Erika's POV
Naputol ang pagdaloy ng masakit na alaala sa aking isip nang maramdaman ko ang mainit na likido na bigla na lamang dumaloy sa aking mga mata. Mabilis ko itong pinahid at saka binalikan sa aking isip ang eksena kung saan ay sinabi ni Raven sa akin na buntis ako nang pagbalikan ako ng malay matapos kong mahimatay nang marinig ko ang ini-anunsiyo ni Charles. Hindi ako nakapagsalita sa ibinalita ng kaibigan ko. Para akong namatanda sa aking narinig. Ako? Buntis? Bakit ngayon pa siya dumating? "Sigurado ka ba na sinabi ng doktor na buntis ako? Baka nagkamali ka lang ng narinig mo, Raven?" namumuo ang mga luha na tanong sa kanya. Hindi naman sa ayaw kong magkaroon ng anak kay Charles ngunit sa sitwasyon ko ngayon ay parang hindi ko pa kayang tanggapin na magkakaroon ako ng anak sa lalaking labis na nanakit sa akin. Umiling si Raven kaya napapikit ako ng aking mga mata. Hinawakan niya ang isa kong kamay at marahang pinisil. "Kailangan mong tanggapin ito, Erika. Magpakatatag ka. Nandito lamang ako para sa'yo." Tuluyang nalaglag ang mga luha sa aking mga mata. Inalis ko ang kamay niya sa braso ko at pinilit kong tumayo para bumaba sa kama. "Hindi, Raven. Niloko ako ng ama niya kaya bakit ko siya tatanggapin? Ipapalaglag ko ang batang nasa sinapupunan ko?" Nabubulagan ako ng galit kay Charles kaya hindi ako makapag-isip ng tama. Maging ang walang kamalay-malay na bata na nasa loob ng tiyan ko ay nadadamay sa galit ko sa kanyang ama. Nang makababa ako sa kama ay nagmamadaling naglakad ako palapit sa pintuan. Nasa hospital ako kaya puwedeng dito ko na ipatanggal ang nasa sinapupunan ko na unti-unti palang nabubuo. Ngunit bago ako makarating sa pintuan ay nahabol na ako ni Raven at sinampal ng malakas para magising ako sa masamang binabalak kong gawin. "Walang kasalanan ang anak mo sa ginawa ng ama niya, Erika! Kasalanan sa Diyos ang nais mong mangyari." Umiiyak na niyakap niya ako. Alam ko na hindi niya gustong saktan ako ngunit ginawa ito para matauhan ako na siya namang nangyari. Yumakap na lamang ako sa kaibigan ko at umiyak ng umiyak. "Makakaya mong lampasan ang pagsubok na ito, Erika. Matatag ka at malakas." Hinayaan kong igiya ako ni Raven pabalik sa hospital bed. Tama naman siya. Dapat akong magpakatatag. At higit sa lahat, hindi ko dapat na idamay ang magiging anak ko sa galit ko kay Charles. Inosente siya. Hindi niya kasalanan na nabuo siya. At nabuo siya dahil sa pagmamahal. Lihim na lamang akong humingi ng sorry sa anak ko na nasa loob pa ng aking sinapupunan. Ipinangako ko rin sa aking sarili na hinding-hindi ko na uulitin ang pagtatangka na ipalaglag siya. Pagkatapos ng isang araw na pananatili ko sa loob ng hospital ay pinalabas na ako sa hospital. Ngunit pinayuhan ako ng doktor na huwag kong kalimutan ang mga vitamins na inireseta niya sa akin. At higit sa lahat ay pinayuhan niya ako na huwag mag-isip ng kung ano-ano para iwas stress dahil makakasama raw sa bata. Medyo maselan daw kasi ang pagbubuntis ko lalo pa at panganay ko itong anak. Mahirap man ay pinilit ko ang aking sarili na huwag isipin si Charles lalo na ang sakit na idinulot niya sa akin. Malaki ang pasasalamat ko na palaging nasa tabi ko si Raven at umaalalay sa akin. Ngunit hindi ko pala patuloy na maiiwasan ang hindi isipin si Charles. Naging laman kasi ng mga pahayagan, balita sa tevision, at halos lahat ng social media platform ang tungkol sa announcement ng nalalapit na pagpapakasal nina