Pinagitnaan ng dalawang puting van ag kotse ni Nadja. Ganoon din ang ginawa sa sariling van nila kung saan nakasakay ang kanyang mama at papa. Umusok ang ilong ni Nadja dahil puwede silang maabala sa ginagawa ng mga ito. “Anong problema ng mga ito? Sinabihan ko na sila na huwag nang eskortan ang mga bata? Mahirap bang intindihin iyon?” “Ma’am, huwag po kayong lalabas kahit anong mangyari.” “Cogie…” “Baka po kasi hindi sila mga tauhan ni Sir Victor.” Biglang napahinto si Nadja. Doon lang siya kinabahan. Inosente ang mga bata at hindi nila alam kung ano ang posibleng mangyari. Huminto na si Cogie dahil ayaw silang paunahin ng mga sasakyan. May bumabang kalalakihan sa puting van. “Tama ka, hindi sila tauhan ni Victor.” Hindi napansin ni Nadja ang babaeng naglakad sa gawing kanan at kinatok ang bintana. Nakahawak siya ng baril ngunit hindi naman natakot si Nadja doon. Kasama niya ang kanyang mga anak. “Ma’am…” “Kapag bumaba ako, isara mo kaagad ang pinto at huwag mong bubuksan ka
“Kasalanan ko lahat. Kung nakinig lang ako sa iyo, hindi sana sila napahamak. Puwede bang ibalik mo sila sa akin, Victor?” “Sshhh! Hindi iyan totoo. Alam kong nag-aalala ka rin. Gagawin ko ang lahat, Nadja. Para sa iyo at sa mga bata.” “Salamat, Victor!” Nasa taas ng terrace ng mansion ang mag-ama. Ginamit nila ang daan sa likuran ng bahay. Nagkatinginan ang dalawang ama. Dinig ang click ng kanilang mga baso at sabay na uminom ng alak. “Ipinapakita ko sa iyo ang buhay namin sa loob ng mansion, Bob. It’s up to you if you are going to entrust Nadja to my son. I am not supposed to do this because you can turn down my son or not. It’s okay. I can see him cry but I cannot do anything if Nadja turned his back to Victor.” “Anak ko pa rin ang magdedesisyon sa bagay na iyan. Besides, iba ang pagkakakilala ko noon kay Victor. He is a strong-willed man. He is not as fierce as this. He can be sweet, you know. He can be a lover, a joker and bully but he will still be the same Victor for Nadja.
Pinindot niya ang button to let the doctor know that Nadja gain consciousness already. Hindi na inabutan nina Sophia at Bob ang nagaganap na pagtatalo sa loob. Masinsinang kinausap ni Sophia si Philip. Gustong matawa ni Victor dahil sa plastic na pakikitungo ng lalaki dito. Sinasamantala nito ang kabaitan ng magulang ni Nadja. Hindi ipinaalam ni Philip ang nangyari sa kanyang alaga ngunit mabilis ang paparazzi ni Dianna. Gustuhin man nilang ibigay ang detalye ng balita sa kung anong nangyari sa singer, si Philip na rin ang tutol sa ilalabas nitong balita. Hindi pa lang nagtatagal ay nasa ospital na naman kasi siya. Kay Philip nalaman ni Kelly ang nangyari sa kaibigan kaya sinadya niya ito sa ospital. Nasa harap na siya ng pinto habang binigyan siya ng espasyo ng dalawang bantay sa pinto upang makapasok. Nakatayo siya sa tapat dahil pinag-iisipan pa niya kung papasok ito ngunit nahalata ng dalawang tauhan na parang nagdadalawang-isip ang babae. Minabuti nilang buksan ang pinto para s
“What’s the meaning of this? Gusto mo ring maintriga o gusto mong isipin nilang may relasyon talaga tayong dalawa?” “Isipin nila ang gusto nilang isipin. Hindi ka pa ba nasasanay?” “Eh, ikaw? Hindi ka pa ba napapagod?” “As long as nasa poder kita, Nadja, you will follow my orders.” This time, naging maganda ang takbo ng career ni Nadja. Umikot na ang gulong ng kanyang palad matapos ang nakakatakot na experience niya sa loob ng bakuran ni Cheddar. Naging mailap sa kanya si Victor at hindi nagpakita sa kanya hanggang makaalis siya patungong Japan. Iba na ang sitwasyong kanyang kinakaharap sa pagbabalik niya. Maingay ang ground floor sa loob mismo ng terminal. Maraming naghihintay sa kanya. May mga fans at media. Nagkikislapan ang mga lente ng kamera sa iba’t ibang lugar habang sinasalubong siya. Muling isinigaw ang pangalan niya at nagsisigawan ng “WE LOVE YOU DJANA!” Masaya siyang ngumiti at masiglang kumaway sa kanila. Nag-flying kiss pa siya. Marami na ulit security sa paligid
Parang umuusok ang ilong ni Nadja sa inis. Pangisi-ngisi lang si Victor ngunit kanina pa niyang napansin na may ibang nakatingin sa lugar ng babae kaya lumipat na siya ng mesa bago pa siya maunahan. “Huwag ka nang mag-inarte diyan at baka mapaaway ako sa lalaking kanina pang nakatingin sa iyo.” “Selos ka naman.” “I missed you!” sabi ni Victor sabay subo ng pagkain. “Gutom lang ‘yan. Kumain ka na lang. Marami ka pang sinasabi.” Ngunit naunang umalis si Nadja. “Aalis ka na?” Iniwan niya ang lalaki kahit hindi pa ito tapos kumain. “Sorry, I have to leave.” Ipinatong niya ang isang platito sa kanyang plato. “Hindi kasi ako mapamahiing tao. Kahit siguro ipinatong ko ang plato ko ay makakapag-asawa ka pa rin.” Napailing na lang si Victor. Tinapos niya ang kanyang pagkain kahit mag-isa lang siya. May lumapit na babae sa kanya at gustong makiupo ngunit itinuro niyang marami pang bakanteng upuan at hindi siya nakikisalo sa mga hindi niya kilala. “I am…” “Look, I don’t care who you are.
