AGAD NAMAN NA NAPATINGIN si Annie sa mga tauhan nito. Ang kanyang tingin ay nakakatakot na halos ikagulat ng mga ito at hindi nakagalaw mula sa kinatatayuan ng mga ito. “Sige, subukan ninyo akong hawakan.” banta ni Annie at hindi nga gumalaw ang mga ito.Dahil rito ay mas lalo lamang nagalit si Zoey at pinagsisigawan niya ang kanyang mga tauhan. “Mga basura! Ang lalaki ninyo tapos natatakot kayo sa iisang babae lang?! Mga walang kwenta!” walang pakialam na sigaw niya. “Ano? Hindi kayo gagalaw?!” Sa halip naman na matakot si Annie ay puno ng pagkamuhi niya lang itong tiningnan sa mukha nito. Sinuyod niya ito ng tingin mula ulo hanggang paa. “Huwag mong isipin na hindi kita kilala dahil isa ka lang namang trying hard na artista. Isa kang maitim at pangit kahit na saang anggulong tingnan ay walang ganda.” malamig na sabi niya rito. Pinagkrus niya ang kanyang dibdib. “Naalala ko pa minsan na nagkasama kayo ni Via sa isang pelikula ngunit ang role mo ay isang kabit na kahol hindi katangga
MAINGAT NA HINAPLOS ni Annie ang singsing sa kanyang kamay at pagkatapos ay nagsalita. “Ang singsing na ito ay nagkakahalaga lang naman ng 30 million pesos.” nakangiting sabi niya at pagkatapos ay tumitig sa mga mata nito. “At yung kotse kong nakaparada sa labas, nakita mo ba? Sampung million din ang presyo nun.” dagdag niya. Pagkatapos ay itinuro ang kanyang hawak na bag. “At ito ay limang milyon.” Humakbang siya paharap at tumigil sa harap ni Zoey at nagsalita na puno ng pangungutya. “Iniisip mo ba na masisilaw na ako sa 100,000 na alok mo?” nakataas ang isang sulok ng labi niyang tanong rito.Nang matapos siyang magsalita ay mas namuti pa ang mukha nito na mas ikinasaya pa lalo ni Annie. Sa katunayan, hindi naman talaga siya mayabang at ni hindi rin siya nagsusuot at nagdadala ng mga mamahaling gamit lalo na ang mga singsing ngunit dahil nga alam niya na sa entertainment industry ay palaging exaggerated, alam niya na hindi maiiwasan ang pangmamata at pangungutya. Dahil nga sinama
PAGKARATING NI ZOEY SA HARAP NG MGA ito ay dali-dali siyang yumuko at mabilis na humingi ng paumanhin. “Pa-pasensya na po sa ginawa ko sa asawa ninyo. Hindi ko po sinasadya.”Agad naman na napasulyap si Lucas sa babaeng nakatayo at nakayuko sa harapan nila ng mga oras na iyon na may matalim na mga mata. “Hindi sinasadya? Nagpapatawa ka ba?” malamig na tanong niya rito.Napalunok naman si Zoey ng wala sa oras. “Pasensya na po talaga Mr. Montenegro dahil nasaktan ko ang asawa ninyo at inaamin ko naman na kasalanan ko ang nangyari at handa kong pagdusahan ang ginawa ko.” sabi niya rito at pagkatapos ay nagtaas ng kanyang ulo. “Pero, sana po sir ay patawarin niyo ako dahil sa ginawa ko.” pagkatapos lamang niyang sabihin iyon ay agad siyang tumingin sa babae kanina o sa asawa nga ni Lucas Montenegro at dali-daling humingi ulit ng paumanhin. “Mrs. Montenegro, pasensya na po talaga. Sana po ay kaawaan ninyo ako.” namumutla ang mukha niyang pakiusap rito.Tinapunan naman siya nito ng tingin