Charles at Jane. Imposible naman kasi na hindi ibalita ang tungkol sa dalawa dahil parehong sikat na ang kanilang mga personalidad. Sikat na actress si Jane at sikat din si Charles lalo na sa business world. Si Charles lang naman kasi ang pinakabatang bilyonaryo at CEO ng Evan Industry. "Bakit mo ba pinapanuod ang balitang iyan, Erika? Hindi mo dapat pinapanuod ng mga balitang alam mong makakasama lamang sa'yo." Nagmamadaling nilapitan ni Raven ang remote at pinatay ang pinapanuod kong balita tungkol sa naganap na engagement party sana namin ni Charles ngunit naging engagement party nina Charles at Jane. Naabutan kasi ako ng kaibigan ko na tumutulo ang mga luha habang nanunuod sa balita. "Manunuod sana ako ng palabas kasi nabo-bored ako pero paglipat ko sa ibang channel ay nakita ko ang balita tungkol sa kanila," paliwanag ko sa kaibigan ko habang tinutuyo ko ng mga daliri ko ang mga pisngi kong dinaanan ng luha. "Kaya hindi ka makakapag-move on dahil patuloy mong pinapanuod ang mga walang kuwentang balitang iyan. Alam mo naman na makakasama sa kalusugan mo ang ma-stress. Gusto mo ba talagang malaglag ang dinadala mong bata sa tiyan mo?" patuloy na panenermon sa akin ng kaibigan ko. Hindi ako nagagalit o nagtatampo sa kanya kapag senesermunan niya ako dahil ilang beses na rin niya akong nahuli na nanunuod ng balita o di kaya ay nagbabasa ng articles sa mga social media tungkol sa aking ex-boyfriend. "I'm sorry. Hindi ko lang talaga mapigilan ang aking sarili na tingnan at basahan ang mga balitang nakasulat tungkol sa kanila," umiiyak kong sagot. Hanggang ngayon ay sobrang sakit pa rin ng aking dibdib kapag naaalala ko ang gabing iyon. Ni hindi man lang ako pinuntahan ni Charles para magpaliwanag sa akin kung bakit nagawa niya akong lokohin. Para bang hindi ako nag-exist sa kanya. Niyakap ako ni Raven hanggang sa huminto na ako sa pag-iyak. "Ang mabuti pa para malibang ka ay pumunta tayo sa mall. Mag-shopping tayo." Hindi ako tumutol sa kanyang suggestion. Mas mabuti nga maglakad-lakad ako sa mall para naman maging exercise na rin ng katawan ko. Ilang araw na kasi akong walang exercise dahil parati lamang akong nakahiga sa kama ko. Pagdating namin sa mall ay nagtaka kami kung bakit maraming tao sa parking lot na puro taga media. Pero dahil hindi naman kami mahilig makiusyuso kung ano ang pinagkakaguluhan ng mga tao ay hindi na namin iyon masyadong pinansin. Nang maiparada ng kaibigan ko ang kotse ko ay sabay na kaming bumaba sa kotse. Pagbaba ko sa kotse ay napatda ako nang makita kong naglalakad palapit sa akin sina Charles at ang babaeng ipinalit niya sa akin. Kaagad na nag-ulap ang aking mga mata at napadiin ang kamay ko sa salamin ng kotse. Nauunang maglakad si Charles at nahuhuli naman si Jane na siyang naaabutan ng mga taga-media na nais makuhanan ng interview ang dalawa. Ngunit huminto aa paglalakad si Charles at hinintay ang babae pagkatapos ay pinagsalikop ang kanilang mga palad. Magkahawak ang mga kamay na naglakad sila palapit sa akin. Akala ko ay ako ang sadya nila ngunit hindi pala. Katabi pala ng kotse ko ang kotse ni Charles na hindi ko napansin kanina. Dinaanan lamang ako ni Charles na para bang hindi niya ako kilala samantalang ang kasama niyang babae ay tinapunan ako ng kakaibang ngiti na para bang kilala niya kung sino ako. Dahil nagmamadali ang mga taga-media na mahabol sina Charles at Jane ay hindi nila alintana kung may maitulak silang ibang tao. Iyon