BUONG AKALA NI OLIVIA AY magagalit si TRistan sa kaniya dahil sa sinabi niya. Ngunit hindi niya inaasahan ay humiwalay lang ito sandali sa kaniya at iniikot siya nito upang magkaharap silang dalawa. “Sayo ko gusto at kapag sinabi ko na karapat dapat ka na maging ina ng magiging anak ko ay karapat dapat ka. Wala kang karapatang tumanggi.” sabi nito sa kaniya.Napatitig siya sa mukha nito ng mga oras na iyon ay dahil doon ay biglang lumambot ang kanyang mga titig rito. Bigla siyang napatitig sa mukha nito at sa ilalim ng mapanglaw na liwanag ay nakapa-gwapo nito. Ngunit hindi na siya dapat pang magpadala sa kanyang mga mata. Nag-iwas siya ng tingin.“Hindi ako interesado na magkaanak. Isa pa ay inaalagaan ko ang katawan ko.” sagot niya rito.“Ganun ba?” sabi nito at tumitig sa kaniya na puno ng galit at nagtatagis ang mga bagang. “Sinabi ko na sayo na wala kang karapatang tumanggi hindi ba?” Ilang sandali pa ay bigla na lamang nitong pinunit ang suot niyang damit. “Ano ba! Bitawan mo
NANG LUMABAS SI TRISTAN MULA sa silid ni Olivia ay agad siyang pumasok sa kanyang silid upang magbihis. Bago lumabas ay dinampot niya ang kanyang cellphone pagkatapos ay bumaba siya sa unang palapag ng bahay. Umupo na muna siya sa sofa at agad na idinial ang number ni Lucas. Hindi naman nagtagal ay sinagot na nito iyon. “Libre ka ba? Labas tayo, mag-relax.” sabi niya kaagad rito.Agad naman na napaisip si Lucas. Tulog na ang kanyang mga anak ng mga oras na iyon at si Annie naman ay naliligo pa lang. Nang makita niyang lumabas ito mula sa banyo ay ibinaba na muna niya ang tawag. Lumapit siya kay Annie nang pumunta ito sa harap ng salamin. Agad niyang dinampot ang hir dryer at isinaksak upang tuyuin ang buhok nito. “Ako na ang magtutuyo ng buhok mo.” presinta niya rito.Agad naman na napakunot ang noo ni Annie at tumingin sa kaniya mula sa salimin. “Marunong ka ba?”Nilingon niya naman si Annie. “Palagi kitang nakikita na nagtutuyo ng buhok at mukha namang hindi mahirap gawin. Isa pa, w
MAKALIPAS ANG KALAHATING oras ay nakarating na sila sa bahay ni Tristan. Pagkahinto na pagkahinto ng kotse ay agad na binuksan ni Tristan ang pinto at agad na lumabas. Nang makita naman ng driver na nagmamadali itong bumaba ay nagmadali din siyang bumaba upang sundan ito. Agad niyang inalalayan ito. “Sir, dahan-dahan lang po kayo at baka matumba kayo.” sabi nito ngunit itinulak lamang ito ni Tristan palayo.“Bitawan mo ako! Hindi ako lasing!” galit na sigaw nito sa driver na concern lang naman sa kaniya. Dahil sa sinabi nito ay masunurin naman na binitawan siya ng driver sa takot. Ngunit dahil nga nakainom ito ay pasuray-suray ito sa paglalakad. Dahil sa takot niya na baka kung mapano ito ay agad niyang pinanlakihan ng kanyang mga mata ang tauhan nitong nakatayo sa tabi niya ng mga oras na iyon.“Ano pang hinihintay niyo? Baka matumba si sir Tristan, alalayan niyo!” sabi niya sa mga ito. “Kapag may nangyari sa kaniya ay mananagot kayo.” dagdag pa niyang banta sa mga ito.Dahil nga ala