NANG DUMATING SI LUCAS AY kasama na nito sina Annie at Via. agad nitong kinuha mula sa kaniya si Andrea. Hindi nagtagal ay nagpaalam na rin sina Tristan at Via. “ang cute-cute talaga ni Andrea. Aalis na si Tito ha?” sabi niya at pagkatapos ay hinalikan ito sa pisngi.Tumingin naman si Lucas sa kaniya. “Kanino pa sana magmama, syempre sa akin.” sabi nito sa kaniya at napailing na lamang siya.Ilang sandali pa nga ay lumabas na sila ni Olivia. Dahil nga wala siyang driver kanina ay siya na naman ang magmamaneho. Agad naman na naglakad si Olivia upang buksan ang pinto ng likod ng kotse nang marinig niya ang tinig ni Tristan. “Bakit ka diyan uupo? Maupo ka sa tabi ko.” sabi nito kaagad sa kaniya.“Mas komportable ako sa likod umupo.” tamad naman na sagot ni Olivia rito at ni hindi man lang ito tinatapunan ng tingin.Hindi naman gumalaw si Tristan at nakatitig lang sa kaniya. “Sige, kung yan ang gusto mo ay manatili na lamang tayo rito hanggang sa magbago ang gusto mo. gusto ko lang naman n
PAGKATAPOS NIYANG MANGUYA ANG hipon sa kanyang bibig ay napalingon siya kay Tristan. “Hindi mo na kailangan pang gawin ito.” sabi niya. “Pwede mo namang iutos sa iba tutal ay marami ka namang tauhan.”Patuloy pa rin ito sa pagbabalat at nang marinig nito ang kanyang sinabi ay tumigil ito bigla at nag-angat ng ulo upang tumingin sa kaniya. “Olivia, hindi mo ba talaga ma-gets kung bakit ko ito ginagawa o nagkukunwari ka lang na hindi mo alam?” balik nitong tanong sa kaniya. “Gusto ko na ako mismo ang magbalat ng hipon na kakainin mo.” dagdag pa nito.Hindi siya nagbaba ng tingin o ni nag-iwas man lang. “Pero para sa akin, parehas lang naman yan na hipon pa rin kaya kahit sino ang pa ang magbalat ay wala pa rin sa aking problema.” sabi niya rito.Agad naman na nanlamig ang mukha ni Tristan dahil sa sinabi ni Olivia. Nag-eeffort siya na balatan ito ng hipon dahil mahal niya ito pero hindi pa rin nito iyon a-appreciate. Mabilis niyang binitawan ang hipon na hawak niya at pumulot ng tissu
BUONG AKALA NI OLIVIA AY magagalit si TRistan sa kaniya dahil sa sinabi niya. Ngunit hindi niya inaasahan ay humiwalay lang ito sandali sa kaniya at iniikot siya nito upang magkaharap silang dalawa. “Sayo ko gusto at kapag sinabi ko na karapat dapat ka na maging ina ng magiging anak ko ay karapat dapat ka. Wala kang karapatang tumanggi.” sabi nito sa kaniya.Napatitig siya sa mukha nito ng mga oras na iyon ay dahil doon ay biglang lumambot ang kanyang mga titig rito. Bigla siyang napatitig sa mukha nito at sa ilalim ng mapanglaw na liwanag ay nakapa-gwapo nito. Ngunit hindi na siya dapat pang magpadala sa kanyang mga mata. Nag-iwas siya ng tingin.“Hindi ako interesado na magkaanak. Isa pa ay inaalagaan ko ang katawan ko.” sagot niya rito.“Ganun ba?” sabi nito at tumitig sa kaniya na puno ng galit at nagtatagis ang mga bagang. “Sinabi ko na sayo na wala kang karapatang tumanggi hindi ba?” Ilang sandali pa ay bigla na lamang nitong pinunit ang suot niyang damit. “Ano ba! Bitawan mo
NANG LUMABAS SI TRISTAN MULA sa silid ni Olivia ay agad siyang pumasok sa kanyang silid upang magbihis. Bago lumabas ay dinampot niya ang kanyang cellphone pagkatapos ay bumaba siya sa unang palapag ng bahay. Umupo na muna siya sa sofa at agad na idinial ang number ni Lucas. Hindi naman nagtagal ay sinagot na nito iyon. “Libre ka ba? Labas tayo, mag-relax.” sabi niya kaagad rito.Agad naman na napaisip si Lucas. Tulog na ang kanyang mga anak ng mga oras na iyon at si Annie naman ay naliligo pa lang. Nang makita niyang lumabas ito mula sa banyo ay ibinaba na muna niya ang tawag. Lumapit siya kay Annie nang pumunta ito sa harap ng salamin. Agad niyang dinampot ang hir dryer at isinaksak upang tuyuin ang buhok nito. “Ako na ang magtutuyo ng buhok mo.” presinta niya rito.Agad naman na napakunot ang noo ni Annie at tumingin sa kaniya mula sa salimin. “Marunong ka ba?”Nilingon niya naman si Annie. “Palagi kitang nakikita na nagtutuyo ng buhok at mukha namang hindi mahirap gawin. Isa pa, w