ang nangyari sa akin. Pagdaan ng mga taga-media ay naitulak nila ako kaya bigla akong napaupo. Hindi ako nakatayo dahil biglang sumakit ang balakang at puson ko. May babaeng lumapit sa akin at nag-abot ng kamay niya para tulungan akong makatayo. Inabot ko ang kamay ng babae nang hindi ko tinitingnan ang mukha niya. Pag-angat ng paningin ko sa mukha niya ay napakuyom ang isa kong kamao nang makita ko kung sino siya. Ang babaeng ipinalit sa akin ni Charles. Babawiin ko na sana ang kamay ko ngunit bigla niya akong hinila patayo. Lalong sumakit ang puson ko ngunit tiniis ko ang sakit at hindi ipinahalata sa babaeng kaharap ko. "Hindi ko na kailangan pang ipakilala sa'yo ang aking sarili dahil alam ko na kilala mo na ako," nakangiting kausap sa akin ng babae. Nang makita naman ng kaibigan ko kung sino ang kausap ko ay agad niya akong nilapitan. "Anong kailangan sa'yo ng babaeng iyan, Erika?" mariing tanong niya sa akin. Umiling lamang ako sa kaibigan ko at muling tiningnan ang babaeng artista. "Ano ang kailangan mo sa akin? Bakit mo ako tinulungan?" "Nothing. I just want to say thank you. Salamat dahil ipinaubaya mo sa akin si Charles. At sana ay huwag mo siyang habulin dahil never na siyang babalik pa sa'yo," nakakaloko ang ngisi na sabi niya sa akin bago tumalikod at naglakad papunta sa kotse kung saan naroon din si Charles. Tinted ang salamin kaya hindi ko alam kung nakatingin ba sa akin siya sa akin o hindi. "Ang kapal talaga ng mukha ng mang-aagaw na iyon! Sikat na artista nga pero mang-aagaw naman," nagpupuyos ang kalooban na wika ni Raven habang sinusundan ng tingin ang papalayong kotse na sinasakyan ng dalawa. Ang mga taga-media naman ay nasa sulok na ng parking lot at hinaharangan ng mga guwardiya. Hindi ko napigilan ang pagtulo ng aking mga luha. Muli kasing nanariwa ang sakit ng ginawa sa akin ni Charles sa gabi ng aming engagement party sana. Ngunit bigla akong natigilan at napahawak sa aking puson nang muli kong maramdaman ang pagsakit ng aking puson. Sa pagkakataong ito ay mas matindi na ang sakit. "Ang sakit ng puson ko, Raven," kandangiwing sabi ko sa kaibigan ko. "Ha? Bakit masakit ang puson mo?" nag-aalang tanong ng kaibigan ko nang makita niyang hindi na maipinta ang mukha ko dahil sa sakit na nararamdaman ko. Naramdaman ko ang tila likido na umaagos papunta sa aking hita kaya kinapa ng aking kamay kung ano iyon. Nanlaki ang aking mga mata nang makita ko ang pulang dugo sa aking kamay.Erika's Pov Napabuntong-hininga ako ng malalim matapos maputol sa pangalawang pagkakataon ang pagdaloy ng mga alaala sa aking isip. May sumungaw na fondness sa mga mata habang hinahaplos ko ang pisngi ng anak ko. Nagpapasalamat ako sa Diyos na hindi niya hinayaang mawala sa akin ang anak ko. Six years ago ay muntik na akong makunan matapos akong kausapin ni Jane. Agad akong isinugod ng kaibigan ko sa pinakamalapit na hospital dahil dinudugo na ako. At mabuti na lamang na naisugod agad ako sa hospital kaya naagapan ang pagkakalaglag ng anak ko sa aking sinapupunan. Pagkatapos ng insidenteng iyon ay nagdesisyon akong magtungo sa Canada upang magbagong buhay. Hindi kasi ako makakapag-move on kung hindi ako lalayo. Ayokong muling malagay sa panganib ang buhay ng anak ko kaya mas mabuting sa Canada na lamang ako tumira. Tinulungan ako ng pamilya ng ninong ko na naka-base na sa Canada. Sa bahay nila ako tumira at ang bunso nilang anak ang nag-alaga kay Rose habang nagtatrabaho ako.
