Charles Pov
Naiinip na ako habang kausap ko ang mga kakilala ko sa party na pinuntahan ko. Wala sana akong balak na um-attend sa party na ito ngunit ipinaalala sa akin ni Linda, ang aking secretary, na a-attend daw sa party na ito ang CEO ng Wilson Company na si David Wilson. Wilson Company a new built company at kahit last year lamang ito pumasok sa mundo ng business ay unti-unti na itong nakakaangat. May potensiyal ang kompanyang ito pagdating sa mga Artificial Intelligence kaya naman iminungkahi ni Linda na makipag-cooperate ako sa CEO ng Wilson Company. Kaya ako narito sa party para makilala ng personal ang CEO ng kompanyang ito Nang hindi na ako makatiis sa pagka-bored sa usapan ng mga kaharap ko ay nag-excuse ako para magtungo sa comfort room. Ngunit hindi ako nagtungo sa comfort room sa halip ay nagtungo lamang ako sa area na konti lamang ang mga tao. Nalukot ang noo ko nang makita kong palapit sa akin ang nakangiting mukha ni May. Iiwas sana ako ngunit alam na niyang nakita ko siya kaya wala akong choice kundi kausapin siya nang makalapit na siya sa akin. "Hi, Charles. It's nice to see you again," matamis ang ngiti na bati niya sa akin, may lambing din ang kanyang boses kaya napailing na lamang ako. May is beautiful socialite. Anak ito ng isa sa pinakamalaking textile company sa bansa. She's rich and spoiled. At sa tuwing magkikita kami sa party ay hindi niya pinapalampas ang akitin ako. "It's nice to see you too," sagot ko sa malamig na boses. Ayoko sa mga babaeng halos itapon ang kanilang sarili sa akin. It's a big turn off for me. At isa sa mga babaeng iyon si May. "Can we talk somewhere? Gusto ko iyong tayong dalawa lamang. O di kaya magpunta tayo sa bar," nang-aakit ang ngiti na tanong niya sa akin. Alam ko kung ano ang nais niyang mangyari ngunit mabilis ko siyang itinaboy. "I'm sorry but I am waiting for someone important," walang kangiti-ngiti na sagot ko sa kanya. Ilang beses na niya akong niyayang lumabas at magpunta sa bar ngunit palagi ko siyang tinatanggihan. Hindi ko alam kung manhid siya o hindi lamang siya nakakaintindi na ayokong lumabas kasama siya. "Bakit ba palagi mo akong tinatanggihan kapag niyaya kitang magtungo sa bar, Charles? Am I not beautiful in your eyes? Maraming kalalakihan ang nagkukumahog na maka-date ako pero ikaw, you always turn me down. And it hurts my ego," inis ang boses na wika ni May sa akin. "I don't have time to go out for leisure," maikling sagot ko sa kanya. Wala akong balak na mag-explain sa kanya dahil kapag sinabi ko ang totoo ay mas masasaktan lamang siya sa kanyang maririnig. "Lier," nakasimangot na saad niya. "Balang araw ay sa akin ka rin babagsak, Charles. Tandaan mo iyan," mariin niyang banta bago walang paalam na tinalikuran ako. Napailing na lamang ako habang sinusundan siya ng tingin. Hindi mangyayari ang sinabi niya dahil matagal ng may babaeng nagmamay-ari ng aking puso. Bagama't hindi ka na ulit siya nakita at hindi ko alam kung magkikita pa kami ay nananatiling siya pa rin ang nasa isipan ko at nakaukit sa puso ko ang kanyang pangalan. Ininom ang laman ng basong hawak ko at pagkatapos ay humugot ako ng malalim na buntong-hininga. Kaysa naman problemahin ko ang sinabi ni May ay inilibot ko ang aking mga mata sa paligid at hinanap sa mga bisita ang mukha ni David Wilson na ipinakita sa akin ni Linda bago ako nagpunta sa party. Ngunit sa halip na mukha ni David ang aking makita ay ang babaeng matagal ko ng inaasam na makitang muli ang nahagip ng aking paningin. "Erika," mahina ang boses na sambit ko sa pangalan niya. Automatic na