PAGKATAPOS NG GINAWANG PAGSIPA ni Tristan sa pinto, ay nanatiling nakahiga si Olivia sa kama at nakapikit ngunit hindi niya magawang matulog. Lalo na at para bang may naririnig siyang mga kalansing na nagmumula sa unang palapag ng bahay. Hindi nagtagal ay bigla na lamang may kumatok sa pinto at sa pagkakataong iyon ay banayad na ang pagkatok. “Miss Olivia, pwede niyo po bang buksan ang pinto?” tinig iyon ng isa sa mga tauhan ni TRistan.“Sabihin mo na lang kung ano ang gusto mong sabihin.” mahinang sabi niya rito ngunit nasisiguro niyang narinig naman nito iyon.“Si sir Tristan po kasi Miss Olivia, alam niyo naman po na siya ay lasing ngayon at nang bumaba siya pagkagaling niya rito ay bigla na lamang siyang nagwala sa baba at nagbasag ng mga bagay-bagay. Lahat kami ay nag-alala sa kaniya lalo na at nasugatan siya pero ni isa sa amin ay walang nangahas na lapitan siya para hikayatin na gamutin ang mga sugat niya dahil sa takot.” tumigil ito ngunit pagkaraan lang ng ilang segundo ay mu
NAKAHIGA NA SI TRISTAN sa kama ngunit hanggang sa mga oras na iyon ay hindi niya pa ulit nakikita si Olivia. “Nasaan siya?” tanong niya sa mga tauhan niyang naroon. Hindi sumagot ang mga ito. Ilang sandali pa ay binalingan niya ang isa. “Puntahan mo siya at papuntahin mo rito.”Ngunit hindi pa rin ito gumalaw kaya bigla na lamang niyang inalis ang kumot na nakatakip sa kaniya at naghanda na upang bumaba sa kama ngunit mabilis siyang pinigilan ng mga ito. Dahil doon ay nagkagulo sila sa loob ng silid. Hindi din siya nagpaawat dahil gusto nga niyang makita ito.Eksakto namang pumasok si Olivia at iyon ang nakita niya kaagad. Bigla siyang sumigaw ng malakas. “Ano ba yan Tristan? Tumigil ka nga! Daig mo pa ang batang limang taong gulang.” may bahid na ng inis ang kanyang tinig. “Anong oras na, tapos nagkakagulo pa ang mga tao dahil sayo sa halip na nagpapahinga na sana sila.” sabi niya rito at nang matapos lang siyang magsalita ay nabalot ng katahimikan ang buong silid.Agad naman na iniu
NALULUNGKOT ITO? Isa pa, siya lang ba ang nalulungkot? Kung alam lang sana nito na siya ay mas labis na nalulungkot. Kung tutuusin ay wala pa sa kalahati ang nararamdaman nito sa nararamdaman niya. Dahil dito ay bigla niyang kinagat din ang leeg nito kung saan ay agad itong napasinghap dahil sa sakit. “Aray! Ang sakit! Bakit mo ginawa yun?!” may bahid ng galit ang tinig nito.Agad naman siyang napataas ng kilay at napatitig sa mga mata nito. “Hindi ba at mas masakit pa ang ginawa mo sa akin? Alam mo pa lang masaktan e.” sabi niya at pagkatapos ay ngumiti.Bumuntung-hininga na lamang si Tristan. Pareho silang naging tahimik at napatitig siya sa mukha nito. Aaminin niya na sadyang gwapo talaga ito. Napaka-prepekto ng mukha nito, ilong, mata at panga nito. Sa industriya, sanay siyang makakita ng gwapong lalaki na may mapuputing mga balat at may nga matchong katawan. Ngunit ang mukha ni Tristan ay iba na kahit natutulog ito ay gwapo pa rin na para bang maingat na nililok ng isang iskulpt
SAMANTALA, NANG MABASA NAMAN NG MGA empleyado ni Lucas ang kanyang ipinadalang mensahe ay bigla na lamang nag-ingayan ang mga ito sa mismong gc. “Posibleng nagkamali lang si sir ng pag-send at sa halip na sa asawa niya ito i-send ay sa GC niya nga naisend.”Nagkaraoon ng ingay sa kanilang GC. “Grabe, apat na ang anak nila pero sobrang sweet pa rin nila sa isat-isa.” sabi ng isa na may ibat-ibang emoji.“Nakakainggit naman si Miss Annie!”“Mula ngayon, hindi ko na lang idol si sir pagdating sa kanyang pagiging magaling na boss kundi idol ko na rin siya sa pagiging mabuting asawa.” reply naman ng isa.Napailing na lamang si Lucas nang mabasa niya ang mga usapan ng kanyang mga empleyado sa GC at mabilis na nag-type. “Mali ako ng send, sa asawa ko dapat ito isesend.” sabi niya at isinend iyon. Ngunit bigla na lamang siyang may naisip kaya muli siyang nag-type. “Makinig kayong lahat, kahit na sino sa inyo, kapag tumagal ang pagsasama niyo ng mga asawa niyo at nanatiling kasal at nagmamaha