Charles Pov Naiinip na ako habang kausap ko ang mga kakilala ko sa party na pinuntahan ko. Wala sana akong balak na um-attend sa party na ito ngunit ipinaalala sa akin ni Linda, ang aking secretary, na a-attend daw sa party na ito ang CEO ng Wilson Company na si David Wilson. Wilson Company a new built company at kahit last year lamang ito pumasok sa mundo ng business ay unti-unti na itong nakakaangat. May potensiyal ang kompanyang ito pagdating sa mga Artificial Intelligence kaya naman iminungkahi ni Linda na makipag-cooperate ako sa CEO ng Wilson Company. Kaya ako narito sa party para makilala ng personal ang CEO ng kompanyang ito Nang hindi na ako makatiis sa pagka-bored sa usapan ng mga kaharap ko ay nag-excuse ako para magtungo sa comfort room. Ngunit hindi ako nagtungo sa comfort room sa halip ay nagtungo lamang ako sa area na konti lamang ang mga tao. Nalukot ang noo ko nang makita kong palapit sa akin ang nakangiting mukha ni May. Iiwas sana ako ngunit alam na niyang
Erika's PovHindi ko mapigilan ang makaramdam ng galit kay Charles. Ano ang karapatan niyang banggitin kung anong koneksiyon mayroon kami? Hindi ba pumasok sa isip niya na ayoko nang magkaroon pa ng koneksiyon sa kanya magmula nang niloko niya ako? "He knows everything about me, including what you did to me before, Mr. Evans," sagot ko kay Charles pagkatapos ay binigyan ko ng matamis na ngiti si David. "I know about Erika's past relationship, Mister Evans. Tanggap ko kung ano siya at kung sino siya. And with my help, nakapag-move on siya sa painful past relationship niya with you," seryoso ang mukha na wika naman ni David kay Charles. "If you will excuse us, ipapakilala ko lamang si Erika sa mga kaibigan at kakilala ko na present sa party. And by the way, it's nice to meet you, Charles Evans."Nginitian ako ni David pagkatapos ay hinila na niya ako para iwan si Charles. "I heard you're looking for investors for your big project."Sabay kami ni David na napahinto sa paglalakad nang
Erika's PovTahimik lamang ako sa kinauupuan ko habang sakay sa kotse ni David pauwi sa bahay ko. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin mawaglit sa isipan ko ang sinabi ni Charles sa akin kanina. He wants me back? For what? Para saktan niya ulit? Galit ako sa kanya. Sinaktan niya ako. Ito ang itinatak ko sa aking isip at puso magmula nang lokohin niya ako. Dapat ay puro galit lamang ang maramdaman ko sa kanya. Ngunit nang marinig ko ang tanong niya sa akin kanina ay biglang tumalon sa kinalalagyan nito ang aking puso. Bigla itong tumibok ng mabilis. Para bang nagising ang puso ko na ilang taon nahimbing sa pagkakatulog.Dapat ay prangkang sinabi ko sa kanya na wala siyang second chance na aasahan mula sa akin. Na hindi na mangyayari na magkakabalikan pa kami. Ngunit sa halip na iyan ang sabihin ko sa kanya kanina ay bigla akong naumid. Parang naputulan ako ng dila kaya hindi ako nakapagsalita. Basta ko na lamang siyang iniwan at tinalikuran kanina pagkatapos ay niyaya ko na si David n
