Share

MR. DECKER's MAID (tagalog)
MR. DECKER's MAID (tagalog)
Author: Author Lemon

CHAPTER 1

Author: Author Lemon
last update Huling Na-update: 2023-09-23 14:23:51

PHILIPPINES...

"DIOS MÍO..." Ang tanging naiusal ni Adalina nang pagbaba niya sa kotse at masilayan ang maliit na bahay-kubo na kaniyang titirhan.

Base sa kaalaman niya, ito ang dating tirahan ng kaniyang ina bago nito makilala ang kaniyang ama. Ipinarenovate na nga ito kaya nagmukha ng modernong bahay kubo.

"Señorita, este es tu dinero," sabi ng driver na naghatid sa kaniya sa lugar na 'yon, sabay abot ng sobre kung saan naroon ang perang galing sa kaniyang ama na magagamit niya sa pamumuhay niya rito sa Pilipinas.

Nakabusangot niyang kinuha iyon mula sa lalaki. Tinignan ang kapal ng pera, mas lalo siyang napasimangot dahil ni hindi man aabot ng isang buwan ang mga perang iyon sa klase ng pamumuhay na mayroon siya. Pina-freeze ng mga magulang niya ang kaniyang mga cards, kaya wala siyang puwedeng pagkunan ng pera maliban sa limitadong perang bigay ng mga ito. Napakalupit!

"Bwiset talaga!" Hindi niya napigilang sambitin.

Talagang nais siyang pahirapan ng kaniyang mga magulang.

"Señorita, heto po ang cellphone na maari niyong gamitin upang ma-contact ang inyong mga magulang kung mayroon po kayong kakailanganin. Narito lahat ang kanilang numero." Sabay abot sa kaniya ng isang mamahaling cellphone.

Matalim ang mga matang tinapunan niya ng tingin ang nasabing gamit. "I don't need it!" Mataray niyang sabi.

"Pero-"

"Tonto! Hindi mo ba naiintindihan ang sinabi ko? Hindi ko kailangan ang cellphone na 'yan!" Galit niyang sabi sa lalaki.

Hinding-hindi niya tatawagan ang mga magulang, papatunayan niya sa mga ito na kaya naman niyang mabuhay kahit wala ang pera ng mga ito. Sana nga at kayanin niya, sana nga ay kaya niya ang simpleng buhay rito sa Pilipinas, buhay na malayo sa kinalakhan niyang buhay sa Spain.

"Sige na, ipasok mo na ang mga bagahe ko sa kubo na 'yan." Sabay hawi ng kaniyang maganda at mahabang buhok dahil tumatagakgak na ang kaniyang pawis. Namumula na rin ang kaniyang makinis at maputing balat dahil sa init ng araw.

Nagmamadali siyang pumasok sa loob ng kubo.

"May ipag-uutos pa po ba kayo?" Magalang na tanong ng lalaki sa kaniya na siyang napag-utusan ng ama na maghatid sa kaniya rito sa Laguna.

"Wala na. Makakaalis ka na."

Agad namang tumalima ang lalaki at naiwan na siyang mag-isa sa kubo na iyon na may pagka modern style naman. May isang maliit na silid na walang aircon, maliit na sala at kusina. Kumpleto rin naman sa kagamitan na halatang ipinahanda ng kaniyang ina. Pero malayong-malayo talaga sa mala palasyong mansion nila sa Spain. Hindi nga niya alam kung makakatagal siyang mabuhay rito ng walang tagasilbi. Nagmamadali niyang pinuntahan ang banyo, napapadyak siya sa inis nang makitang maliit lang iyon at walang shower at bathtub.

"Bakit walang bathtub?!" Gustong gusto pa naman niyang nagbababad sa ganoon sa tuwing maliligo.

Inis siyang nagtungong muli sa sala at umupo sa upuan pahaba na yari sa kahoy. Matigas iyon at tila hindi sanay ang puwetan niya. Napapikit siya nang mariin upang pakalmahin ang sarili. Paano natagalan ng kaniyang ina na mamuhay sa bahay na ito noon? For sure mas panget pa ito dati noong hindi pa narenovate.

Hindi na bago kay Adalina ang pagtira rito sa Pilipinas, dahil bago sila tuluyang tumira noon sa Spain ay sa manila sila nanirahan simula elementary at high school siya, kaya ganoon na rin katatas ang kaniyang tagalog. Nagtungo lang sila sa Spain nang hindi na talaga mahanap noon ang kapatid niyang si Alvira. Ngunit ngayon ay naninibago na siya sa pagtira rito dahil nga ang napiling lugar pa ng magulang niya kung saan siya titira ay dito pa sa probinsya.

Sa pagmumuni-muni niya ay bigla na lamang kumulo ang kaniyang tiyan. Naalala niya na hindi pa pala siya nagl-lunch. Tumayo siya at nagtungo sa maliit na kusina, may mga iluluto naman siyang nakita sa ref, pero ang problema ay hindi siya marunong magluto. Sa Spain kasi ay marami siyang utusan, isang salita lang niya ay magsusunuran ang mga ito sa mga utos niya. Pero dito?