bumilis ang tibok ng aking puso pagkakita ko sa kanya. Hindi pa rin nagbabago ang epekto niya sa akin mula noon hanggang ngayon. Erika looks stunning. She's every inch a lady. Wala na ang inosente nitong mukha at kilos na siyang nagpaakit sa akin noon unang beses ko siyang masilayan. She looks smart now. Although I like her innocent looks before, I also like the way she looks now. Mas lalo itong gumanda sa nakalipas na limang taon. Kaya hindi ko masisisi kung matagal na napapatitig sa kanya ang mga kalalakihang bisita kapag napatingin sa kanya. Nakaramdam ako ng inis dahil hindi lamang ako ang nakakakita sa kanyang kagandahan. Gusto ko siyang hilahin palabas ng function room at ilayo sa humahangang mga mata ng mga kalalakihang nasa loob ng party. Alam ko na wala akong karapatan na makaramdam ng ganito dahil sinaktan ko siya noon. Na-diagnosed ako na may tumor sa brain noong magpa-check up ako dahil madalas na sumasakit ang aking ulo. Ang sabi ng doktor ay ilang months na lang daw ang itatagal ko sa mundo dahil nasa stage 4 na ang aking tumor. Ayokong masaktan si Erika kapag namatay ako kaya naman mas pinili ko na lamang na saktan siya para magalit siya sa akin. Ngunit nagkamali ako sa ginawa kong iyon. Dahil hindi lamang siya ang nasaktan kundi pati ako. At higit sa lahat ay nagkamali lang pala ang doktor sa pagbibigay sa akin ng result. Hindi pala sa akin ang result na may tumor sa brain kundi sa kasabayan kong pasyente na nagpa-check up din. Simpleng migraine lang pala ang dahilan ng pananakit ng ulo ko at kailangan lamang ng ilang araw na pahinga. Huli na nang nalaman ko ang totoo. Wala na si Erika nang puntahan ko siya sa bahay nila para magpaliwanag at humingi ng tawad sa nagawa kong kasalanan sa kanya. Ang after five years, hindi ko akalain na muling magku-krus ang mga landas naming dalawa. Patingin-tingin sa paligid si Erika na para bang may hinahanap ang kanyang mga mata. Hindi sinasadyang napatingin siya sa kinaroroonan ko at nagtama ang aming mga paningin. Bigla akong kinabahan kaya nang may dumaan na waiter sa harapan ko at may dalang inumin ay agad akong kumuha at nilagok ang lahat ng laman ng baso. Nang biglang tumalikod si Erika ay nagmamadaling sinundan ko siya para kausapin. Nang maabutan ko siya ay hinawakan ko ang braso niya ngunit mabilis siyang pumiksi na para bang napaso siya sa kamay ko. "What do you want, Mister Evans?" malamig ang boses na tanong niya sa akin. "Gusto lang naman kitang kamustahin, Erika," sagot ko sa kanya. "I just want to know if you're okay." Tumaas ang isang kilay ni Erika nang marinig ang sinabi ko. "As you can see, I am fine. We're not close para kamustahin mo ako. And what makes you think that I am not okay?" Tila tinutusok ng munting karayom ang dibdib ko sa malamig niyang pagtrato sa akin. But I deserved it. "Erika. I want you to know something." Huminto ako sa pagsasalita at bahagyang niluwagan ang kurbata ko dahil pakiramdam ko ay bigla akong nasakal at nahihirapan akong huminga. Erika stares at me coldly. Parang hindi ko kayang ituloy ang nais kong sabihin sa kanya na alam ko namang hindi niya paniniwalaan. "Anuman ang nais mong sabihin ay hindi ako interesadong malaman iyon, Mister Evans," she replied in the most business tone. "Erika. What happened before was—" Naudlot ang sasabihin ko nang bigla na lamang may brasong humawak sa braso ni Erika. Naningkit ang mga mata ko nang makita ko ang lalaking kasing-tangkad ko na siyang humawak sa braso ni Erika. Bigla akong naging possessive sa kanya. Ayokong may ibang lalaking humahawak sa kanya maliban sa