Pak! ganern! O, ano, Victor. May sasabihin ka pa?
Huminto ang dalawa sa classroom ng kanilang mga anak. Kumaway ang babae at napatakbo ang batang guro, si Teacher Earl. “Good morning, Ma’am. Mommy po ako ng kambal. We apologize for a little misunderstanding with your school bus service driver and also their daddy’s men. We’ll make sure na hindi na po sila mali-late. Mackie, Holly, behave kay Teacher ha!” “Bye na kay Daddy.” Yumakap pa si Holly. “Bye, Daddy.” Nag-flying kiss pa ang bata at hinila na siya ni Mackie papasok. Kumaway na rin si Nadja at mabilis na tumalilis. Nagmadali rin si Victor. Wala silang imik habang nasa pasilyo ng school na iyon. “Lalaking normal ang mga anak ko. Hindi nila kailangan ng mga alalay.” “Yeah, they will be normal kids. Walang alalay.” Napabuntunghininga na lang si Victor. “Nadja, can we talk?” Of all places, sa tapat pa ng mga lockers napahinto si Nadja. Napalingon siya sa lugar, It seemed familiar to him. “Tell your men to stop chasing after my kids.” “Gusto ko lang ipaalala sa iyo na hindi m
Gusto na niyang umalis. Nakabestida pa naman siya ng araw na iyon dahil may mga darating na bisita sa Titan Music ng araw na iyon. Kailangan niyang maging presentable. Ngunit nagkamali pa yata siya ng timing. Para bang nakahanda na siya sa posibleng mangyari. Naramdaman niya ang nag-iinit na kamay ni Victor. Mainit din ang hininga niya. Paa ni Victor ang nagtanggal ng sapatos ni Nadja. Inilislis lang niya ang damit ng babae. Nagmamadali pa siyang magbukas ng kanyang zipper para huwag nakapatakas ito. “Victor, I said stop!” Mahigpit ang hawak ni Victor kay Nadja. Wala siyang kawala. Napakapit tuloy nang mahigpit si Nadja. Pumikit siya ng magdikit ang kanilang mga labi. Ni hindi niya magawang tumugon. Patuloy siyang nagpumiglas. “I missed you Nadja.” “Let me go!” Nakasubsob ang nguso ni Victor sa leeg ng babae. “Akala ko ba maysakit ka?” “Bakit? Anong akala mo sa alaga ko, hindi natitigas dahil may lagnat ako. Makita lang kita, tinitigasan na ako.” “Alam mo ikaw, bastos talaga ang
Hindi napigilan ni Philip ang sarili ubos na ang kanyang pasensiya at hinawakan si Djana sa braso nito. Napakagat-labi si Nadja. “Huwag mo akong sagarin, Nadja. Stay – away- from- that- man.” “Aray, ano ba? That man is my happiness, get it! Siya ang bubuo sa aming pamilya. Palalampasin ko pa ba? Malalaos ako balang araw bilang isang singer and I can only have my man and my children to be with me. You have your life. I have my life too.” “Okay fine. I hope na ready ka ring ipaliwanag sa madla kung sino siya at sino ang mga bata.” “At anong gagawin mo bilang manager ko? Hahayaan mo akong mabilad sa kahihiyan. Well, sanay na ako. I am just a business to you hanggang doon lang ang pakinabang mo sa akin.” Umigkas ang kamay ni Philip. “Sige! Sampalin mo ako!” Inilapit pa ni Nadja ang pisngi. “Sir Philip, they are now coming!” Kaagad na humarang ang sekretarya sa dalawa bago sila magkasakitan. “Pumasok ka na. Mabuti at ngayon pa lang darating ang mga kausap natin kung hindi, malilintik
