Erika's Pov
"Bakit ako nandito sa hospital, Raven?" nanghihina ang boses na tanong ko sa kaibigan ko nang pagbalikan ako ng aking malay. Tumulo ang mga luha ng kaibigan ko kaya hindi ko maiwasan ang mapakunot ang noo. "Bakit ka umiiyak? May sakit ba ako? Malapit na ba akong mamatay?" Mabilis na umiling si Raven at pinahid ang mga luha sa kanyang pisngi bago magsalita. "You're three weeks pregnant, Erika. "Erika? Nasa labas na si David. Mag-ready ka na." Naudlot ang pagbabalik-tanaw ko sa isa sa mga nangyari sa buhay ko noon nang pumasok ang kaibigan ko sa silid ng anak ko. Tumango lamang ako sa kanya at pagkatapos ay dagli rin siyang lumabas. Pagkalabas ni Raven ay muli kong tinapunan ang mukha ng natutulog kong anak. At muli, biglang rumagasa sa aking isip ang daluyong ng mga alaala na pilit kong kinalimutan... "Puwede bang tumigil ka na sa kakaikot mo diyan sa harapan ng salamin, Erika? Kanina pa ako nahihilo sa'yo," hindi napigilan ng best friend kong si Raven ang magreklamo nang makita niya akong umikot sa harapan ng salamin for the tenth times. Kinakabahan kasi ako and at the same time masyadong excited. Gusto kong magandang-maganda ako sa gabing ito dahil napakahalaga ng gabing ito sa buhay ko. Tonight is my engagement party with Charles Evan, my boyfriend for almost two years. Pinakahihintay ko ang gabing ito. Sa wakas ay ipapakilala na niya ako sa lahat ng mga kaibigan, kakilala, at kamag-anakan niya at ia-announce sa lahat ang pagpapakasal naming dalawa. Hindi na ako makapaghintay na maging Mrs. Erika Evans. Napakasarap pakinggan ng pangalan ko na karugtong ang apelyido ni Charles. "Maganda na ba talaga ako, Raven? Hindi ba makapal ang makeup na inilagay mo sa mukha ko? Magustuhan kaya ni Charles ang suot kong black dress?" may pag-aalala ang boses na tanong ko sa kaibigan ko nang harapin ko siya. Gusto ko kasing maging perfect ang hitsura ko para sa perfect night na ito. Black evening dress ang pinili kong isuot dahil ito ang paboritong kulay ni Charles. Tutol nga ang kaibigan ko na itim ang kulay ng dress na isuot ko dahil malas daw ang kulay na ito. Baka malasin pa raw ang pagsasama namin ni Charles. But Charles loves the color black and for me, black is elegance. At saka hindi ako naniniwala na malas ang kulay na black kaya hindi ko sinunod ang gusto ni Raven. "Look at yourself, Erika. Napakaganda mo kahit na very light ang makeup na ini-apply ko sa mukha mo. Kaya huwag mong pagdudahan ang beauty mo dahil kahit walang makeup ay maganda ka pa rin." Tinitigan ko ang sarili ko sa salamin. Tama nga si Raven. Napakaganda ko nga at bumagay sa akin ang light makeup pati na rin ang dress na backless ang style at may katamtamang lalim ng uka sa dibdib na bahagyang nagpalitaw sa cleavage ng dibdib ko. Kahit okay na ang hitsura ko ay ewan kung bakit masyado pa rin akong conscious sa aking sarili. Siguro kinakabahan lamang ako dahil ito ang unang beses na haharap ako at makikihalubilo sa mga taong may koneksiyon kay Charles. "Sana maging okay ang lahat." Ewan kung bakit nasabi ko ang mga salitang iyon. Basta na lamang itong lumabas sa bibig ko kahit na hindi ko naman iniisip na hindi magiging okay ang engagement party namin ni Charles. "Of course! Magiging okay ang lahat," agad na sang-ayon ni Raven. "Umalis na nga tayo dahil baka kapag nagtagal pa tayo sa bahay mo ay bigla ka na lamang umatras sa engagement party ninyo ni Charles dahil sa pagiging conscious mo diyan sa sarili mo." Iyon ang hindi mangyayari. Hindi ako aatras sa engagement party namin ni Charles dahil ito ang pinakahihintay ko. Ngunit hindi ko na lamang isinatinig ang bagay na iyon. Sumunod na lamang ako sa