Charles' PovNang makita kong magkasabay na umalis sa party sina Erika at David ay nagpasya na rin akong umuwi. Kapag nanatili pa ako ay tiyak na hindi ako tatantanan ni May. Mukhang naging obsessed na yata sa akin ang babaeng iyon dahil tanging ako lamang ang lalaking hindi nahuhumaling sa kanyang kagandahan. At siguro dahil na rin sa pride. Ako lang yata kasi ang lalaking tumanggi sa kanya na makipag-date. Hindi ko siya type kaya ayaw kong makipag-date sa kanya. Pagdating ko sa bahay ay agad kong tinawagan ang secretary ko at ipina-send ko sa kanya ang lahat ng details tungkol kay David Wilson at sa kompanya nito. Wala pang isang oras ay dumating sa email ko ang mga hiningi kong details kay Linda.Kaagad kong binasa ang details tungkol kay David. Ang ibang details tungkol sa kanya ay alam ko na kaya ang mga hindi ko pa alam ang tanging pinagtuunan ko ng pansin. Nalaman ko na kaklase pala ni Erika si David noon nag-aaral pa ang dalawa sa kolehiyo. Hindi lang sila magkaklase kundi ma
Erika PovNakahinga ako ng maluwag nang wala na si Charles. Kanina habang narito sa loob ng opisina ko siya ay parang dinadaga ang aking dibdib. Natatakot ako na maramdamam ni Charles ang tinatawag na lukso ng dugo habang kausap si Rose. Pasalamat din ako na mas kahawig ko ang anak ko kaysa sa kanya kaya hindi niya napansin na may similarities silang dalawa kagaya ng mga mata at labi. Ngunit kung nagtagal pa sa pakikipag-usap si Charles kay Rose ay natitiyak ko na mapapansin din niya ang bagay na iyon. Ayokong malaman ni Charles na anak niya si Rose. Wala siyang karapatan sa anak namin dahil magmula nang niloko niya ako ay tinanggalan na rin niya ang kanyang sarili na magkaroon ng karapatan sa magiging anak nila."Mom? Are you mad at me?" Napapitlag ako nang marinig ko ang boses ng anak ko.Nakangiting ginulo ko ang kanyang buhok pagkatapos umiling ng tatlong beses. "Of course not, baby. But next time, don't talk to a stranger, okay? Especially to that man who just came out of my off
Charles Pov Wala akong choice kundi ang lumabas sa opisina ni Erika na laglag ang mga balikat. Dama ko ang galit niya sa akin. Gusto kong ipaliwanag sa kanya ang lahat. Kung bakit nagawa ko siyang saktan noon. Ngunit paano ko naman maipapaliwanag sa kanya ang lahat kung ayaw niya akong bigyan ng chance? Ayaw na niyang magkaroon pa ng koneksiyon sa akin. Hindi ko siya masisisi kung hanggang ngayon ay matindi pa rin ang galit niya sa akin. Sinaktan ko siya ng labis at hindi ako nagbigay ng paliwanag sa kanya. Ngunit hindi ko rin masisisi ang aking sarili dahil ayaw ko lang siyang may sakit ako at mlapit ng mamamatay. It was the doctor's damn fault kung bakit kami nagkaganito ni Erika. Kung hindi lamang ito naging careless ay hindi magkakapalit ang ko sa result ng lalaking kasabay ko rin na nagpa-check up. Pagdating ko sa loob bahay ko ay mabigat ang katawan na naupo ako sa sofa at isinandal ang ulo sa sandalan ng sofa. Ipinikit ko ang aking mga mata. Hindi ko alam kung ano ang gag