“PASENSYA NA. Mukhang napa-sobra ang sinabi ko dahil paano nga ba naman ang isang katulad ni Mr. Fuentes ay umibig sa isang kagaya ko na wala pa namang napapatunayan sa industriya.” sabi niya rito. Napuno ng lungkot ang kanyang mga mata at tumingin siya rito. “Tristan, nakikiusap ako sayo hayaan mo na akong umalis…” sabi niya sa nagsusumamong tinig.“Nakikita mo, hindi ako marunong sumunod sayo. Wala akong ibang gagawin kundi ang makipag-away lang sayo at isa pa, isa ako sa nagpapagalit sayo kung pananatilihin mo ako sa tabi mo, tiyaka na hindi ka magiging masaya.” dagdag niya pa. Nang mga oras na iyon ay nag-iinit na ang sulok ng kanyang mga mata. “Palayain mo na ako…” ulit niya. “Isa pa, mainam na magkanya-kanya na lang tayo ng buhay, aabutin ko ang pangarap ko at ikaw, buuin mo ang pamilya na gusto ng magulang mo at ipinapangako ko sayo na hinding-hindi kita guguluhin kahit na anong mangyari.”Nang matapos niyang sabihin ang mga salitang iyon ay biglang sumakit ang puso niya. Tu
PAGLABAS NA PAGLABAS NI TRISTAN SA CONFERENCE room ay nagpahatid siya kay Kent sa bahay niya at nagkulong sa kanyang silid. Hindi siya kumain buong araw at kahit na ilang katok pa ang gawin sa kanyang pint ay hindi siya sumasagot.Ilang beses naman nang kumatok sa pinto si Kent ngunit ni isang simpleng sagot ay wala siyang narinig mula sa loob. Sa huli ay wala na siyang nagawa pa kundi ang tawagan si Olivia dahil alam niya na ito lang ang makakapagpakalma kay Tristan.Bumaba muna siya sa sala at doon niya ito tinawagan. Kaagad naman nitong sinagot ang tawag niya. “Pasensya na Miss Olivia kung nakaistorbo ako sayo.” sabi niya kaagad.“Kent? May problema ba?” kaagad naman na tanong ni Olivia rito.Nilingon ni Kent ang pangalawang palapag bago nagsalita. “Miss Olivia, hindi ka ba busy ngayon? Pwede niyo bang tawagan si sir para aliwin siya?” sabi niya rito.Agad naman na napakunot ang noo ni Olivia nang marinig niya ang sinabi nito. “Para aliwin siya? Bakit? Anong problema?” sunod-sunod
KINABUKASAN, NAKASAKAY NA SI TRISTAN sa kanyang sasakyan at handa nang umalis nang lingunin siya ni Kent. “sir, ang kotse ni madam.” sabi nito sa kaniya.“Hayaan mo siya. Umalis na tayo.” malamig na utos ni Tristan dito. Ang kanyang mga mata ay malamig na para bang isang normal lang na tao ito at ni hindi man lang nito kaano-ano. Dahil sa utos nito ay pinaandar na ang sasakyan ngunit bago pa man sila makaalis ay bigla na lang bumaba mula sa kotse ito at kumatok sa binta. “Tristan, may sasabihin ako sayo. Kailangan nating mag-usap.” sabi nito ngunit hindi ito pinansin ni Tristan at binalingan niya si Kent.“Paandarin mo na ang sasakyan.” sabi niya rito nang hindi man lang tinatapunan ng tingin ang kanyang ina.“Pero sir, paano po si—” puno ng pag-aalinlangan niyang tiningnan ito mula sa rearview mirror ng sasakyan ngunit bago pa man niya matapos ang kanyang sinasabi ay agad na itong nagsalita sa galit na paraan.“Kailangan ko pa bang ulit-ulitin? Umalis na tayo.” inis na sabi nito ka