kaibigan ko na nauna nang lumabas sa aking silid. Si Raven ang nag-drive ng kotse ko papunta sa bahay ni Charles. At habang palapit ang sinasakyan namin sa malaking bahay ni Charles ay mas lalo akong kinabahan. Natitiyak ko na sa mga oras na ito ay naroon na ang lahat ng mga bisita na inimbitahan ni Charles para sa engagement party naming ito. Puro mga kakilala, kaibigan at kamag-anak nito ang mga bisita dahil wala naman akong mga kaibigan maliban kay Raven. Masyado kasi akong introvert kaya si Raven lamang ang nagtiyagang makipaglapit sa akin para kaibiganin ako. "Mukhang puno na ng mga bisita ang bahay ni Charles, Erika," puna ng kaibigan ko nang mapansin ang halos siksikan na mga kotse na nakaparada malapit sa bahay ni Charles at mismong tapat ng gate ng bahay nito. "Tatawagan ko lamang si Charles para salubungin tayo sa pintuan. " Dinukot ko ang cellphone ko sa dala kong pouch na katerno ng suot kong dress at idinayal ang cellphone number ni Charles. Walang sumasagot. Ilang beses ko pang idinayal ang number niya ngunit hindi talaga sinasagot ni Charles ang tawag ko. "Busy yata siya kaya hindi niya sinasagot ang tawag ko," sabi ko kay Raven. Sinalubong kami ng butler na si Antonio pagbaba namin sa kotse ko. "Good evening, Ma'am Erika. Napakaganda mo naman ngayong gabi," nakangiting bati niya sa akin sabay papuri. Iginiya niya kami papasok ng bahay dahil lahat ng mga bisita ay nasa malawak na bakuran lamang. "Salamat," matipid kong sagot. "Puwedeng pakitawag si Charles? Sabihin mo sa kanya na dumating na ako." Biglang naglaho ang ngiti sa mga labi ng butler at naging mailap ang mga mata niya. Tila ba nag-aalangan din siyang sundin ang sinabi ko na ikinakunot ng aking noo. "Sorry, Ma'am Erika. Wala pa si Sir Charles. Hindi pa siya dumarating mula nang umalis siya sa bahay kaninang umaga," sagot sa akin ng butler. "Ano? Oras ng engagement party niya pero wala ang presensiya niya?" inis na reaksiyon ng kaibigan ko nang marinig ang sinabi ng butler. "Hayaan mo na, Raven. Darating din siya mayamaya. Alam naman natin na masyado siyang busy," pagtatanggol ko kay Charles. Totoo naman kasi na sobrang busy ni Charles dahil siya ang CEO ng Evans Industry. Marami siyang mga kinakausap na tao at inaasikasong mga papeles araw-araw. Lumabas kami ng bahay at nakihalo sa mga bisita habang naghihintay kay Charles. Ngiti at tango lamang ang ginawa ng mga bisitang napapatingin sa akin dahil hindi naman nila ako kilala. Ngunit hindi bale na. Pagkatapos akong ipakilala ni Charles at i-announce ang kasal namin ay tiyak na makikilala rin nila ako. Mahigit kalahating oras na kaming naghihintay ngunit wala pa rin si Charles. Nagsisimula ng mainip ang mga bisita kaya nagtatanong na sila sa butler kung bakit wala pa ang boyfriend ko. Ilang beses kong tinawagan ang cellphone number ni Charles ngunit hindi niya sinasagot. Nakaramdam tuloy ako ng pag-alala. Baka kung ano na ang nangyari sa kanya kaya wala pa siya. "Ano ba naman iyang boyfriend mo, Erika? Kanina pa tayo naghihintay pero ni anino niya ay hindi pa nagpapakita," yamot ang boses na sabi sa akin ni Raven. Akmang magsasalita na sana ako para ipagtanggol si Charles ngunit biglang bumukas ang gate at pumasok si Charles. Ngunit hindi siya nag-iisa. May kasama siyang napakagandang babae. Ang sikat na artistang si Jane Watson. Biglang may sumundot sa aking dibdib nang makita kong magkahawak-kamay sila at sweet na sweet na naglalakad palapit sa mga bisita. Dumaan sa tapat ng kinatayuan namin sina Charles ngunit para lamang akong hangin na dumaan sa kanyang mga mata. Hindi ko gusto ang nararamdaman ko. Sinasabi ng instinct ko na may hindi magandang mangyayari