MAKALIPAS ANG KALAHATING oras ay nakarating na sila sa bahay ni Tristan. Pagkahinto na pagkahinto ng kotse ay agad na binuksan ni Tristan ang pinto at agad na lumabas. Nang makita naman ng driver na nagmamadali itong bumaba ay nagmadali din siyang bumaba upang sundan ito. Agad niyang inalalayan ito. “Sir, dahan-dahan lang po kayo at baka matumba kayo.” sabi nito ngunit itinulak lamang ito ni Tristan palayo.“Bitawan mo ako! Hindi ako lasing!” galit na sigaw nito sa driver na concern lang naman sa kaniya. Dahil sa sinabi nito ay masunurin naman na binitawan siya ng driver sa takot. Ngunit dahil nga nakainom ito ay pasuray-suray ito sa paglalakad. Dahil sa takot niya na baka kung mapano ito ay agad niyang pinanlakihan ng kanyang mga mata ang tauhan nitong nakatayo sa tabi niya ng mga oras na iyon.“Ano pang hinihintay niyo? Baka matumba si sir Tristan, alalayan niyo!” sabi niya sa mga ito. “Kapag may nangyari sa kaniya ay mananagot kayo.” dagdag pa niyang banta sa mga ito.Dahil nga ala
PAGLABAS NA PAGLABAS NI TRISTAN SA CONFERENCE room ay nagpahatid siya kay Kent sa bahay niya at nagkulong sa kanyang silid. Hindi siya kumain buong araw at kahit na ilang katok pa ang gawin sa kanyang pint ay hindi siya sumasagot.Ilang beses naman nang kumatok sa pinto si Kent ngunit ni isang simpleng sagot ay wala siyang narinig mula sa loob. Sa huli ay wala na siyang nagawa pa kundi ang tawagan si Olivia dahil alam niya na ito lang ang makakapagpakalma kay Tristan.Bumaba muna siya sa sala at doon niya ito tinawagan. Kaagad naman nitong sinagot ang tawag niya. “Pasensya na Miss Olivia kung nakaistorbo ako sayo.” sabi niya kaagad.“Kent? May problema ba?” kaagad naman na tanong ni Olivia rito.Nilingon ni Kent ang pangalawang palapag bago nagsalita. “Miss Olivia, hindi ka ba busy ngayon? Pwede niyo bang tawagan si sir para aliwin siya?” sabi niya rito.Agad naman na napakunot ang noo ni Olivia nang marinig niya ang sinabi nito. “Para aliwin siya? Bakit? Anong problema?” sunod-sunod
KINABUKASAN, NAKASAKAY NA SI TRISTAN sa kanyang sasakyan at handa nang umalis nang lingunin siya ni Kent. “sir, ang kotse ni madam.” sabi nito sa kaniya.“Hayaan mo siya. Umalis na tayo.” malamig na utos ni Tristan dito. Ang kanyang mga mata ay malamig na para bang isang normal lang na tao ito at ni hindi man lang nito kaano-ano. Dahil sa utos nito ay pinaandar na ang sasakyan ngunit bago pa man sila makaalis ay bigla na lang bumaba mula sa kotse ito at kumatok sa binta. “Tristan, may sasabihin ako sayo. Kailangan nating mag-usap.” sabi nito ngunit hindi ito pinansin ni Tristan at binalingan niya si Kent.“Paandarin mo na ang sasakyan.” sabi niya rito nang hindi man lang tinatapunan ng tingin ang kanyang ina.“Pero sir, paano po si—” puno ng pag-aalinlangan niyang tiningnan ito mula sa rearview mirror ng sasakyan ngunit bago pa man niya matapos ang kanyang sinasabi ay agad na itong nagsalita sa galit na paraan.“Kailangan ko pa bang ulit-ulitin? Umalis na tayo.” inis na sabi nito ka