“Kung hindi ay tiyak na nadisgrasya po siya,” sabi ng isa sa kanyang staff na nabuhayan ng loob. Ngunit hindi na nito nakita si Nadja. Hindi na rin ito nakapagbigay ng kanyang pagbati sa mga fans at mga reporters na nagpunta doon. It’s a blessing. Muntik magkaroon ng stampede sa lugar. Maraming lalaking naka-tuxedo ang napansin niyang nakihalo sa mga security personnel ng airport at ng kanilang agency. Excited ang lahat na malaman ang naging resulta ng pagpunta ni Nadja sa Japan. Gusto nilang ipaalam sa madla ang malaking paghahanda sa isang comeback concert ni Nadja. Alam niyang interesado ang lahat tungkol kay Victor at kailangan pa niyang pakiligin ang kanyang mga fans kung sino siya ngunit nawalan siya ng ganang patulan ang ganitong intriga lalo na sa personal na buhay niya. Marami ang nagtatanong kung kilala ba nila si Victor. Maging si Dianna at napatanong na rin kung pinayagan ba niyang makipagrelasyon ang babae. Sa kabilang banda, ipinaglaban ni Nadja ang mga anak. “Sasab
“Are you afraid na baka malaman ni DJ Ana? I have never seen such eyes so wistfully in-love with her.” “Nagkausap na tayo dati. Walang namamagitan sa atin!” Ngunit hindi maiiwasang lumabas ang mga nakakaiskandalo at nakakaintrigang mga kuha ng dalawa. Pagkatapos ng interview na iyon ay nagmadaling umalis ni Nadja sa Studio. Halos maghabulan ang dalawa sa pasilyo. “Nadja…” “What has gone into your mind?” “Gusto lang kitang tulungang makaganti kay Victor.” “Sa tingin mo ay makakaganti na ako sa ginawa mo. Salamat sa tulong pero hindi ka nakakatulong. Lalo mo lang ginagawang komplikado ang mga pangyayari.” “Ayokong masaktan ka!” “Sanay na akong masaktan. Sanay na akong lokohin. Huwag mong isipin na ito lang ang paraan para makaganti sa ginawa niya.” Tumulo ang luha ni Nadja. Hindi niya kinaya ng maalala ang malalaswang litrato at maging ang buong video na halos tatlong minuto ang itinagal. “Nadja…” “Anong gusto mo? Maglabas din ako ng video kasama ang ibang lalaki? May mga ana
“By helping Rosanna today, I can redeem myself from what I did to her. I love Nadja more than she’ll ever know. Pero hindi ko alam kung pakikinggan pa niya ako.” “Bakit hindi mo sinabi sa kanya iyan?” “Ayaw na po niya akong pakinggan.” “Victor, alam mo bang nag-propose si Philip kay Nadja ng kasal?” “Ano po?” Nanlaki ang mga mata ni Victor sa kanyang narinig. Nawalan na siyang tumingin sa internet simula ng nakabalandra ang malalaswa nilang larawan at video ni Rosanna. Nai-report na niya ito upang ipatanggal. Lahat ng magre-repost ay kakasuhan. Ngunit hindi niya akalaing may mas matindi pa pala siyang dapat malaman bukod roon. “Anong gagawin mo ngayon?” Abalang tiningnan ni Victor ang sinasabi ng ina. Hinanap niya ang balita tungkol sa proposal ni Philip kay Nadja. Kaparehong araw at oras kung kailan sumabog ang balita tungkol sa kanila ni Rosanna. Tahimik niyang binasa ang artikulo tungkol dito. Hindi daw nagbigay ng paliwanag ang kampo ng talent manager ni Nadja matapos itong