Pinagitnaan ng dalawang puting van ag kotse ni Nadja. Ganoon din ang ginawa sa sariling van nila kung saan nakasakay ang kanyang mama at papa. Umusok ang ilong ni Nadja dahil puwede silang maabala sa ginagawa ng mga ito. “Anong problema ng mga ito? Sinabihan ko na sila na huwag nang eskortan ang mga bata? Mahirap bang intindihin iyon?” “Ma’am, huwag po kayong lalabas kahit anong mangyari.” “Cogie…” “Baka po kasi hindi sila mga tauhan ni Sir Victor.” Biglang napahinto si Nadja. Doon lang siya kinabahan. Inosente ang mga bata at hindi nila alam kung ano ang posibleng mangyari. Huminto na si Cogie dahil ayaw silang paunahin ng mga sasakyan. May bumabang kalalakihan sa puting van. “Tama ka, hindi sila tauhan ni Victor.” Hindi napansin ni Nadja ang babaeng naglakad sa gawing kanan at kinatok ang bintana. Nakahawak siya ng baril ngunit hindi naman natakot si Nadja doon. Kasama niya ang kanyang mga anak. “Ma’am…” “Kapag bumaba ako, isara mo kaagad ang pinto at huwag mong bubuksan ka
“Kasalanan ko lahat. Kung nakinig lang ako sa iyo, hindi sana sila napahamak. Puwede bang ibalik mo sila sa akin, Victor?” “Sshhh! Hindi iyan totoo. Alam kong nag-aalala ka rin. Gagawin ko ang lahat, Nadja. Para sa iyo at sa mga bata.” “Salamat, Victor!” Nasa taas ng terrace ng mansion ang mag-ama. Ginamit nila ang daan sa likuran ng bahay. Nagkatinginan ang dalawang ama. Dinig ang click ng kanilang mga baso at sabay na uminom ng alak. “Ipinapakita ko sa iyo ang buhay namin sa loob ng mansion, Bob. It’s up to you if you are going to entrust Nadja to my son. I am not supposed to do this because you can turn down my son or not. It’s okay. I can see him cry but I cannot do anything if Nadja turned his back to Victor.” “Anak ko pa rin ang magdedesisyon sa bagay na iyan. Besides, iba ang pagkakakilala ko noon kay Victor. He is a strong-willed man. He is not as fierce as this. He can be sweet, you know. He can be a lover, a joker and bully but he will still be the same Victor for Nadja.
Pinindot niya ang button to let the doctor know that Nadja gain consciousness already. Hindi na inabutan nina Sophia at Bob ang nagaganap na pagtatalo sa loob. Masinsinang kinausap ni Sophia si Philip. Gustong matawa ni Victor dahil sa plastic na pakikitungo ng lalaki dito. Sinasamantala nito ang kabaitan ng magulang ni Nadja. Hindi ipinaalam ni Philip ang nangyari sa kanyang alaga ngunit mabilis ang paparazzi ni Dianna. Gustuhin man nilang ibigay ang detalye ng balita sa kung anong nangyari sa singer, si Philip na rin ang tutol sa ilalabas nitong balita. Hindi pa lang nagtatagal ay nasa ospital na naman kasi siya. Kay Philip nalaman ni Kelly ang nangyari sa kaibigan kaya sinadya niya ito sa ospital. Nasa harap na siya ng pinto habang binigyan siya ng espasyo ng dalawang bantay sa pinto upang makapasok. Nakatayo siya sa tapat dahil pinag-iisipan pa niya kung papasok ito ngunit nahalata ng dalawang tauhan na parang nagdadalawang-isip ang babae. Minabuti nilang buksan ang pinto para s
“What’s the meaning of this? Gusto mo ring maintriga o gusto mong isipin nilang may relasyon talaga tayong dalawa?” “Isipin nila ang gusto nilang isipin. Hindi ka pa ba nasasanay?” “Eh, ikaw? Hindi ka pa ba napapagod?” “As long as nasa poder kita, Nadja, you will follow my orders.” This time, naging maganda ang takbo ng career ni Nadja. Umikot na ang gulong ng kanyang palad matapos ang nakakatakot na experience niya sa loob ng bakuran ni Cheddar. Naging mailap sa kanya si Victor at hindi nagpakita sa kanya hanggang makaalis siya patungong Japan. Iba na ang sitwasyong kanyang kinakaharap sa pagbabalik niya. Maingay ang ground floor sa loob mismo ng terminal. Maraming naghihintay sa kanya. May mga fans at media. Nagkikislapan ang mga lente ng kamera sa iba’t ibang lugar habang sinasalubong siya. Muling isinigaw ang pangalan niya at nagsisigawan ng “WE LOVE YOU DJANA!” Masaya siyang ngumiti at masiglang kumaway sa kanila. Nag-flying kiss pa siya. Marami na ulit security sa paligid