"Shit! Sa gutom ba ako mamamatay?" Frustrated niyang bulong.

Bumalik siyang muli sa sala, kumuha ng pera sa sobre at lumabas ng kubo. Bibili na lang siya ng pagkain. Pero paglabas niya at namasdan ang paligid, wala siyang nakitang any store na puwede niyang mabilhan. Layo-layo ang agwat ng mga bahay at halos puno ng niyog, mangga, malunggay ang nakikita niya.

Gigil na naman siyang napapadyak. "What a life!" Inis niyang sabi at muling pumasok sa loob ng kubo.

"Ano Alvira? Masaya ka na ganito ang nararanasan ko ngayon?!" Tila baliw niyang impit sigaw na wari ba ay nasa harapan niya ang nakatatandang kapatid.

Oo, nangigigil siya sa kapatid niya, alam naman niyang bait-baitan lang ito at gustong-gusto nitong ipinadala siya sa pilipinas. Muling naglaro sa isipan niya ang eksena kung bakit napadpad siya rito sa Pilipinas...

MULA sa pagkakaupo ay napatayo ang galit na galit na si Adalina Alvarez nang marinig ang sinabi ng ama na ipapadala siya sa Pilipinas.

"No puedes hacerme esto, papa! I am your daughter!" Namumula ang pisngi Adalina sa galit matapos marinig ang sinabi ng ama.

"Ofcourse, I can do that to you, Ada. Te guste o no, entiendes?" Sagot ng kaniyang ama na isang kilalang spanish businessman sa Madrid. Ang pamilya lang naman ng mga Alvarez ang nagmamay ari ng sikat na Radiante Fashion Group.

"No!" Nakipagmatigasan talaga si Adalina sa kaniyang ama. Paano na lang ang kaniyang pagmomodelong nagsisimula nang umusbong sa Spain kung itatapon siya sa Pinas?

Bumuntong hininga si Amancio Alvarez bago muling nagsalita, "You're already twenty-five years old, Adalina. Pero..." Napapikit at napailing na lamang sa pagkadismaya ang ama niya. "We gave in to your whims too much, so that's why you grew up thinking highly of yourself and didn't know how to appreciate what your mother and I worked for." Amancio took another deep breath. "Maybe it's time for you to learn, Adalina. Learn to live without all of these luxuries, without our helpers and without us beside you."

"This is so unfair! Tungkol ba ito sa gulong kinasangkutan ko sa bar last week? Look, hindi ko na uulitin," sabi ng dalaga na mukhang hindi naman sincere.

"Isa iyon sa maraming dahilan, Adalina," malamig na wika ng ama.

Marahas na bumaling ang dalaga sa kaniyang inang si Almira Alvarez na isang purong pilipina. "Mama, tell him not to send me there!" Ungot niya sa ina.

Huminga ng malalim ang ginang at bahagyang umiling sa anak.

Nagsalubong ang kilay ni Adalina. "Kayong dalawa ang nagdesisyon nito?" Usisa niya sa ginang. Masamang masama ang loob niya.

Lumapit at hinawakan ng ginang ang braso ng dalaga. "Ada, listen-"

Iwinaksi ni Adalina ang kamay ng ina at galit na tinignan ang mga magulang. "Gusto niyo akong ipatapon sa pilipinas? Fine, aalis ako rito kung iyon ang magpapasaya sainyo!"

"Adalina, hindi ka namin ipapatapon-" -Almira

"Kahit ano pa ang sabihin ninyo, parehas lang 'yon!" Galit niyang wika sabay walk-out na madalas niyang ginagawa sa tuwing napapagalitan siya.

Sa paglabas niya ng library ng ama ay nakasalubong niya sa hallway si Alvira Alvarez- ang kaniyang kapatid na mas matanda lamang ng tatlong taon sa kaniya. May pag-aalala sa mukha nito nang salubungin siya. Pero siya ay nanatiling matigas ang ekspresyon ng mukha.

"Are you okay?" Tanong ni Alvira na akma siyang hahawakan pero umiwas siya.

"Masaya ka na? Aalis na ako sa pamamahay na ito at masosolo mo na ang lahat!" Tungayaw niya sa kapatid.

"A-ano ang sinasabi mo? Atsaka bakit ka aalis?" Naguguluhang usisa ni Alvira.

Tumawa ng pagak si Ada at pinagkrus ang mga braso sa dibdib. "Don't play innocent, bitch. Alam kong alam mong ipapatapon ako ni papa sa pilipinas, right?"

Magkakasunod na umiling ang kapatid. "Ofcourse not! Wait, let me talk to them." Akmang magtutungo sa library si Alvira pero pagdaan nito ay hinila niya ang buhok ng kapatid at sinabunutan.

"Bitch! I hate you!" Sigaw niya sa babae.

Nagsisigaw si Alvira habang umiiyak. "Stop it, Ada! Nasasaktan ako! Stop it!"