BUKOD PA DOON AY KAILANGAN niyang aminin sa sarili niya na nag-aatubili ang puso niya na paalisin ito dahil halso kalahating oras pa lang itong dumating. Ilang sandali pa ay ngumiti ito sa kaniya. “Nag-aalala ka ba para sa akin?” tanong nito sa kaniya.Sa pagkakataong iyon ay hindi na niya itinago pa iyon dito at bukas palad na niyang inamin sa harap nito. “Masyadong delikado lalo pa at napakasama ng panahon. Ayoko na may mangyaring masama sayo.” sabi niya at habang nagsasalita siya ay napakababa ng kanyang boses at may kahinaan ito. Ang matinding pag-aalala ay bakas din sa kanyang mga mata.“Pasensya ka na Olivia.” sabi nito at hinawakan nito ang pisngi niya. “Sa susunod na punta ko ay magtatagal talaga ako pangako ko sayo. Isa pa ay kailangan ko talagang umalis dahil marami pa akong dapat gawin.” sabi nito sa kaniya na ang mga mata ay puno ng paghingi ng pang-unawa.Alam niya na walang silbi ang pakiusap na panatilihin ito kaya wala na lang siyang nagawa kundi ang tumango na lang di
SA LABAS NG PINTO AY NAPAKAPILIT NI Aiden. Hindi pa rin ito umalis doon at patuloy na nagtanong. “Ate Olivia, okay ka lang ba talaga?” tanong nito sa kaniya. “Bakit parang kakaiba ang boses mo? May lagnat ka ba?” tanong pa nito ulit.Mas lalo pa namang nagalit si Tristan nang marinig niya ang tinig nito. Talaga hindi pa rin ito sumusuko. Dahil doon ay ibinaba niya ang kanyang ulo at hinalikan ang balikat ni Olivia dahilan para mapapikit ito ng mariin at dahil sa inis niya ay bahagya niyang ibinuka ang kanyang bibig at kinagat ito.Nang maramdaman naman ni Olivia dahil sa kirot ng ginawa ni Tristan na pagkagat sa kaniya ay bigla na lang niyang itinaas ang kanyang paa na tumama sa may singit nito. Agad na napadaing ito at napasimangot na napatingin sa kaniya. Sa isip-isip ni TRistan ay napakawalang puso talaga ng babaeng kaharap niya. Samantala, nang mga oras an iyon ay napaka-bilis ng tibok ng puso ni Olivia dahil sa sobrang kaba. “Natutuwa ka ba ha?” malamig na bulong sa kaniya ni
NANG MATAPOS ANG EKSENA AY AGAD na lumapit sa kaniya si Aiden na may dalang isang jacket. “Isuot mo, dahil baka sipunin ka napakalamig pa naman ngayon.” sabi nito sa kaniya.“Bakit k naman isusuot yan?” tanong niya rito.“Kung ayaw mong isuot, itapon mo na lang.” sabi nito at pilit na inabot nito iyon sa kaniya at pagkatapos ay tinalikuran na siya nito ng tuluyan. Napabuntung-hininga na lang siya at dahil nga malamig naman talaga ay wala na din siyang nagawa kundi ang sinuot na nga lang ito ngunit pagtalikod niya ay bigla na lang niyang naramdaman na para bang may mga matang nakatitig sa kaniya ng napakatalim kaya dali-dali niyang iniikot ang kanyang mga mata sa paligid ngunit wala naman siyang nakita. Nagkibit balikat na lang siya, marahil ay masyado lang siyang nag-iisip ng kung ano-ano.Habang nakabalot sa kanyang ang jacket ay naglakad na siya patungo sa apartment na malapit lang din naman doon at may patakbo ba. Hindi nagtagal ay nakarating na siya doon at itinulak niya ang pinto
ILANG MINUTO PA AY BIGLA NA LANG TUMUNOG ang doorbell. Naiisip ni Olivia na baka may nakalimutan si Ate Mia at bumalik ito para kunin ito kaya hindi na siya masyadong nag-isip pa ay dumiretso na lang siya sa may pinto.Gayunpaman, nang makita niya si Aiden na nakasandal sa frame ng pinto na may kalmadong mukha at nakangiting labi, biglang napataaas ang kilay niya nang makita niya ito. “Bakit ka nandito?” kaagad niyang tanong dito.“Naaalala mo ba na may utang ka pa sa akin?” balik din naman nitong tanong sa kaniya na nakataas din ang kilay nito.“Ano naman yun?” agad niyang tanong dito.Tumaas ang sulok ng labi nito at mas ngumiti pa. “Nakalimutan mo na nang iniligtas kita noong gabing iyon?” tanong nito sa kaniya.Seryoso naman siyang tiningnan ni Olivia at dire-diretsong nagsalita. “Aiden, hindi ba at taimtim na akong nagpasalamat sayo? Diba sinabi ko na sayo na salamat dahil sa pagtulong mo sa akin?” sabi niya ngunit pagkatapos lang niyang sinabi iyon ay bigla na lang siyang hinila