Parang umuusok ang ilong ni Nadja sa inis. Pangisi-ngisi lang si Victor ngunit kanina pa niyang napansin na may ibang nakatingin sa lugar ng babae kaya lumipat na siya ng mesa bago pa siya maunahan. “Huwag ka nang mag-inarte diyan at baka mapaaway ako sa lalaking kanina pang nakatingin sa iyo.” “Selos ka naman.” “I missed you!” sabi ni Victor sabay subo ng pagkain. “Gutom lang ‘yan. Kumain ka na lang. Marami ka pang sinasabi.” Ngunit naunang umalis si Nadja. “Aalis ka na?” Iniwan niya ang lalaki kahit hindi pa ito tapos kumain. “Sorry, I have to leave.” Ipinatong niya ang isang platito sa kanyang plato. “Hindi kasi ako mapamahiing tao. Kahit siguro ipinatong ko ang plato ko ay makakapag-asawa ka pa rin.” Napailing na lang si Victor. Tinapos niya ang kanyang pagkain kahit mag-isa lang siya. May lumapit na babae sa kanya at gustong makiupo ngunit itinuro niyang marami pang bakanteng upuan at hindi siya nakikisalo sa mga hindi niya kilala. “I am…” “Look, I don’t care who you are.
Late nang gumising si Nadja. Hindi niya maintindihan ang kanyang pakiramdam ng umagang iyon. Maaga naman silang natulog ngunit parang antok na antok pa siya. Iminulat niya ang kanyang mga mata at nakita sa kanyang paanan ang magandang wedding picture nila ni Victor. Habang nagmumuni-muni ay lumabas si Victor sa banyo. Itinukod niya ang kanyang tuhod sa kama at yumukod sa asawa. Winisikan niya ng tubig mula sa kanyang basang buhok si Nadja. “Victor, what are you doing? Get off me!” Nagtalukbong pa ng kumot si Nadja. “Hay naku, may sumpong na naman ang asawa ko. Palagi ka na lang may sumpong. Let’s date. Manuod tayo ng sine.” “I am not in the mood to go out. I don’t like to watch any movies.” “Let’s eat.” “Ayoko nga. Bakit ba ang kulit mo?” “May sumpong ka nga. By the way, wala ka bang pupuntahan? Ipapasundo kita mamaya. Come with me in RBR.” “Whatever!” Nilapitan ni Victor si Nadja para magpaalam. Bihis na bihis na siya at nakasuot ng putim-puting sleeves and polka-dotted neckt
May nakapagbulong kay Max sa loob ng bilibid na may huling assassin ang manggugulo sa kasal nina Nadja at Victor. Pinakilos kaagad ni Max ang kanyang mga tauhan na i-secure ang buong lugar. Kumilos din ang mga kapulisan at naka-undercover sila upang mahuli kaagad ang salarin. Nasa roof top ng resort ang dalawa ng gabing iyon matapos iwan ang ibang nagkakasayahan sa bonfire. “Victor, alam mo bang napakasaya ko ngayon. Sana, palagi tayong ganito. Masaya at walang problema.” “Mafia ang asawa mo at kaya kong gawing masaya ang buhay natin, Nadja. Bakit ba takot na takot ka? Kaya kitang protektahan. Let’s get married tomorrow.” “As in bukas na.” “OO naman. Bukas na bukas na.” “Paano ang gown ko? My gosh! Hindi ako prepared, Victor.” Si Victor pa ba ang hindi handa? Halos hindi nakatulog si Nadja at si Victor sa kanilang tent. Para silang mga excited na bata ng malamang may magaganap na kasiyahan kinabukasan. “Hintayin mo lang at patutunayan ko ang lahat.” Pinatunayan nga ni Victor a