Charles Pov"How dare you cheat on Erika!" Galit na pinatama ko ang matigas kong kamao sa mukha ni David. Hindi niya inaasahan na may taong lalapit sa kanya para suntukin siya kaya hindi siya nakailag. Sa lakas ng pagkakasuntok ko sa kanya ay natumba siya sa sahig. Siguro dahil din sa kalasingan kaya sa isang suntok pa lang ay natumba na agad siya. Agad ko siyang nilapitan at muling binigyan ng magkasunod na suntok."Stop it, Charles! Baka mapatay mo siya. Alalahanin mo na business partner kayong dalawa," awat sa akin ni Tony, mahigpit niyang hawak ang isa kong braso habang si Bruce naman ay nakahawak sa aking mga kili-kili at pilit akon inilalayo kay David.Nagpupuyos pa rin ang kalooban ko ngunit pinili ko ang magpapigil sa dalawang kaibigan ko. Hindi ako tumutol nang hilahin nila ako palabas ng bar."What the hell happened to you, Charles? Para kang toro na galit na galit na sinugod si David. Paano kung idemanda ka niya? Paano kung umatras siya bilang business partner mo?" sermon s
Erika Pov "Hindi ba sinabi ko sa'yo na hindi ka puwedeng lumabas ng bahay hangga't hindi ako ang kasama mo? Bakit hindi mo sinunod ang sinabi ko sa'yo?" galit na sita ni Jake sa akin pagkapasok namin sa bahay. "At hindi ba kabilin-bilinan ko naman sa'yo na huwag mong hayaang lumaba sng bahay si Erin, Daina? Pero ano ang ginawa mo? Hindi mo lang siya hinayaan kundi sinamahan mo pa siya!" galit na baling naman nito sa pamangkin nito. "I'm sorry, Tito Jake. Hindi na mauulit ang nangyaring ito," umiiyak na paumanhin ni Daina sa tiyuhin. Halatadong takot ito sa kanyang tito kapag nagagalit ang lalaki. Sa isang buwan kong pananatili rito at pakikisama kay Jake bilang asawa niya ay ngayon ko lang siya nakitang nagalit ng ganito katindi. At iisa lang ang aking na-realized ngayon. Hindi ko nga siya kilala. Wala akong familiarity na nararamdaman sa kanya kapag nagagalit siya, nagtatampo o naglalambing."Gusto mo akong nakakulong lamang sa loob ng bahay mo, Jake? Bakit? Dahil nag-aalala ka n
Erika Pov Habang nakatitig ako sa ama ng bata ay biglang kumislot ang aking puso at pagkatapos ay bumilis na ang pagtibok niyon. Mayamaya ay napahawak ako sa aking ulo dahil bigla itong sumakit. Para bang may mga alaala na nais lumabas sa aking isip ngunit hindi makalabas. "Let's go, Ate Erin. Sumasakit lamang ang ulo mo dahil sa kanila kaya umalis na tayo!" Hinawakan ulit ni Daina ang isa kong braso at hinila paalis. "Bakit gusto mong ilayo na kaagad si Erika, Miss? Dahil natatakot ka na bigla niyang maalala na anak at asawa niya ang mga taong nasa harapan niya?" Biglang kinausap ng lalaki si Daina kaya napahinto kami sa paglalakad. "Hindi ko alam ang pinagsasasabi mo, Mister. Ngunit natitiyak ko na hindi mo asawa si Ate Erin dahil unang-una ay hindi Erika ang pangalan niya kundi Erin at pangalawa ay asawa siya ng Tito ko. Kaya kung naghahanap kayo ng nawawalang asawa mo ay sa police station kayo magpunta," mataray na sagot ni Daina sa lalaki. "Really? Kung totoo ang sinas
Erika/Erin Pov Wala sa bahay si Jake dahil pumasok ito sa trabaho kaya mas lalo akong na-bored sa loob ng bahay. Gusto kong mamasyal sa labas ngunit mahigpit na ipinagbilin ni Jake na huwag na huwag akong lalabas ng bahay lalo na kung hindi ko siya kasama. Magmula nang lumabas ako sa hospital ay hindi pa ako nakakalabas ng bahay para mamasyal man lang. Para may kinakatakutan siya o di kaya iniiwasan kung kaya't ayaw niya akong payagan na lumabas ng bahay. Hindi na ako nakatiis sa sobrang pagka-bored kaya pinuntahan ko sa silid nito si Daina, ang teenager na pamangkin ni Jake at kasama naming nakatira sa bahay. Niyaya ko siyang mamasyal kami sa mall dahil bored na bored na talaga ako rito sa bahay ngunit tumanggi siya. Mahigpit daw kasing ipinagbilin sa kanya ng Tito Jake niya na huwag akong hayaang lumabas ng bahay. Para naman ito sa kaligtasan ko kung kaya't ayaw niya akong payagang gumala. Baka raw kasi bigla akong maaksidente ulit. "Sige na, Daina. Mamayang hapon pa naman uuw
