Charles Pov Wala akong choice kundi ang lumabas sa opisina ni Erika na laglag ang mga balikat. Dama ko ang galit niya sa akin. Gusto kong ipaliwanag sa kanya ang lahat. Kung bakit nagawa ko siyang saktan noon. Ngunit paano ko naman maipapaliwanag sa kanya ang lahat kung ayaw niya akong bigyan ng chance? Ayaw na niyang magkaroon pa ng koneksiyon sa akin. Hindi ko siya masisisi kung hanggang ngayon ay matindi pa rin ang galit niya sa akin. Sinaktan ko siya ng labis at hindi ako nagbigay ng paliwanag sa kanya. Ngunit hindi ko rin masisisi ang aking sarili dahil ayaw ko lang siyang may sakit ako at mlapit ng mamamatay. It was the doctor's damn fault kung bakit kami nagkaganito ni Erika. Kung hindi lamang ito naging careless ay hindi magkakapalit ang ko sa result ng lalaking kasabay ko rin na nagpa-check up. Pagdating ko sa loob bahay ko ay mabigat ang katawan na naupo ako sa sofa at isinandal ang ulo sa sandalan ng sofa. Ipinikit ko ang aking mga mata. Hindi ko alam kung ano ang gag
Charles Pov"How dare you cheat on Erika!" Galit na pinatama ko ang matigas kong kamao sa mukha ni David. Hindi niya inaasahan na may taong lalapit sa kanya para suntukin siya kaya hindi siya nakailag. Sa lakas ng pagkakasuntok ko sa kanya ay natumba siya sa sahig. Siguro dahil din sa kalasingan kaya sa isang suntok pa lang ay natumba na agad siya. Agad ko siyang nilapitan at muling binigyan ng magkasunod na suntok."Stop it, Charles! Baka mapatay mo siya. Alalahanin mo na business partner kayong dalawa," awat sa akin ni Tony, mahigpit niyang hawak ang isa kong braso habang si Bruce naman ay nakahawak sa aking mga kili-kili at pilit akon inilalayo kay David.Nagpupuyos pa rin ang kalooban ko ngunit pinili ko ang magpapigil sa dalawang kaibigan ko. Hindi ako tumutol nang hilahin nila ako palabas ng bar."What the hell happened to you, Charles? Para kang toro na galit na galit na sinugod si David. Paano kung idemanda ka niya? Paano kung umatras siya bilang business partner mo?" sermon s
Erika's PovNabigla ako sa mga sinabi ni Charles at pakiramdam ko ay namutla ang mukha ko. Hindi puwedeng malaman ni Charles na anak niya si Rose. Ayokong kunin niya sa akin ang anak ko. Hindi ako papayag."Yes and No, Mr. Evans. Tama ka dahil hindi ko boyfriend at ama ni Rose si David. Ngunit nagkakamali sa pag-iisip na anak mo siya. Hindi mo anak si Rose. Sa tingin mo ba ay hindi ako magkakaroon ng relasyon sa ibang lalaki pagkatapos mo akong lokohin?" Matapang na sinalubong ko ng tuwid ang kanyang mga mata. Kapag hindi ko ito ginawa ay iisipin niyang totoo ang hinala niya dahil umiiwas akong tingnan siya sa mga mata. "Sino ang kanyang ama?" mahina ang boses na tanong niya ulit sa akin. Mukhang effective ang ginawa ko dahil biglang bumagsak ang kanyang mga balikat. "Sabihin mo sa akin kung sino ang ama ni Rose.""Hindi mo na kailangan pang malaman kung sino ang ama ng anak ko dahil natitiyak ko sa'yo na hindi mo siya kilala, Mr. Evans. Nakilala ko siya sa ibang bansa at umibig ako
Charles PovKahit na sinabi sa akin ni Erika na hindi ko anak si Rose ay hindi pa rin mawala ang pagdududa sa aking isip. Magaan ang loob ko sa anak niya at para bang may koneksiyon kaming dalawa sa isa't isa. Kung hindi ko anak si Rose ay bakit magaan ang loob ko sa kanya? Dapat nga ay hindi magaan ang loob ko sa kanya dahil anak siya ni Erika sa ibang lalaki. Pero hindi, eh. Iba talaga ang nararamdaman ko sa kanya. Ito yata ang tinatawag na lukso ng dugo.Nag-desisyon akong magtungo sa kompanya para i-check ang opisina ko. Tiyak maraming papeles ang nakatambak na sa mesa ko dahil hindi ako pumasok kahapon.Ipinark ko ang kotse ko sa VIP parking space at akmang lalabas na ako ng kotse nang bigla akong nakarinig ng malakas na tunog ng ringtone. Kinuha ko ang cellphone ko ngunit napakunot ako ng noo nang makitang wala namang tumatawag sa akin. It means, hindi cellphone ko ang nagri-ring kundi ibang cellphone at nasa loob ng kotse ko. Hinanap ko ang pinagmumula ng tunog hanggang sa na
