Erika's PovNabigla ako sa mga sinabi ni Charles at pakiramdam ko ay namutla ang mukha ko. Hindi puwedeng malaman ni Charles na anak niya si Rose. Ayokong kunin niya sa akin ang anak ko. Hindi ako papayag."Yes and No, Mr. Evans. Tama ka dahil hindi ko boyfriend at ama ni Rose si David. Ngunit nagkakamali sa pag-iisip na anak mo siya. Hindi mo anak si Rose. Sa tingin mo ba ay hindi ako magkakaroon ng relasyon sa ibang lalaki pagkatapos mo akong lokohin?" Matapang na sinalubong ko ng tuwid ang kanyang mga mata. Kapag hindi ko ito ginawa ay iisipin niyang totoo ang hinala niya dahil umiiwas akong tingnan siya sa mga mata. "Sino ang kanyang ama?" mahina ang boses na tanong niya ulit sa akin. Mukhang effective ang ginawa ko dahil biglang bumagsak ang kanyang mga balikat. "Sabihin mo sa akin kung sino ang ama ni Rose.""Hindi mo na kailangan pang malaman kung sino ang ama ng anak ko dahil natitiyak ko sa'yo na hindi mo siya kilala, Mr. Evans. Nakilala ko siya sa ibang bansa at umibig ako
Charles PovKahit na sinabi sa akin ni Erika na hindi ko anak si Rose ay hindi pa rin mawala ang pagdududa sa aking isip. Magaan ang loob ko sa anak niya at para bang may koneksiyon kaming dalawa sa isa't isa. Kung hindi ko anak si Rose ay bakit magaan ang loob ko sa kanya? Dapat nga ay hindi magaan ang loob ko sa kanya dahil anak siya ni Erika sa ibang lalaki. Pero hindi, eh. Iba talaga ang nararamdaman ko sa kanya. Ito yata ang tinatawag na lukso ng dugo.Nag-desisyon akong magtungo sa kompanya para i-check ang opisina ko. Tiyak maraming papeles ang nakatambak na sa mesa ko dahil hindi ako pumasok kahapon.Ipinark ko ang kotse ko sa VIP parking space at akmang lalabas na ako ng kotse nang bigla akong nakarinig ng malakas na tunog ng ringtone. Kinuha ko ang cellphone ko ngunit napakunot ako ng noo nang makitang wala namang tumatawag sa akin. It means, hindi cellphone ko ang nagri-ring kundi ibang cellphone at nasa loob ng kotse ko. Hinanap ko ang pinagmumula ng tunog hanggang sa na
Erika's PovPakiramdam ko ay biglang nanlamig ang buong katawan ko sa sinabi ni Charles. Natuklasan na niyang nagsinungaling ako tungkol sa edad ni Rose. Sa kanyang isip ngayon ay mas lalo siyang nagduda na anak rin niya ang anak ko. "Answer me, Erika. Anak ko si Rose, right?" patuloy na tanong ni Charles sa akin nang hindi ko sinagot ang mga nauna niyang tanong."Akina ang anak ko." Sa halip na sagutin ang tanong niya ay mabilis kong kinuha si Rose mula sa kanya at walang paalam na tinalikuran siya. Ngunit sumunkd siya sa akin at tila walang balak na tantanan ako hangga't hindi ko inaamin sa kanya ang totoo."Bakit ayaw mong sagutin ang tanong ko, Erika? Natatakot ka ba na kapag nalaman kong anak ko si Rose ay kukunin ko siya sa'yo?" mataas ang boses na tanong ni Charles sa akin habang patuloy na nakasunod sa likuran ko.Biglang nagpantig ang mga tainga ki nang marinig ko ang sinabi niya. Huminto ako sa paglalakad at galit na hinarap siya."Hindi ako natatakot na baka kuhanin mo sa
Erika's PovPabiglang inapakan ko ang preno para huminto ang kotse ko dahil sa pag-cut ng isang kotse sa unahan ko. Mabuti na lamang malayo pa ang kotse na nakasunod sa akin kaya hindi ito bumangga sa likuran ng kotse ko nang huminto ako sa gitna ng kalsada. Ang kotse na nag-cut naman sa akin ay tila walang pakialam na dumiretso lamang. Agad kong nilingon ang anak ko sa kinauupuan nito."Are you okay, Rose? Hindi ka ba nasaktan?" nag-aalala kong tanong sa kanya.Mabilis na umiling si Rose bagama't kitang-kita ko sa mulha niya ang takot. "I'm okay, Mom."Nakahinga ako ng maluwag nang masiguro kong hindi siya nasaktan. Mabuti na lamang hindi ko nakalimutang kabitan siya ng seatbelt na madalas y nakakalimutan kong gawin. Niyakap ko siya ng mahigpit para pawiin ang takot na nararamdaman niya."I'm sorry, Rose. I'm sorry baby." Hinaplos ko ng marahan ang kanyang likuran. Bahagya akong natigilan nang maramdaman ko ang mahinang pagtapik-tapik ng maliit niyang kamay sa likuran ko. "It's okay