Pero ipinagpatuloy niya ang ginagawa. "Simula dumating ka sa buhay namin, nakalimutan na nila ako! Bakit ka pa ba bumalik! Bakit ka pa ba nagpakita?! Kinukuha mo ang akin!" Sigaw niya sa kapatid.

Hangang sa lumabas sa library ang kanilang mga magulang dahil narinig ang kumosyon.

"Adalina!" Sigaw ni Amancio sa anak at hinila ito palayo kay Alvira.

Dinaluhan ni Mrs. Alvarez si Alvira na napaupo sa makintab na sahig habang umiiyak.

"This is too much, Adalina! Hindi na tamang manakit ka at sa kapatid mo pa!" Galit na sabi ng ginang. Itinayo nito si Alvira na akala mo naman ay nasaktan ng todo.

Nanahimik si Adalina at tila winawasak ang puso niya sa selos kung paano yakapin ng kanilang ina si Alvira Ganoon din si Mr. Alvarez na lumapit sa dalawa.

"Hindi na namin alam kung saan ka nagmumula, Ada. Kung saan nagmumula ang galit mo sa ate mo," anang ginang na naluluha. "Lalo mo lang pinatunayan na tama ang naging desisyon namin na pauwiin ka muna sa pilipinas."

Nais maiyak ni Adalina ngunit pinigilan niya ang sarili. Masakit para sa kaniya na hindi siya maintindihan ng ina. Imbes na kausapin siya kung saan nanggagaling lahat ng hinanakit niya, ang nakitang solusyon ng mga ito ay ipatapon siya sa pilipinas.

"Ve a tu cuarto, Adalina." Boses iyon ni Mr. Alvarez na puno ng awtoridad.

Pinapapasok siya nito sa kaniyang silid. Isa lang ibig sabihin noon, kapag pinapasok siya nito sa silid ay hindi siya maaring lumabas without his permission. Isa ito sa paraan ng pagdidisiplina ng kanilang ama noon pa man.

Nakasimangot na sumunod si Ada sa sinabi ng ama. As usual, kasalanan na naman niya ang lahat. Gusto niyang maiyak, ibang-iba ang turing ng mga ito sa kaniya noong wala pa si Alvira. Pero nang dumating ito two years ago ay nagkaroon siya ng kaagaw sa lahat. Lalong lalo na sa atensyon ng kaniyang mga magulang at Kuya Ashton. Dumapa siya sa kaniyang kama at tila batang nagmukmok doon.

Mamaya-maya pa ay narinig niyang bumukas ang pintuan ng kaniyang silid pero hindi siya nag-abalang tignan kung sino ang dumating.

"Yna." Ang Kuya Ashton niya ang mahilig tumawag sa kaniya sa ganoong palayaw.

"Bakit nandito ka? Papagalitan mo rin ako?" Asik niya sa kaniyang Kuya Ashton na siyang dumating.

Natawa si Ashton at umupo sa gilid ng kama ni Ada. "I'm not here to make you feel bad, but I'm not here to make you feel good tho." Huminga ng malalim si Ashton at humiga sa kama ng kapatid. Tumingin sa kisame at tila iniisip kung anong tamang salita ang puwede niyang sabihin kay Adalina. "What you feel is valid, Yna. Alam kong nag aadjust ka sa buhay na kasama si Alvira. Nasanay ka kasi na ikaw ang prinsesa sa bahay na 'to. Pero ang saktan si Alvira, that is out of line. "

Hindi nakaimik si Adalina. Nanatili siyang nakadapa sa kama at nasubsob ang ulo sa kaniyang unan.

"Maiwan muna kita, kailangan kong kausapin sina mama at papa na huwag kang ipadala sa Pilipinas. Sana lang ay makumbinsi ko sila," ani Ashton na halatang malungkot sa mga nangyayari.

Mamaya-maya pa ay naramdaman na niya ang paglabas nito sa kaniyang silid. Kung may tao mang nakakaintindi sa nararamdaman niya simula dumating ang Ate Alvira niya ay ang Kuya Ashton niya iyon. Silang dalawa ang lumaking magkasama kaya ganoon sila ka-close. Habang si Alvira naman ay matagal nawalay sa kanila dahil tatlong taon gulang lang ito nang mawala, hindi pa siya ipinapanganak.

Ang kwento ng kaniyang ina, minsan na umuwi daw ang mga ito sa pinas upang magbakasyon sa hometown ng ginang, doon nawala si Alvira at hindi na ito natagpuan sa halos mahigit na twenty years. Natagpuan lamang si Alvira two years ago matapos ang matagal na paghahanap. Yes, hindi tumigil ang ina at ama niya na hanapin si Alvira sa loob ng mahabang panahon. Dapat nga ay masaya siya dahil finally ay may ate na siya. Pero kabaligtaran ang nararamdaman niya. Dahil simula nakitang muli si Alvira ay tila inagaw nito ang atensyon ng kanilang mga magulang sa lahat ng aspeto. Hindi siya sanay sa bagay na iyon dahil lumaki siyang nasa kaniya ang pansin ng mga ito. Tila ba sa pagbabalik ni Alvira ay siya naman ang nawala.