HINDI NA NAKAPAGSALITA PA SI OLIVIA dahil kinaladkad na nga siya ni Aiden. “Hoy Aiden ano ba. Dahan-dahan lang naman alam mo namang nakatakong ako. Mamaya ay matapilok pa ako.” sabi niya rito. “At isa pa ay saan mo ba ako dadalhin?” tanong niya rito.Hindi nagtagal ay napahinto naman ito at pagkatapos ay nilingon nga ang mga paa niya. Walang sabi-sabi ay bigla na lang siya nitong binuhay at pagkatapos ay nagtatakbo. Nanlaki kaagad ang kanyang mga mata dahil sa gulat. “Aiden ano bang ginagawa mo? Ibaba mo ako!” sabi niya rito. “Set ito ano ka ba, panigurado na pinagtitinginan na nila tayo!” sabi niya rito.Wala namang pakialam si Aiden sa sinabi niya sa halip ay ngumiti pa ito sa kaniya. “Ano naman? Bakit natatakot ka ba? E magkapareha naman ang role natin ah, isa pa ay tiyak na iisipin lang nila na nagre-rehearse lang tayo.” sagot nito.“Kahit na! Ibaba mo na ako!” pagpupumilit niya ngunit hindi siya nito binitawan. Nagulat na lang siya nang bigla na lang siya nitong ipasok sa isang k
KINABUKASAN AY MAAGA ULIT silang bumangong dalawa ni Mia dahil maaga ang kanilang shoot. Pagdating nila sa set ay maririnig sa mga crew ang pangalang Aiden. Siya ba ang pangalawang bidang lalaki? Si Aiden Mallari? Hindi niya inaasahan na ito ang magiging second male lead sa totoo lang. Sa kasalukuyan nitong kasikatan ay tiyak na tama lang para dito ang maging bida at hindi niya akalain na papayag ito na maging pangalawang bida lang sa pelikulang iyon. “Talaga bang nandito siya para gumanap na pangalawang male lead?” hindi pa rin makapaniwalang tanong ni Olivia.Agad naman na tumango si Mia dahil mas nauna siyang dumating doon kaysa kay Olivia kaya kanina pa lang pagdating niya ay nabalitaan na niyang si Aiden nga ang pangalawang bidang lalaki.Hindi naman niyang inaasahan iyon at sa dami ng taong pwedeng maging pangalawang bida ay ito pa talaga. Ilang sandali pa ay nilingon siya ni Mia at bahagyang tinukso. “Olivia, ano ang nararamdaman mo ngayon na ang makakapareha mo ay isang napak
HINDI NIYA LUBOS INAASAHAN NA napakarami nitong gagawin para sa kaniya ng tahimik. Ilang sandali pa ay agad niya itong tinawagan pagkalipas ng ilang segundo. “Hindi ganun kadaling mangolekta ng impormasyong katulad nun ah. Paano mo nagawa iyon?” tanong niya kaagad dito.Sasabihin pa lang sana ni Tristan na ako pa ba, pero bigla na lang may pumasok sa isip niya kaya binago niya ang sinabi niya. “E ginawa ko ang lahat para makalap ang lahat ng iyon.” sabi niya rito. “Napakarami mo ng utang sa akin ngayon. Paano ka makakapagpasalamat sa akin?” tanong niya rito.Sandali namang nag-isip si Olivia pagkatapos ay sumagot. “Pwede bang ipagluto na lang kita pagbalik ko?” tanong niya rito.“Sige.” sagot nito at pagkatapos ay tuluyan nang nagpaalam. Tinawagan niya lang ito sandali at wala siyang balak na magtagal sa pakikipag-usap dito dahil kailangang-kailangan niyang bumalik sa set.Ilang sandali pa nga ay tuluyan na siyang bumalik at agad niyang naramdaman na para bang napakasama ng kapaligira