akin. "Sino siya?" I asked her in a possessive tone. "I am David Wilson. The CEO of Wilson Company and Erika's business partner." Ang lalaki ang sumagot sa tanong ko na walang iba pala kundi ang taong hinahanap ko. Hindi ko siya namukhaan dahil masyadong maliwanag ang picture na ipinakita sa akin ni Linda kaya akala ko ay maputi si David Wilson. Tan pala ang balat niya at malayo sa picture nito. "Alam ba niya ang koneksiyon nating dalawa, Erika?" seryoso ang mukha na tanong ko ulit kay Erika. Gusto kong ipakita kay David na hindi lamang ako basta kakilala ni Erika kundi mas malalim pa sa iniisip nito ang ugnayan naming dalawa. "Magmula nang kinuha mo ang shares ng mga magulang ko sa kompanya at noong niloko mo ako ay wala na tayong ugnayan sa isa't isa, Mr. Evans. Matagal ko nang pinutol ang kung anumang relasyon mayroon tayo," malamig pa sa yelo ang boses na sagot sa akin ni Erika.Erika's PovHindi ko mapigilan ang makaramdam ng galit kay Charles. Ano ang karapatan niyang banggitin kung anong koneksiyon mayroon kami? Hindi ba pumasok sa isip niya na ayoko nang magkaroon pa ng koneksiyon sa kanya magmula nang niloko niya ako? "He knows everything about me, including what you did to me before, Mr. Evans," sagot ko kay Charles pagkatapos ay binigyan ko ng matamis na ngiti si David. "I know about Erika's past relationship, Mister Evans. Tanggap ko kung ano siya at kung sino siya. And with my help, nakapag-move on siya sa painful past relationship niya with you," seryoso ang mukha na wika naman ni David kay Charles. "If you will excuse us, ipapakilala ko lamang si Erika sa mga kaibigan at kakilala ko na present sa party. And by the way, it's nice to meet you, Charles Evans."Nginitian ako ni David pagkatapos ay hinila na niya ako para iwan si Charles. "I heard you're looking for investors for your big project."Sabay kami ni David na napahinto sa paglalakad nang
Erika's PovTahimik lamang ako sa kinauupuan ko habang sakay sa kotse ni David pauwi sa bahay ko. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin mawaglit sa isipan ko ang sinabi ni Charles sa akin kanina. He wants me back? For what? Para saktan niya ulit? Galit ako sa kanya. Sinaktan niya ako. Ito ang itinatak ko sa aking isip at puso magmula nang lokohin niya ako. Dapat ay puro galit lamang ang maramdaman ko sa kanya. Ngunit nang marinig ko ang tanong niya sa akin kanina ay biglang tumalon sa kinalalagyan nito ang aking puso. Bigla itong tumibok ng mabilis. Para bang nagising ang puso ko na ilang taon nahimbing sa pagkakatulog.Dapat ay prangkang sinabi ko sa kanya na wala siyang second chance na aasahan mula sa akin. Na hindi na mangyayari na magkakabalikan pa kami. Ngunit sa halip na iyan ang sabihin ko sa kanya kanina ay bigla akong naumid. Parang naputulan ako ng dila kaya hindi ako nakapagsalita. Basta ko na lamang siyang iniwan at tinalikuran kanina pagkatapos ay niyaya ko na si David n
Charles' PovNang makita kong magkasabay na umalis sa party sina Erika at David ay nagpasya na rin akong umuwi. Kapag nanatili pa ako ay tiyak na hindi ako tatantanan ni May. Mukhang naging obsessed na yata sa akin ang babaeng iyon dahil tanging ako lamang ang lalaking hindi nahuhumaling sa kanyang kagandahan. At siguro dahil na rin sa pride. Ako lang yata kasi ang lalaking tumanggi sa kanya na makipag-date. Hindi ko siya type kaya ayaw kong makipag-date sa kanya. Pagdating ko sa bahay ay agad kong tinawagan ang secretary ko at ipina-send ko sa kanya ang lahat ng details tungkol kay David Wilson at sa kompanya nito. Wala pang isang oras ay dumating sa email ko ang mga hiningi kong details kay Linda.Kaagad kong binasa ang details tungkol kay David. Ang ibang details tungkol sa kanya ay alam ko na kaya ang mga hindi ko pa alam ang tanging pinagtuunan ko ng pansin. Nalaman ko na kaklase pala ni Erika si David noon nag-aaral pa ang dalawa sa kolehiyo. Hindi lang sila magkaklase kundi ma