At ngayon nga ay handa siyang ipatapon sa pilipinas ng mga ito....

"TAO PO? Hello, tao po?"

Bumalik sa kasalukuyan ang naglalakbay na isip ni Adalina nang marinig ang tinig na 'yon. Marahan niyang binuksan ang pinto, nakita ang niya ang isang ginang na nakangiti sa kaniya. Nasa labas ng bakod at napakaaliwalas ng bukas ng mukha nito.

Nagsalubong ang kilay niya. "What do you need?" Usisa niya sa hindi palakaibigan na tono.

"Wala naman, hija. Nais ko lang i-welcome ang bagong kapit bahay namin. Kaano-ano ka ng dating nakatira diyan, si Almira ang tinutukoy ko," mahabang pahayag ng babae.

"Bakit mo tinatanong?" Masungit pa rin niyang balik sa ginang.

Pero hindi nawawala ang ngiti nito sa labi. Bagay na lalo niyang kinainisan, bakit ba hindi ito maintimidate sa kasungitan niyang ipinapakita?

"Inay!" Mamaya-maya pa ay tawag ng isang dalaga na papalapit sa kausap niyang ginang.

"Anak, halika rito at may bago tayong kapit-bahay. Napakaganda at isang mestiza, parang artista!"

Nagkatinginan sila ng bagong dating na anak daw ng kausap niyang ginang. In fairness, kahit morena ang babae ay may taglay itong ganda at matangkad din ito. Napataas ang kilay niya, pero siyempre mas maganda pa rin siya, aniya sa kaniyang isipan.

"Hija, ito si Mirka ang anak ko at ako naman si Aling Prancia. Ikaw, anong pangalan mo?"

Pinagmasdan niya ang dalawa, walang kangiti-ngiti sa kaniyang labi.

"Eh, 'nay, mukha namang walang balak makipag-usap 'yan sa atin, tayo na nga," sabat ni Mirka na may inis sa boses.

Pinagkrus ni Adalina ang kamay sa kaniyang harapan at bahagyang tumaas ang kilay sa inasta ng babae.

Bahagyang tinapik ni Aling Prancia ang kamay ng anak nito. "Ano ka ba naman, anak. Baka naninibago o nahihiya lang," saway ng ginang kay Mirka at muling tumingin kay Adalina. "Tanghali ka ng dumating, kumain ka na ba? May ulam at kanin pa sa amin, kung gusto mo ay bibigyan kita?" Alok ng ginang kay Adalina.

Kahit biglang kumalam ang sikmura ni Adalina ay pinigilan niya ang sarili na pumayag, baka mamaya niyan e hindi hiyang ng expensive stomach niya ang food ng mga ito at magkasakit pa siya.

"No, thanks. Gusto ko lang matulog. Puwede na kayong umalis, bye!" Sabi niya sabay sara ng pintuan at umupo sa may sala at muling nagmukmok.

Kaugnay na kabanata

  • MR. DECKER's MAID (tagalog)   CHAPTER 2

    NANG hindi na matiis ni Adalina ang gutom, lumabas siya ng kubo at tinignan kung nasaan ang ginang na kumausap sa kaniya kanina. Natanaw niya ito sa hindi kalayuan, nakaduyan sa may ilalim ng puno na nasa solar din ng bahay kubo ng mga ito. Agaran niya itong nilapitan. "Aling Prangka!" Tawag niya rito. She is not sure kung tama ba ang pangalang tinawag niya sa babae. "Oh, ikaw pala. Bakit?" Nakangiting usisa nito na tumayo mula sa pagkakaduyan. "I'm hungry," aniya sa babae. Natawa ang ginang. "Sabi na nga ba at gugutumin ka, halika sa loob at para makakakain ka. Naku, oras na," sabi ng ginang na nagpatiuna nang pumasok sa loob ng bahay at sumunod naman si Adalina. Nakita niyang nakahiga sa sala ang dalagang anak ng ginang na Mirka ang pangalan kung hindi siya nagkakamali. "Anong meron 'nay? Bakit nandito ang mestizang 'to?" Usisa ni Mirka sa ina. Sumunod din ito sa kanila sa kusina. "I'm hungry," sagot ni Adalina na wala mang bahid ng hiya

    Huling Na-update : 2023-09-23
  • MR. DECKER's MAID (tagalog)   CHAPTER 3

    HACIENDA DECKER. "NO ME gusta este vestido." Hindi maipinta ang mukha ni Adalina, habang nakatitig sa kaniyang suot na kulay puting blusa at mahabang itim na palda na ipinahiram sa kaniya ni Mirka. "Ano? Hindi kita maintindihan," sambit naman ni Mirka habang pinagmamasdan ang dalaga. "Sabi ko, ayoko ng damit na 'to! Ang pangit!" Halata sa mukha nito ang pandidiri dahil sa hindi sanay sa ganoong kasuotan. "Ay, aarte pa ba? Alangan naman mag-a-apply ka bilang katulong habang suot mo ang mga branded mong damit, haler?!" Nakapameywang na turan sa kaniya ni Mirka. "At isa pa, ah. Tigil-tigilan mo ang pagsasalita mo ng español dito, hindi ka nila maiintindihan, girl." Napasimangot si Adalina. Kailangan na niyang panindigan ito dahil kapag hindi siya nagtrabaho, wala siyang aasahang pera na mahahawakan. "Kaya tara na. Go, lakad, mestizang bangus at baka mainip pa sa kahihintay si mayordoma." Sabay tulak ni Mirka kay Adalina papasok sa malawak na solar