sa gabing ito. "Charles," mahinang sambit ko sa pangalan niya. Nag-uulap ang aking mga mata at tila ba unti-unting gumagapang ang lamig sa buo kong katawan. "Anong nangyayari, Erika? Bakit may kasamang ibang babae ang boyfriend mo?" Puno ng pagtataka ang mukha ni Raven. "H-Hindi k-ko alam." Gumaralgal na ang boses ko. Nakita ko kasing dinala ni Charles ang babae sa gitna na siyang nagsisilbing pinaka-dance floor at pagkatapos ay matamis itong ngumiti sa mga bisita. Alalang-alala ako na baka may nangyaring masama sa boyfriend ko tapos makikita kong may kasama pala itong ibang babae. "Good evening, ladies and gentlemen! I'm sorry for my late arrival. Medyo matagal kasing magbihis ang napakagandang babaeng katabi ko," maluwag ang pagkakangiti na wika ni Charles sa mga bisita. "It's okay, Mr. Evans. Kanina ay naiinip na kami pero ngayong nandito ka na ay gusto naming malaman kung para saan ang party na ito na in-organisa mo?" tanong ng isa sa mga bisita kay Charles. Tiningnan ni Charles ang magandang actress at dinala sa mga labi nito ang magkasalikop nilang mga palad. Nakangiting hinalikan ni Charles ang likurang palad ng nakangiting actress na ikinainggit ng mga bisita pagkatapos ay muling hinarap ang mga bisita. "Ang party na ito ay engagement party namin ng fiancee kong si Jane Watson. Natutuwa akong ibalita sa inyo ang nalalapit naming pagpapakasal. At lahat kayong narito ay imbitado sa kasal namin," nakangiting pagbabalita ni Charles sa mga bisita. Parang bombang sumabog sa mukha ko ang narinig kong mga pahayag ni Charles sa harapan ng mga bisita. Kasabay ng pag-uunahan ng pagpatak ng mga luha ko ay ang pag-ikot ng aking paligid.Erika's POV Naputol ang pagdaloy ng masakit na alaala sa aking isip nang maramdaman ko ang mainit na likido na bigla na lamang dumaloy sa aking mga mata. Mabilis ko itong pinahid at saka binalikan sa aking isip ang eksena kung saan ay sinabi ni Raven sa akin na buntis ako nang pagbalikan ako ng malay matapos kong mahimatay nang marinig ko ang ini-anunsiyo ni Charles. Hindi ako nakapagsalita sa ibinalita ng kaibigan ko. Para akong namatanda sa aking narinig. Ako? Buntis? Bakit ngayon pa siya dumating? "Sigurado ka ba na sinabi ng doktor na buntis ako? Baka nagkamali ka lang ng narinig mo, Raven?" namumuo ang mga luha na tanong sa kanya. Hindi naman sa ayaw kong magkaroon ng anak kay Charles ngunit sa sitwasyon ko ngayon ay parang hindi ko pa kayang tanggapin na magkakaroon ako ng anak sa lalaking labis na nanakit sa akin. Umiling si Raven kaya napapikit ako ng aking mga mata. Hinawakan niya ang isa kong kamay at marahang pinisil. "Kailangan mong tanggapin ito, Erika. Magpakata
Erika's Pov Napabuntong-hininga ako ng malalim matapos maputol sa pangalawang pagkakataon ang pagdaloy ng mga alaala sa aking isip. May sumungaw na fondness sa mga mata habang hinahaplos ko ang pisngi ng anak ko. Nagpapasalamat ako sa Diyos na hindi niya hinayaang mawala sa akin ang anak ko. Six years ago ay muntik na akong makunan matapos akong kausapin ni Jane. Agad akong isinugod ng kaibigan ko sa pinakamalapit na hospital dahil dinudugo na ako. At mabuti na lamang na naisugod agad ako sa hospital kaya naagapan ang pagkakalaglag ng anak ko sa aking sinapupunan. Pagkatapos ng insidenteng iyon ay nagdesisyon akong magtungo sa Canada upang magbagong buhay. Hindi kasi ako makakapag-move on kung hindi ako lalayo. Ayokong muling malagay sa panganib ang buhay ng anak ko kaya mas mabuting sa Canada na lamang ako tumira. Tinulungan ako ng pamilya ng ninong ko na naka-base na sa Canada. Sa bahay nila ako tumira at ang bunso nilang anak ang nag-alaga kay Rose habang nagtatrabaho ako.