Erika PovNakahinga ako ng maluwag nang wala na si Charles. Kanina habang narito sa loob ng opisina ko siya ay parang dinadaga ang aking dibdib. Natatakot ako na maramdamam ni Charles ang tinatawag na lukso ng dugo habang kausap si Rose. Pasalamat din ako na mas kahawig ko ang anak ko kaysa sa kanya kaya hindi niya napansin na may similarities silang dalawa kagaya ng mga mata at labi. Ngunit kung nagtagal pa sa pakikipag-usap si Charles kay Rose ay natitiyak ko na mapapansin din niya ang bagay na iyon. Ayokong malaman ni Charles na anak niya si Rose. Wala siyang karapatan sa anak namin dahil magmula nang niloko niya ako ay tinanggalan na rin niya ang kanyang sarili na magkaroon ng karapatan sa magiging anak nila."Mom? Are you mad at me?" Napapitlag ako nang marinig ko ang boses ng anak ko.Nakangiting ginulo ko ang kanyang buhok pagkatapos umiling ng tatlong beses. "Of course not, baby. But next time, don't talk to a stranger, okay? Especially to that man who just came out of my off
Charles Pov Wala akong choice kundi ang lumabas sa opisina ni Erika na laglag ang mga balikat. Dama ko ang galit niya sa akin. Gusto kong ipaliwanag sa kanya ang lahat. Kung bakit nagawa ko siyang saktan noon. Ngunit paano ko naman maipapaliwanag sa kanya ang lahat kung ayaw niya akong bigyan ng chance? Ayaw na niyang magkaroon pa ng koneksiyon sa akin. Hindi ko siya masisisi kung hanggang ngayon ay matindi pa rin ang galit niya sa akin. Sinaktan ko siya ng labis at hindi ako nagbigay ng paliwanag sa kanya. Ngunit hindi ko rin masisisi ang aking sarili dahil ayaw ko lang siyang may sakit ako at mlapit ng mamamatay. It was the doctor's damn fault kung bakit kami nagkaganito ni Erika. Kung hindi lamang ito naging careless ay hindi magkakapalit ang ko sa result ng lalaking kasabay ko rin na nagpa-check up. Pagdating ko sa loob bahay ko ay mabigat ang katawan na naupo ako sa sofa at isinandal ang ulo sa sandalan ng sofa. Ipinikit ko ang aking mga mata. Hindi ko alam kung ano ang gag
Charles Pov"How dare you cheat on Erika!" Galit na pinatama ko ang matigas kong kamao sa mukha ni David. Hindi niya inaasahan na may taong lalapit sa kanya para suntukin siya kaya hindi siya nakailag. Sa lakas ng pagkakasuntok ko sa kanya ay natumba siya sa sahig. Siguro dahil din sa kalasingan kaya sa isang suntok pa lang ay natumba na agad siya. Agad ko siyang nilapitan at muling binigyan ng magkasunod na suntok."Stop it, Charles! Baka mapatay mo siya. Alalahanin mo na business partner kayong dalawa," awat sa akin ni Tony, mahigpit niyang hawak ang isa kong braso habang si Bruce naman ay nakahawak sa aking mga kili-kili at pilit akon inilalayo kay David.Nagpupuyos pa rin ang kalooban ko ngunit pinili ko ang magpapigil sa dalawang kaibigan ko. Hindi ako tumutol nang hilahin nila ako palabas ng bar."What the hell happened to you, Charles? Para kang toro na galit na galit na sinugod si David. Paano kung idemanda ka niya? Paano kung umatras siya bilang business partner mo?" sermon s