    Huling Na-update : 2023-09-23
  • MR. DECKER's MAID (tagalog)   CHAPTER 4

    GALIT na ibinuga ni Liam Decker ang ininom na kape, sabay inihagis niya sa pader ng kaniyang silid ang tasang hawak at nagkapira-piraso ito. Kumukulo ang dugong iniikot niya ang electric-powered wheelchair na kinauupuan at hinarap ang taong nagulat sa ginawa niya. "DAMN IT! Didn't you put sugar on it?" Galit na usisa ni Liam, halos mag-isang linya na ang kilay nito nang tumingin kay Yna- ang bagong personal maid niya. "Ow, Em, Gi. Should I?" Inosenteng tanong ni Yna sa amo. Hindi niya talaga kasi nilagyan ng asukal ang kape nito. Hindi alam ni Liam kung paano niya napigilan ang sarili na hindi palayasin ang babae nang mga oras na 'yon. Ilang araw pa lang nito bilang personal maid niya ay ang dami na nitong kapalpakan. Bagay na pinaka-ayaw niya. "Saang planeta ka ba galing?" Kalmado pero may halong gigil na tanong ni Liam sa babae. "Bakit parang galit ka? You told me kape lang, hindi mo naman sinabing lagyan ko ng asukal." At talagang nakuha pa nit

    Huling Na-update : 2023-09-23
  • MR. DECKER's MAID (tagalog)   CHAPTER 5

    "HOW LONG will take you to do that simple thing?" Halata ang inis sa tinig ni Liam na nakapwesto sa tabi ng pintuan, habang pinagmamasdan niya si Adalina sa pagpapalit ng mga punda at bedsheet ng kaniyang kama. Nakasimangot na panandaliang tumigil si Adalina sa ginagawa at tinignan si Liam. "Bakit ba kasi ang laki-laki ng kama mo? Hindi tuloy ako matapos-tapos here." Pagkatapos ay tila may naisipang sabihin. "Kung kayang sa iba mo na lang ipagawa ito?" Nagsalubong ang kilay ni Liam. "That's your work, Yna. Huwag mong ipapasa sa mga kasama mo ang trabahong nakaatang sa'yo," seryoso at ni walang bahid ng ngiting sabi ni Liam sa dalaga. Busangot na muling hinarap ni Adalina ang ginagawa. Gusto niyang mainis sa sarili ni simpleng paglalagay ng bedsheet ay hindi niya magawa, kung alam lang niyang mararanasan niya ito edi sana ay siya na ang nag-aayos nito noon sa silid niya. "Palitan mo rin ang mga kurtina," mamaya-maya pa ay sabi ni Liam. Agarang

    Huling Na-update : 2023-10-01
  • MR. DECKER's MAID (tagalog)   CHAPTER 6

    "HOY, ADALINA! Dalian mo na diyan at pagabi na, girl," untag ni Mirka kay Yna na abala sa pagkalikot ng kuko, habang nakaupo sa paanan ng kama ni Liam. "Just wait, okay? Nabura kasi ang nail polish ko," maarteng sabi pa ni Yna, pero tumayo na rin naman upang tulungan si Mirka. Napasimangot si Mirka. Muling ipinaulit ni Liam ang paglalagay ng kobre kama, paglalagay ng kurtina at ang pagpupunas ng mga libro sa shelves. Pero this time ay kasama na ni Yna si Mirka. Tinulungan na siya upang makatapos agad at makauwi na sila bago mag alas siete ng gabi. "I'm hungry na," nakabusangot na ungot ng dalaga sa kasama. "Ikaw lang ba, girl? Gutom na rin ako, kaya dalian mo na diyan at nang makauwi na tayo." Uwian sila araw-araw. Isa sa mga rules ni Liam sa mansion ay stay-out na kasambahay at kabilang si Yna sa mga 'yon, kahit pa personal maid siya ng binata. Ang mayordoma, si Jamir at dalawang matagal na kasambahay lamang ang naiiwan sa mansion