Charles Pov Naiinip na ako habang kausap ko ang mga kakilala ko sa party na pinuntahan ko. Wala sana akong balak na um-attend sa party na ito ngunit ipinaalala sa akin ni Linda, ang aking secretary, na a-attend daw sa party na ito ang CEO ng Wilson Company na si David Wilson. Wilson Company a new built company at kahit last year lamang ito pumasok sa mundo ng business ay unti-unti na itong nakakaangat. May potensiyal ang kompanyang ito pagdating sa mga Artificial Intelligence kaya naman iminungkahi ni Linda na makipag-cooperate ako sa CEO ng Wilson Company. Kaya ako narito sa party para makilala ng personal ang CEO ng kompanyang ito Nang hindi na ako makatiis sa pagka-bored sa usapan ng mga kaharap ko ay nag-excuse ako para magtungo sa comfort room. Ngunit hindi ako nagtungo sa comfort room sa halip ay nagtungo lamang ako sa area na konti lamang ang mga tao. Nalukot ang noo ko nang makita kong palapit sa akin ang nakangiting mukha ni May. Iiwas sana ako ngunit alam na niyang
Erika's PovHindi ko mapigilan ang makaramdam ng galit kay Charles. Ano ang karapatan niyang banggitin kung anong koneksiyon mayroon kami? Hindi ba pumasok sa isip niya na ayoko nang magkaroon pa ng koneksiyon sa kanya magmula nang niloko niya ako? "He knows everything about me, including what you did to me before, Mr. Evans," sagot ko kay Charles pagkatapos ay binigyan ko ng matamis na ngiti si David. "I know about Erika's past relationship, Mister Evans. Tanggap ko kung ano siya at kung sino siya. And with my help, nakapag-move on siya sa painful past relationship niya with you," seryoso ang mukha na wika naman ni David kay Charles. "If you will excuse us, ipapakilala ko lamang si Erika sa mga kaibigan at kakilala ko na present sa party. And by the way, it's nice to meet you, Charles Evans."Nginitian ako ni David pagkatapos ay hinila na niya ako para iwan si Charles. "I heard you're looking for investors for your big project."Sabay kami ni David na napahinto sa paglalakad nang
Erika's PovTahimik lamang ako sa kinauupuan ko habang sakay sa kotse ni David pauwi sa bahay ko. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin mawaglit sa isipan ko ang sinabi ni Charles sa akin kanina. He wants me back? For what? Para saktan niya ulit? Galit ako sa kanya. Sinaktan niya ako. Ito ang itinatak ko sa aking isip at puso magmula nang lokohin niya ako. Dapat ay puro galit lamang ang maramdaman ko sa kanya. Ngunit nang marinig ko ang tanong niya sa akin kanina ay biglang tumalon sa kinalalagyan nito ang aking puso. Bigla itong tumibok ng mabilis. Para bang nagising ang puso ko na ilang taon nahimbing sa pagkakatulog.Dapat ay prangkang sinabi ko sa kanya na wala siyang second chance na aasahan mula sa akin. Na hindi na mangyayari na magkakabalikan pa kami. Ngunit sa halip na iyan ang sabihin ko sa kanya kanina ay bigla akong naumid. Parang naputulan ako ng dila kaya hindi ako nakapagsalita. Basta ko na lamang siyang iniwan at tinalikuran kanina pagkatapos ay niyaya ko na si David n
