka pa talaga titigil magpapansin sa asawa ko??" Dikta niya. Hinila naman siya bigla ni Devon papalabas ng hall, umiwas sila doon dahil baka may makapansin sa kanila na nagbabangayan. "Jameson, ginawa ko lang ang bagay na nais niyang makita mula sayo? Pero duwag ka kasi kaya hindi mo ako masisising ipaglaban siya."Nang matanggap niya mula kay Secretary Kenneth na mayroong gulo sa charity dinner at nasasangkot si Roxanne, hindi siya nagdalawang-isip na pumunta doon. Nalaman niya rin kasi na walang ginawa si Jameson kahit na pinaratangan na ang asawa niyang magnanakaw, pero alam niya na may pinoprotektahan lamang itong interes. "Bumalik na siya sa akin kaya lumayo ka na. Tigilan mo na ang ilusyon mong mapapasayo si Roxanne dahil hinding-hindi iyon mangyayari. Pinili niya na sa akin umuwi." Paulit-ulit niya ng sinabihan ang kapatid n
Napatingin si Madame Julie kay Jameson na tila hindi makapaniwala, nanginginig ang buong katawan, "Sinasabi mo bang nakakahiya ako?" "Hindi ba? Tingnan mo ang lahat ng ginawa mo kamakailan? Kung wala kang kakayahan, huwag ka nang gumawa ng gulo!" Punong-puno ng galit ang mukha ni Jameson, at hindi na siya nagpaawat sa kanyang mga salita. Patuloy na tumulo ang luha ni Madame Julie dahil sa sinabi nito, "Kung hindi walang kwenta ang ama at anak ko, kakailanganin ko bang gawin ang mga ito? Ngayon sinasabi mong nagdadala ako ng gulo? Bakit hindi mo magawang ilabas ang Lolo mo mula sa presinto? Jameson, gumawa ka naman ng paraan!!" Pagkasabi nito, binuksan niya ang pinto ng kotse at umalis. Hindi na siya hinabol ni Jameson. Nanatili siyang nakaupo sa kotse at napahampas siya sa hawak na ma nobela. Bakit hindi maintindihan ng ina ang sitwasyon? Sa kasalukuyang estado niya, wala siyang kakayahang iligtas si Lolo Gerald. At totoo naman ang mga paratang laban sa kanyang lolo. Ang da
Si Miles na nasa kabilang linya ay biglang natigilan sa kanyang narinig, "May kasama ka ba di yan?" Tanong niya. "Oo." Sagot ni Roxanne. "Aww, sige. Gotta go." Pagka putol ng, napatingin si Roxanne kay Devon, "Bakit ka biglang sumabat habang kausap ako sa phone?" Kalmado naman ang mukha ni Devon. "Nagtanong lang ako kasi maghahapunan tayo ngayon. Bakit? Nakaabala ba ako habang kausap mo siya?" "Hindi naman." Pakiramdam ni Roxanne na parang sinadya ito ng lalaki kanina. "At sino ba 'yung tumawag sa'yo?" Dagdag pa ni Devon. "Ampon ng Tita Martha na nasa abroad. At bihira ko lang siyang makausap kaya hindi ko na nabanggit sa'yo." Bahagyang naningkit ang mga mata ni Devon ngunit hindi na nagtanong pa. Pumunta silang dalawa sa isang western restaurant para maghapunan. Nang makarating sila doon, agad silang nakita ni Jameson na nandoon din na nakikipag-usap sa kanyang kliyente. Lumamig ang kanyang tingin, at matapos umalis ang kliyente niya, diretso siyang lumapit sa dalawa.