    Huling Na-update : 2023-10-04
  • MR. DECKER's MAID (tagalog)   CHAPTER 7

    "YNA!" Kasunod ng pagtawag na iyon ay ang sunod-sunod na katok sa kahoy na pinto sa bahay-kubo ni Yna. "Yna, ano ba? Oras na!" Boses ni Mirka. Pupungas-pungas na naupo ang dalaga na nagising sa mga pagkatok at pagtawag. Bumaba siya sa kaniyang maliit na higaan at pibagbuksan si Mirka. "Bakit ba ang ingay mo? Natutulog ang tao, e." Nameywang ang dalagang si Mirka at tinaasan ng kilay si Yna. "Aba, para sabihin ko sa'yo, oras na. Mag aalas sais na at tulog mantika ka pa. Hinihintay na tayo sa mansion." Dapat alas sinco pa lang ng umaga ay naroon na sila. Kaso nga lang ay talagang hindi kinakaya ni Yna ang bumangon ng ganoong kaaga. "Can you wait? Maghihilamos lang ako and maglalagay muna ako ng sunscreen and-" Tinakpan ni Mirka ang bibig ng dalaga gamit ang hintuturo nito. "Tapos ay maghahanap ka ng susuotin mo for today at aabutin ka ng siyam-siyam," pagtutuloy ni Mirka sa sasabihin sana ni Yna. Kabisado na nito ang r

    Huling Na-update : 2023-10-04
  • MR. DECKER's MAID (tagalog)   CHAPTER 8

    MARAHANG inilapag ni Liam ang mga dalang bulaklak sa puntod ni Raya, pagkaraan ay sinindihan niya ang kandilang kulay pink na dala-dala. Paborito ni Raya ang kulay na 'yon. Malungkot siyang napabuntong hininga. It's been years, but Liam still feel the pain of losing her. "How are you, Raya? I bet you're having fun up there..." mahina at puno ng kalungkutang kausap niya sa puntod ng yumaong kasintahan na tila naroon lamang din ito. Nakaupo at nakangiti sa kaniya, gaya nang karaniwang ginagawa nito sa tuwing kinakausap niya noong nabubuhay pa ito. Hindi lang niya basta kasintahan si Raya, she was his bestfriend, too. Sa lahat ng taong nakapaligid noon sa kaniya, si Raya lang ang nakakaalam sa mga nararamdaman niya at nakakaintindi sa kaniya. She has been his calming system. His comfort. At hangang ngayon ay hindi niya matanggap ang naging kapalaran nila. Hangang ngayon ay sinisisi pa rin ni Liam ang sarili kung bakit nawala ang kasintahan niya. Simula nawala ito ay

    Huling Na-update : 2023-10-16
  • MR. DECKER's MAID (tagalog)   CHAPTER 9

    DAHIL sa napakaiksi lamang ng pasensya ni Yna at talagang ipinanganak siyang maldita, nilapitan niya si Lizzy at hinila ang pulang buhok nito. Hindi na niya inisip ang magiging resulta ng ginawa niya. Galit siya at kailangan niya iyong ilabas. Nagsisigaw ang babae. "Sino sa atin ang tanga, ha?" Gigil na sabi ni Yna kay Lizzy at walang balak bitawan ang buhok nito. "Hey, stop!" Awat naman ni Liam sa dalawa. "Ouch! Let go of me, bitch!" Patuloy na sigaw ni Lizzy na hindi alam paano babawiin ang buhok. "Bitch pala, ah! Uunatin ko ang buhok mong kulot!" Lalong sinabunutan ni Yna ang buhok ng babae. Para kay Yna, nagkakamali si Lizzy ng binangga! "What is happening here?" Ang biglang pagdating ni señora na gulantang sa nakitang tagpo. Doon pa lamang binitawan ni Yna ang buhok ng babae na agad naman na parang batang biglang tumakbo at nagtago sa likod ng ginang. "Oh my gosh, Lizzy. Nasaktan ka ba?" Nag-aalalang tanong ni señora sa bab

    Huling Na-update : 2023-10-17

Pinakabagong kabanata

  • MR. DECKER's MAID (tagalog)   CHAPTER 14

    NANG marinig ni Yna ang sinabi ni Liam ay natigilan siya. Ganoon ba kamahal ang batong 'yon? Nagkamali ba siya ng pagkilatis sa value ng bato? "M-mahal ba 'yan sobra?" Natitigilang usisa niya sa binata. Hindi nagbabago ang madilim na mukha ni Liam na nakatitig sa dalaga. Wari bang isa itong mabangis na hayop na anumang sandali ay sasakmalin siya. Lalo tuloy nadagdagan ang kaba ni Yna, sa unang pagkakataon ay ngayon lang yata tila nanginig ang kaniyang mga paa. "Tinatanong mo gaano ito kamahal?" Pagkaraan ay tumawa ng may pagkasarkastiko ang binata. "Someone gave it to me, and you'll never know the value of this things to me, Yna. Dahil hindi ka naman marunong magpahalaga ng mga bagay-bagay na ibinibigay sa'yo ng taong nasa paligid mo, hindi ba?" Kailanman ay hindi naging sensitibo si Yna sa mga bagay na sinasabi sa kaniya. But what Liam said hits different. May kung anong natumbok ang mga salitang iyon sa parte ng kaniyang pagkatao na nagpakirot sa kani