Charles' PovNang makita kong magkasabay na umalis sa party sina Erika at David ay nagpasya na rin akong umuwi. Kapag nanatili pa ako ay tiyak na hindi ako tatantanan ni May. Mukhang naging obsessed na yata sa akin ang babaeng iyon dahil tanging ako lamang ang lalaking hindi nahuhumaling sa kanyang kagandahan. At siguro dahil na rin sa pride. Ako lang yata kasi ang lalaking tumanggi sa kanya na makipag-date. Hindi ko siya type kaya ayaw kong makipag-date sa kanya. Pagdating ko sa bahay ay agad kong tinawagan ang secretary ko at ipina-send ko sa kanya ang lahat ng details tungkol kay David Wilson at sa kompanya nito. Wala pang isang oras ay dumating sa email ko ang mga hiningi kong details kay Linda.Kaagad kong binasa ang details tungkol kay David. Ang ibang details tungkol sa kanya ay alam ko na kaya ang mga hindi ko pa alam ang tanging pinagtuunan ko ng pansin. Nalaman ko na kaklase pala ni Erika si David noon nag-aaral pa ang dalawa sa kolehiyo. Hindi lang sila magkaklase kundi ma
Erika PovNakahinga ako ng maluwag nang wala na si Charles. Kanina habang narito sa loob ng opisina ko siya ay parang dinadaga ang aking dibdib. Natatakot ako na maramdamam ni Charles ang tinatawag na lukso ng dugo habang kausap si Rose. Pasalamat din ako na mas kahawig ko ang anak ko kaysa sa kanya kaya hindi niya napansin na may similarities silang dalawa kagaya ng mga mata at labi. Ngunit kung nagtagal pa sa pakikipag-usap si Charles kay Rose ay natitiyak ko na mapapansin din niya ang bagay na iyon. Ayokong malaman ni Charles na anak niya si Rose. Wala siyang karapatan sa anak namin dahil magmula nang niloko niya ako ay tinanggalan na rin niya ang kanyang sarili na magkaroon ng karapatan sa magiging anak nila."Mom? Are you mad at me?" Napapitlag ako nang marinig ko ang boses ng anak ko.Nakangiting ginulo ko ang kanyang buhok pagkatapos umiling ng tatlong beses. "Of course not, baby. But next time, don't talk to a stranger, okay? Especially to that man who just came out of my off
Charles Pov Wala akong choice kundi ang lumabas sa opisina ni Erika na laglag ang mga balikat. Dama ko ang galit niya sa akin. Gusto kong ipaliwanag sa kanya ang lahat. Kung bakit nagawa ko siyang saktan noon. Ngunit paano ko naman maipapaliwanag sa kanya ang lahat kung ayaw niya akong bigyan ng chance? Ayaw na niyang magkaroon pa ng koneksiyon sa akin. Hindi ko siya masisisi kung hanggang ngayon ay matindi pa rin ang galit niya sa akin. Sinaktan ko siya ng labis at hindi ako nagbigay ng paliwanag sa kanya. Ngunit hindi ko rin masisisi ang aking sarili dahil ayaw ko lang siyang may sakit ako at mlapit ng mamamatay. It was the doctor's damn fault kung bakit kami nagkaganito ni Erika. Kung hindi lamang ito naging careless ay hindi magkakapalit ang ko sa result ng lalaking kasabay ko rin na nagpa-check up. Pagdating ko sa loob bahay ko ay mabigat ang katawan na naupo ako sa sofa at isinandal ang ulo sa sandalan ng sofa. Ipinikit ko ang aking mga mata. Hindi ko alam kung ano ang gag