Erika's PovPakiramdam ko ay biglang nanlamig ang buong katawan ko sa sinabi ni Charles. Natuklasan na niyang nagsinungaling ako tungkol sa edad ni Rose. Sa kanyang isip ngayon ay mas lalo siyang nagduda na anak rin niya ang anak ko. "Answer me, Erika. Anak ko si Rose, right?" patuloy na tanong ni Charles sa akin nang hindi ko sinagot ang mga nauna niyang tanong."Akina ang anak ko." Sa halip na sagutin ang tanong niya ay mabilis kong kinuha si Rose mula sa kanya at walang paalam na tinalikuran siya. Ngunit sumunkd siya sa akin at tila walang balak na tantanan ako hangga't hindi ko inaamin sa kanya ang totoo."Bakit ayaw mong sagutin ang tanong ko, Erika? Natatakot ka ba na kapag nalaman kong anak ko si Rose ay kukunin ko siya sa'yo?" mataas ang boses na tanong ni Charles sa akin habang patuloy na nakasunod sa likuran ko.Biglang nagpantig ang mga tainga ki nang marinig ko ang sinabi niya. Huminto ako sa paglalakad at galit na hinarap siya."Hindi ako natatakot na baka kuhanin mo sa
Erika's PovPabiglang inapakan ko ang preno para huminto ang kotse ko dahil sa pag-cut ng isang kotse sa unahan ko. Mabuti na lamang malayo pa ang kotse na nakasunod sa akin kaya hindi ito bumangga sa likuran ng kotse ko nang huminto ako sa gitna ng kalsada. Ang kotse na nag-cut naman sa akin ay tila walang pakialam na dumiretso lamang. Agad kong nilingon ang anak ko sa kinauupuan nito."Are you okay, Rose? Hindi ka ba nasaktan?" nag-aalala kong tanong sa kanya.Mabilis na umiling si Rose bagama't kitang-kita ko sa mulha niya ang takot. "I'm okay, Mom."Nakahinga ako ng maluwag nang masiguro kong hindi siya nasaktan. Mabuti na lamang hindi ko nakalimutang kabitan siya ng seatbelt na madalas y nakakalimutan kong gawin. Niyakap ko siya ng mahigpit para pawiin ang takot na nararamdaman niya."I'm sorry, Rose. I'm sorry baby." Hinaplos ko ng marahan ang kanyang likuran. Bahagya akong natigilan nang maramdaman ko ang mahinang pagtapik-tapik ng maliit niyang kamay sa likuran ko. "It's okay
Erika's Pov Parang biglang naglaho ang kalasingan ko ng makasalubong ko ang matiim na titig ni Charles pagmulat ko ng aking mga mata. "Charles? Bakit ikaw ang kasama ko at—" Naudlot ang sasabihin ko nang bigla na lamang tinawid ni Charles ang pagitan ng aming mga labi. He kissed me gently. Para bang tinatantiya niya kung ano ang magiging reaksiyon ko. Kung itutulak ko ba siya o hahayaan ko siyang ipagpatuloy ang paghalik sa kanya. Nabigla ako at hindi ko inaasahan na hahalikan niya ako kaya hindi agad ako nakapag-react. Inisip naman ni Charles na nagpapaubaya ako kaya nilalaliman niya ang paghalik sa akin. Akmang itutulak ko sana si Charles ngunit nang maramdaman ko ang biglang paglalim ng kanyang halik ay parang may malakas na puwersa ang pumigil sa aking mga kamay. Nabuhay ang kakaibang init sa aking katawan na tanging siya lamang ang may kakayahang bumuhay. Agad na kumalat sa buong katawan ko ang init. Init na hindi nakakapaso kundi napakasarap sa pakiramdam. Ang buong ak
Erika's PovSa abot ng aking makakaya ay iniwasan ko si Charles. Hangga't maaari ay ayokong makipag-kita sa kanya. Ngunit sadyang mapagbiro ang tadhana dahil pinagsama niya kami sa iisang grupo ng mga volunteers sa paghahatid at pamimigay ng mga relief goods ng malalayong probinsiya na tinamaan ng malakas na bagyo. Nag-donate ng mga relief goods ang kompanya ni David sa mga biktima ng bagyo kaya nag-volunteer akong tumulong. Hindi ko naman inaasahan na magkikita kami ni Charles na nag-donate din ng maraming relief goods aa mga biktima."Hanggang dito ba naman ay sinusundan mo ako, Charles? Wala ka bang trabaho sa kompanya mo kaya nagagawa mo akong sundan kahit saan ako magpunta?" mataray na tanong ko kay Charles. Huminto ako sa paglalakad palapit sa nakaparadang truck kung saan sasakay ang lahat ng mga volunteers. "Hindi ka ba nagsasawang bumuntot sa akin?""Nope. Purely coincidence lamang ang pagkikita nating ito, Erika. But I loved to follow you wherever you are. Ngunit sa pagkakat