So, there’s more surprises to catch Nadja’s heart. Hindi natatapos sa kanyang proposal sa entablado ang lahat. Hindi inasahan ni Nadja ang mga sumunod na pangyayari. Hindi lang basta spending weekend with the family ang mangyayari kundi ang kaganapan ng lahat ay mangyayari na. “Bakit hindi mo sinabing kasal ninyo ngayon?” natatarantang sabi ng ina. Dumating ang make-up artist at sinimulan siyang ayusan ng babae. “Gawin mong simple ang lahat para sa aking mahal na si Nadja.” Iyon ang kabilin-bilinan ni Victor. “Hayan Ma’am! For sure, Sir Victor won’t take off his eyes on you.” “He’ll go crazy head over heels with me, right?” “Yes, Ma’am.” Narinig nila ang katok sa kuwartong iyon. Pareho silang napalingon at saka ito nagbukas. Tumayo na si Nadja sa kanyang kinatatayuan. Nilapitan siya ni Bob. Dahan-dahan silang naglakad papalabas ng kabahayan. “Nadja, masaya ka ba kay Victor?” “Yes, Papa. Masayang-masaya po ako.” “Wala ng atrasan ito, Iha. I guess, you have accepted everything a
Hinila ng kambal si Nadja na nakaupo sa high chair. “What is this?” Kinakabahan si Nadja. Muling kumanta sina Holly at Mackie samantalang isinayaw siya ni Victor sa gitna si Nadja. “Nadja, we’re not getting any younger. What more can I ask for? This is the only thing that a woman always dreamt of. Not just to grow old together and be with their love ones but also to take the promise to love each other for the rest of their lives” Nagbago ang background sa widescreen. Ipinakita dito ang isang lumang simbahan kaya biglang nagsigawan ang mga audience. Lalong kinabahan si Nadja sa tinutumbok ng mga pangyayari. Inilabas ni Victor ang singsing sa maliit na kahon. At lumuhod sa harap ni Nadja. Biglang nagbago ang background ng widescreen. “WILL YOU MARRY ME?” Hindi magkamayaw ang nakaririnding sigawan sa loob. Say “Yes” ang naririnig sa audience. Kinuha ni Mackie ang bulaklak at ibinigay sa ama. Naghihintay ng sagot si Victor hanggang sa lumuhod na rin si Mackie at maging si Holly.
Malakas talagang mang-asar si Victor. Kahit minsan ay hindi pa natuwa si Nadja sa mga jokes nito. “Niloloko mo ba talaga ako, Victor!” “Hinalikan pa nga ako noong babae bago lumabas at nakiusap na pumikit ako. I don’t know how she looked like. Pangit siguro ‘yun.” Sasabayan pa niya ng haglpak ng tawa. Bago pa matapos ang kuwento ni Victor ay hinalikan siya tulad ng halik ng babae. Natigilan bigla ang asawa. Napalunok ito. “Ikaw?” “Yeah, ako nga!” “That letter… who gave you that letter?” “Ah, iyan? Nakita ko lang iyan na nakasuksok sa locker ko. I was in grade school.” “OMG!” “Ano na naman ba? Napapraning ka na naman.” “So, ibig sabihin even before that thing happens in the hotel, we knew each other already?” “Huh! Bakit sa iyo ba galing ‘yung letter?” Nagkatitigan ang dalawa. Tinitigan ni Victor ang babae upang tingnan kong may pagkakahawig sila ng batang babae. “Ikaw?” Tumango si Nadja at hindi alam kung paano ipapaliwanag ang sarili. Wala nang mahihiling pa si Victor. Mas
Bumalik si Victor sa loob ng unit. Ni-review ang kuha ng CCTV. Noon lang mangyaring ganoon sa kanya. Lihim itong nagpalagay ng CCTV sa buong condo unit nito. Kaya sigurado siyang walang nangyari sa kanila ni Georgina. May nangyari nga nang gabing iyon sa loob ng kuwarto ngunit hindi si Victor ang nandoon. Si Bogart at Georgina ang kitang kita sa CCTV na nagsa-something-something. Hindi makapaniwala si Victor sa mga nakitang kuha ng dalawa. Matindi ang eksena nila. Pagkatapos ng makapigil hiningang pagniniig nilang dalawa, pumasok si Victor na susuray-suray at walang kaalam-alam sa nangyari. Nakita niyang hinubaran siya ni Georgina Pinaghahalikan ni Georgina ang walang malay na si Victor. Pumatong pa siya sa binata ngunit hindi kumilos si Victor. Hanggang sa humiga na lang siya at hindi rin natinag si Victor sa kanyang pagkakahiga. Biglang pumasok sa eksena si Nadja at hinampas siya ng bag. Natawa siya habang pinapanuod ang sarili at kung paano ito nagulat sa ginawa ni Nadja. Naramdam