Erika's PovNabigla ako sa mga sinabi ni Charles at pakiramdam ko ay namutla ang mukha ko. Hindi puwedeng malaman ni Charles na anak niya si Rose. Ayokong kunin niya sa akin ang anak ko. Hindi ako papayag."Yes and No, Mr. Evans. Tama ka dahil hindi ko boyfriend at ama ni Rose si David. Ngunit nagkakamali sa pag-iisip na anak mo siya. Hindi mo anak si Rose. Sa tingin mo ba ay hindi ako magkakaroon ng relasyon sa ibang lalaki pagkatapos mo akong lokohin?" Matapang na sinalubong ko ng tuwid ang kanyang mga mata. Kapag hindi ko ito ginawa ay iisipin niyang totoo ang hinala niya dahil umiiwas akong tingnan siya sa mga mata. "Sino ang kanyang ama?" mahina ang boses na tanong niya ulit sa akin. Mukhang effective ang ginawa ko dahil biglang bumagsak ang kanyang mga balikat. "Sabihin mo sa akin kung sino ang ama ni Rose.""Hindi mo na kailangan pang malaman kung sino ang ama ng anak ko dahil natitiyak ko sa'yo na hindi mo siya kilala, Mr. Evans. Nakilala ko siya sa ibang bansa at umibig ako
Charles PovKahit na sinabi sa akin ni Erika na hindi ko anak si Rose ay hindi pa rin mawala ang pagdududa sa aking isip. Magaan ang loob ko sa anak niya at para bang may koneksiyon kaming dalawa sa isa't isa. Kung hindi ko anak si Rose ay bakit magaan ang loob ko sa kanya? Dapat nga ay hindi magaan ang loob ko sa kanya dahil anak siya ni Erika sa ibang lalaki. Pero hindi, eh. Iba talaga ang nararamdaman ko sa kanya. Ito yata ang tinatawag na lukso ng dugo.Nag-desisyon akong magtungo sa kompanya para i-check ang opisina ko. Tiyak maraming papeles ang nakatambak na sa mesa ko dahil hindi ako pumasok kahapon.Ipinark ko ang kotse ko sa VIP parking space at akmang lalabas na ako ng kotse nang bigla akong nakarinig ng malakas na tunog ng ringtone. Kinuha ko ang cellphone ko ngunit napakunot ako ng noo nang makitang wala namang tumatawag sa akin. It means, hindi cellphone ko ang nagri-ring kundi ibang cellphone at nasa loob ng kotse ko. Hinanap ko ang pinagmumula ng tunog hanggang sa na
Erika Pov "Hindi ba sinabi ko sa'yo na hindi ka puwedeng lumabas ng bahay hangga't hindi ako ang kasama mo? Bakit hindi mo sinunod ang sinabi ko sa'yo?" galit na sita ni Jake sa akin pagkapasok namin sa bahay. "At hindi ba kabilin-bilinan ko naman sa'yo na huwag mong hayaang lumaba sng bahay si Erin, Daina? Pero ano ang ginawa mo? Hindi mo lang siya hinayaan kundi sinamahan mo pa siya!" galit na baling naman nito sa pamangkin nito. "I'm sorry, Tito Jake. Hindi na mauulit ang nangyaring ito," umiiyak na paumanhin ni Daina sa tiyuhin. Halatadong takot ito sa kanyang tito kapag nagagalit ang lalaki. Sa isang buwan kong pananatili rito at pakikisama kay Jake bilang asawa niya ay ngayon ko lang siya nakitang nagalit ng ganito katindi. At iisa lang ang aking na-realized ngayon. Hindi ko nga siya kilala. Wala akong familiarity na nararamdaman sa kanya kapag nagagalit siya, nagtatampo o naglalambing."Gusto mo akong nakakulong lamang sa loob ng bahay mo, Jake? Bakit? Dahil nag-aalala ka n
Erika Pov Habang nakatitig ako sa ama ng bata ay biglang kumislot ang aking puso at pagkatapos ay bumilis na ang pagtibok niyon. Mayamaya ay napahawak ako sa aking ulo dahil bigla itong sumakit. Para bang may mga alaala na nais lumabas sa aking isip ngunit hindi makalabas. "Let's go, Ate Erin. Sumasakit lamang ang ulo mo dahil sa kanila kaya umalis na tayo!" Hinawakan ulit ni Daina ang isa kong braso at hinila paalis. "Bakit gusto mong ilayo na kaagad si Erika, Miss? Dahil natatakot ka na bigla niyang maalala na anak at asawa niya ang mga taong nasa harapan niya?" Biglang kinausap ng lalaki si Daina kaya napahinto kami sa paglalakad. "Hindi ko alam ang pinagsasasabi mo, Mister. Ngunit natitiyak ko na hindi mo asawa si Ate Erin dahil unang-una ay hindi Erika ang pangalan niya kundi Erin at pangalawa ay asawa siya ng Tito ko. Kaya kung naghahanap kayo ng nawawalang asawa mo ay sa police station kayo magpunta," mataray na sagot ni Daina sa lalaki. "Really? Kung totoo ang sinas