Erika Pov Nanginginig ang buo kong katawan at parang hindi ko magawang igalaw ang aking mga kamay. Nasa harapan na ako ng manibela ngunit hindi ko pa magawang hawakan ito at paandarin palayo sa lugar na ito. "Mommy! Let's go!" Malakas na boses ni Rise ang tila nakapagpagising sa aking diwa. Para akong nagkaroon ulit ng lakas dahil sa takot na boses na iyon ng anak ko. Hindi ko na isinuot ang seatbelt sa baywang ko at inapakan ko na lamang ang pedal para tumakbo ang kotse. "Are we safe now, Mom?" "I-I think so," nanginginig ang boses na sagot ko sa kanya. Akala ko ay nakatakas na nga kami mula kay Edgar ngunit hindi pa pala. Dahil bigla na lang may sasakyan ang malakas na bumalya sa likuran ng minamaneho kong kotse. Sabay kaming napasigaw ni Rose ng malakas. "Mommy! I'm scared!" umiiyak na wika ng anak ko. "Don't worry, baby. Mommy is here. Hindi kita pababayaan. Mommy will protect you, okay?" pagbibigay-assurance ko sa anak ko para mabawasan ang takot na nararamdaman niya. T
Erika Pov Nanginginig ang mga kamay ko habang binubuksan ko ang pintuan ng storage room. Mabuti na lang nilagyan nila ng ilaw ang silid at hindi katulad sa ginawa nila sa akin noon na hinayaan nila akong mangapa sa dilim. Nang mabuksan ko ang pintuan ay tumambad sa aking mga mata ang nakakaawang hitsura ng anak ko na halos magpadurog sa aking puso. Nakahiga sa malamig na sahig si Rose habang nanginginig sa lamig at nakapamaluktot. Nakapikit ng mariin ang mga mata nito at bakas sa mukha ang matinding takot. "R-Rose. A-Anak ko." Hindi ko napigilan ang pagpiyok ng boses ko dahil sa matinding awa sa kanya. Agad namang nagmulat ng mga mata ang anak ko at bumakas ang kasiyahan sa mukha nang makita ako. "Mom—" "Sshh. Huwag kang maingay." Agad ko siyang sinaway na huwag lakasan ang kanyang boses dahil baka may makarinig aa amin at mabuko pa nila na nandito ako. Agad namang nakaintindi ang anak ko. Tahimik itong tumayo at tumakbo palapit sa akin.Mahigpit na niyakap ko ang anak ko habang
Erika Pov Nang masiguro naming ligtas na si Dario ay umalis din kami sa hospital. Nagpaiwan sina Bruce at Raven para siyang magbantay at mag-asikaso sa mga pangangailangan ni Dario samantalang isinama ko pauwi sa bahay si Adelina para makapagpahinga. Alam kong hanggang ngayon ay shock pa rin ito sa nangyari kaya kailangan nitong makapagpahinga. "Manatili ka na lamang dito sa bahay, Erika. Kami na lamang ni Tony ang maghahanap sa anak natin," sabi ni Charles nang makarating kami sa tapat ng bahay namin. Nakababa na si Adelina at tanging ako na lamang ang at Tony maliban kay Charles ang nasa kotse. Sasama kasi ako sa paghahanap ni Charles sa anak namin. Hindi ako mapapakali kung nasa bahay lamang ako at naghihintay ng balita kung nahanap na ba ang anak ko o hindi pa. "No, Charles. Sasama ako sa inyo. Ayokong maiwan sa bahay habang kayo ay naghahanap sa anak natin," mariing tanggi ko sa kanya. "Please, Erika. Mas mapapanatag ang loob ko kung mananatili ka lamang dito sa bahay. Do