Pagpasok sa loob ng kotse ay saglit lang na napasandal si Nadja sa frontseat. Himbing kaagad siyang nakatulog. Naalimpungatan siya at napalinga sa kanilang patutunguhan. May nadaanan silang makikipot na eskinita. “Huh! akala ko ba didiretso tayo sa bahay.” “Daan muna tayo sa mansion,” sabay kindat ng binata. Napangiti lang ang asawa. Sumunod na lang sa gusto ng binata. Inalalayan niya ito pababa ng kotse. Pagpasok ng mansion ay niyakap ng mahigpit ni Victor si Nadja. Hinalikan niya ito at inihagis ang bag na hawak sa sopa. “Na-miss kita Nadja!” “Hindi ba tayo papasok muna sa kuwarto mo?” Aakyat pa sila ng hagdan. “Puwede na ito kahit saan. Kahit dito sa carpet o sa ibabaw ng lamesa” “Victor, hmmm…. ahhh, teka. Teka lang.” “Ano? Bakit?” “Umakyat na lang muna tayo.” Ipinagpatuloy ng binata ang inumpisahan. Hinawakan niya si Nadja at mahigpit niya itong niyakap. Halos nakaliyad ang asawa habang hawak siya ni Victor sa beywang. Kumapit siya sa leeg at sinabayan ang lalaki. Kinarg
Napapaligiran na sila ng mga pulis at wala silang takas ng mga oras na iyon. Walang sinuman ang nasa lugar. Walang makakaalam ng posibleng mangyari. Walang media ang makakasaksi sa nangyayaring negosasyon. “Siguraduhin ninyong malinis at wala kayong ebidensiyang ilalabas tungkol sa pinsan ko. Sagot ko ang presinto ninyo.” Sabi ni Max sa kausap. “Kailangan na rin niyang manahimik at sundan si Maura. Mga hayop sila! Mga ulupong!” “DAMN IT! HUWAG MONG TUTUKAN ANG ANAK KO, JAYSON!” Hindi na niya naisip pang igalang ang lalaki. Humakbang papalapit si Victor. “Desperado si Jayson. Hindi siya nagbibiro.” Pinigilan siya ni Max. He is trying to negotiate his freedom. Kung may kailangan siya ay pag-uusapan nila kahit alam niyang hindi niya matatakasan ang batas. “Ano pang kailangan mo, Pinsan? Pag-usapan natin. Pakawalan mo na ang mga apo ko.” “Nasa akin na ang lahat ngunit walang halaga ang lahat ng iyon dahil sa ginawa mo kay Maura! HAYUP KA!” Tinutukan naman ni Jayson si Max ngunit nakah
“Umuwi na sina Nessa. Hindi na kita inabala. Antuk na antok ka eh.” “Yes, pinagod mo kasi ako eh.” Ngunit bumulong si Victor at kahit anong posisyon nilang dalawa ay hihirit at hihirit talaga ang lalaki. May saya ring hatid ang mga kakaibang posisyon ni Victor. Ngunit mas gusto pa rin niya ang missionary position ni Nadja. Ngunit kinabukasan ay gumuho ang mga pangarap ni Nadja. She already got her menstrustion. Hindi niya napigilan na hindi umasa. Delayed lang talaga siya. Halos walong taon na rin kasi ang mga bata. “Honey, baka stress ka lang. Let’s go back and work it out. Are you hoping?” Tumango si Nadja. Sinunod ni Nadja ang kagustuhan ni Victor. Nagpaalam sila ng maayos sa management ng JME at pinagkasunduan na sila ang magpaplano para sa unang concert ni Nadja sa Pilipinas. Pinayagan na lang nila itong umuwi. “Mama, Papa, we’re coming home with the kids.” Mensahe ni Victor sa kanyang mga magulang. “Tingnan mo nga naman ang pagkakataon. Umaayon ang pagkakataon sa atin. Uuw