  • MR. DECKER's MAID (tagalog)   CHAPTER 13

    "GOOD MORNING!" Katulad kahapon, naging masigla rin ngayong umaga ang pagbati ni Yna kay Liam na nakaupo sa wheel chair nito at nasa loob lamang ng silid nito. Naisip ni Liam na nakuha pa nitong ngumiti ng ganoon, e ang late na nito sa pagpasok. Ni hindi nga ito ang nag-serve ng kape niya at almusal. "May dala ako para sa'yo," anang dalaga na lumapit kay Liam at iniaabot ang isang basket ng lansones na galing sa pananim na naroon din sa sakop ng hacienda ng mga Decker. Panandaliang natigilan si Liam at tinignan ang babae. For a moment, tila ba nakita niya si Raya sa katauhan nito. Maamo ang mukha at napakatamis ng ngiti. Madalas din siyang dalhan ni Raya noon ng lansones sa tuwing magtutungo ito sa mansion. May kung anong pinong kurot ang nadama ang binata pagkaalala sa dalaga. "Alam ko paborito mo ito," muling sabi pa ni Yna na todo ang ngiti. Ipinilig ni Liam ang ulo at nag-iwas ng tingin mula kay Yna. Pinanatili ang blankong ekspresyon ng mukh

  • MR. DECKER's MAID (tagalog)   CHAPTER 12

    "RISE AND SHINE!" malakas na sabi ni Yna habang hinahawi ang mga makakapal na kurtina sa silid ni Liam upang makapasok ang sinag ng araw. "Damn it! What are you doing?!" Asik ng binata na nagising nang tumama ang sinag ng araw sa mukha nito. Tinakpan nito ang mga mata dahil nasilaw na ito. "Good morning, Sir Liam. It's time for your breakfast in bed," energetic na sabi pa ng dalaga. Kinuha nito ang pagkaing ipinatong sa glass table na nasa silid ni Liam. Inilapit niya ang pagkain na 'yon sa binata na hindi maipinta ang mukha dahil sa pagkaistorbo mula sa pagtulog. Umayos ng upo si Liam, madilim pa rin ang mukha at halatang iritable. Pero hindi iyon pinansin ni Yna, desidido siyang magtagumpay sa mission niya sa binata. "What are you doing here?" Masungit pa rin ang tinig ng lalaki. Inayos ang puting t-shirt na suot. "Ipinagluto kita ng almusal," inosenteng sabi ni Yna na akala mo ay pagkabait-bait. Nangunot ang noo ni Liam. "It's su

  • MR. DECKER's MAID (tagalog)   CHAPTER 11

    "WHAT are you doing here?" Masungit na bungad ni Yna kay Mirka nang pagbuksan niya ito ng pinto nang gabing 'yon. "Sungit naman. Gusto mo?" Sabay taas ng dalawang bote ng coke na dala-dala nito. Mayroon din mga sitsiryang nakaipit sa kili-kili nito. Base sa ngiti ni Mirka, alam na alam na ni Yna ang gusto nito - ang makitsismis sa kaniya at paniguradong kukulitin na naman siya nito tungkol sa mga tanong nito kanina sa mansion ng mga Decker. "Pasok." Tsaka siya nagpatiunang umupo sa upuang kahoy sa kaniyang maliit na sala. Nalukot ang ilong ni Mirka, pagkakita sa ayos ng bahay-kubo ni Yna. "Grabe. Naglilinis ka pa ba ng bahay mo?" Usisa nito. "I have no time." Pero ang totoo ay wala talaga siyang hilig sa paglilinis ng bahay dahil nga hindi naman siya nasanay, maging sa sarili niyang silid sa Spain ay iba ang naglilinis. "Pero sa pagpapaganda sa gabi bago matulog may time ka, ane?" Sabay upo sa may hindi kalayuan kay Yna. "Ofcourse!

  • MR. DECKER's MAID (tagalog)   CHAPTER 10

    "WHEN Raya died, Liam locked himself in his own world. I feel like he's not my son anymore. Maraming pagbabago sa kaniya na lubos kong ikinalulungkot, hija." Tumingin kay Yna si Señor Renato at pilit na ngumiti. Pansin ni Yna ang lungkot sa mukha at mga mata nito. Pero hindi niya maunawaan kung bakit sinasabi ngayon nito ang mga bagay na 'yon sa kaniya, to think na ngayon pa lang sila nagkaharap. Napailing-iling ang ama ni Liam at sinabayan ng pagbuntong hininga. "Liam shut his world from us, mundong ginawa niya simula mamatay si Raya. My son, really love her to the point na kay Raya lang umikot ang mundo niya noong nabubuhay pa ito..." "Mawalang galang na, señor. Bakit niyo ho sinasabi ang mga bagay na 'yan sa akin? Do I have anything to do with that? I mean, ano ho ang nais niyong ipunto?" Ayaw pa naman ni Yna ang maraming paliguy-ligoy, dahil napakaikli lamang ng pasensya niya, bagay na namana niya yata sa kaniyang ama. Natawa ang kausap. There is a