Erika Pov "Anong sinabi mo? Ulitin mo nga ang sinabi mo, Adelina," utos ko sa yaya ng anak ko. Natutulog kasi ako nang makatanggap ako ng tawag mula kay Adelina. Umiiyak ito habang nagsasalita at humihingi ng sorry sa akin. "Nakidnap si Rose, Ma'am Erika!" sigaw ni Adelina mula sa kabilang linya. Actually, narinig ko ang sinabi niya kanina ngunit baka nagkamali lamang ako ng dinig kaya ipinaulit ko sa kanya. Ngunit hindi pala ako nagkamali ng dinig dahil totoo pala ang narinig ko. Sa pinaghalo-halong takot, pagkabigla, at pag-aalala ay nabitawan ko ang cellphone ko. Kahit nagsasalita pa si Adelina ay wala na akong maintindihan sa kanyang mga sinasabi. Pakiramdam ko ay bigla akong nabingi at lumaki ang ulo ko kasabay ng pangangapal ng pakiramdam ko bago nagdilim ang paningin ko at nawalan ng malay. Nang magising ako ay maayos na akong nakahiga sa kama habang nakahawak naman sa isa kong kamay si Charles at bahagyang hinahalik-halikan ang likuran ng palad ko. Nasa loob din ng akin
Erika PovNang pagbalikan ako ng malay ay nasa loob na ako ng silid namin at nakahiga sa kama. Naalala ko ang aking nakita kaya muli akong napasigaw ng malakas. Dahil naman sa sigaw ko ay biglang pumasok si Charles na dumating na pala. Agad niya akong niyakap ng mahigpit para maalis ang takot na nararamdaman ko."Nakita ko ang laman ng regalo, Charles! Hindi porn videos kagaya ng sinabi mo sa akin! Maliit na kabaong na puno ng daga at may laman na patay na puno rin ng dugo! May tao ba na gusto ulit akong patayin? Bakit ako pinadalhan ng ganoong klaseng regalo? Si Uncle Edgar ba ulit ang nananakot sa akin?" nagpapanic na tanong ko kay Charles ng sunod-sunod. "Bakit ka nagsinungaling sa akin? Bakit hindi mo sinabi sa akin ang totoo?""Calm down, Erika. Ito ang dahilan kung bakit hindi ko sinabi sa'yo ang totoo. Kung bakit mahigpit kong pinigilan sina Dario at Merlyn na sabihin sa'yo ang kanilang nakita. Dahil ayokong magpanic ka kapag nalaman mo ang totoo. Ayokong matakot ka kagaya ngay
Charles' PovGusto ko nang magmura ng malakas habang yakap ko si Erika. Mabuti na lamang at hindi ako nahuli ng dating. Hindi pa nakikita ng asawa ko kung ano ang laman ng regalong natanggap nito. Hindi nito nakita ang isang maliit na kabaong na maraming dugo at sa loob ay may patay na daga na nakahiga. Tiyak na mula sa patay na daga ang dugong nakakalat sa kabaong.Kasalukuyan akong nasa meeting room kanina at ka-meeting ang isang kliyente nang makatanggap ako ng tawag mula sa numerong hindi nakarehistro sa cellphone ko. Sinabi sa akin ng taong tumawag na boses ng lalaki na may regalo raw na matatanggap ngayon ang si Erika. Tiyak na magugulat daw ang asawa ko kapag nakita nito ang laman ng regalo. Agad akong kinutuban at nagkaroon ng masamang hinala nang marinig ko ang malakas na halakhak ng lalaking nasa kabilang linya. Ngunit bago ko pa man siya matanong kung sino siya at ano ang kailangan niya ay agad na nitong pinatay ang cellphone nito. Wala akong inaksayang oras. Mabilis akon