Erika/Erin Pov Wala sa bahay si Jake dahil pumasok ito sa trabaho kaya mas lalo akong na-bored sa loob ng bahay. Gusto kong mamasyal sa labas ngunit mahigpit na ipinagbilin ni Jake na huwag na huwag akong lalabas ng bahay lalo na kung hindi ko siya kasama. Magmula nang lumabas ako sa hospital ay hindi pa ako nakakalabas ng bahay para mamasyal man lang. Para may kinakatakutan siya o di kaya iniiwasan kung kaya't ayaw niya akong payagan na lumabas ng bahay. Hindi na ako nakatiis sa sobrang pagka-bored kaya pinuntahan ko sa silid nito si Daina, ang teenager na pamangkin ni Jake at kasama naming nakatira sa bahay. Niyaya ko siyang mamasyal kami sa mall dahil bored na bored na talaga ako rito sa bahay ngunit tumanggi siya. Mahigpit daw kasing ipinagbilin sa kanya ng Tito Jake niya na huwag akong hayaang lumabas ng bahay. Para naman ito sa kaligtasan ko kung kaya't ayaw niya akong payagang gumala. Baka raw kasi bigla akong maaksidente ulit. "Sige na, Daina. Mamayang hapon pa naman uuw
Erika Pov Nanginginig ang buo kong katawan at parang hindi ko magawang igalaw ang aking mga kamay. Nasa harapan na ako ng manibela ngunit hindi ko pa magawang hawakan ito at paandarin palayo sa lugar na ito. "Mommy! Let's go!" Malakas na boses ni Rise ang tila nakapagpagising sa aking diwa. Para akong nagkaroon ulit ng lakas dahil sa takot na boses na iyon ng anak ko. Hindi ko na isinuot ang seatbelt sa baywang ko at inapakan ko na lamang ang pedal para tumakbo ang kotse. "Are we safe now, Mom?" "I-I think so," nanginginig ang boses na sagot ko sa kanya. Akala ko ay nakatakas na nga kami mula kay Edgar ngunit hindi pa pala. Dahil bigla na lang may sasakyan ang malakas na bumalya sa likuran ng minamaneho kong kotse. Sabay kaming napasigaw ni Rose ng malakas. "Mommy! I'm scared!" umiiyak na wika ng anak ko. "Don't worry, baby. Mommy is here. Hindi kita pababayaan. Mommy will protect you, okay?" pagbibigay-assurance ko sa anak ko para mabawasan ang takot na nararamdaman niya. T
Erika Pov Nanginginig ang mga kamay ko habang binubuksan ko ang pintuan ng storage room. Mabuti na lang nilagyan nila ng ilaw ang silid at hindi katulad sa ginawa nila sa akin noon na hinayaan nila akong mangapa sa dilim. Nang mabuksan ko ang pintuan ay tumambad sa aking mga mata ang nakakaawang hitsura ng anak ko na halos magpadurog sa aking puso. Nakahiga sa malamig na sahig si Rose habang nanginginig sa lamig at nakapamaluktot. Nakapikit ng mariin ang mga mata nito at bakas sa mukha ang matinding takot. "R-Rose. A-Anak ko." Hindi ko napigilan ang pagpiyok ng boses ko dahil sa matinding awa sa kanya. Agad namang nagmulat ng mga mata ang anak ko at bumakas ang kasiyahan sa mukha nang makita ako. "Mom—" "Sshh. Huwag kang maingay." Agad ko siyang sinaway na huwag lakasan ang kanyang boses dahil baka may makarinig aa amin at mabuko pa nila na nandito ako. Agad namang nakaintindi ang anak ko. Tahimik itong tumayo at tumakbo palapit sa akin.Mahigpit na niyakap ko ang anak ko habang