Kinabukasan ng tanghali, dumating si Roxanne sa restaurant kung saan naghihintay ang lawyer niya. Mabilis siyang lumapit at naupo sa tapat nito. "Pasensya na po, naantala ako sandali sa laboratoryo." "Walang problema, Miss Guevarra. Tingnan mo muna ang dokumentong ito." Kinuha ni Roxanne ang dokumento at binuklat ito. Habang binabasa, hindi niya maiwasang malito. Simula nang magloko si Jameson, sinimulan nitong ilipat ang kanyang mga ari-arian. Karamihan sa mga ito ay ngayon nakapangalan na kay Savannah Gomez, ang kabit nito. "Miss Guevarra, ang pangunahing problema ay kasal na ngayon sina Jameson at Savannah. Malinaw na kumonsulta siya sa abogado bago niya ilipat ang mga ari-arian. Maayos ang pagkakagawa nito, kaya mahirap nang bawiin ang mga ito." "Magkano na lang ang maaari kong makuha?" "Limang milyon." Hindi na nagulat si Roxanne sa halagang iyon. Naisip na niya ito habang binabasa ang dokumento kanina. "Sige, naiintindihan ko. Pakiusap, kausapin mo ang abogado
Sa kabila ng lahat, hindi ganoon kalaki ang pagkagusto ni Roxanne kay Devon. Iniintindi niya pa ang tinitibok ng puso pero hindi niya hahayaang kontrolin siya nito, mas ginagamit niya pa rin ang utak. At nanatili siya sa tabi ni Devon upang magkaroon ng proteksyon mula sa mga kalaban. "Pero sa susunod na may manggulo sayo, huwag kang magdalawang isip na lapitan ako para humingi ng tulong, ayaw kong harapin mo ng mag-isa ang lahat ng problema." Ang seryosong ekspresyon ni Devon ay nagpalambot sa puso ni Roxanne. . "Okay, gagawin ko." Nakangiting tugon ni Roxanne. Pagbalik sa kwarto, balak ni Roxanne na tanggalin ang kanyang make-up nang biglang tumunog ang kanyang cellphone. Nakita niyang tumatawag si Grace. "Roxanne, pinapakalat pala ng dati mong biyenan ang balitang sinaktan mo raw siya. Kalat na kalat na ito sa buong bayan." Ibinaba ni Roxanne ang kanyang tingin, "Huwag kang mag-alala, malapit na rin siyang makarma." "GRR! Hindi mo alam kung gaano kasama ang sinabi niya tungko
Malawak ang ngiti ni Irene at maririnig ang tunog ng kanyang takong na papasok sa loob ng opisina. Habang si Devon ay abala sa pag-aayos ng mga dokumento sa mesa. Ang sinag ng araw na tumatama sa kanya mula sa bintana ay nagbigay ng parang liwanag sa kanyang paligid, na lalong nagpalutang sa kanyang kagwapuhan. “Mr. Devon Delgado, handa na ang kontrata. Sa tingin niyo ba ay tamang oras na para pirmahan natin ito?” tanong ni Irene.Ibinaba ni Devon ang mga hawak niyang dokumento at tumingin kay Irene na malamig ang ekspresyon. “Ms. Irene Warner, there's some misunderstanding. Nakipagkita ako sa iyo ngayon para ipaalam na mayroon nang ibang potensyal na kasosyo ang PharmaNova sa ibang kompanya so you don't have to go here anymore."Nanatili ang ngiti ni Irene sa kanyang mukha ngunit halatang nanigas ito. “What??” gulat na tanong niya.Maraming beses na silang nag-usap at halos pipirmahan na ang kontrata, pero bigla na lang siyang aatras sa usapan. Kahit galit, pinilit pa rin ni Ire
"It's okay, Devon." Malambot na sabi ni Roxanne. "Talaga? Eh, bakit parang malungkot ka ngayon?" Naningkit ang mata ni Devon na pinagmasdan ang kanyang mukha.Umiling agad si Roxanne. "Hindi ah, nga pala, maupo ka lang d'yan, kukunan kita ng gamot dahil medyo mainit ka."Tinitigan siya ni Devon nang mas malalim, ngunit hindi na nagtanong pa. "Okay." Matapos palitan ang gamot ni Devon, inayos din niya ang mga ginamit nito habang sumusulyap sa kanya. "Devon, kung pagod ka, umuwi ka muna. Kailangan mo ring magpahinga." Ilang segundo siyang tinitigan ni Devon bago nagsalita, "I said, it's okay. At hindi ka ba talaga galit na hindi ako umuwi kagabi?" Napabuntonghininga si Roxanne. "Hindi, bakit mo naman naisip 'yan?" Napakamot ng batok si Devon, "Pakiramdam ko kasi baka manlamig ang pakikitungo mo sa akin dahil sa mga isyung ibinabato sa atin ngayon." Nang magtagpo ang kanilang mga mata, bigla umiiwas ng tingin si Roxanne, ayaw niyang makita nito ang kanyang nararamdaman pagkasabik m