  • MR. DECKER's MAID (tagalog)   CHAPTER 9

    DAHIL sa napakaiksi lamang ng pasensya ni Yna at talagang ipinanganak siyang maldita, nilapitan niya si Lizzy at hinila ang pulang buhok nito. Hindi na niya inisip ang magiging resulta ng ginawa niya. Galit siya at kailangan niya iyong ilabas. Nagsisigaw ang babae. "Sino sa atin ang tanga, ha?" Gigil na sabi ni Yna kay Lizzy at walang balak bitawan ang buhok nito. "Hey, stop!" Awat naman ni Liam sa dalawa. "Ouch! Let go of me, bitch!" Patuloy na sigaw ni Lizzy na hindi alam paano babawiin ang buhok. "Bitch pala, ah! Uunatin ko ang buhok mong kulot!" Lalong sinabunutan ni Yna ang buhok ng babae. Para kay Yna, nagkakamali si Lizzy ng binangga! "What is happening here?" Ang biglang pagdating ni señora na gulantang sa nakitang tagpo. Doon pa lamang binitawan ni Yna ang buhok ng babae na agad naman na parang batang biglang tumakbo at nagtago sa likod ng ginang. "Oh my gosh, Lizzy. Nasaktan ka ba?" Nag-aalalang tanong ni señora sa bab

  • MR. DECKER's MAID (tagalog)   CHAPTER 8

    MARAHANG inilapag ni Liam ang mga dalang bulaklak sa puntod ni Raya, pagkaraan ay sinindihan niya ang kandilang kulay pink na dala-dala. Paborito ni Raya ang kulay na 'yon. Malungkot siyang napabuntong hininga. It's been years, but Liam still feel the pain of losing her. "How are you, Raya? I bet you're having fun up there..." mahina at puno ng kalungkutang kausap niya sa puntod ng yumaong kasintahan na tila naroon lamang din ito. Nakaupo at nakangiti sa kaniya, gaya nang karaniwang ginagawa nito sa tuwing kinakausap niya noong nabubuhay pa ito. Hindi lang niya basta kasintahan si Raya, she was his bestfriend, too. Sa lahat ng taong nakapaligid noon sa kaniya, si Raya lang ang nakakaalam sa mga nararamdaman niya at nakakaintindi sa kaniya. She has been his calming system. His comfort. At hangang ngayon ay hindi niya matanggap ang naging kapalaran nila. Hangang ngayon ay sinisisi pa rin ni Liam ang sarili kung bakit nawala ang kasintahan niya. Simula nawala ito ay

  • MR. DECKER's MAID (tagalog)   CHAPTER 7

    "YNA!" Kasunod ng pagtawag na iyon ay ang sunod-sunod na katok sa kahoy na pinto sa bahay-kubo ni Yna. "Yna, ano ba? Oras na!" Boses ni Mirka. Pupungas-pungas na naupo ang dalaga na nagising sa mga pagkatok at pagtawag. Bumaba siya sa kaniyang maliit na higaan at pibagbuksan si Mirka. "Bakit ba ang ingay mo? Natutulog ang tao, e." Nameywang ang dalagang si Mirka at tinaasan ng kilay si Yna. "Aba, para sabihin ko sa'yo, oras na. Mag aalas sais na at tulog mantika ka pa. Hinihintay na tayo sa mansion." Dapat alas sinco pa lang ng umaga ay naroon na sila. Kaso nga lang ay talagang hindi kinakaya ni Yna ang bumangon ng ganoong kaaga. "Can you wait? Maghihilamos lang ako and maglalagay muna ako ng sunscreen and-" Tinakpan ni Mirka ang bibig ng dalaga gamit ang hintuturo nito. "Tapos ay maghahanap ka ng susuotin mo for today at aabutin ka ng siyam-siyam," pagtutuloy ni Mirka sa sasabihin sana ni Yna. Kabisado na nito ang r

  • MR. DECKER's MAID (tagalog)   CHAPTER 6

    "HOY, ADALINA! Dalian mo na diyan at pagabi na, girl," untag ni Mirka kay Yna na abala sa pagkalikot ng kuko, habang nakaupo sa paanan ng kama ni Liam. "Just wait, okay? Nabura kasi ang nail polish ko," maarteng sabi pa ni Yna, pero tumayo na rin naman upang tulungan si Mirka. Napasimangot si Mirka. Muling ipinaulit ni Liam ang paglalagay ng kobre kama, paglalagay ng kurtina at ang pagpupunas ng mga libro sa shelves. Pero this time ay kasama na ni Yna si Mirka. Tinulungan na siya upang makatapos agad at makauwi na sila bago mag alas siete ng gabi. "I'm hungry na," nakabusangot na ungot ng dalaga sa kasama. "Ikaw lang ba, girl? Gutom na rin ako, kaya dalian mo na diyan at nang makauwi na tayo." Uwian sila araw-araw. Isa sa mga rules ni Liam sa mansion ay stay-out na kasambahay at kabilang si Yna sa mga 'yon, kahit pa personal maid siya ng binata. Ang mayordoma, si Jamir at dalawang matagal na kasambahay lamang ang naiiwan sa mansion

DMCA.com Protection Status