BUKOD PA DOON AY KAILANGAN niyang aminin sa sarili niya na nag-aatubili ang puso niya na paalisin ito dahil halso kalahating oras pa lang itong dumating. Ilang sandali pa ay ngumiti ito sa kaniya. “Nag-aalala ka ba para sa akin?” tanong nito sa kaniya.Sa pagkakataong iyon ay hindi na niya itinago pa iyon dito at bukas palad na niyang inamin sa harap nito. “Masyadong delikado lalo pa at napakasama ng panahon. Ayoko na may mangyaring masama sayo.” sabi niya at habang nagsasalita siya ay napakababa ng kanyang boses at may kahinaan ito. Ang matinding pag-aalala ay bakas din sa kanyang mga mata.“Pasensya ka na Olivia.” sabi nito at hinawakan nito ang pisngi niya. “Sa susunod na punta ko ay magtatagal talaga ako pangako ko sayo. Isa pa ay kailangan ko talagang umalis dahil marami pa akong dapat gawin.” sabi nito sa kaniya na ang mga mata ay puno ng paghingi ng pang-unawa.Alam niya na walang silbi ang pakiusap na panatilihin ito kaya wala na lang siyang nagawa kundi ang tumango na lang di
SA LABAS NG PINTO AY NAPAKAPILIT NI Aiden. Hindi pa rin ito umalis doon at patuloy na nagtanong. “Ate Olivia, okay ka lang ba talaga?” tanong nito sa kaniya. “Bakit parang kakaiba ang boses mo? May lagnat ka ba?” tanong pa nito ulit.Mas lalo pa namang nagalit si Tristan nang marinig niya ang tinig nito. Talaga hindi pa rin ito sumusuko. Dahil doon ay ibinaba niya ang kanyang ulo at hinalikan ang balikat ni Olivia dahilan para mapapikit ito ng mariin at dahil sa inis niya ay bahagya niyang ibinuka ang kanyang bibig at kinagat ito.Nang maramdaman naman ni Olivia dahil sa kirot ng ginawa ni Tristan na pagkagat sa kaniya ay bigla na lang niyang itinaas ang kanyang paa na tumama sa may singit nito. Agad na napadaing ito at napasimangot na napatingin sa kaniya. Sa isip-isip ni TRistan ay napakawalang puso talaga ng babaeng kaharap niya. Samantala, nang mga oras an iyon ay napaka-bilis ng tibok ng puso ni Olivia dahil sa sobrang kaba. “Natutuwa ka ba ha?” malamig na bulong sa kaniya ni
NANG MATAPOS ANG EKSENA AY AGAD na lumapit sa kaniya si Aiden na may dalang isang jacket. “Isuot mo, dahil baka sipunin ka napakalamig pa naman ngayon.” sabi nito sa kaniya.“Bakit k naman isusuot yan?” tanong niya rito.“Kung ayaw mong isuot, itapon mo na lang.” sabi nito at pilit na inabot nito iyon sa kaniya at pagkatapos ay tinalikuran na siya nito ng tuluyan. Napabuntung-hininga na lang siya at dahil nga malamig naman talaga ay wala na din siyang nagawa kundi ang sinuot na nga lang ito ngunit pagtalikod niya ay bigla na lang niyang naramdaman na para bang may mga matang nakatitig sa kaniya ng napakatalim kaya dali-dali niyang iniikot ang kanyang mga mata sa paligid ngunit wala naman siyang nakita. Nagkibit balikat na lang siya, marahil ay masyado lang siyang nag-iisip ng kung ano-ano.Habang nakabalot sa kanyang ang jacket ay naglakad na siya patungo sa apartment na malapit lang din naman doon at may patakbo ba. Hindi nagtagal ay nakarating na siya doon at itinulak niya ang pinto
ILANG MINUTO PA AY BIGLA NA LANG TUMUNOG ang doorbell. Naiisip ni Olivia na baka may nakalimutan si Ate Mia at bumalik ito para kunin ito kaya hindi na siya masyadong nag-isip pa ay dumiretso na lang siya sa may pinto.Gayunpaman, nang makita niya si Aiden na nakasandal sa frame ng pinto na may kalmadong mukha at nakangiting labi, biglang napataaas ang kilay niya nang makita niya ito. “Bakit ka nandito?” kaagad niyang tanong dito.“Naaalala mo ba na may utang ka pa sa akin?” balik din naman nitong tanong sa kaniya na nakataas din ang kilay nito.“Ano naman yun?” agad niyang tanong dito.Tumaas ang sulok ng labi nito at mas ngumiti pa. “Nakalimutan mo na nang iniligtas kita noong gabing iyon?” tanong nito sa kaniya.Seryoso naman siyang tiningnan ni Olivia at dire-diretsong nagsalita. “Aiden, hindi ba at taimtim na akong nagpasalamat sayo? Diba sinabi ko na sayo na salamat dahil sa pagtulong mo sa akin?” sabi niya ngunit pagkatapos lang niyang sinabi iyon ay bigla na lang siyang hinila