Erika Pov Nang masiguro naming ligtas na si Dario ay umalis din kami sa hospital. Nagpaiwan sina Bruce at Raven para siyang magbantay at mag-asikaso sa mga pangangailangan ni Dario samantalang isinama ko pauwi sa bahay si Adelina para makapagpahinga. Alam kong hanggang ngayon ay shock pa rin ito sa nangyari kaya kailangan nitong makapagpahinga. "Manatili ka na lamang dito sa bahay, Erika. Kami na lamang ni Tony ang maghahanap sa anak natin," sabi ni Charles nang makarating kami sa tapat ng bahay namin. Nakababa na si Adelina at tanging ako na lamang ang at Tony maliban kay Charles ang nasa kotse. Sasama kasi ako sa paghahanap ni Charles sa anak namin. Hindi ako mapapakali kung nasa bahay lamang ako at naghihintay ng balita kung nahanap na ba ang anak ko o hindi pa. "No, Charles. Sasama ako sa inyo. Ayokong maiwan sa bahay habang kayo ay naghahanap sa anak natin," mariing tanggi ko sa kanya. "Please, Erika. Mas mapapanatag ang loob ko kung mananatili ka lamang dito sa bahay. Do
Erika Pov "Anong sinabi mo? Ulitin mo nga ang sinabi mo, Adelina," utos ko sa yaya ng anak ko. Natutulog kasi ako nang makatanggap ako ng tawag mula kay Adelina. Umiiyak ito habang nagsasalita at humihingi ng sorry sa akin. "Nakidnap si Rose, Ma'am Erika!" sigaw ni Adelina mula sa kabilang linya. Actually, narinig ko ang sinabi niya kanina ngunit baka nagkamali lamang ako ng dinig kaya ipinaulit ko sa kanya. Ngunit hindi pala ako nagkamali ng dinig dahil totoo pala ang narinig ko. Sa pinaghalo-halong takot, pagkabigla, at pag-aalala ay nabitawan ko ang cellphone ko. Kahit nagsasalita pa si Adelina ay wala na akong maintindihan sa kanyang mga sinasabi. Pakiramdam ko ay bigla akong nabingi at lumaki ang ulo ko kasabay ng pangangapal ng pakiramdam ko bago nagdilim ang paningin ko at nawalan ng malay. Nang magising ako ay maayos na akong nakahiga sa kama habang nakahawak naman sa isa kong kamay si Charles at bahagyang hinahalik-halikan ang likuran ng palad ko. Nasa loob din ng akin
Erika PovNang pagbalikan ako ng malay ay nasa loob na ako ng silid namin at nakahiga sa kama. Naalala ko ang aking nakita kaya muli akong napasigaw ng malakas. Dahil naman sa sigaw ko ay biglang pumasok si Charles na dumating na pala. Agad niya akong niyakap ng mahigpit para maalis ang takot na nararamdaman ko."Nakita ko ang laman ng regalo, Charles! Hindi porn videos kagaya ng sinabi mo sa akin! Maliit na kabaong na puno ng daga at may laman na patay na puno rin ng dugo! May tao ba na gusto ulit akong patayin? Bakit ako pinadalhan ng ganoong klaseng regalo? Si Uncle Edgar ba ulit ang nananakot sa akin?" nagpapanic na tanong ko kay Charles ng sunod-sunod. "Bakit ka nagsinungaling sa akin? Bakit hindi mo sinabi sa akin ang totoo?""Calm down, Erika. Ito ang dahilan kung bakit hindi ko sinabi sa'yo ang totoo. Kung bakit mahigpit kong pinigilan sina Dario at Merlyn na sabihin sa'yo ang kanilang nakita. Dahil ayokong magpanic ka kapag nalaman mo ang totoo. Ayokong matakot ka kagaya ngay
Charles' PovGusto ko nang magmura ng malakas habang yakap ko si Erika. Mabuti na lamang at hindi ako nahuli ng dating. Hindi pa nakikita ng asawa ko kung ano ang laman ng regalong natanggap nito. Hindi nito nakita ang isang maliit na kabaong na maraming dugo at sa loob ay may patay na daga na nakahiga. Tiyak na mula sa patay na daga ang dugong nakakalat sa kabaong.Kasalukuyan akong nasa meeting room kanina at ka-meeting ang isang kliyente nang makatanggap ako ng tawag mula sa numerong hindi nakarehistro sa cellphone ko. Sinabi sa akin ng taong tumawag na boses ng lalaki na may regalo raw na matatanggap ngayon ang si Erika. Tiyak na magugulat daw ang asawa ko kapag nakita nito ang laman ng regalo. Agad akong kinutuban at nagkaroon ng masamang hinala nang marinig ko ang malakas na halakhak ng lalaking nasa kabilang linya. Ngunit bago ko pa man siya matanong kung sino siya at ano ang kailangan niya ay agad na nitong pinatay ang cellphone nito. Wala akong inaksayang oras. Mabilis akon