Sumang-ayon naman ang kanilang lawyer sa kanilang plano na puntahan ng personal si Roxanne. "All right, we will try to reach her personally and for now we need to find a way para mapayagan na magpyansa si Mr. Gerald Delgado." Tumango si Lola Ofelia at Madame Julie na umaasang makakalabas ang kanilang padre de pamilya sa lalong madaling panahon. Pagka-alis ng lawyer, naiwan ang dalawang babae sa couch na saglit pang nag-usap. "Juliette, do everything to persuade her sign the letter. Iyon lang ang isang paraan." Paalala ni Lola Ofelia. "I'll try my best." Tugon ni Madame Julie kahit hindi sigurado sa kung anong magiging kalabasan. Pagkatapos mag-usap nagpunta si Madame Julie pabalik sa terasa at doon tinawagan ang anak na si Jameson para ikuwento ang kanilang pinag-usapan kanina. "Anak, pupunta ako bukas sa Pharma Nova para kausapin ng personal si Roxanne at susubukan kong kumbinsihin na pirmahan niya ang apology letter ng Lolo mo." "Okay, Mom. Just try but if they won't coope
Nang mahimasmasan si Roxanne, nag patuloy na siyang kumain ng kanyang hapunan at nasa kanyang tabi si Devon na sinabayan siyang kumain. "Kanina mo pa ako hinintay doon sa labas?" Napatanong si Roxanne habang nilalagyan ng mainit na sabaw ang kanyang kanin. "Sakto lang. Hinintay lang kita sa labas kasi gusto kong masiguro na nakauwi ka na sa ating tahanan." Tugon ni Devon na natutuwang kumakain ito ng marami. "Pakabusog ka, ah. Gusto kong maging malusog ka lagi." "Thank you, Devon. Ikaw rin, kumain ka ng marami para hindi ka magkasakit. Sa dami mong ginagawa, mauubusan ka talaga ng lakas at makaramdam ng matinding pagod." Aniya. "Pero parang nawala ang pagod ko simula ng maging tayo." Banat pa ni Devon at nasamid si Roxanne sa kinakain dahil natatawa. "Baliw ka rin talaga. Baka mamaya mapagod ka rin sa'kin at maghanap ng iba." Pagtataray niya. "Huh? Ba't ako mapapagod? Tsaka hindi ako maghahanap ng iba dahil nasa iyo na ang lahat ng katangian na gusto ko sa isang babae." Depens
Naglakad si Roxanne papalapit sa kama ng ama at naupo sa kanyang tabi. "Opo, Papa. K-kinakailangan kong dalhin kayo sa ibang bansa para mas masiguro ang iyong pagaling. Ngunit sa ngayon, kailangan muna naming mag-usap ng iyong doktor bago ka payagan na mag-flight. Ako na rin ang bahala na bumili ng plane ticket niyo ni Tita Martha." Paliwanag niya. Natahimik si Emmanuel na bakas sa mukha na hindi siya sumasnag-ayon sa kanyang plano. "Hindi. Mananatili ako dito." Nadismaya si Roxanne sa sinabi nito. "Papa, hindi kayo gagaling kung mananatili kayo rito, mas maganda na mailagay kita sa mas maayos na hospital." "Hindi kita p'wedeng iwan dito ng mag-isa lalo na't mainit ang mata ng mga Delgado sa iyo." Rason ni Emmanuel. Napailing si Roxanne, "Huwag niyo na po akong alalahanin, ayos lang ako. Mas mahalaga ang kalusugan ninyo. Wala na akong anuman na koneksyon sa mga Delgado." "Huwag kang magsinunggaling sa akin!" Galit na sabi ni Emmanuel at nahampas ang kanyang maliit na mesa at m