HINDI NA NAKAPAGSALITA PA SI OLIVIA dahil kinaladkad na nga siya ni Aiden. “Hoy Aiden ano ba. Dahan-dahan lang naman alam mo namang nakatakong ako. Mamaya ay matapilok pa ako.” sabi niya rito. “At isa pa ay saan mo ba ako dadalhin?” tanong niya rito.Hindi nagtagal ay napahinto naman ito at pagkatapos ay nilingon nga ang mga paa niya. Walang sabi-sabi ay bigla na lang siya nitong binuhay at pagkatapos ay nagtatakbo. Nanlaki kaagad ang kanyang mga mata dahil sa gulat. “Aiden ano bang ginagawa mo? Ibaba mo ako!” sabi niya rito. “Set ito ano ka ba, panigurado na pinagtitinginan na nila tayo!” sabi niya rito.Wala namang pakialam si Aiden sa sinabi niya sa halip ay ngumiti pa ito sa kaniya. “Ano naman? Bakit natatakot ka ba? E magkapareha naman ang role natin ah, isa pa ay tiyak na iisipin lang nila na nagre-rehearse lang tayo.” sagot nito.“Kahit na! Ibaba mo na ako!” pagpupumilit niya ngunit hindi siya nito binitawan. Nagulat na lang siya nang bigla na lang siya nitong ipasok sa isang k
KINABUKASAN AY MAAGA ULIT silang bumangong dalawa ni Mia dahil maaga ang kanilang shoot. Pagdating nila sa set ay maririnig sa mga crew ang pangalang Aiden. Siya ba ang pangalawang bidang lalaki? Si Aiden Mallari? Hindi niya inaasahan na ito ang magiging second male lead sa totoo lang. Sa kasalukuyan nitong kasikatan ay tiyak na tama lang para dito ang maging bida at hindi niya akalain na papayag ito na maging pangalawang bida lang sa pelikulang iyon. “Talaga bang nandito siya para gumanap na pangalawang male lead?” hindi pa rin makapaniwalang tanong ni Olivia.Agad naman na tumango si Mia dahil mas nauna siyang dumating doon kaysa kay Olivia kaya kanina pa lang pagdating niya ay nabalitaan na niyang si Aiden nga ang pangalawang bidang lalaki.Hindi naman niyang inaasahan iyon at sa dami ng taong pwedeng maging pangalawang bida ay ito pa talaga. Ilang sandali pa ay nilingon siya ni Mia at bahagyang tinukso. “Olivia, ano ang nararamdaman mo ngayon na ang makakapareha mo ay isang napak
HINDI NIYA LUBOS INAASAHAN NA napakarami nitong gagawin para sa kaniya ng tahimik. Ilang sandali pa ay agad niya itong tinawagan pagkalipas ng ilang segundo. “Hindi ganun kadaling mangolekta ng impormasyong katulad nun ah. Paano mo nagawa iyon?” tanong niya kaagad dito.Sasabihin pa lang sana ni Tristan na ako pa ba, pero bigla na lang may pumasok sa isip niya kaya binago niya ang sinabi niya. “E ginawa ko ang lahat para makalap ang lahat ng iyon.” sabi niya rito. “Napakarami mo ng utang sa akin ngayon. Paano ka makakapagpasalamat sa akin?” tanong niya rito.Sandali namang nag-isip si Olivia pagkatapos ay sumagot. “Pwede bang ipagluto na lang kita pagbalik ko?” tanong niya rito.“Sige.” sagot nito at pagkatapos ay tuluyan nang nagpaalam. Tinawagan niya lang ito sandali at wala siyang balak na magtagal sa pakikipag-usap dito dahil kailangang-kailangan niyang bumalik sa set.Ilang sandali pa nga ay tuluyan na siyang bumalik at agad niyang naramdaman na para bang napakasama ng kapaligira