Erika's PovPakiramdam ko ay biglang nanlamig ang buong katawan ko sa sinabi ni Charles. Natuklasan na niyang nagsinungaling ako tungkol sa edad ni Rose. Sa kanyang isip ngayon ay mas lalo siyang nagduda na anak rin niya ang anak ko. "Answer me, Erika. Anak ko si Rose, right?" patuloy na tanong ni Charles sa akin nang hindi ko sinagot ang mga nauna niyang tanong."Akina ang anak ko." Sa halip na sagutin ang tanong niya ay mabilis kong kinuha si Rose mula sa kanya at walang paalam na tinalikuran siya. Ngunit sumunkd siya sa akin at tila walang balak na tantanan ako hangga't hindi ko inaamin sa kanya ang totoo."Bakit ayaw mong sagutin ang tanong ko, Erika? Natatakot ka ba na kapag nalaman kong anak ko si Rose ay kukunin ko siya sa'yo?" mataas ang boses na tanong ni Charles sa akin habang patuloy na nakasunod sa likuran ko.Biglang nagpantig ang mga tainga ki nang marinig ko ang sinabi niya. Huminto ako sa paglalakad at galit na hinarap siya."Hindi ako natatakot na baka kuhanin mo sa
Erika's PovPabiglang inapakan ko ang preno para huminto ang kotse ko dahil sa pag-cut ng isang kotse sa unahan ko. Mabuti na lamang malayo pa ang kotse na nakasunod sa akin kaya hindi ito bumangga sa likuran ng kotse ko nang huminto ako sa gitna ng kalsada. Ang kotse na nag-cut naman sa akin ay tila walang pakialam na dumiretso lamang. Agad kong nilingon ang anak ko sa kinauupuan nito."Are you okay, Rose? Hindi ka ba nasaktan?" nag-aalala kong tanong sa kanya.Mabilis na umiling si Rose bagama't kitang-kita ko sa mulha niya ang takot. "I'm okay, Mom."Nakahinga ako ng maluwag nang masiguro kong hindi siya nasaktan. Mabuti na lamang hindi ko nakalimutang kabitan siya ng seatbelt na madalas y nakakalimutan kong gawin. Niyakap ko siya ng mahigpit para pawiin ang takot na nararamdaman niya."I'm sorry, Rose. I'm sorry baby." Hinaplos ko ng marahan ang kanyang likuran. Bahagya akong natigilan nang maramdaman ko ang mahinang pagtapik-tapik ng maliit niyang kamay sa likuran ko. "It's okay
Erika's Pov Parang biglang naglaho ang kalasingan ko ng makasalubong ko ang matiim na titig ni Charles pagmulat ko ng aking mga mata. "Charles? Bakit ikaw ang kasama ko at—" Naudlot ang sasabihin ko nang bigla na lamang tinawid ni Charles ang pagitan ng aming mga labi. He kissed me gently. Para bang tinatantiya niya kung ano ang magiging reaksiyon ko. Kung itutulak ko ba siya o hahayaan ko siyang ipagpatuloy ang paghalik sa kanya. Nabigla ako at hindi ko inaasahan na hahalikan niya ako kaya hindi agad ako nakapag-react. Inisip naman ni Charles na nagpapaubaya ako kaya nilalaliman niya ang paghalik sa akin. Akmang itutulak ko sana si Charles ngunit nang maramdaman ko ang biglang paglalim ng kanyang halik ay parang may malakas na puwersa ang pumigil sa aking mga kamay. Nabuhay ang kakaibang init sa aking katawan na tanging siya lamang ang may kakayahang bumuhay. Agad na kumalat sa buong katawan ko ang init. Init na hindi nakakapaso kundi napakasarap sa pakiramdam. Ang buong ak
Erika's PovSa abot ng aking makakaya ay iniwasan ko si Charles. Hangga't maaari ay ayokong makipag-kita sa kanya. Ngunit sadyang mapagbiro ang tadhana dahil pinagsama niya kami sa iisang grupo ng mga volunteers sa paghahatid at pamimigay ng mga relief goods ng malalayong probinsiya na tinamaan ng malakas na bagyo. Nag-donate ng mga relief goods ang kompanya ni David sa mga biktima ng bagyo kaya nag-volunteer akong tumulong. Hindi ko naman inaasahan na magkikita kami ni Charles na nag-donate din ng maraming relief goods aa mga biktima."Hanggang dito ba naman ay sinusundan mo ako, Charles? Wala ka bang trabaho sa kompanya mo kaya nagagawa mo akong sundan kahit saan ako magpunta?" mataray na tanong ko kay Charles. Huminto ako sa paglalakad palapit sa nakaparadang truck kung saan sasakay ang lahat ng mga volunteers. "Hindi ka ba nagsasawang bumuntot sa akin?""Nope. Purely coincidence lamang ang pagkikita nating ito, Erika. But I loved to follow you wherever you are. Ngunit sa pagkakat