Erika's Pov "Bakit ako nandito sa hospital, Raven?" nanghihina ang boses na tanong ko sa kaibigan ko nang pagbalikan ako ng aking malay. Tumulo ang mga luha ng kaibigan ko kaya hindi ko maiwasan ang mapakunot ang noo. "Bakit ka umiiyak? May sakit ba ako? Malapit na ba akong mamatay?" Mabilis na umiling si Raven at pinahid ang mga luha sa kanyang pisngi bago magsalita. "You're three weeks pregnant, Erika. "Erika? Nasa labas na si David. Mag-ready ka na." Naudlot ang pagbabalik-tanaw ko sa isa sa mga nangyari sa buhay ko noon nang pumasok ang kaibigan ko sa silid ng anak ko. Tumango lamang ako sa kanya at pagkatapos ay dagli rin siyang lumabas. Pagkalabas ni Raven ay muli kong tinapunan ang mukha ng natutulog kong anak. At muli, biglang rumagasa sa aking isip ang daluyong ng mga alaala na pilit kong kinalimutan... "Puwede bang tumigil ka na sa kakaikot mo diyan sa harapan ng salamin, Erika? Kanina pa ako nahihilo sa'yo," hindi napigilan ng best friend kong si Raven ang magreklamo
Erika's POV Naputol ang pagdaloy ng masakit na alaala sa aking isip nang maramdaman ko ang mainit na likido na bigla na lamang dumaloy sa aking mga mata. Mabilis ko itong pinahid at saka binalikan sa aking isip ang eksena kung saan ay sinabi ni Raven sa akin na buntis ako nang pagbalikan ako ng malay matapos kong mahimatay nang marinig ko ang ini-anunsiyo ni Charles. Hindi ako nakapagsalita sa ibinalita ng kaibigan ko. Para akong namatanda sa aking narinig. Ako? Buntis? Bakit ngayon pa siya dumating? "Sigurado ka ba na sinabi ng doktor na buntis ako? Baka nagkamali ka lang ng narinig mo, Raven?" namumuo ang mga luha na tanong sa kanya. Hindi naman sa ayaw kong magkaroon ng anak kay Charles ngunit sa sitwasyon ko ngayon ay parang hindi ko pa kayang tanggapin na magkakaroon ako ng anak sa lalaking labis na nanakit sa akin. Umiling si Raven kaya napapikit ako ng aking mga mata. Hinawakan niya ang isa kong kamay at marahang pinisil. "Kailangan mong tanggapin ito, Erika. Magpakata
Erika's Pov Napabuntong-hininga ako ng malalim matapos maputol sa pangalawang pagkakataon ang pagdaloy ng mga alaala sa aking isip. May sumungaw na fondness sa mga mata habang hinahaplos ko ang pisngi ng anak ko. Nagpapasalamat ako sa Diyos na hindi niya hinayaang mawala sa akin ang anak ko. Six years ago ay muntik na akong makunan matapos akong kausapin ni Jane. Agad akong isinugod ng kaibigan ko sa pinakamalapit na hospital dahil dinudugo na ako. At mabuti na lamang na naisugod agad ako sa hospital kaya naagapan ang pagkakalaglag ng anak ko sa aking sinapupunan. Pagkatapos ng insidenteng iyon ay nagdesisyon akong magtungo sa Canada upang magbagong buhay. Hindi kasi ako makakapag-move on kung hindi ako lalayo. Ayokong muling malagay sa panganib ang buhay ng anak ko kaya mas mabuting sa Canada na lamang ako tumira. Tinulungan ako ng pamilya ng ninong ko na naka-base na sa Canada. Sa bahay nila ako tumira at ang bunso nilang anak ang nag-alaga kay Rose habang nagtatrabaho ako.
Charles Pov Naiinip na ako habang kausap ko ang mga kakilala ko sa party na pinuntahan ko. Wala sana akong balak na um-attend sa party na ito ngunit ipinaalala sa akin ni Linda, ang aking secretary, na a-attend daw sa party na ito ang CEO ng Wilson Company na si David Wilson. Wilson Company a new built company at kahit last year lamang ito pumasok sa mundo ng business ay unti-unti na itong nakakaangat. May potensiyal ang kompanyang ito pagdating sa mga Artificial Intelligence kaya naman iminungkahi ni Linda na makipag-cooperate ako sa CEO ng Wilson Company. Kaya ako narito sa party para makilala ng personal ang CEO ng kompanyang ito Nang hindi na ako makatiis sa pagka-bored sa usapan ng mga kaharap ko ay nag-excuse ako para magtungo sa comfort room. Ngunit hindi ako nagtungo sa comfort room sa halip ay nagtungo lamang ako sa area na konti lamang ang mga tao. Nalukot ang noo ko nang makita kong palapit sa akin ang nakangiting mukha ni May. Iiwas sana ako ngunit alam na niyang