Erika's PovBago ko pa magawang itulak si Charles ay inilayo na niya ang kanyang mga labi sa aking mga labi. "Hey. It's not my fault. Kasalanan ng driver dahil bigla siyang nag-preno," sabi sa akin ni Charles nang akmang sasampalin ko na siya."Oo nga naman, Erika. Hindi kasalanan ni Mr. Evans na nahalikan ka niya kaya huwag mo siyang sampalin. Pasalamat ka pa nga dahil nahalikan ka niya," sabi sa akin ni Wena. Nakasimangot ito sa akin at halatadong hindi nito nagustuhan ang nangyari kahit na hindi naman iyon sinasadyang mangyari.Nakasimangot si Wena ngunit natawa naman ang iba pang sakay ng truck na nakakita sa nangyari. Si Von naman ay tahimik at nakatingin lamang sa amin. Naikuyom ko na lamang ng mahigpit ang aking palad. Kahit hindi ko nakikita ay alam kong pulang-pula ang mukha ko hanggang leeg dahil sa labis na pagkapahiya. Tinapunan ko ng masamang tingin si Charles nakangiti. Tamang-tama naman na muling nagpreno ng pabigla ang driver dahil may batang naka-bike ang biglang tu
Erika's PovMatinding takot ang naramdaman ko nang hilahin ako ng taong tumakip sa bibig ko na isang lalaki. Nanlalaki ang mga mata ko habang sinusubukan kong makakawala sa mahigpit niyang pagkakayakap sa leeg ko mula sa likuran. Matinding pagsisisi ang nararamdaman ko dahil umalis ako sa tent ng mag-isa. Hindi man lang ako nagpaalam sa mga kasamahan ko kung saan ako pupunta para kahit paano ay may nakakaalam kung nasaan ako. Ngayon ay walang nakakaalam kung nasaan ako kaya wala ring nakakaalam na nalalagay sa panganib ang buhay ko.Hindi ako pinanghinaan ng loob. Kapag hindi ako manlaban ay natitiyak ko na matatagpuan na lamang ng mga kasamahan ko ang malamig kong bangkay kinabukasan. Nagkakawag ako na parang isda na nais makakawala sa loob ng isang lambat. Dahil sa ginawa ko ay bahagyang lumuwag ang pagkakatakip ng kamay ng lalaki sa bibig ko. Sinamantala ko ang pagkakataong iyon at mariing kinagat ang palad nito. Napasigaw ito ng malakas at lumuwag din ang pagkakayakap ng braso ni
Erika's Pov Nakatitig ng matiim sa akin si Charles. Para bang tinatantiya niya kung nakahanda nga ba talaga akong makinig sa kanyang mga paliwanag. "Naghihintay ako sa paliwanag mo, Charles. This is your only chance to explain everything to me. After this time, hindi ko na ulit pakikinggan ang paliwanag mo. Kaya habang may chance ka pa ay magpaliwanag ka na," sabi ko sa kanya. Nakaramdam ako ng pagkailang dahil lalong tumiim ang kanyang mga titig sa akin ngunit hindi pa rin ito nagsasalita. "Magpapaliwanag ka ba o hindi? Kung wala kang balak magpaliwanag ay sabihin mo sa akin para makapasok na ako sa tent namin." "Chill ka lang, Erika. Masyado ka namang high blood. Hindi lang ako makapaniwala na handa ka ng makinig sa mga paliwanag ko," sabi ni Charles, bahagya siyang napailing sa reaksiyon ko. "Malalim na ang gabi kaya umpisahan mo nang mangumpisal," naiinis na sabi ko sa kanya. "Bakit mo ako niloko? Bakit mo ako ipinagpalit sa ibang babae?" Humugot muna ng malalim na bunton
Erika's Pov "How was the distribution of the relief goods, Erika? Did it go well?" nakangiting tanong ni David pagpasok niya sa opisina ko. Kagabi lamang kami nakabalik sa siyudad. Nag-request kasi ang kanilang village chief na mag-extend kami ng ilang oras dahil naghanda sila ng simpleng palabas bilang pasasalamat sa amin. Hapon na nang makaalis kami sa lugar nila kaya gabi na kami nakarating aming mga bahay. Walang nakaalam na muntik ng may masamang mangyari sa akin dahil inilihim namin ni Charles ang bagay na iyon. Hindi na rin kami nagkaroon ng pagkakataong makapag-usap dahil hindi na siya tumabi sa akin ng upuan. "Yes. It went well, David. At labis silang nagpapasalamat sa tulong na ibinigay ng kompanya mo," nakangiting sagot ko sa kanya. Wala akong balak na banggitin sa kanya ang tungkol sa nangyari sa akin sa probinsiya dahil tiyak na mag-aalala lamang siya sa akin. "I'm happy to hear that. By the way, do you have a plan for tonight?" Mabilis akong umiling. "Wala naman. B